Dahil busy si Zyra ay si Lester ang sumama kay Lenie na mamili ng kanyang grocery.Nagulat si Lenie nang marinig niya si Javi. Bigla siyang ngumiti pero nawala agad iyon nang ma-realize niya na baka si Alice ang kasama noong bata.Dahil siya ay nakatulala ay tinanong agad siya ni Lester kung anong problema.“Bakit ka tulala? Anong nasa isip mo?” “Ah, wala. Parang narinig ko kasi ‘yong inalagaan kong bata. ‘Yong anak ni Alice,” sagot ni Lenie.“Ah, talaga? Nasaan siya?” kunwari ay hinanap-hanap pa ni Lester sa paligid ang bata.“Hmm, baka ka- boses lang. Hayaan mo na,” sagot naman ni Lenie.Lalo tuloy nagka-interes si Lester na makinig sa kanya. Lumingon pa ito sa kanyang paligid para tingnan kung nandoon si Javi.Para sa kanya ay magandang opportunity iyon para magkita sila ni Alice kung sakali mang kasama niya ito at matakot ito sa kanya.Nang ma-realize ni Lenie kung ano ang kanyang sinabi ay nanlaki ang mga mata niya.“Ay, nako. Sorry! Hindi ko naman sinasadya na iyon ang sabihin.
Bago umuwi sa bahay ay kinausap munang maigi ni Alexis si Yaya Sol tungkol sa nangyari sa mall. Hindi naman sa gusto niyang magsinungaling si Yaya Sol kay Alice. Ayaw lang niya na makipag-away sa kanyang fiance. Isa pa, baka mawqlan din kasi ng trabaho si Yaya Sol kapag nagalit si Alice sa kanya.“O, Yaya Sol. Tulad nang napag-usapan natin, ayaw kong sasabihin mo kay Alice ito ha? Pati na rin ang pagsasauli sa atin ni Lenie ng bata ay huwag mo ring sasabihin.”“Oo naman po, Sir Alexis. Makakaasa po kayo sa akin, hindi ko naman po talaga sasabihin iyon dahil alam kong parehas tayong mapapagalitan ni Ma’am,” sagot naman ni Yaya Sol kay Alexis.“Okay, good. Ang sa akin lang naman ay mabuti na iyong malinaw kaysa naman magsisihan pa tayo sa huli, ‘di ba?” Pag-uwi ni Alexis at Javi ay wala pa si Alice kaya pinatulog muna ni Yaya Sol ang bata habang si Alexis ay nagkaroon naman ng online meeting.Pag-uwi ni Alice ay kasama niya si Miss Minerva. May mga kailangan daw kasing i-confirm si Mi
“Oo, ganoon na lang. Kung ano na lang ‘yong nasa gown ni Alice ay ganoon na lang din ‘yong sa akin para parehas po kami,” sabi ni Alexis.“Okay po, noted on this,” sagot naman ni Miss Minerva.“Basta, ‘yong bilin ko, ha? Dapat simple lang. Gusto ko na mas ma-highlight si Alice-” hindi na natapos ni Alexis ang kanyang sasabihin dahil biglang pumasok si Alice sa opisina niya.Ni hindi na nagawang kumatok pa ni Alice dahil sa galit na nararamdaman niya kay Alexis.“Alexis! Sabihin mo nga sa akin! Nag-uusap pa rin ba kayo ni Lenie hanggang ngayon?! sigaw ni Alice kaya nagulat sina Alexis at Miss Minerva.Agad na lumapit si Alexis para pigilan si Alice sa pagsasalita. Hiyang-hiya siya sa pinapakita ng kanyang fiance sa harapan ni Miss Minerva.“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka ba man lang mahihiya kay Miss Minerva? Naririnig ka niya, o!” inis na bulong ni Alexis kay Alice.“At bakit naman ako mahihiya sa kanya? Ikaw nga dapat iyon dahil ikakasal na tayo pero nakikipagkita ka pa sa kabit
Makalipas ang ilang araw..Dahil hindi na nakakapagkita ng madalas sina Zyra at Lenie ay nagpasya sila na kumain sa labas para makapag-bonding.Sasama pa nga noon dapat si Lester pero hindi pumayag si Lenie dahil gusto niya na sila lang dalawa ang mag-bonding katulad dati.Agad na kwinento ni Lenie kay Zyra ang pagkikita muli nila ni Javi. Muntik pang maiyak si Zyra dahil miss na rin niya ang kanyang inaanak.“Ano? Talagang ikaw pa ang nakahanap kay Javi? Ang galing naman talaga, ‘no,” sabi ni Zyra.“Hindi ko naman talaga siya hinanap pero siya ‘yong lumapit sa akin. Buti na lang din talaga na ako ang nilapitan niya, baka kasi kung iba ay baka hindi ibalik kay Alexis,” may pag-aalalang sabi ni Lenie.“Oo nga, pero maiba ako. ‘Di ba magbi-birthday na ‘yong inaanak ko? Malapit na ang November 6,” sagot ni Zyra.Nagtaka naman si Lenie noon, wala na kasi siyang alam sa mga dates dahil bukod sa sobrang busy siya sa kanyang trabaho ay occupied pa ang utak niya ng ibang bagay.“Ay talaga? Oo
Dumating na ang araw kung kailan tinawagan na ni Alexis si Lenie para makipagkita sa kanila ni Javi. Excited na excited si Lenie noon, hindi na nga alam ang kanyang gagawin.Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito, kahit kasi sinabihan siya ni Lester na lalabas sila ay humindi siya. Buti na lang din talaga at hindi nagpumilit si Lester.“Lenie, malapit na kami ha? May bibilhin lang akong food para sa atin tapos pupunta na kami dyan,” sabi ni Alexis sa kabilang linya.“Okay, sige. Pero, huwag masyadong madami ang bilhin mo ha? Nagluto rin naman ako ng pagkain para sa atin, eh,” sagot naman ni Lenie.“Ah, talaga? Sige, basta hintayin mo na lang din kami dyan, okay?” sagot ni Alexis pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.Masayang tiningnan ni Lenie ang paligid. Maraming lutong pagkain, may cake, mga regalo at ‘yong Happy Birthday na banner. Masaya siya na magawa ito kahit na mahirap ang kanilang sitwasyon.Napatingin si Lenie sa picture frame na nasa lamesa malapit sa Happy Birthday
Kinakabahan si Alexis nang buksan niya ang pinto pero nawala ang kaba niyang iyon nang makita niya si Zyra.Gulat na gulat naman si Zyra dahil akala niya ay hinatid lang ni Alexis ang bata sa bahay ni Lenie.Natawa pa nga siya sa kanyang sarili dahil hahalikan niya sana sa pisngi ang taong magbubukas ng pinto dahil akala niya ay si Lenie at Javi iyon.“Ay, Sir Alexis. Nandito po pala kayo. Akala ko ay ihahatid niyo lang po ang bata rito. Pasensya na po sa pagkagulat ko,” sabi ni Zyra.“Okay lang, pati rin naman ako ay nagulat. Akala ko kasi ay si Alice na ang kumakatok. Alam mo naman na tinakas ko lang talaga si Javi ngayon para makapag-celebrate siya ng birthday kasama si Lenie,” sagot naman ni Alexis pagkatapos ay pinapasok niya na si Zyra sa loob ng bahay.Bago umupo ay niyakap muna ni Zyra nang mahigpit ang inaanak niya. Pagkatapos ay binigay nito ang regalo sa bata.“Hello, Javi! I know that thi
Dumating na nga ang araw kung saan in-announce ni Alexis ang kasal nila ni Alice sa buong kumpanya.Ang lahat ay gulat na gulat dahil ang akala nila ay si Lenie na ang papakasalan nito. Hindi tuloy naiwasan na hindi matanong ng mga katrabaho si Zyra kung anong nangyari at si Alice ang papakasalan ng kanilang boss.“Uy, Zyra! Anong nangyari sa kaibigan mo, ha? Akala ko ay siya ‘yong papakasalan ni Sir? Sino ‘tong babaeng malandi na ‘to?” usisa ni Vanessa.“Oo nga, parang mas gugustuhin ko pa na si Lenie ang makasal kay Sir Alexis kaysa dyan sa babaeng iyan. Ang landi eh,” sagot naman ni Celeste.“Ay, no comment ako dyan girls. Hindi ko kwento iyan. Kung gusto niyong malaman ang totoong nangyari, pwede niyo naman itanong kay Lenie. Hindi nga lang natin alam kung sasagutin niya ang mga katanungan niyo,” sabi ni Zyra.Dahil wala ngang napala ang mga chismosa kay Zyra ay umalis na ang mga ito sa cubicle niya. Inis na inis naman si Zyra noon kay Sir Alexis dahil akala niya ay paninindigan
"Anong sinasabi mong planado mo ang lahat? Ibig sabihin, wala ka talagang gusto sa akin?" halos nanginginig na sagot ni Lenie, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Lester sa kanya. "O-Oo, ginawa at sinabi ko lang lahat ng iyon para mapalapit ako sa iyo at magamit kita laban kay Alice pero na-realize kong sobrang bait mo kaya hindi mo deserve ang ganitong treatment from me," pag-amin pa lalo ni Lester na dumurog sa puso ni Lenie. "G-Ginamit mo ako laban kay Alice? Bakit? Para saan? Hindi ko kayo maintandahan, lahat kayo panay panggagamit na lang ang ginawa miyo sa akin!" galit na sagot ni Lenie, naiiyak na rin siya. "Gusto ko kasing gumanti sa kanya sa mga ginawa niya sa akin at sa-" hindi pa tapos si Lester sa kanyang sinasabi ay may sagot agad si Lenie sa kanya. "Gusto mong gumanti? Kung gusto mong gumanti sa kanya, bakit sinali mo pa ako? Ni hindi nga kita kilala, ikaw 'tong pumasok sa buhay ko. Nananahimik na ako, Lester. Bakit ginulo niyo pa rin ako?" kitang-kit
Nang magkaharap na si Alexis at Lester ay matapang na hinarap ng binata ang taong sumira sa babaeng pinakamamahal niya. "Walanghiya ka! Anong ginawa mo kay Lenie, ha? Bakit pati siya ay dinamay niyo rito?! Sa akin lang naman kayo galit, 'di ba? Bakit pati siya ay kinidnap niyo?!" sabi ni Alexis. "Paanong hindi siya makakasama sa kidnapping e pakialamera siya? Isa pa, tanungin mo ang fiance mo tungkol doon! Siya naman ang nagsabi sa akin na gawin 'yon eh!" matapang na sagot ni Lester. "Dapat sa inyo mabulok sa kulungan! Kayo ni Alice! Kayo talaga ang bagay, hindi kami!" sagot ni Alexis. "Huwag kang mag-alala, magsasama talaga kami ni Alice dahil sa akin lang siya! Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw pa rin ang pinipili niya kahit ilang beses mo na siyang sinaktan eh!" sabi ni Lester. "Dapat sa iyo ay mamatay na!" Babarilin na sana ni Lester si Alexis pero naunang magpaputok nang barilin si Lester ng isang pulis, natamaan siya sa puso at iyon na ang dahilan ng kanyang pagk
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les