Home / Romance / My Daddy Boss / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of My Daddy Boss: Chapter 41 - Chapter 50

106 Chapters

CHAPTER 39

Pagkatapos ng isang linggo, habang nasa opisina sina Lenie at Alexis ay in-escort ni Celeste papasok si Amando, ang kanang kamay ni Alexis. Nagmamadali ito at parang may importanteng sasabihin sa kanyang boss.“Dito po tayo, Sir Amando. Sir Alexis, kailangan niya raw po kayong makausap,” sabi ni Celeste.“Salamat po, Ma’am,” sagot naman ni Amando.O, Amando. Bakit ka nandito? May problema ba?” tanong ni Alexis, alam niya kasing hindi naman siya pupuntahan ni Amando kung walang problema.“Si Pearl po kasi, Sir. Tumakas po siya sa amin pero nakita na lang po namin ang katawan niya malapit sa gubat. Sinubukan po namin siyang dalhin sa ospital pero hindi na po umabot eh. Hula po namin ay may kinalaman ang sulat na ito sa pagkamatay niya,” sabi ni Amando pagkatapos ay may binigay siyang sulat sa kanyang amo.Binasa iyon ni Alexis. Gusto mang maki-usisa ni Lenie pero hindi niya iyon magawa dahil ang nasa isip niya ay personal na problema iyon ni Alexis. Ayaw niyang makisawsaw. Isa pa, hind
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

CHAPTER 40

Nagulat na lang si Alice dahil nakita niya sa may pintuan ng bahay niya si Alexis. Buti na lang at nasa probinsya noon si Lester kaya hindi nagpang-abot iyong dalawa. Pinapasok niya ito sa bahay niya at pinaupo.Sayang-saya si Alice dahil nagkita silang muli pero nawala ang ngiting iyon nang makita niyang seryoso ang mukha ni Alexis. Alam niya sa sariling may away na namang magaganap sa pagitan nilang dalawa.“O, baby boy. Bakit ka naman seryosong-seryoso? Hindi ka ba masayang makita ako?” bati ni Alice kay Alexis.“Bakit mo siya pinatay, ha? Wala naman iyon sa usapan natin! Gusto mo talagang makulong?!” galit na sabi ni Alexis pagkatapos ay binigay kay Alice ang papel na iniwan niya sa may tabi ng katawan ni Pearl.“Exactly! Kaya ko nga ginawa ay dahil wala naman sa usapan natin iyon. Anong akala mo? Nakalimutan ko na iyon at wala na akong pake kay Pearl?” sigaw din ni Alice.“Pero sana man lang ay hindi mo na pinatay, hinayaan mo na lang sana siyang mabuhay! Kaya ko nga siya tinago
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

CHAPTER 41

Dahil okay na ang dalawa ay bumisita si Alexis sa bahay nina Lenie. Masaya naman si Javi nang makita si Alexis pero nang magtama ang mga mata nina Alexis at Hasmin ay namuo na naman ang galit dito.“Lenie, ano na naman bang gulo ang gusto mong pasukin? Akala ko ba, hindi na kayo ng lalaking iyan? Bakit nandito na naman siya? At talagang pinakita mo pa siya sa apo ko!” sabi ni Hasmin.“Nay, napag-usapan naman na po namin ang lahat. Okay na po kami. Sabi naman po ni Alexis, aayusin niya ‘yong gusot na iyon,” paliwanag ni Lenie.“Opo, pangako. Hindi ko na po sasaktan si Lenie. Hayaan niyo naman-” hindi natapos ang sinasabi ni Alexis dahil sumagot agad si Hasmin sa kanya.“Uy, lalaki. Kung si Lenie ay napapaikot mo, ibahin mo ako. Hindi mo nga ako madadala dyan sa mga regalo mo! Hay, naku. Dyan na nga kayo!” sigaw ni Hasmin pagkatapos ay pumasok sa kanyang kwarto.Hiyang-hiya naman na tiningnan ni Lenie si Alexis. Hindi niya alam kung tama ba o mali ang kanyang desisyon. “Naku, pasensya
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

CHAPTER 42

“A-Ano? Magkikita sila ng tatay niya? Teka, akala ko ba, sabi mo sa akin noon na ayaw ng lalaking iyon kay Javi? Bakit ngayon ay ipapakilala mo siya roon?” tanong ni Lenie.“Bakit? Hindi ba pwedeng maging maayos kami para sa bata? Isa pa, humingi na siya ng tawad sa akin. Sabi pati niya, pananagutan na niya ‘yong bata,” sagot ni Alice, tumitingin pa rin siya kay Alexis nang pasimple.“At naniwala ka naman? Paano kung saktan ka na naman ng lalaking iyon? Hindi mo ba naisip na pati si Javi, masasaktan sa desisyon mong iyan?” pag-aalala ni Lenie.“Ano bang paki mo? Buhay namin ito ng anak ko. Kaya nasa akin ang desisyon kung ipapakilala ko sa kanya ang ama niya o hindi!” galit na sagot ni Alice.Hindi naman na nagsalita si Lenie dahil totoo naman ang sinabi ni Alice. Siya pa rin ang may hawak ng desisyon dahil siya ang tunay na ina.Habang inaayos ni Lenie ang gamit ni Javi ay hindi niya naiwasang magtanong kay Alice kung ilang araw ba ‘yong mag-ina sa Davao.“Ilang araw ba kayo roon? Ma
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

CHAPTER 43

Nang pumasok si Lenie sa RCG ay kitang-kita sa kanya ang pagkainis. Gusto mang tanungin ni Zyra ang kaibigan ay hindi niya iyon magawa dahil may urgent meeting daw sila with Alexis.“Mamaya ka na magalit. Umagang-umaga. Dalian mo, sabi ni Sir Alexis ay may urgent meeting daw tayo. Tara na sa conference room,” sabi ni Zyra, kinagulat naman iyon ni Lenie.“May urgent meeting? Kasama ko naman siya noong isang araw, bakit hindi ko alam ang tungkol dyan?” pagtataka ni Lenie pero nagmadali na rin siya papunta sa conference room.“Urgent nga ‘di ba? Halika na nga. Ang dami mo pang tanong eh!” Pagpasok ni Lenie at Zyra ay nakita nila na may kasama si Alexis na isang lalaki. Dahil biglaan ang pinatawag na meeting ng kanilang boss ay agad na lang silang umupo na magkaibigan.“Sino kaya yung kasama ni Sir Alexis? Kilala mo ba siya? Ngayon ko lang kasi siya nakita rito sa office natin,” pabulong na tanong ni Lenie.“Aba, wala din akong ideya kung sino siya at kung bakit siya kasama ni Sir Alexis
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

CHAPTER 44

Dumating na ang araw kung saan lilipad na papunta sa Davao sina Alice. Bago iyon ay tinawagan muna siya ni Alexis.“Are you ready? Ipapasundo kita kay Amando dyan sa bahay mo ngayon,” sabi ni Alexis, agad namang kinabahan si Alice dahil doon.“A-Ah, hindi. Wala kami sa bahay. Ite-text ko ‘yong address ng condo kung nasaan kami, ha? Doon mo na lang ako ipasundo kay Amando,” halata ang kaba sa boses ni Alice.“Condo? Bakit nag-condo pa kayo kung may bahay ka naman?” pagtataka ni Alexis.“L-Lagi din naman kasi akong wala sa bahay. Malayo din ang opisina ko roon kaya bumili na lang ako ng condo. Huwag ka na ngang maraming tanong! Ipasundo mo na kami kay Amando dahil kanina ka pa hinihintay ng anak mo!” iritang sagot ni Alice pagkatapos ay pinatay na ‘yong tawag.Agad na inutos na ni Alexis kay Amando ang pagsundo sa kanyang mag-ina. Siya naman ay naghihintay sa airport. Bago dumating ang dalawa ay minabuti niyang tawagan si Lenie para kamustahin ito.“Hi, baby! Kamusta ka na? Nandito na a
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

CHAPTER 45

Sa kabilang banda naman ay pansin ni Lenie na parating siya na lang ang inuutusan ni Lance kahit na wala namang masyadong ginagawa si Zyra ay siya pa rin ang tinatawag nito.Dahil sa pagod at stressed ay napaupo na lang siya sa couch malapit sa opisina ni Lance. Sakto naman na dumaan si Zyra noon kaya sinamahan niya ang kaibigan at tinatanong na rin nito kung ano ba ang kanyang problema.“O, ayos ka lang ba dyan? Parang ilang sako ang binitbit mo ah. Anong meron? Share ka naman dyan! Hindi na kasi kita nakamusta nitong mga nakaraan, alam mo naman, hindi si Sir Alexis ang boss natin ngayon,” pabulong ang huling linyang binitawan ni Zyra para hindi sila marinig ni Lance.“Hay, bukod kasi sa dami na ng utos ni Sir Lance sa akin, iniisip ko pa kung kamusta si Javi sa Davao. Nakakainis pa itong si Alice, may usapan kasi kami dati na kapag nasa kanya ‘yong bata, bawal kong kamustahin. E, sinusubukan ko siyang tawagan ngayon pero patay naman ang cellphone niya,” kwento ni Lenie, nanggalaiti
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

CHAPTER 46

Nag-book ng dinner si Alice para sa kanilang tatlo sa Vista View Resto.. Dito na niya kakausapin si Alexis tungkol sa plano niya at sisiguraduhin ni Alice na hindi makakahindi si Alexis sa kanya.Ang dami niyang in-order, para bang huling gabi na nila roon. Siniguro muna yata ni Alice na busog si Alexis bago niya badtrip-in. Nang umupo na sila sa table ay karaga-karga ni Alexis si Javi.“O, mukhang ang dami naman yata nitong in-order mo? Aba, ilang araw pa tayo dito, ah? Anong meron?” pagtataka ni Alexis.“Wala, gusto ko lang bumawi sa anak ko at sa iyo. Meron dyang Crocodile Sisig, Chicken Binakol, Kinilaw saka Pinakbet. Kung may gusto ka pa, sabihin mo lang sa akin. O-Order ako,” sagot naman ni Alice pagkatapos ay ngumiti.“Alice, hindi mo naman kailangang laging bongga. Pero, salamat. Paalala ko lang din na nandito ako para kay Javi, hindi sa iyo, ha? Hindi mo kailangang bumawi sa akin,” sagot ni Alexis na kinainis naman ni Alice.Hindi na lang iyon pinansin ni Alice dahil ayaw niy
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

CHAPTER 47

Pag-uwi ni Lenie ay nagulat na lang siya dahil sa may nakapatong na malaking white box sa may sala nila. Nang buksan niya iyon, isa itong magandang pink dress.Nang makita ang isang letter na kasama roon ay agad niya ‘yong binasa. May ideya na siya una pa lang kung kanino galing iyon pero ayaw niyang mag-assume.“This is perfect for you. Wear it. See you at 9PM. -L.”Nang mabasa niya iyon ay kinabahan na siya. Mukhang tama nga si Zyra sa hula nito. Sa sobrang ganda noong dress, sigurado na siya ang ide-date ni Lance.Habang nakatingin sa pink dress na pinadala ni Lance ay bigla namang lumabas galing kwarto ang kanyang ina. Nagulat din ito sa pink dress kaya hindi na nito naiwasang hindi magtanong.“O, anak. Ang ganda naman pala niyan. Pinatong ko lang dyan kanina kasi ang laki-laki. Dress pala ang laman. Para sa iyo? Saan mo gagamitin?” “Ah, sa event po ‘nay pero mukhang kailangan kong ibalik. Mali kasi ‘yong kulay nito eh. Aalis ulit ako ‘nay ha? Ipapaayos ko ang kulay,” pagsisinun
last updateLast Updated : 2024-12-01
Read more

CHAPTER 48

Napatayo na lang si Alexis dahil sa ginawang iyon ni Alice. Naiisip na niya noong una pa lang na may gagawin na ang babae pero binigyan niya pa rin iyon ng chance.“Ano ba? Alam mo naman na kami na ni Lenie, ‘di ba? Bakit pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin? Hindi ka ba napapagod?!” sigaw ni Alexis.“Alexis, kahit kailan naman ay hindi ako mapapagod sa iyo, ilang taon na ang nakalipas pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo sa akin noong gabing iyon!” sigaw ni Alice.“Alice, kung nakita siguro kita noon at nalaman kong buntis ka kay Javi, pwede pa tayo. Baka nga kasal na tayo ngayon,” pag-amin ni Alexis.“Bakit hindi ba pwede ngayon? Ibalik natin ‘yong dati. Ikaw, ako, si Javi! Buong pamilya tayo!” Tumayo na rin si Alice noon pagkatapos ay biglang lumuhod sa harapan ni Alexis. Gulat na gulat siya kaya agad niyang pinatayo ang babae.“Alice, tumayo ka dyan. Hindi mo naman kailangang magmakaawa sa harapan ko. Please?” sabi ni Alexis, naaawa na siya kay Alice noon.“No!
last updateLast Updated : 2024-12-01
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status