Home / Romance / Billionaire found his Soulmate / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Billionaire found his Soulmate: Chapter 71 - Chapter 80

81 Chapters

Kabanata 071

Tahimik si Jhaira, halos hindi makahinga, habang unti-unting bumabalik ang lakas niya mula sa nangyari. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso niya, pero mas nararamdaman niya ang bigat ng damdamin ni Zach na nakasubsob pa rin sa kanyang leeg. Ang mga braso nito ay mahigpit pa ring nakayakap sa kanyang bewang, na para bang natatakot itong mawala siya muli.Nanginginig ang mga daliri niya habang dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ni Zach. Pakiramdam niya’y parang humupa na ang unos, ngunit naroon pa rin ang mabigat na tensyon sa pagitan nila. Hindi siya nagsalita; tanging mahihinang buntong-hininga ang pumuno sa pagitan nila.Narinig niya ang malalim na paghinga ni Zach, na para bang sinusubukan nitong kumalma. Ramdam niya ang pag-alog ng balikat nito, at unti-unti nitong iniangat ang mukha mula sa kanyang leeg. Ang mga mata nito’y mapupungay, puno ng emosyon na hindi kayang itago ng kahit gaano katigas na anyo.“I’m sorry…” mahina at halos pabulong ang boses ni Zach. Pero kahi
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Kabanata 072

Napapikit ng mariin si Jhaira at hingal na hingal habang patuloy ang mga bayo ni Zach sa kaniyang likuran, kung kaninang tanghali ay nasa may lamesa sila ngayon nag-iba na ang posisyon at ang kanilang lugar. Kasalukuyan silang nasa deck ng yate at nasa kalagitnaan sila ng dagat, hindi niya mawari kung naka ilang beses na sila ni zach ngunit sa nakikita niyang mga nagkalat na condom sa sahig ay alam niyang naka ilang litro na sila ng t***d na nailabas"O-ohhh Z-zachhh--ughhhh" hindi maubos ubos ang mga ungol niya habang mahigpit na nakakapit sa unan na nagsisilbing suporta para makakuha siya ng lakas Ang paglabas masok nang tumitindig na pagkalalaki ni zach ay nagdadala ng panginginig sa kaniyang buong katawan lalo na sa hita, idagdag pa na ang kamay ng binata ay minamasahe ang isa niyang dibdib at ang isa nitong kamay ay nasa kaniyang bewang upang iposisyon siya. Ang labi ni zach ay nasa kaniyang leeg, abala ito sa paghalik at pagdila sa kaniyang balat na nagpapadagdag ng kalibugan sa
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Kabanata 073

Mahimbing ang tulog ni Jhaira sa loob ng yate habang mahigpit siyang niyayakap ni Zach. Ang banayad na alon ng dagat ay tila nagpapatulog pa lalo sa kanya, ngunit kahit ganoon, ang mahigpit na yakap ni Zach ay tila nagpoprotekta sa kanya mula sa lahat ng kaguluhan sa mundo. Dahan-dahang nagmulat ng mata si Jhaira nang maramdaman niyang binubuhat na siya ng lalaki."Hmm..." mahinang ungol niya habang isiniksik ang mukha sa dibdib nito, tila ayaw pang magising. Ramdam niya ang init ng katawan ni Zach, isang pakiramdam na nagbibigay sa kanya ng kakaibang seguridad."Aalis na tayo?" tanong niya nang bahagya siyang magising, ang boses niya'y paos pa mula sa mahabang tulog.Hinaplos ni Zach ang buhok niya bago siya halikan sa noo. "Babalik na tayo," mahinang sagot nito, puno ng lambing. Sa kabila ng malalaking kamay ni Zach, maingat siyang ibinaba sa passenger seat ng sasakyan, parang iniingatan niyang huwag magising nang tuluyan si Jhaira. Inayos pa niya ang incline ng upuan nito para mas
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Kabanata 074

Mahimbing ang tulog ni Jhaira habang banayad na sumasagi ang sikat ng araw sa bintana ng kanyang kwarto. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay tila pinapanatili siyang komportable, ngunit may kakaibang pakiramdam siyang hindi siya pamilyar sa paligid niya. Nang tuluyan siyang magmulat ng mata, bumungad sa kanya ang malinis at eleganteng disenyo ng kwarto—puting kurtina, malambot na kama, at isang abot-langit na cabinet na gawa sa mamahaling kahoy."Nasaan ako?" mahina niyang tanong sa sarili habang bumangon at tinitigan ang paligid. Agad siyang tumayo, hindi alintana ang suot niyang oversized na shirt na mukhang hindi sa kanya. Sa bawat hakbang palabas ng kwarto, tila sumisikip ang dibdib niya, hindi niya maipaliwanag kung bakitSaka niya lang nalalaa na nasa kuwarto na pala siya ng mansyon ng kaniyang ina, parang kailan lang kasi at nawala na agad sa isipan niya. Nag-ayos siya ng damit at lumabas sa kwartoSa hallway, nakasalubong niya ang isang kasambahay na may dalang timba at mo
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Kabanata 075

Habang maghahatinggabi na, tahimik na naglalakad si Jhaira sa paligid ng kwarto, paulit-ulit na tumitingin sa mga damit na nakasampay sa open wardrobe na nasa gilid ng kama. Ang bawat piraso ng damit na naroon ay mukhang mamahalin — tila gawa ng mga sikat na designer at sinadyang ipasuot sa kaniya. Ngunit sa bawat silip niya, parang lalong lumiliit ang kumpiyansa niya sa sarili.Pinadala kasi ito ng ina niya kanina sa mga maids at sinabing siya na daw ang mamili ng damit na isusuot niyaPinulot niya ang green dress at idinikit sa katawan habang nakatingin sa salamin. "Parang... masyado akong maputi para dito," bulong niya sa sarili, sabay tiklop ulit sa damit. Kinuha niya naman ang red dress, ngunit nang ilapat niya ito sa sarili, naisip niya kung magiging masyado itong masigaw para sa okasyon. Sa huli, ang puting damit na lang ang natira sa kama—isang napakanipis at fitted dress na may eleganteng hiwa sa gilid. Ngunit ang tela nito ay tila masyadong mapangahas sa kanyang paningin.Na
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Kabanata 076

Habang nakaupo sa harapan ng vanity mirror, hindi maiwasan ni Jhaira ang kabang dumadaloy sa kanyang katawan. Ang kanyang mga daliri ay bahagyang nanginginig habang hinahaplos ang makinis na tela ng suot niyang puting dress.Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at sumilip si Jaem. "Anak, handa ka na ba?"Saglit na tumingin si Jhaira sa ina bago marahang tumango. Hindi siya sigurado kung handa na nga ba talaga siya, pero wala na siyang magagawa. Kailangan niyang humarap sa kanila."Let's go, sweetheart," wika ni Jaem bago siya hinawakan sa kamay at inakay palabas ng kwarto.Sumakay sila sa sasakyan, at habang binabaybay nila ang daan papunta sa engrandeng venue, lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Jhaira. Ramdam niyang lumalamig ang kanyang mga palad. Hindi lingid kay Jaem ang pag-aalalang iyon kaya marahan nitong hinaplos ang kamay niya, hinihimas-himas iyon sa paraang nagpapakalma."You'll be alright, anak. Nandito lang ako," mahinahong sabi ni Jaem, puno ng kasiguraduhan ang tinig nito.
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more

Kabanata 077

Tumayo si Jhaira sa isang sulok ng malawak na garden, hindi kalayuan sa main area ng party. Tahimik siyang nakamasid sa direksyon ng isang mesa kung saan nakaupo sina Risa at Diane, kasama ang ilang miyembro ng pamilyang Olsen na kararating lang. Naroon din ang lolo at lola ni Zach, pati ang mommy nito. Halata ang matinding tingin ng matanda kay Diane, ngunit tila wala naman itong pakialam. Sa halip, patuloy lang siyang abala sa pagtipa sa kanyang cellphone, paulit-ulit na may tinatawagan—pero halatang hindi siya sinasagot.Samantala, si Risa ay mahinhing nakangiti habang nakikipag-usap sa lolo ni Zach at sa mommy nito. Wala itong kahit anong interes na sumali sa ginagawa ni Diane. At habang patuloy si Jhaira sa pagmamasid, narinig niya ang bulungan ng mga bisita sa kanyang likuran."Iyon ang fiancée ni Zach, di ba? She's really beautiful in person.""Yeah, pero nasaan si Zach? Hindi ba niya kasama dapat si Diane?""Maybe he's busy. I heard Mr. Mark chose to partner with the Olsen pat
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

Kabanata 078

Dahil sa naging desisyon ni Mark na gawing endorser si Jhaira, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para umatras pa. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari, ngunit sa huli, hindi niya rin maintindihan kung bakit parang may bahagi sa kanya na gusto ang nangyari. Kung bakit may kakaibang saya siyang nararamdaman sa ideyang hindi si Diane ang magiging mukha ng produktong iyon.Kaya heto siya ngayon, nakasunod kay Mark habang papasok sa isang private meeting room. Ramdam niya ang bawat pagtama ng tingin ng mga taong naroon. Lahat ay napatingin sa kanilang dalawa, at kita niya ang gulat sa mukha nina Risa, Diane, at maging ng lolo't lola ni Zach. Naroon din ang dalawang matatandang mukhang investors, parehong seryoso at nagmamasid sa kanila.Napansin niyang agad na napatayo si Risa nang makita sila. Kita sa mukha nito ang hindi makapaniwalang ekspresyon."Ano'ng ginagawa mo rito?" Mariing tanong ni Risa kay Jhaira, diretsong tumingin kay Mark. "She's not part of this meeting."
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

Kabanata 079

Pagkaupo ni Zach sa upuan, agad na bumaling sa kanya si Mark, hindi alintana ang tensyon sa silid. Tahimik ang lahat, naghihintay sa susunod na mangyayari."So," panimula ni Mark, nag-aayos ng kwelyo ng kanyang suit. "Let’s talk about why Jhaira is the perfect face for this product."Ramdam ni Jhaira ang titig ng lahat sa kanya, ngunit pinilit niyang hindi maapektuhan. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon, kahit pa ramdam niyang nanunuyot ang lalamunan niya."Jhaira has everything we need for this project," seryosong saad ni Mark, walang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang tono. "She has the look, the poise, and most importantly, she represents the fresh and sophisticated image we want."Tila napuno ng mas mabigat na tensyon ang silid sa sinabi niyang iyon. Ilang segundo ang lumipas bago biglang nagsalita si Risa."So, sinasabi mo bang walang ganon ang anak ko para maging face of the product?" madiing tanong nito, ang boses niya ay may bahid ng pait at galit.Mabilis na napuno n
last updateLast Updated : 2025-02-01
Read more

Kabanata 080

Malalim na bumuntong-hininga si Jhaira habang pinagmamasdan ang mala-rosas na labi ni Zach. Napalunok siya, lalo na't nasa tapat na niya ito, at pakiramdam niya'y gusto niyang lumapit ang lalaki para magdikit ang kanilang mga labi. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung paano ito haharapin.Ang titig ni Zach ay masyadong matalim, parang sinisipsip ang buong atensyon niya. Ramdam niya ang init na unti-unting gumagapang sa kanyang katawan, lalo na't tila sinusuri ng lalaki ang bawat galaw niya. Nahihiya siya, hindi dahil sa kaba, kundi dahil pakiramdam niya'y natutunaw siya sa paraan ng pagtingin nito."Uhm... aalis na ako," mahina niyang sabi, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki.Ngunit bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Zach ang kanyang braso at isinandal siya sa railing. Napasinghap siya sa gulat, lalo na nang ilagay ng lalaki ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng kanyang katawan, kinukulong siya sa pagitan ng mainit nitong presensya."Saan ka pupunta?"
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status