Makalipas ang ilang araw..Dahil hindi na nakakapagkita ng madalas sina Zyra at Lenie ay nagpasya sila na kumain sa labas para makapag-bonding.Sasama pa nga noon dapat si Lester pero hindi pumayag si Lenie dahil gusto niya na sila lang dalawa ang mag-bonding katulad dati.Agad na kwinento ni Lenie kay Zyra ang pagkikita muli nila ni Javi. Muntik pang maiyak si Zyra dahil miss na rin niya ang kanyang inaanak.“Ano? Talagang ikaw pa ang nakahanap kay Javi? Ang galing naman talaga, ‘no,” sabi ni Zyra.“Hindi ko naman talaga siya hinanap pero siya ‘yong lumapit sa akin. Buti na lang din talaga na ako ang nilapitan niya, baka kasi kung iba ay baka hindi ibalik kay Alexis,” may pag-aalalang sabi ni Lenie.“Oo nga, pero maiba ako. ‘Di ba magbi-birthday na ‘yong inaanak ko? Malapit na ang November 6,” sagot ni Zyra.Nagtaka naman si Lenie noon, wala na kasi siyang alam sa mga dates dahil bukod sa sobrang busy siya sa kanyang trabaho ay occupied pa ang utak niya ng ibang bagay.“Ay talaga? Oo
Dumating na ang araw kung kailan tinawagan na ni Alexis si Lenie para makipagkita sa kanila ni Javi. Excited na excited si Lenie noon, hindi na nga alam ang kanyang gagawin.Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito, kahit kasi sinabihan siya ni Lester na lalabas sila ay humindi siya. Buti na lang din talaga at hindi nagpumilit si Lester.“Lenie, malapit na kami ha? May bibilhin lang akong food para sa atin tapos pupunta na kami dyan,” sabi ni Alexis sa kabilang linya.“Okay, sige. Pero, huwag masyadong madami ang bilhin mo ha? Nagluto rin naman ako ng pagkain para sa atin, eh,” sagot naman ni Lenie.“Ah, talaga? Sige, basta hintayin mo na lang din kami dyan, okay?” sagot ni Alexis pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.Masayang tiningnan ni Lenie ang paligid. Maraming lutong pagkain, may cake, mga regalo at ‘yong Happy Birthday na banner. Masaya siya na magawa ito kahit na mahirap ang kanilang sitwasyon.Napatingin si Lenie sa picture frame na nasa lamesa malapit sa Happy Birthday
Kinakabahan si Alexis nang buksan niya ang pinto pero nawala ang kaba niyang iyon nang makita niya si Zyra.Gulat na gulat naman si Zyra dahil akala niya ay hinatid lang ni Alexis ang bata sa bahay ni Lenie.Natawa pa nga siya sa kanyang sarili dahil hahalikan niya sana sa pisngi ang taong magbubukas ng pinto dahil akala niya ay si Lenie at Javi iyon.“Ay, Sir Alexis. Nandito po pala kayo. Akala ko ay ihahatid niyo lang po ang bata rito. Pasensya na po sa pagkagulat ko,” sabi ni Zyra.“Okay lang, pati rin naman ako ay nagulat. Akala ko kasi ay si Alice na ang kumakatok. Alam mo naman na tinakas ko lang talaga si Javi ngayon para makapag-celebrate siya ng birthday kasama si Lenie,” sagot naman ni Alexis pagkatapos ay pinapasok niya na si Zyra sa loob ng bahay.Bago umupo ay niyakap muna ni Zyra nang mahigpit ang inaanak niya. Pagkatapos ay binigay nito ang regalo sa bata.“Hello, Javi! I know that thi
Dumating na nga ang araw kung saan in-announce ni Alexis ang kasal nila ni Alice sa buong kumpanya.Ang lahat ay gulat na gulat dahil ang akala nila ay si Lenie na ang papakasalan nito. Hindi tuloy naiwasan na hindi matanong ng mga katrabaho si Zyra kung anong nangyari at si Alice ang papakasalan ng kanilang boss.“Uy, Zyra! Anong nangyari sa kaibigan mo, ha? Akala ko ay siya ‘yong papakasalan ni Sir? Sino ‘tong babaeng malandi na ‘to?” usisa ni Vanessa.“Oo nga, parang mas gugustuhin ko pa na si Lenie ang makasal kay Sir Alexis kaysa dyan sa babaeng iyan. Ang landi eh,” sagot naman ni Celeste.“Ay, no comment ako dyan girls. Hindi ko kwento iyan. Kung gusto niyong malaman ang totoong nangyari, pwede niyo naman itanong kay Lenie. Hindi nga lang natin alam kung sasagutin niya ang mga katanungan niyo,” sabi ni Zyra.Dahil wala ngang napala ang mga chismosa kay Zyra ay umalis na ang mga ito sa cubicle niya. Inis na inis naman si Zyra noon kay Sir Alexis dahil akala niya ay paninindigan
"Anong sinasabi mong planado mo ang lahat? Ibig sabihin, wala ka talagang gusto sa akin?" halos nanginginig na sagot ni Lenie, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Lester sa kanya. "O-Oo, ginawa at sinabi ko lang lahat ng iyon para mapalapit ako sa iyo at magamit kita laban kay Alice pero na-realize kong sobrang bait mo kaya hindi mo deserve ang ganitong treatment from me," pag-amin pa lalo ni Lester na dumurog sa puso ni Lenie. "G-Ginamit mo ako laban kay Alice? Bakit? Para saan? Hindi ko kayo maintandahan, lahat kayo panay panggagamit na lang ang ginawa miyo sa akin!" galit na sagot ni Lenie, naiiyak na rin siya. "Gusto ko kasing gumanti sa kanya sa mga ginawa niya sa akin at sa-" hindi pa tapos si Lester sa kanyang sinasabi ay may sagot agad si Lenie sa kanya. "Gusto mong gumanti? Kung gusto mong gumanti sa kanya, bakit sinali mo pa ako? Ni hindi nga kita kilala, ikaw 'tong pumasok sa buhay ko. Nananahimik na ako, Lester. Bakit ginulo niyo pa rin ako?" kitang-kit
Nag-celebrate na nga ng kanyang birthday si Javi. Doon na rin sasabihin nina Alexis at Alice na ikakasal na sila dahil nandoon din naman ang iba nilang kaibigan kasama ang mga anak nila.“Anak, are you ready for today? Naku, I’m so excited for you. Ikakasal ka na, huwag mo akong kakalimutan ha?” sabi ni Beverly, maluha-luha pa ito sa harapan ni Alexis.“Of course, Mommy. I’m ready, pero huwag ka nang umiyak. Mahihirapan akong magpakasal niyan,” sagot naman ni Alexis sa kanyang ina.“Hindi ‘no, ano k aba? Masaya lang talaga ako kasi sa wakas ay ikakasal ka na. Mabubuo na ang pamilya mo. Hindi na mahirap para sa inyo ang maging isang pamilya. Sigurado ako, masaya si Alice dahil sa iyo siya ikakasal,” sagot naman ni Beverly, pilit na pinupunasan ang kanyang luha.Dahil sa sinabi ng kanyan ina ay natahimik na lang si Alexis. Oo, alam niyang masaya talaga si Alice dahil ikakasal sila pero ang tanong, masaya ba siya o napipilitan lang para sa kanyang anak??“Hmm, basta Mommy. Huwag na po ka
Pagkaalis ni Lester ay nag-alisan na rin ang lahat ng bisita roon sa party. Masama nilang tiningnan si Alice kaya inis at takot ang kanyang naramdaman sa bawat titig nila.“Why are they leaving? Mommy, hindi pa naman tapos ang party, ‘di ba? Hindi pa sila pwedeng umalis! Nagsisimula pa lang ang party!” sigaw ni Alice, naiiyak na siya sa frustration.“Everything will be okay, anak. I will handle this. Kung kinakailangan na ulitin natin ang part na ito ay gagawin ko. I’m very sorry for what happened, anak,” sabi ni Beverly, awang-awa pa siya kay Alice.Dahil doon ay lalong nag-init ang ulo ni Alexis. May pakiramdam kasi siya na niloloko lang sila ni Alice. Given the background of this girl, malaki ang posibilidad na totoo ang sinasabi ng lalaki kanina.Dahil sa sobrang inis niya ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Hinawakan niya sa braso si Alice at pinilit na ilayo sa kanyang ina. Hindi na iyon napansin ni Beverly dahil busy siyang kausapin ang mga nagsisi-alisan na guests.“An
Pagkalipas ng ilang araw ay tinagawan ni Lester si Lenie. Noong una ay ayaw nitong sumagot pero dahil sa nakalutin na siya ay sinagot na niya ang tawag ng lalaki.“O, anong kasinungalingan naman ngayon ang sasabihin mo sa akin, ha? Lester, wala ka nang maloloko pa rito. Kung gusto mo na kunin ulit si Alice, sige. Kunin mo. Wala naman na akong pakialam sa inyo,” matapang pa na sabi ni Lenie.“Ah, ganoon ba? Wala ka na talagang paki sa akin? Okay sige, naiintindihan ko naman kung bakit. Pero, paano kung sabihin ko sa iyo na kikidnapin ko si Javi? Wala ka pa rin bang paki?”Nanlaki ang mga mata ni Lenie dahil sa kanyang narinig. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ni Lester dahil ang pagpapakilala nito sa kanya ay isang mabait at mapalakaibigan na tao.“Niloloko mo ba ako? Bakit naman pati si Javi ay idadamay mo sa gulo? Isa pa, walang kasalanan sa iyo ang bata. Kay Alice ka galit ‘di ba? Sa kanya ka lang maghiganti. Hindi ba pwede iyon?” matapang pero sa loob-loob niya ay kinakabah
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa