Home / Romance / My Daddy Boss / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of My Daddy Boss: Chapter 11 - Chapter 20

106 Chapters

CHAPTER 11

Tahimik na pumasok si Lenie sa opisina ni Alexis. Walang emosyon. Gusto niya kasing tanungin ito regarding kay Sapphire pero dahil hindi pa naman sila ay nag-aalangan siya. Napansin naman iyon ni Alexis kaya agad niyang tinanong si Lenie kung may problema ba ito sa kanya. "Lenie, may problema ba tayo? Sa pagkakaalala ko kasi, okay naman tayo kagabi ah. Anong meron at napakaseryoso ng mukha mo?" tanong ni Alexis, naguguluhan pa rin kay Lenie. "Wala naman po, Sir Alexis. Ano po bang gagawin ko at pinatawag ninyo ako? Sabihin niyo na po dahil marami akong ginagawa," mataray na sagot ni Lenie. Ni hindi nga niya tinitingnan ang kanyang boss. "Lenie, kilala kita. Ano ngang problema mo sa akin? Hindi ka aalis sa opisina ko hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko," sabi ni Alexis, halata na ang inis sa kanyang boses. "Ikaw. Ikaw ang problema ko! Sabi mo sa akin, walang namamagitan sa inyo noong Sapphire na
last updateLast Updated : 2024-11-10
Read more

CHAPTER 12

Late nang nag-out sa trabaho si Lenie noon dahil sa dami ng kanyang ginawang trabaho. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil kung wala siyang ginagawa ay baka lalo lang niyang maisip si Alexis at Sapphire. Ang hindi niya alam, sinadya ng kanyang boss na hintayin siyang matapos magtrabaho. “Are you finish with your work?” tanong ni Alexis na kinagulat naman ni Lenie. Nanlaki ang mata niya dahil alam niyang may pupuntahan ito kasama si Sapphire. “O, bakit ka nandito? Akala ko ba, may lakad kayo ni Sapphire? Anong oras na, ah. Sige ka, baka mamaya ay magalit sa iyo iyon,” sagot ni Lenie, habang inaayos ang kanyang gamit. “I cancelled it. Mas importante ang makausap kita at maayos kung ano man ang problema natin. Pwede naman ‘yon, di ba? Bibigyan mo naman ako ng another chance?” hiling ni Alexis, kita ang lungkot sa mga mata niya pero hindi na ganoon kadali maniwala si Lenie sa mga lala
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

CHAPTER 13

Dahan-dahan niyang pinatong ang kanyang bag sa lamesa. Hindi nga siya narinig noong dalawa dahil sa sobrang ingay nila sa paglalaro. Napailing na lang si Lenie nang makita ang isang malaking robot ng isang sikat na palabas sa TV. Ilang beses na niyang sinubukan na magtanong sa mga online shop kung magkano iyong laruan na iyon pero kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang bilhin dahil sobrang mahal nito. Ultimo ‘yong secondhand ay hindi niya kaya.“Alexis, bakit nandito ka? Di ba ang sabi ko ay umuwi ka na? Saka, bakit mo binilhan si Javi ng laruan? Ang mahal niyan, di ba?” may inis sa tono ng boses ni Lenie.“Ah, Lenie. Nandyan ka na pala. Naku, pangako ko kasi sa kanya iyan noong huli kong punta. Tinupad ko lang. A-Ayos lang naman siguro sa Mommy niya ‘yon di ba?” sagot ni Alexis, tila naguguluhan kung tama ba o mali ang ginawa niya.“Alexis, sana man lang sinabihan mo ako na bibili ka niyan para sa kanya,”  sabi ni Lenie pagkatapos ay lumapi
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

CHAPTER 14

Nagmadali si Lenie na pumasok sa opisina para kausapin si Alexis tungkol sa nangyari roon sa ospital pero agad siyang pinigilan ni Zyra. Naguguluhan siya kaya agad niyang tinanong ang kaibigan kung anong meron. Alam kasi ni Lenie na wala namang meeting sa umaga si Alexis kaya impossible na dahil iyon doon."Bakit? May urgent meeting ba siya? Ang alam ko kasi, wala. Iyon din naman ang sinabi niya sa akin kahapon.""P-Parang urgent meeting nga. Basta, ganoon na nga iyon. Kung ako sa iyo ay mamaya mo na lang siya kausapin, ha? Magtrabaho ka muna," sagot ni Zyra, mabilis na bumalik naman ito sa kanyang cubicle at nagtrabaho na.Pakiramdam ni Lenie ay may hindi sinasabi ang kaibigan niya sa kanya kaya tinanong niya ulit ito. Kakaiba kasi ang kilos ni Zyra, para bang may tinatago ito sa kanya. "Zy, may problema ba? Bakit ba biglang bawal na pumunta ako sa opisina ni Alexis? Nandoon ba si Ma'am Beverly?" may takot ang tanong na iyon ni Lenie dahil alam niyang ayaw sa kanya ng nanay ni Alexi
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

CHAPTER 15

Late na noon umuwi si Lenie dahil inis na inis pa rin siya kay Alexis. Ang hindi niya alam ay hinihintay siya nito sa labas ng opisina para roon kausapin. Pasakay na sana si Lenie noon ng tricycle nang biglang harangin siya ni Alexis. Napapikit na lang siya sa inis."Manong ako na po dyan. Girlfriend ko naman po iyan. Sige, manong. Ito po ang bayad dahil sa abala," sabi ni Alexis, nanlaki ang mga mata ni Lenie nang marinig ang salitang girlfriend kay Alexis."Mukhang may lovers quarrel pa po kayo, Sir ah. Sige po, kayo na ang bahala dyan kay Ma'am. Salamat po rito sa bayad niyo, Sir," sagot noong tricycle driver pagkatapos ay umalis na.Kahit na umalis na 'yong tricycle ay nagpatuloy pa rin si Lenie sa kanyang paglalakad. Hindi niya tiningnan si Alexis dahil alam niyang matutunaw siya sa titig nito. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa bahay nila para maalagaan na niya si Javi."Lenie, I'm sorry. Okay? Oo, aaminin ko. I was tempted to kiss her pero hindi naman natuloy, di ba? Please,
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

CHAPTER 16

Sinubukan ni Lenie na lumapit kay Beverly para makipag beso-beso pero nginitian lang siya nito. ‘Yong ngiti na para bang ayaw ni Beverly sa presensya ni Lenie. “Good evening po, Tita,” bati ni Lenie.Umatras na lang tuloy si Lenie at napapunta sa may likod ni Alexis. Nakayuko siya dahil takot na takot siya kay Beverly.“ Good evening, Mom. Lenie, seat beside me. C’mon,” yaya ni Alexis.“Good evening, anak. Let's eat,” sagot naman ni Beverly.Sumunod na lang si Lenie kay Alexis pero siya ay nakayuko pa rin. Inayos niya ang kanyang upo para hindi naman nakakahiya sa dalawang babae na nasa harapan niya. Inis na inis naman si Sapphire dahil sa presensya ni Lenie. Gusto niyang sabunutan ito pero hindi niya magawa dahil alam niyang lagot siya kay Alexis kapag ginawa niya iyon.Sinubukan ni Beverly na ibahin ang usapan para mabago ang tensyon ng dalawang panig. Kitang-kita kasi niya ang galit sa mga mata ni Sapphire.“Saffy, kamusta pala ang pag-uwi mo rito sa Pinas? I mean, do you have any
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

CHAPTER 17

Hindi ma-explain ni Lenie ang kanyang nararamdaman. Kaba, saya at kilig. Napangiti na lang siya dahil sa halik ni Alexis. Kinalma niya muna ang saril bago tuluyang tawagan ang kanyang ina.“Teka lang, tatawagan ko lang si nanay. Mag-usap tayo mamaya pagkatapos,” sagot ni Lenie then she dialed her mom’s number.Lumayo siya nang kaunti kay Alexis para hindi nito marinig ang pag-uusap nila. Baka kasi magalit si Hasmin sa kanya at ayaw naman niyang marinig pa iyon ni Alexis dahil nahihiya siya.“O, Lenie. Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay. Pauwi ka na ba? Aba, mahigit isang oras ka nang wala rito sa bahay. Nag-aalala na ko sa iyo kanina pa,” sabi ni Hasmin sa kabilang linya.“N-Nay, nandito ako ngayon sa bahay ng boss ko. Huwag kang mag-alala kasi safe naman ako. Bukas na ako uuwi, ha?” nauutal na sagot ni Lenie.“Ha? Bakit ka nandyan? May party ba ang kumpanya ninyo na dyan ginanap? Saka, kung meron. Bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin?” pagtataka ni Hasmin sa anak.Hindi a
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

CHAPTER 18

Takot na takot noon si Lenie dahil ang pagkakaalam niya ay tabi silang matutulog ni Alexis sa kwarto nito. Tahimik lang siya noon kaya napansin agad siya ni Alexis.“Hmm, okay ka lang ba? Iniisip mo pa rin ba ‘yong sinabi ni Tita sa iyo?” may pag-aalala sa tono ni Alexis.“H-Hindi. Iniisip ko kasi kanina pa kung saan ako matutulog? I mean, tabi ba tayo?” nauutal na tanong ni Lenie, bigla namang tumawa si Alexis kaya mas lalong kinabahan si Lenie.“B-Bakit tunatawa ka? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Agad na inayos ni Alexis ang kanyang sarili bago sagutin si Lenie. Sumeryoso din ng konti ang kanyang tono nang ma-realize na parang natatakot na si Lenie sa kanya.“Ah, wala naman. Natawa ako kasi ganoon pala ang nasa isip mo. Don't worry, sa guest room ako matutulog. Dito ka sa kwarto ko.”“Hindi ba dapat doon ako sa guest room kasi ako ‘yong guest? Ikaw na lang ang matulog dito sa kwarto mo. Nakakahiya, baka madumihan ko pa ito,” sagot ni Lenie, halatang nahihiya kay Alexis.“Don't wo
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

CHAPTER 19

Pinaupo muna ni Lenie si Alexis para maayos muna niya si Javi. Habang inaayos ni Lenie ang bata ay hindi pa rin pinapansin ni Hasmin ang dalawa. Nang dumating na ang tricycle driver na maghahatid kay Javi sa eskwela ay nagpaalam na ang bata sa kanila. Nagulat si Alexis dahil pati sa kanya ay nagpaalam ang bata.“Bye!” sabi ni Javi pagkatapos ay humalik kay Lenie. Kumaway naman si Javi kay Alexis kaya siya ay kumaway din pabalik.“Bye, galingan mo sa school, ha? Para mas marami kang toys galing sa akin,” sagot ni Alexis, tiningnan naman siya nang masama ni Lenie noon dahil ayaw nitong masanay ang bata sa ginagawa ni Alexis.“Bye na, ha? Be good sa school today,” sabi ni Lenie.Nang makaalis na ang bata ay tahimik nang umupo sa sala si Lenie. Ang naipon niyang lakas kanina ay biglang nawala dahil alam niya kung gaano kalala magalit ang kanyang ina sa kanya.“Ano? Kailan niyo talaga balak aminin sa akin ang totoo? Limang taon ka nang nagtatrabaho sa RCG tapos ngayon mo lang sasabihin sa
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

CHAPTER 20

Pagpasok naman ni Alexis sa kanyang opisina ay nagulat na lang siya dahil naghihintay sa kanya si Sapphire. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay nawala. Inayos niya ang kanyang sarili bago tanungin si Sapphire kung ano ang kailangan nito sa kanya. “Saffy, why are you here? ‘Di ba, sinabi ko na sa iyo kung anong meron sa amin ni Lenie? Oh, don’t let me repeat it,” sabi ni Alexis pagkatapos ay umupo sa kanyang swivel chair.“I want you to fire that woman,” maikli pero deretsong sagot ni Sapphire kay Alexis.Napaawang ang labi ni Alexis sa kanyang narinig. Walang emosyon ang mga mata ni Sapphire noong mga oras na iyon, kung meron man, galit.“At sino ka para sabihin sa akin iyan? Ni wala ka ngang position dito sa RCG. Nahihibang ka na yata,” sagot ni Alexis.“Hindi mo ba nakikita na pineperahan ka lang ng babaeng iyon? All she wants is your money! Hindi ka niya mahal!” sigaw ni Sapphire na lalong kinagalit ni Alexis.“Who are you to judge her like that? Hindi mo naman siya kilala. Isa pa, a
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status