Home / Romance / UNCHAINED MY HEART / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of UNCHAINED MY HEART : Chapter 71 - Chapter 80

231 Chapters

Unchained my Heart Chapter 71

Ang huling araw ng paglilitis ay puno ng tensyon. Sa loob ng courtroom, bawat tao ay nakatuon ang pansin sa hukuman. Tumayo si Michael, kalmado ngunit halata ang determinasyon sa kanyang tindig. Sa kabilang panig naman, si Ruby ay nag-aalab ang mga mata, halatang naniniwala pa rin siyang kaya niyang manalo.Sa umpisa ng hearing, iniharap ng bawat kampo ang kanilang mga ebidensya. Nagsimula ang abogado ni Ruby sa pagpapakita ng mga dokumento at transaksyon na tila nagpapakita ng partisipasyon ni Christine sa negosyo. Ngunit nang suriin ang mga ito ng hukuman, napansin ang mga hindi tugmang detalye—mga lagda na halatang kinopya, mga numero sa resibo na peke, at mga transaksyong hindi kailanman naganap.Pagkatapos ay tumayo si Michael at humarap sa hukuman. Hawak niya ang mga ebidensiyang magsisilbing susi sa kaso. Isa-isa niyang ipinakita ang mga tunay na dokumentong nagpapatunay ng pamemeke ni Ruby. Naroon ang mga email na nagpapakita ng plano ni Ruby na ilipat ang mga pondo ng negosyo
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Unchained my Heart Chapter 72

Habang naglalakad si Michael palayo mula sa courtroom, hindi pa rin maalis sa kanyang isip si Jasmine. Tiningnan niya ito ng saglit mula sa di kalayuan, nakita niyang kausap nito ang ibang abogado, ngunit hindi niya nagawang lumapit o magbigay pansin. Muling bumalik ang mga alaala ng kanilang mga sandali—ang mga tawa, ang mga lihim na binanggit, at ang mga gabi ng magkasama. Ngunit ngayon, tila ang lahat ay nagbago.Si Jasmine naman, na naramdaman ang mga mata ni Michael sa kanya, ay hindi nakaligtas sa isang kakaibang pakiramdam. Para bang may kirot na sumabog sa kanyang dibdib, at isang sakit na hindi niya maipaliwanag. Sa mga nagdaang linggo, ilang ulit siyang nagpakumbaba, nagbigay ng pagkakataon kay Michael, ngunit parang hindi siya pinansin ni Michael ngayon. Tinutukso siya ng sarili niyang isip—bakit nga ba siya nasasaktan?"Mabuti na rin ito," ang bulong ni Jasmine sa sarili habang pinapanood ang papalayong si Michael. "Sa simula pa lang, hindi naman seryoso ang relasyon namin
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Unchained my Heart Chapter 73

"Ma, baka hindi ko lang kayang magmahal ulit," tahimik niyang sagot. "Baka hindi ko kaya ang sakit."Naramdaman ni Stella ang kalungkutan sa boses ng anak. "Huwag mong gawing dahilan ang nakaraan, anak. Hindi lahat ng relasyon ay magkapareho. Ang bawat pagmamahal ay may sariling kwento."Nakita ni Michael na nahulog ang mga mata ni Stella sa mga salitang iyon. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit siya naging ganito—bakit parang may isang pader na bumangon sa kanyang puso mula nang mawalan siya ng tiwala kay Jasmine. "Hindi ko na kayang magsimula ulit," ani Michael, ngunit hindi siya sigurado kung siya na ba talaga ang nagsasalita o ang mga sugat mula sa nakaraan."Anak," sagot ni Stella, "huwag mong kalimutan na ang buhay ay patuloy na umuusad. Baka ang paghihintay mo ay magiging isang pag-aaksaya ng oras. Hindi mo alam kung kailan darating ang tamang pagkakataon."Tila may kakaibang liwanag sa mga salitang iyon ng kanyang ina, ngunit sa kabila ng mga ito, si Michael ay nanatiling
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Unchained my Heart Chapter 74

Isang buwan ang lumipas, at sa wakas ay natutunan na rin ni Michael ang mag-move on mula kay Jasmine. Hindi naging madali ang proseso, pero unti-unti niyang tinanggap na ang kanilang kwento ay isa lamang bahagi ng kanyang nakaraan. Nagpokus siya sa kanyang trabaho at sa muling pagbangon ng Luna Firm, na naging mas matatag dahil sa kanyang dedikasyon.Isang hapon, habang namimili si Michael sa mall para sa ilang personal na gamit, napadaan siya sa cinema. Ang bawat hakbang niya ay parang mabagal, parang may hinihintay ang kanyang isip na hindi niya maipaliwanag. At doon niya nakita si Jasmine. Kasama nito ang isang lalaki, masayang nag-uusap habang nakapila para sa ticket.Para bang saglit na huminto ang mundo ni Michael. Ang ngiti ni Jasmine na minsang para sa kanya, ngayo’y para sa iba na. Tumama ang realidad na nagsimula nang buksan ni Jasmine ang kanyang puso sa iba. May kirot na sumagi sa kanyang damdamin, pero mabilis niya itong itinulak palayo. Wala nang karapatan si Michael na
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Unchained my Heart Chapter 75

Ito na naman... ang buhay na puno ng mga plano ni Mama, naisip niya habang bahagyang napangiti. Pero sino ba ako para tumanggi?Habang abala si Michael sa pagharap sa tambak na mga dokumento sa kanyang opisina, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot-noo siya nang makita ang pangalan ng kanyang ina na si Stella na tumatawag. Alam na niya ang inaasahan sa tawag na iyon. Mabilis niyang pinindot ang sagot, ngunit hindi pa man siya nakakapagsalita, narinig na niya ang pamilyar na boses ng kanyang ina na may halong pagkabahala at galit."Anak, diba sabi ko isang buwan? Lumipas na ang isang buwan!" bungad ni Stella, halatang galit. "Ano ba, Michael? Wala ka bang balak na gawin kaming grandparents? Alam mo, hindi na kami bumabata ng papa mo!"Napabuntong-hininga si Michael at napailing habang hawak ang telepono. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis. "Ma, busy ako. Ang dami kong trabaho dito sa firm. Wala pa sa plano ko ang makipag-date," sagot niya, pilit na pinapakalma ang boses
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Unchained my Heart Chapter 76

Habang kumakain, naging natural ang usapan. Tungkol sa kanilang trabaho, sa pamilya, at sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila. Hindi nagtagal, tila nawala ang kaba ni Michael. May kakaibang sigla si Katherine—parang may taglay itong likas na positibong enerhiya na nakakahawa."Sa States ka pala galing? Bakit ka umuwi?" tanong ni Michael habang sinisipsip ang kanyang kape."Napagod na rin sa bigat ng schedule doon," sagot ni Katherine. "Gusto kong makasama ulit ang pamilya ko, at siguro... makahanap ng bagong dahilan para manatili." Tila may malalim na ibig sabihin ang huling bahagi ng kanyang sinabi, ngunit hindi ito binigyang-diin ni Katherine.Napangiti si Michael at tinanong, "Balak mo bang mag-stay nang matagal dito?""Depende," sagot ni Katherine na may bahagyang pag-iwas ng tingin. "Kung may dahilan para manatili."Matapos ang kanilang unang pagkikita, hindi maikakailang may iniwang magandang impresyon si Katherine kay Michael. Habang pauwi, tahimik si Michael sa loob ng sasakya
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Unchained my Heart Chapter 77

Kinabukasan, nagimbal ang buong bansa sa balitang pumutok sa social media at mga balita sa telebisyon. Ang headline ay malinaw na may hatak sa publiko: “Councilor Nahuling Nakipaglampungan: Kontrobersiyal na Sex Video, Kumalat sa Internet!”Si Ibarra Mempis, isang kilalang councilor ng Caloocan, ay nahuling nakikipagrelasyon sa isang modelo na si Brina Lopez. Ang eskandalo ay nagsimula nang mabuking ito ng kanyang kinakasama na si Pearl Silangan, ang matagal na niyang partner sa loob ng sampung taon at ina ng kanyang isang taong gulang na anak.Sa isang pahayag ng news anchor, tumutok ang lahat sa balita:“Ang councilor ng Caloocan na si Ibarra Mempis ay nahuli ng kanyang partner na si Pearl Silangan sa akto ng pakikipaglampungan sa modelo na si Brina Lopez. Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa isang kilalang hotel sa Makati. Hindi natapos dito ang kontrobersiya dahil kinumpirma ng mga awtoridad na may kumakalat ngayong mga sensitibong larawan at video ng councilor kasama ang natura
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Unchained my Heart Chapter 78

Tahimik na tumango si Katherine. “Kung may kaya kang gawin para makatulong, gawin mo, Michael. Pero siguraduhin mong hindi masusunog ang sarili mo sa prosesong ito.”Habang nakatingin si Michael sa malayo, alam niyang magiging mabigat ang laban. Hindi lang ito usapin ng legalidad, kundi pati moralidad. Isa na namang hamon ang kanyang haharapin—isang hamon na maaaring magbago sa takbo ng kanyang buhay at karera.Habang nagtitimpla ng kape, naramdaman ni Jasmine ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan ng eskandalo ni Councilor Ibarra. Siguro dahil nakita niya ang parehong tema—ang sakit ng pagkakanulo, ang pagkawasak ng tiwala, at ang brutal na paghusga ng lipunan.Habang iniinom ang mainit na kape, bumalik sa kanyang isip ang huling beses na nag-usap sila ni Michael. Hindi niya matanggal ang imahe nito sa mall kasama ang babaeng niyakap nito nang may lambing. Isang kirot ang sumundot sa kanyang puso. Alam niyang wala siyang karapatang magreklam
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Unchained my Heart Chapter 79

Ramdam ni Jasmine ang bigat ng sitwasyon ni Pearl. “Pearl, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Pero ang laban na ito ay hindi magiging madali. Kailangan mong maging matatag. Tutulungan kita, pero kailangang handa ka sa proseso.”“Oo, Jasmine,” sagot ni Pearl, umiiyak. “Wala akong ibang pwedeng takbuhan. Ayokong makita ng anak ko na ganito ang buhay namin.”Matapos ang tawag, nagmuni-muni si Jasmine. Alam niyang magiging mahirap ang kasong ito, lalo pa’t si Michael Luna ang abogado ni Councilor Ibarra.Habang abala sa paghahanda ng mga dokumento sa kaso, pumasok si Monique, isa sa mga katrabaho ni Jasmine. “Jasmine, narinig mo na ba?” tanong nito, mukhang nag-aalala. “Si Michael Luna daw ang abogado ni Councilor Ibarra. Narinig ko lang kanina sa korte.”Natigilan si Jasmine. “Talaga?” tanong niya, pilit na itinatago ang kanyang reaksyon. Hindi niya maitatanggi na parang may kung anong sumundot sa kanyang damdamin. at naisipan niya na tanggapin ang pagiging abogado ni pearl silangan.
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Unchained my Heart Chapter 80

Kinabukasan, nagtipon na sa korte sina Councilor Ibarra Mempis at Pearl Silangan para sa unang hearing ng kanilang kaso. Ang korte ay puno ng tensyon, at kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang bigat ng kanilang pinagdadaanan. Si Ibarra, sa kabila ng kanyang pagiging isang public official, ay nagmukhang pagod at balisa. Samantalang si Pearl, bagamat may lakas ng loob, ay nahirapan ding magtago ng sakit at galit sa kanyang mga mata.Sa pagpasok nila sa courtroom, ang mata ng publiko at ng mga mamamahayag ay naka-focus sa kanila. Ang kwento ng kanilang eskandalo ay nag-umpisa pa lamang, ngunit sa mga unang minuto ng hearing, malinaw na magiging isang mahirap na laban ito para sa magkabilang panig.Si Michael Luna, ang abogado ni Ibarra, ay nakatayo sa tabi ng kanyang kliyente, handang ipagtanggol ito laban sa mga akusasyon. Si Jasmine naman, ang abogado ni Pearl, ay kasing lakas ng loob at determinasyon ang ipinakita. Hindi siya matitinag sa bigat ng kasong ito, at ipinakita niyang handa s
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more
PREV
1
...
678910
...
24
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status