Home / Romance / My Daddy Boss / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of My Daddy Boss: Chapter 61 - Chapter 70

108 Chapters

CHAPTER 59

Sa kabilang banda ay nakatira na nga si Alice sa condo kasama si yaya Sol at Javi. Mahigit isang linggo na sila roon at hindi pa rin siya natutunton ni Lester.“Yaya Sol, napakain mo na ba ng umagahan si Javi? Umiyak na naman ba siya kanina?” tanong ni Alice habang siya ay nagme-make up.“Opo napakain ko na siya kanina. Umiyak po pero tumahan naman agad,” sagot naman ni Yaya Sol.Tumango-tango noon si Alice at pinagpatuloy na ang kanyang pagme-make up. Hanggang sa makalipas lang ang ilang minuto ay may nag-door bell ng ilang beses sa pinto ng kanyang condo. Hindi pa ito nasiyahan dahil kinalampag pa nito ang pinto.“Yaya Sol, sino ba iyon? Wala naman akong maalala na nag-order ako ng pagkain sa baba o kung ano man. Ikaw ba, may in-order ka?” naiirita na noon si Alice dahil sa ingay na ginagawa noong kumakatok.“Aba, Ma’am. Wala rin naman po akong in-order. Hindi ko naman alam kung paano um-order eh. Baka may inaasahan po kayong bisita?’ sagot naman ni Yaya Sol kaya napaisip si Alice.
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

CHAPTER 60 [END OF BOOK 1]

Makalipas ang ilang araw ay pumunta si Lenie sa RCG para kunin ang ilang gamit niya roon at ang huling sweldo niya. Ayaw man niyang makita ang kanyang ex-boyfriend ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang kunin iyon, pandagdag din sa pang araw-araw na buhay niya.Noong una ay ayaw niyang magpahatid kay Lance pero dahil pinilit siya nito ay wala na siyang nagawa. Sumang-ayon na lang din siya para matapos na ang lahat at maka-move on na siya sa buhay.“Hindi na kita sasamahan, ha? Alam mo naman ang pwedeng mangyari kapag sumama pa ako sa iyo,” sabi ni Lance.“Oo, okay lang. Ako na lang ang bahalang humarap sa kanya. Mamaya, suntukin ka na naman niya kahit wala ka namang ginagawa,” sagot ni Lenie pagkatapos ay bumaba na sa kotse ni Lance.Bago pumasok sa RCG building ay inayos muna niya ang kanyang sarili pagkatapos ay humingang malalim. Ngumiti siya nang bahagya.‘Ito na ang huling araw na tatapak ka rito, Lenie. Pagkatapos nito, mamumuhay ka na nang masaya at hindi puro sakit.’Nang p
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

CHAPTER 61

THREE MONTHS AGO. . . Sa mansyon na nga nanirahan sina Alice at si Javi. Noong una pa nga ay ayaw ni Beverly na roon patirahin ang dalawa dahil hindi naman siya sigurado kung apo niya talaga ang bata. Masayang dumating si Alice sa mansyon ng mga Ramirez kasama si Javi at Yaya Sol. Ang takot at luha na naramdaman ay biglang nawala dahil sa wakas ay nakuha na rin niya ang dati pang kagustuhan. ‘Salamat na rin Lester at tinanggal mo sa akin ang lahat. Kung hindi mo ginawa iyon ay baka hindi kami patirahin ni Alexis sa mansyon na ito.’ Sa bungad pa lang ng mansyon ay naghihintay na si Beverly kay Alexis habang umiinom ng kanyang tsaa. Nakakunot ang noo nito nang maaninag kung sino man ang mga kasama ng anak niya. Nagtaka rin ito dahil sa dami ng maleta na dala nila. “Anak, sino naman ‘yang mga kasama mo? Hindi naman natin kailangan ng bagong kasambahay, ah? Isa pa, alam mo naman na bawal dalhin ng mga kasambahay natin ang mga anak nila, hindi ba?” sabi agad ni Beverly nang tumigil sa
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

CHAPTER 62

Sa kabilang banda ay nanirahan na si Lenie sa condominium ni Lance. Noong una ay hindi siya pumapayag sa offer nito pero pumayag na rin nang maramdaman ang lungkot sa kanyang tinitirhan na bahay.Si Lenie na rin ang naging secretary ng tatay ni Lance na si Mr. Alfredo Martinez nang tuluyan na siyang umalis sa Ramirez Group of Companies.Kung minsan ay sa mansion ng mga Martinez na rin siya kumakain dahil anak ang turin sa kanya ng mag-asawa. Lubos iyong pinagpapasalamat ni Lenie dahil kahit paano ay may pamilya ulit siya.Nasa hapagkainan sila nang kausapin ni Mr. Alfredo ang kanyang anak dahil kinukulit na niya itong magkaroon na ng asawa.“Aba, Lance. Kailan ka ba magkakaroon ng asawa? Natanda ka na anak, ah. Wala ka pa rin bang balak na lumagay na sa tahimik?” nang marinig iyon ni Lance ay halos mapaso na ang kanyang dila dahil umiinom siya ng tsaa noon.“Dad, I think, it's not the right time to discuss things like that. Nandito si Lenie, o. Nakakahiya sa kanya,” sagot ni Lance pa
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

CHAPTER 63

Nasa isang kilalang hotel and restaurant sina Alice at Alexis noon kasama si Beverly. Trineat niya ang tatlo roon para makasama ang kanyang apo. “Yaya Sol, ilayo mo nga muna si Javi rito. May kailangan lang akong sabihin sa mga anak ko,” sabi ni Beverly. “Masusunod po, Ma’am. Javi, doon muna tayo maglalaro ha? Tara,” yaya ni Sol sa bata. “Ingat, apo. Baka mapaano ka sa daan kapag tumakbo ka, ah,” paalala ni Beverly sa apo. “No, Lola. Don't worry, I’ll be careful,” sagot ni Javi pagkatapos ay nginitian ang kanyang Lola Beverly. “Huwag po kayong mag-alala, Ma’am. Ako na po ang bahala kay Javi,” paninigurado ni Yaya Sol kay Beverly. Nang makalayo na ang dalawa ay hinarap na ni Beverly sina Alice at Alexis. “Alexis, bakit hindi mo pa pakasalan si Alice? After all, she is the mother of your child,” deretsahang sabi ni Beverly, gulat na gulat noon si Alexis samantalang si Alice ay tuwang-tuwa sa narinig. “Mommy, ‘yon na nga eh. She is only the mother of my child. I respect her but I
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

CHAPTER 64

Lagi nang nagkikita sina Alexis at Lenie roon sa condo pero labis pa rin silang nag-iiwasan. Kung minsan ay sinusubukan naman ni Alexis na makipag-usap sa dating nobya pero hindi talaga siya binibigyan ng pagkakataon nito.Parehas silang papasok sa elevator noon kaya nag-offer ito ng tulong kay Lenie. “Ako na ang bahala sa mga dala mo, mukhang nahihirapan ka, e. Akin na iyan,” pilit na kinukuha ni Alexis ang bag at ilang papeles na hawak ni Lenie.“Mr. Ramirez, I don't need your help. Kaya ko na ito. Isa pa, alam ko na ang strategy na ginagawa mo kaya hindi na gagana sa akin iyan,” deretsahang sagot naman ni Lenie.Nang makapasok na sila sa loob ng elevator ay ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa. Amoy na amoy ni Lenie ang pabango ng dating nobyo. Aminado naman siya sa kanyang sarili na miss na niya ang pabangong iyon.“This is not a strategy, Miss Santos. I just want to help you. I'm being a gentleman h
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

CHAPTER 65

Papasok na noon si Alexis sa RCG nang makasabay niya sa paglabas ng kwarto si Lenie. Naka office skirt ito kaya alam niyang papasok na rin ang dating nobya sa trabaho.Si Alexis naman ay naka business casual naman si Alexis dahil may maaga itong meeting mamaya sa RCG. Nang magtama ang kanilang mga mata ay umiwas agad si Lenie nang tingin sa kanya. Dahil lagi nang nakikita ni Alexis na magkasama sina Lance at Lenie ay hindi na niya naiwasang hindi magtanong kung ano ba ang estado ng dalawa.“Lenie, wait. May itatanong lang sana ako,” pagpigil ni Alexis sa dating nobya.“Ano naman iyon? Mr. Ramirez, I don’t have much time. Kailangan ko nnag pumasok sa trabaho,” inis na sagot ni Lenie.“K-Kayo na ba ni Lance?” nauutal na tanong ni Alexis, ni hindi niya matingnan sa mata si Lenie.“Paano kung oo? May magagawa ka ba?” matapang namang sagot ni Lenie.“W-Wala, pero kayo na nga? Hindi mo man lang sinunod ang three-month rule? Ganoon lang ba kabilis para sa iyo-” hindi na natapos ni Alexis ku
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

CHAPTER 66.1

Paubo-ubo noon si Alexis nang magkasalubong sila sa hallway ng condominium building. Dumeretso lang si Lenie noon sa kanyang kwarto at hindi na pinansin si Alexis.Pero dahil sa lakas nang pag-ubo nito ay hindi na nakatiis si Lenie. Kumuha siya ng gamot para sa ubo sa kanyang medicine cabinet.‘Tutulong ka lang naman sa kanya, eh. After mong ibigay ‘to, wala na. Babalik ka na ulit sa kwarto mo na para bang walang nangyari.’Lumabas na siya sa kanyang kwarto dala-dala ang gamot pagkatapos ay huminga munang malalim bago tuluyang kumatok sa pinto ni Alexis. Halos isang minuto pa siyang tumayo roon bago siya pagbuksan ng pinto ng dating nobyo.Gulat na gulat si Alexis nang makita si Lenie. Pansin na may sakit talaga ito dahil bukod sa kanyang pag-ubo ay mapupula rin ang kanyang mga mata.“Ah, pumunta lang ako rito para iabot sa iyo ito. Narinig ko kasi kanina na umuubo ka. Sana ay effective sa iyo ‘yan. ‘Yan lagi ang
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

CHAPTER 66.2

Lumabas na nga noon si Lenie para kunin sa kwarto niya ang gamot para sa lagnat at sakit ng ulo.Pagbalik niya ay binigay niya iyon kay Alexis para inumin. Nagdala rin siya ng konting biscuits para may makain muna si Alexis bago uminom ng gamot.“O, ito. Kumain ka muna ng biscuits ha? Pagkatapos mong kumain, pwede ka nang uminom ng gamot. Napunasan naman na kita kaya bababa na rin ‘yang lagnat mo,” sabi ni Lenie.“Thank you,” iyon na lang ang nasabi ni Alexis.Hindi siya makapaniwala na ang ex-girlfriend pa talaga niya ang makakapag–alaga sa kanya.Agad chineck ni Lenie ang refrigerator sa condo ni Alexis para tingnan kung anong pwedeng iluto. Buti na lang at bagong bili ng grocery noon si Manang Edith kaya hindi kulang-kulang ang ingredients.Dahil nga may sakit si Alexis noon ay lulutuan din siya ni Lenie ng sopas kahit na gabi na noon. Humindi na siya pero pinilit pa rin siya ni Lenie dahil kailangan niyang uminom ng gamot.
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

CHAPTER 67.1

“Anong ginawa mo sa kanya?! May pinainom ka ba?!” sigaw ni Alice. Nainis naman si Lenie dahil doon.“Talagang may gana ka pang magbintang, ano? Tinulungan ko na nga ‘yang si Alexis, ganyan pa ang asta mo,” sagot naman ni Lenie.Sasagot pa sana si Alice noon nang biglang dumating si Lance. Agad itong pumasok sa kwarto ni Alexis.“Alice, Lenie. Mamaya na kayo mag-away, pwede ba? Dalhin muna natin siya sa ospital kung gusto niyo talaga siyang gumaling!” awat ni Lance doon sa dalawa.Inalalayan ni Lance si Alexis papunta sa elevator at sumunod naman si Alice sa kanya. Nang makita na pasunod din si Lenie ay pinagsabihan niya ito.“Ano? Sasama ka rin? Huwag na! Ex-girlfriend ka na niya, ‘di ba? Ako lang ang dapat na sasama sa kanya!” sigaw ni Alice.Dahil narinig iyon ni Lance ay sinuway niya si Alice.“Alice, pwede ba? Hindi oras ngayon ng pakikipag-away! Unahin muna natin si Alexis, pabayaan mo muna si Lenie!”Wala nang nagawa noon si Alice, tahimik na sumama si Lenie sa kanila pero sa lo
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status