Sinubukan ni Lenie na lumapit kay Beverly para makipag beso-beso pero nginitian lang siya nito. ‘Yong ngiti na para bang ayaw ni Beverly sa presensya ni Lenie. “Good evening po, Tita,” bati ni Lenie.Umatras na lang tuloy si Lenie at napapunta sa may likod ni Alexis. Nakayuko siya dahil takot na takot siya kay Beverly.“ Good evening, Mom. Lenie, seat beside me. C’mon,” yaya ni Alexis.“Good evening, anak. Let's eat,” sagot naman ni Beverly.Sumunod na lang si Lenie kay Alexis pero siya ay nakayuko pa rin. Inayos niya ang kanyang upo para hindi naman nakakahiya sa dalawang babae na nasa harapan niya. Inis na inis naman si Sapphire dahil sa presensya ni Lenie. Gusto niyang sabunutan ito pero hindi niya magawa dahil alam niyang lagot siya kay Alexis kapag ginawa niya iyon.Sinubukan ni Beverly na ibahin ang usapan para mabago ang tensyon ng dalawang panig. Kitang-kita kasi niya ang galit sa mga mata ni Sapphire.“Saffy, kamusta pala ang pag-uwi mo rito sa Pinas? I mean, do you have any
Hindi ma-explain ni Lenie ang kanyang nararamdaman. Kaba, saya at kilig. Napangiti na lang siya dahil sa halik ni Alexis. Kinalma niya muna ang saril bago tuluyang tawagan ang kanyang ina.“Teka lang, tatawagan ko lang si nanay. Mag-usap tayo mamaya pagkatapos,” sagot ni Lenie then she dialed her mom’s number.Lumayo siya nang kaunti kay Alexis para hindi nito marinig ang pag-uusap nila. Baka kasi magalit si Hasmin sa kanya at ayaw naman niyang marinig pa iyon ni Alexis dahil nahihiya siya.“O, Lenie. Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay. Pauwi ka na ba? Aba, mahigit isang oras ka nang wala rito sa bahay. Nag-aalala na ko sa iyo kanina pa,” sabi ni Hasmin sa kabilang linya.“N-Nay, nandito ako ngayon sa bahay ng boss ko. Huwag kang mag-alala kasi safe naman ako. Bukas na ako uuwi, ha?” nauutal na sagot ni Lenie.“Ha? Bakit ka nandyan? May party ba ang kumpanya ninyo na dyan ginanap? Saka, kung meron. Bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin?” pagtataka ni Hasmin sa anak.Hindi a
Takot na takot noon si Lenie dahil ang pagkakaalam niya ay tabi silang matutulog ni Alexis sa kwarto nito. Tahimik lang siya noon kaya napansin agad siya ni Alexis.“Hmm, okay ka lang ba? Iniisip mo pa rin ba ‘yong sinabi ni Tita sa iyo?” may pag-aalala sa tono ni Alexis.“H-Hindi. Iniisip ko kasi kanina pa kung saan ako matutulog? I mean, tabi ba tayo?” nauutal na tanong ni Lenie, bigla namang tumawa si Alexis kaya mas lalong kinabahan si Lenie.“B-Bakit tunatawa ka? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Agad na inayos ni Alexis ang kanyang sarili bago sagutin si Lenie. Sumeryoso din ng konti ang kanyang tono nang ma-realize na parang natatakot na si Lenie sa kanya.“Ah, wala naman. Natawa ako kasi ganoon pala ang nasa isip mo. Don't worry, sa guest room ako matutulog. Dito ka sa kwarto ko.”“Hindi ba dapat doon ako sa guest room kasi ako ‘yong guest? Ikaw na lang ang matulog dito sa kwarto mo. Nakakahiya, baka madumihan ko pa ito,” sagot ni Lenie, halatang nahihiya kay Alexis.“Don't wo
Pinaupo muna ni Lenie si Alexis para maayos muna niya si Javi. Habang inaayos ni Lenie ang bata ay hindi pa rin pinapansin ni Hasmin ang dalawa. Nang dumating na ang tricycle driver na maghahatid kay Javi sa eskwela ay nagpaalam na ang bata sa kanila. Nagulat si Alexis dahil pati sa kanya ay nagpaalam ang bata.“Bye!” sabi ni Javi pagkatapos ay humalik kay Lenie. Kumaway naman si Javi kay Alexis kaya siya ay kumaway din pabalik.“Bye, galingan mo sa school, ha? Para mas marami kang toys galing sa akin,” sagot ni Alexis, tiningnan naman siya nang masama ni Lenie noon dahil ayaw nitong masanay ang bata sa ginagawa ni Alexis.“Bye na, ha? Be good sa school today,” sabi ni Lenie.Nang makaalis na ang bata ay tahimik nang umupo sa sala si Lenie. Ang naipon niyang lakas kanina ay biglang nawala dahil alam niya kung gaano kalala magalit ang kanyang ina sa kanya.“Ano? Kailan niyo talaga balak aminin sa akin ang totoo? Limang taon ka nang nagtatrabaho sa RCG tapos ngayon mo lang sasabihin sa
Pagpasok naman ni Alexis sa kanyang opisina ay nagulat na lang siya dahil naghihintay sa kanya si Sapphire. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay nawala. Inayos niya ang kanyang sarili bago tanungin si Sapphire kung ano ang kailangan nito sa kanya. “Saffy, why are you here? ‘Di ba, sinabi ko na sa iyo kung anong meron sa amin ni Lenie? Oh, don’t let me repeat it,” sabi ni Alexis pagkatapos ay umupo sa kanyang swivel chair.“I want you to fire that woman,” maikli pero deretsong sagot ni Sapphire kay Alexis.Napaawang ang labi ni Alexis sa kanyang narinig. Walang emosyon ang mga mata ni Sapphire noong mga oras na iyon, kung meron man, galit.“At sino ka para sabihin sa akin iyan? Ni wala ka ngang position dito sa RCG. Nahihibang ka na yata,” sagot ni Alexis.“Hindi mo ba nakikita na pineperahan ka lang ng babaeng iyon? All she wants is your money! Hindi ka niya mahal!” sigaw ni Sapphire na lalong kinagalit ni Alexis.“Who are you to judge her like that? Hindi mo naman siya kilala. Isa pa, a
Pag-uwi ni Alexis sa mansyon ay nadatnan niyang naghihintay sa kanya ang inang si Beverly. Alam niyang nasabi na ni Sapphire dito ang nangyari kanina sa opisina. Malamang ay kung anu-ano na namang istorya ang sinabi ng babaeng iyon sa kanyang ina kaya grabe kung makatingin si Beverly sa anak.“Anak, let’s eat. May importante tayong pag-uusapan,” sabi ni Beverly, sumunod na lang si Alexis sa kanyang ina at walang sinabi.“Buti at hindi mo kasama ang babaeng iyon. Hindi ko kasi masasabi sa iyo ito kung pati siya ay nandito,” napatigil si Beverly noon at uminom ng kanyang hot tea.“Alexis, hindi mo ba talaga titigilan ang babaeng iyon? Nabaliw ka na ba sa kanya kaya inaaway mo si Sapphire? Kayo ang magkababata ni Saffy, hindi ba? Alalahanin mo ang mga magagandang nangyari sa inyo. Hindi mo na ba talaga siya kayang mahalin?” pagpapatuloy ni Beverly.“Mom, ano na naman po ba ang sinabi sa inyo ng babaeng iyon? Siya ‘yong masama sa kanila ni Lenie eh. Pinaimbestigahan niya si Lenie kahit h
Makalipas ang ilang linggo ay may na-receive na red roses si Lenie. Bagong gising siya noon kaya pupungas-pungas pa siya nang gisingin ni Hasmin. Medyo galit pa ang kanyang ina noong ginising siya dahil alam nitong galing iyon kay Alexis.“Bumangon ka na dyan, may padala sa iyo ‘yong boyfriend mo sa labas. Tingnan mo na lang. May gagawin pa ako,” sabi ni Hasmin.“P-Po? Ano po iyon?” tanong ni Lenie, nagmadali siyang lumabas sa sala para tingnan kung ano ‘yong sinasabi ni Hasmin.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakalaking red roses na nandoon sa sala. Agad niyang nilapitan ito, excited na excited pa siyang tingnan ang letter na kasama nito. Mula sa nakangiting mukha ay napakunot siya nang makita kung kanino talaga galing ‘yong mga bulaklak.“Wala na nga yata akong magagawa. Sobra na ang pagmamahal sa iyo ni Alexis. Alagaan mo siya para sa akin, ha? Gawin mo ‘yong mga bagay na hindi ko nagawa sa dati naming relasyon. Babalik na ako lang ako sa ibang bansa, hindi ko rin naman
Binuksan na rin ang mall para sa lahat dahil tapos naman nang gamitin nina Alexis, Lenie at Javi ang mall. Natuwa si Javi dahil marami siyang nakitang batang naglalaro.Palabas na sina Alexis, Lenie at Javi sa mall noon nang biglang magtanong si Lenie tungkol sa pagpapasara ni Alexis ng mall. Hanggang ngayon kasi ay hiyang-hiya pa rin siya sa ginawa ng kanyang boyfriend.“Baby, paano mo napasara ‘yong mall? I mean, hindi ko ma-imagine na kaya mong gawin iyon. Are you in any way connected to them?” tanong ni Lenie habang inuubos ang popcorn na hawak.“Nakalimutan mo na ba? Ako si Alexis Ramirez at kaya kong gawin lahat. Lalo na sa mga taong mahalaga sa akin,” sagot ni Alexis, natawa naman si Lenie at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya ng popcorn.Ilang minuto pa ay meron siyang napansin na isang pamilyar na mukha. Hindi niya alam kung tama siya kaya lalapitan niya sana ang babae. Kaso lang ay bigla naman siyang tinawag ni Alexis.“Alice?” bulong niya.“Baby, ano? May gusto ka pa ban
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa