“A-Ano? Magkikita sila ng tatay niya? Teka, akala ko ba, sabi mo sa akin noon na ayaw ng lalaking iyon kay Javi? Bakit ngayon ay ipapakilala mo siya roon?” tanong ni Lenie.“Bakit? Hindi ba pwedeng maging maayos kami para sa bata? Isa pa, humingi na siya ng tawad sa akin. Sabi pati niya, pananagutan na niya ‘yong bata,” sagot ni Alice, tumitingin pa rin siya kay Alexis nang pasimple.“At naniwala ka naman? Paano kung saktan ka na naman ng lalaking iyon? Hindi mo ba naisip na pati si Javi, masasaktan sa desisyon mong iyan?” pag-aalala ni Lenie.“Ano bang paki mo? Buhay namin ito ng anak ko. Kaya nasa akin ang desisyon kung ipapakilala ko sa kanya ang ama niya o hindi!” galit na sagot ni Alice.Hindi naman na nagsalita si Lenie dahil totoo naman ang sinabi ni Alice. Siya pa rin ang may hawak ng desisyon dahil siya ang tunay na ina.Habang inaayos ni Lenie ang gamit ni Javi ay hindi niya naiwasang magtanong kay Alice kung ilang araw ba ‘yong mag-ina sa Davao.“Ilang araw ba kayo roon? Ma
Nang pumasok si Lenie sa RCG ay kitang-kita sa kanya ang pagkainis. Gusto mang tanungin ni Zyra ang kaibigan ay hindi niya iyon magawa dahil may urgent meeting daw sila with Alexis.“Mamaya ka na magalit. Umagang-umaga. Dalian mo, sabi ni Sir Alexis ay may urgent meeting daw tayo. Tara na sa conference room,” sabi ni Zyra, kinagulat naman iyon ni Lenie.“May urgent meeting? Kasama ko naman siya noong isang araw, bakit hindi ko alam ang tungkol dyan?” pagtataka ni Lenie pero nagmadali na rin siya papunta sa conference room.“Urgent nga ‘di ba? Halika na nga. Ang dami mo pang tanong eh!” Pagpasok ni Lenie at Zyra ay nakita nila na may kasama si Alexis na isang lalaki. Dahil biglaan ang pinatawag na meeting ng kanilang boss ay agad na lang silang umupo na magkaibigan.“Sino kaya yung kasama ni Sir Alexis? Kilala mo ba siya? Ngayon ko lang kasi siya nakita rito sa office natin,” pabulong na tanong ni Lenie.“Aba, wala din akong ideya kung sino siya at kung bakit siya kasama ni Sir Alexis
Dumating na ang araw kung saan lilipad na papunta sa Davao sina Alice. Bago iyon ay tinawagan muna siya ni Alexis.“Are you ready? Ipapasundo kita kay Amando dyan sa bahay mo ngayon,” sabi ni Alexis, agad namang kinabahan si Alice dahil doon.“A-Ah, hindi. Wala kami sa bahay. Ite-text ko ‘yong address ng condo kung nasaan kami, ha? Doon mo na lang ako ipasundo kay Amando,” halata ang kaba sa boses ni Alice.“Condo? Bakit nag-condo pa kayo kung may bahay ka naman?” pagtataka ni Alexis.“L-Lagi din naman kasi akong wala sa bahay. Malayo din ang opisina ko roon kaya bumili na lang ako ng condo. Huwag ka na ngang maraming tanong! Ipasundo mo na kami kay Amando dahil kanina ka pa hinihintay ng anak mo!” iritang sagot ni Alice pagkatapos ay pinatay na ‘yong tawag.Agad na inutos na ni Alexis kay Amando ang pagsundo sa kanyang mag-ina. Siya naman ay naghihintay sa airport. Bago dumating ang dalawa ay minabuti niyang tawagan si Lenie para kamustahin ito.“Hi, baby! Kamusta ka na? Nandito na a
Sa kabilang banda naman ay pansin ni Lenie na parating siya na lang ang inuutusan ni Lance kahit na wala namang masyadong ginagawa si Zyra ay siya pa rin ang tinatawag nito.Dahil sa pagod at stressed ay napaupo na lang siya sa couch malapit sa opisina ni Lance. Sakto naman na dumaan si Zyra noon kaya sinamahan niya ang kaibigan at tinatanong na rin nito kung ano ba ang kanyang problema.“O, ayos ka lang ba dyan? Parang ilang sako ang binitbit mo ah. Anong meron? Share ka naman dyan! Hindi na kasi kita nakamusta nitong mga nakaraan, alam mo naman, hindi si Sir Alexis ang boss natin ngayon,” pabulong ang huling linyang binitawan ni Zyra para hindi sila marinig ni Lance.“Hay, bukod kasi sa dami na ng utos ni Sir Lance sa akin, iniisip ko pa kung kamusta si Javi sa Davao. Nakakainis pa itong si Alice, may usapan kasi kami dati na kapag nasa kanya ‘yong bata, bawal kong kamustahin. E, sinusubukan ko siyang tawagan ngayon pero patay naman ang cellphone niya,” kwento ni Lenie, nanggalaiti
Nag-book ng dinner si Alice para sa kanilang tatlo sa Vista View Resto.. Dito na niya kakausapin si Alexis tungkol sa plano niya at sisiguraduhin ni Alice na hindi makakahindi si Alexis sa kanya.Ang dami niyang in-order, para bang huling gabi na nila roon. Siniguro muna yata ni Alice na busog si Alexis bago niya badtrip-in. Nang umupo na sila sa table ay karaga-karga ni Alexis si Javi.“O, mukhang ang dami naman yata nitong in-order mo? Aba, ilang araw pa tayo dito, ah? Anong meron?” pagtataka ni Alexis.“Wala, gusto ko lang bumawi sa anak ko at sa iyo. Meron dyang Crocodile Sisig, Chicken Binakol, Kinilaw saka Pinakbet. Kung may gusto ka pa, sabihin mo lang sa akin. O-Order ako,” sagot naman ni Alice pagkatapos ay ngumiti.“Alice, hindi mo naman kailangang laging bongga. Pero, salamat. Paalala ko lang din na nandito ako para kay Javi, hindi sa iyo, ha? Hindi mo kailangang bumawi sa akin,” sagot ni Alexis na kinainis naman ni Alice.Hindi na lang iyon pinansin ni Alice dahil ayaw niy
Pag-uwi ni Lenie ay nagulat na lang siya dahil sa may nakapatong na malaking white box sa may sala nila. Nang buksan niya iyon, isa itong magandang pink dress.Nang makita ang isang letter na kasama roon ay agad niya ‘yong binasa. May ideya na siya una pa lang kung kanino galing iyon pero ayaw niyang mag-assume.“This is perfect for you. Wear it. See you at 9PM. -L.”Nang mabasa niya iyon ay kinabahan na siya. Mukhang tama nga si Zyra sa hula nito. Sa sobrang ganda noong dress, sigurado na siya ang ide-date ni Lance.Habang nakatingin sa pink dress na pinadala ni Lance ay bigla namang lumabas galing kwarto ang kanyang ina. Nagulat din ito sa pink dress kaya hindi na nito naiwasang hindi magtanong.“O, anak. Ang ganda naman pala niyan. Pinatong ko lang dyan kanina kasi ang laki-laki. Dress pala ang laman. Para sa iyo? Saan mo gagamitin?” “Ah, sa event po ‘nay pero mukhang kailangan kong ibalik. Mali kasi ‘yong kulay nito eh. Aalis ulit ako ‘nay ha? Ipapaayos ko ang kulay,” pagsisinun
Napatayo na lang si Alexis dahil sa ginawang iyon ni Alice. Naiisip na niya noong una pa lang na may gagawin na ang babae pero binigyan niya pa rin iyon ng chance.“Ano ba? Alam mo naman na kami na ni Lenie, ‘di ba? Bakit pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin? Hindi ka ba napapagod?!” sigaw ni Alexis.“Alexis, kahit kailan naman ay hindi ako mapapagod sa iyo, ilang taon na ang nakalipas pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo sa akin noong gabing iyon!” sigaw ni Alice.“Alice, kung nakita siguro kita noon at nalaman kong buntis ka kay Javi, pwede pa tayo. Baka nga kasal na tayo ngayon,” pag-amin ni Alexis.“Bakit hindi ba pwede ngayon? Ibalik natin ‘yong dati. Ikaw, ako, si Javi! Buong pamilya tayo!” Tumayo na rin si Alice noon pagkatapos ay biglang lumuhod sa harapan ni Alexis. Gulat na gulat siya kaya agad niyang pinatayo ang babae.“Alice, tumayo ka dyan. Hindi mo naman kailangang magmakaawa sa harapan ko. Please?” sabi ni Alexis, naaawa na siya kay Alice noon.“No!
Sabay na pumasok sa RCG. Halata na iniiwasan ni Lenie si Lance dahil ang bilis nang pagtakbo nito.“Miss Santos, can we talk? Hindi naman pwedeng ganito. Ilang araw pa tayong magkatrabaho,” sabi ni Lance, habol-habol si Lenie sa may cafeteria.“Sir Lance, kung tungkol pa rin po ito sa nangyari kahapon, okay na po iyon. Napag-usapan naman natin lahat ‘di ba?” sabi ni Lenie, nagmamadali pa rin itong maglakad.“Kung pinapatawad mo na ‘ko, please let me talk to you. Huwag mo ‘kong iwasan nang ganito, please?” hiling ni Lance.Sakto naman na palabas si Alexis noon galing sa kanyang opisina. Kukuha siya ng kape mula sa cafeteria. Nagulat sina Lenie at Lance nang makitang pumasok na si Alexis sa RCG. Mas nauna pa ‘tong pumasok sa opisina kaysa sa kanila.“O, bakit parang nakakita kayo ng multo dyan? Hindi ba kayo masaya na bumalik agad ako?” natatawang sabi ni Alexis.“A-Ah, hindi naman ganoon pare. Nagulat lang kami kasi bumalik ka agad. Bakit? May problema ba?” nauutal na sagot ni Lance.
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les
Biglang naalala ni Alice na tumawag si Lenie sa kanya noong nakaraang araw. Doon niya nakumpirma na totoo ang sinabi ng babaeng kaaway niya.“Ah, alam ko na. Magkasabwat kayo, ano? Ano ba ang mapapala niyo ni Lenie kapag kinidnap niyo ang anak ko?!” sigaw ni Alice, pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.“Kasabwat? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Lester.“Noong isang araw, tumawag sa akin si Lenie. Sinabi niya na kikidnapin mo si Javi!” naiiyak na sabi ni Alice.Tanging tawa lang ang narinig niya mula sa kabilang linya. ‘Yong tawa na iyon ay parang naiinis na hindi mo maintindihan.“Ano? Totoo naman ‘di ba? Kasabwat mo siya!”“Ako lang ang nagplano noon, Alice. Pero tama ka, sinabi ko sa kanya na kikidnapin ko ang anak mo. Sana pala ay naniwala ka na lang sa kanya, ‘no?” sabi ni Lester pagkatapos ay tumawa ulit.“Sige, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo at ‘yon ang ibibigay ko sa iyo! Para matapos na ‘to!” “Paano kung sabihin ko na sarili mo ang gusto ko? Mapagbibig