Ilang buwan na ang nakalipas at naging busy na nga sina Alice at Alexis sa kasal nila. Sumabay pa ang nalalapit na birthday ni Javi.“Ano? Okay na ba ‘yong food tasting na binook ko para sa inyo ni Alexis, hija?” tanong ni Beverly habang kumakain ng agahan.“Opo, Mommy, Okay naman na po. This week na po ang schedule. Nakausap ko na po si Miss Minerva about it,” masayang tugon ni Alice.“Good, malapit na rin ang birthday ng apo ko, hindi ba?” tanong ni Beverly.“Opo, malapit na rin iyon. Tinanong ko na rin po si Miss Minerva tungkol doon at sinabi naman po niya na aayusin niya na iyon,” sagot ni Alice pagkatapos ay humigop ng kape.“Contact all the guests ha? Marami namang mga kaibigan si Alexis sa kumpanya at sa iba pang agency na may anak na kaya sure ako na maraming bata ang pupunta,” sagot ni Beverly.“Oo nga po eh, para may ibang bata rin na makilala si Javi. Minsan po ay naaawa na ako sa kanya kasi wala siyang kalaro,” sagot ni Alice, nalungkot din tuloy si Beverly para sa kanya
Last Updated : 2024-12-21 Read more