Kinabukasan ay makikita ang sanhi ng pagpupuyat ni Jhaira sa ilalim ng kaniyang mata, masakit din ang kaniyang ulo at wala na sa tabi niya si Zach. Pinagmasdan niya ng ilang saglit ang higaan ni Zach bago napagdesisyunang mag-ayos para sa umaga, kahit na masakit ang ulo ay pinilit niyang tumayo Mag-isa niya lang sa condo at walang bakas ng anino ni Zach ang naroon, nasa isip niyang mukhang maaga itong pumasok sa kompanya nito. Nagluto siya ng breakfast at uminom narin ng gamot para maibsan ang sakit ng ulo, pumapasok sa isipan niya ang nakitang message ni Diane kagabi kay Zach Sobra sobra ang pag iisip niya roon kaya hindi siya nagkaroon ng maayos na tulog, hindi niya rin naman kayang tanungin si Zach tungkol roon. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang karapatan kay Zach, hindi sila legal at higit sa lahat kontrata lamang ang dahilan ng kanilang pagsasama. Bumuntong hininga siya at naisipang tawagan na lang si Jewel para tanungin at kamustahin ito, ilang segundo ng sumagot ang kaibiga
Terakhir Diperbarui : 2025-01-02 Baca selengkapnya