Napatingin si Jhaira kay Zach, pilit pinapakalma ang sarili. Ilang araw na siyang nakakulong sa condo na ‘to, at wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking ‘to na parang walang balak siyang pakawalan.“Zach, kailangan ko talagang pumasok,” mahinang aniya, pilit na pinapalambot ang tono niya.Hindi nagbago ang anyo ng binata. Malamig ang titig nitong nakatuon sa kanya, halatang hindi natitinag.“Hindi puwede.”Napapikit siya, nagbuntong-hininga. Kung ibang sitwasyon lang ‘to, baka napasigaw na siya. Pero alam niyang walang saysay.“Zach—”“You’re dizzy, you vomit in the morning, and you barely eat,” putol nito, boses niya'y matigas, puno ng conviction. “You’re not leaving.”Napairap siya, pilit na kinakalma ang sarili. “Baka stress lang—”“Or baka buntis ka.”Huminto siya.Parang biglang naging sobrang liit ng mundo niya. Natahimik siya, at hindi niya rin magawang tumingin kay Zach. Ramdam niyang tinititigan siya nito, hinihintay ang sagot niya, tinitimbang ang bawat galaw niya.“I
Huling Na-update : 2025-03-16 Magbasa pa