All Chapters of Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire: Chapter 21 - Chapter 29

29 Chapters

Kabanata 21

Nanatili si Selene sa loob ng sasakyan ng mahabang. Idinukdok niya ang kaniyang ulo sa manibela habang mahigpit na ikinukuyom ang kanyang mga daliri, tahimik lang siya roon na tila isang pipi. Ilang beses tumubog ang kanyang telepono dahil sa tawag, ngunit hindi ito binibigyang pansin ni Selene. Pagkatapos ng mahabang oras, dahan dahan siyang umapos ng upo at binuksan ang bintana ng sasakyan upang makahinga ng ilang sandali. Ilang minuto ang lumipas nang unti-unting tumatag ang kanyang emosyon. Kinuha ni Selene ang kanyang telepono mula sa kanyang bag. Basically, lahat ng mga tawag na kanyang natanggap ay mula kay Gianne Novelo. Kakabalik lang ni Gianne sa Pilipinas ilang araw na ang nakalipas, "Selene! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Huminga ng malalim si Selene, "Naging abala lang ako ngayon." aniya. Pinakinggan ni Gianne ang bahagyang namamaos na boses ni Selene at naramdaman niyang tila may mali, "Ano bang nangyayari sa iyo? Inaabuso ka na naman ba ng Mr.
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Kabanata 22

Nakinig si Gianne sa depress na boses ni Selene at nakaramdam ng bahagyang pighati para dito. "Selene, pupunta ako sa ospital para hanapin ka at imbitahan ka sa hapunan, para naman maisantabi mo iyang mga hindi masasayang bagay sa paligid mo." "Okay." masunuring saad ni Selene. Matapos ibaba ang telepono, nagpatuloy lang si Selene na maupo sa loob ng kotse at nakatitig sa kawalan. Marahil ay iniisip na niya kung ano ang magiging resulta sa oras na sinabi niya kay Davron ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa personal. Walang labis na pananabik si Davron na magpakasal. Hindi niyo inisip n ang kasal ay isang sagrado at maganda. Noong nakaraang taon noong New Year, maraming bisita ang dumating sa pamilya Zalderriaga. Katatapos lang manganak ng pinsan ni Davron ng isang magandang anak na babae na napaka-cute ng hitsura. Bilog at malambot na maliit ang mukha, maputi at malambot na balat, itim na kulay ng mata, at mga mata na nagmamasid sa paligid. Ayaw pa ngang bumitaw ng
last updateLast Updated : 2024-12-21
Read more

Kabanata 23

Masyadong nalito si Selene sa biglaang inasta ni Davron. Lihim siyang tumakbo palapit sa mga katulong para magtanong, "May nagpunta ba dito sa bahay ngayon?" "Wala naman pong nagpunta, Young Madam." Mas lalo pang nagtaka si Selene. Matapos itong pag-isipang mabuti, inuri ni Selene ang pabagu-bagong ugali ni Davron bilang isang pasulput-sulpot na estado. Sa kabutihang palad ay kalmado naman si Davron sa halos lahat ng oras. Inaantok na ngayon si Selene at wala ng lakas pa na hulaan kung ano ang iniisip ni Davron. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nakatulog kaagad pagkahawak niya palang sa unan. Hindi pa rin nagigising si Selene nang mag-oras na para sa hapunan, nanatili siyang nakabalot sa quilt. Tumingin si Davron sa bakanteng upuan sa hapag nang may istriktong mukha, "Nasaan ang young madam ninyo?" "Mukhang hindi pa po siya bumababa pagkatapos niyang umakyat sa taas." "Tawagin mo siya." ani Davron. Hindi nakayanan ni Madam Zalderriaga ang hindi istriktong m
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

Kabanata 24

Ang pinakamalalim na impresyon ni Davron kay Selene ay ang talagang pagiging masunurin at matino nito. Mukhang wala naman itong gagawin para mapahiya siya. Ngunit madali para sa isang lalaki at isang babae na aksidenteng magkagulo. May panunuya si Davron sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay malamig na walang katulad. Sa sandaling ito, talagang galit na galit siya. Talagang hindi siya masaya na maaaring buntis nga si Selene. Ang dahilan kung bakit hindi nagduda si Davron na ang posibleng bata na ito ay sa kanya ay dahil sa gumagawa siya ng mga hakbang bawat oras. Hindi rin niya gustong painumin si Selene ng gamot, tutal hindi naman ito nakakabuti sa kalusugan ni Selene. Noon lang na nawalan ng kontrol si Selene. Pinaalalahanan din Davron si Selene na uminom ng gamot pagkatapos. At hindi naman tipo ng isang tao si Selene na nalilito. Sa kabaligtaran ay napakatalino ni Selene. Hindi siya gagawa ng ganoong klase ng katangahan. Pag-aari niya ang kaniyang katawan. Kung hin
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

Kabanata 25

Natigilan si Selene dahil sa tanong at bahagyang nalito. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ang ekspresyon ni Davron na talagang malungkot at hindi maipinta. Nasulyapan niya ang hindi gumagalaw na adam's apple niti, at ang mga kilay at mga mata, na noon ay palaging banayad, ay malamig at mabisyo. Medyo nanakit na ang baba ni Selene mula sa pagkurot ni Davron sa kanya, "Hindi." pabulong niyang sambit. Tumingin sa kanya si Davron nang may ngiti. "Secretary Averilla, pag-isipan mo munang mabuti bago ka magsalita." Nasalubong ni Selene ang malamig na mga mata ng lalaki at muling natigilan. Nagsimulang magduda si Selene kung talaga bang may nagawa siyang anumang bagay na ikababagsak ni Davron nitong mga nakaraang araw. Hindi naman niya binenta ang mga sikreto ng kumpanya. Hindi niya ibinunyg kahit isang salita tungkol sa itinerary tulad nokng mga babaeng nagpunta sa kumpanya para magtanong ng kinaroroonan ni Davron. Umiling si Selene bilang pagsang-ayon, "Hindi, Mr. Zalderria
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more

Kabanata 26

Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, halos walang kahit ano na makakapagpasaya kay Selene. Ang tanging mga taon na nakakahinga siya ng maluwag ay panigurado ang carefree na labing anim o labimpitong taong gulang ng ibang tao. Ang kalagitnaan ng tag-araw noong siya ay pinakabata. Bukod sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina, wala na siyang ibang dapat pang ikalungkot. Araw-araw ay palihim niyang pinagmamasdan ang taong gusto niya. Matagal na naupo si Selene sa lounge chair sa ibaba ng kumpanya. Sobrang pagod talaga siya. May pagka-inip niyang tiningnan ang mga taong dumadaan. Karamihan sa kanila ay nagmamadaling magtrabaho. May mga batang nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat, at mga part-time na estudyante sa kolehiyo na nagbebenta ng mga bulaklak. Tulala na tinitigan ni Selene ang mga rosas sa kanilang mga kamay. Puno ng mga rosas ang likod bahay ng pamilya Zalderriaga. Ngunit ni isa ay walang para sa kanya. Pagod na tumayo si Selene at binalot ang sarili ng mahigpit ga
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

Kabanata 27

Tila kumalma naman ang dugo ni Selene sa pagkakataon na ito. Pinigil niya ang paghinga, inangat ang nanginginig na mga pilikmata, at maingat na sumulyap sa papel na nasa kamay ni Davron. Isang kulay abo na imahe ang naka-imprenta sa puting papel. Maging ang border nito ay malinaw na nakikita. Nanigas si Selene sa kaniyang kinatatayuan, at ang kanyang mga paa ay tila may mga kuko at napuno ng tingga na tubig. Napakabigat ng mga ito kaya hindi niya magawang buhatin ang mga ito. Halos wala rin siyang lakas ng loob na tingnan ang ekspresyon ni Davron sa mga oras na iyon. Inilagay ni Selene sa shredder ang lahat ng mga test report na kinuha niya sa ospital. Itong B-ultrasound report lang ang hindi niya kayang itapon, at itinago sa loob ng cabinet. Ngayon ay hindi na niya alam kung paano pa ito nalaman ni Davron. Pinilit ni Selene na pakalmahin ang kanyang sarili. Marahil na ang hawak ni Davron ay ang sarili niyang test report, at maaaring hindi ito kay Selene. Ikinuyom niya ang kany
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more

Kabanata 28

Halos maputol na ang balat ni Selene sa matulis na gilid ng papel. Ang sikreto na halos isang buwan niyang itinago ay tila bigla na lamang ikinalat isang araw. Nahuli siya sa kawalan. Kinuha ni Selene ang listahan na iniabot ni Davron. Hindi niya ito nilingon, bagkus ay itinago niya iyon ng tahimik. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay tumingin sa kanya si Selene, "Oo, buntis ako." ani Selene nang may kagaanan ng loob. Matagal na niya itong tinatago. Kailangan pa rin niyang makita ang liwanag ng araw. Natatakot siya na baka makakita siya ng anumang mga pahiwatig sa mga darating na araw na ito, natatakot siya na kailangan pa niyang harapin ang kalupitan ni Davron sa susunod na mga segundo. Ngunit pagkatapos niyang ipaalam ang tungkol dito, tanging kapayapaan lang ang nasa puso niya. Tuluyang nahulog ang malaking bato na nahuhulog sa hangin. Nalasahan ni Selene ang mapait na lasa sa dulo ng kanyang dila. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari, ngunit nahulaan na
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more

Kabanata 29

Napakahusay na nakakapaglabas ng emosyon ang mga luha. Dahan-dahang itinaas ni Selene ang kanyang mapupulang mga mata at tumingin sa walang pakialam na mga mata ng lalaki, "Sa totoo lang, ilang araw na akong nagpaplano na sabihin ito sa iyo." Nasa hustong gulang naman na sila. Hindi na dapat sila masyadong isip-bata at impulsive. Kahit na anong mangyari, inosente ang bata. Dahil lang naman ito sa kanyang kawalang-ingat kaya nabuo ang munting buhay na ito. Kahit na gustong ipanganak ni Selene ang bata, kailangan niya pa rin itong sabihin kay Davron. Ang isang bata na lumaki sa isang solong magulang na pamilya ay hindi kasing ganda ng ipinapakita sa mga drama sa TV. Sa pinansyal, maaaring hindi niya kayang ibigay sa kanyang magiging anak ng pinakamagandang buhay. Sa emosyonal naman, gaano man kalapit ang ina, hindi niya mapapalitan ang tungkulin ng isang ama. Napakaraming isinaalang-alang ni Selene, at hindi na importante para kay Davron na gumanap bilang isang ama. Kung ayaw
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status