Share

CHAPTER 59

last update Huling Na-update: 2024-12-06 15:33:58

Sa kabilang banda ay nakatira na nga si Alice sa condo kasama si yaya Sol at Javi. Mahigit isang linggo na sila roon at hindi pa rin siya natutunton ni Lester.

“Yaya Sol, napakain mo na ba ng umagahan si Javi? Umiyak na naman ba siya kanina?” tanong ni Alice habang siya ay nagme-make up.

“Opo napakain ko na siya kanina. Umiyak po pero tumahan naman agad,” sagot naman ni Yaya Sol.

Tumango-tango noon si Alice at pinagpatuloy na ang kanyang pagme-make up. Hanggang sa makalipas lang ang ilang minuto ay may nag-door bell ng ilang beses sa pinto ng kanyang condo. Hindi pa ito nasiyahan dahil kinalampag pa nito ang pinto.

“Yaya Sol, sino ba iyon? Wala naman akong maalala na nag-order ako ng pagkain sa baba o kung ano man. Ikaw ba, may in-order ka?” naiirita na noon si Alice dahil sa ingay na ginagawa noong kumakatok.

“Aba, Ma’am. Wala rin naman po akong in-order. Hindi ko naman alam kung paano um-order eh. Baka may inaasahan po kayong bisita?’ sagot naman ni Yaya Sol kaya napaisip si Alice.

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arlene Santander
author pwede ba ung anak lng nya ang kukunin nya at yng yaya nya pra bigyan cya nh leksyon yng mayabang na alicena yn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Daddy Boss   CHAPTER 60 [END OF BOOK 1]

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta si Lenie sa RCG para kunin ang ilang gamit niya roon at ang huling sweldo niya. Ayaw man niyang makita ang kanyang ex-boyfriend ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang kunin iyon, pandagdag din sa pang araw-araw na buhay niya.Noong una ay ayaw niyang magpahatid kay Lance pero dahil pinilit siya nito ay wala na siyang nagawa. Sumang-ayon na lang din siya para matapos na ang lahat at maka-move on na siya sa buhay.“Hindi na kita sasamahan, ha? Alam mo naman ang pwedeng mangyari kapag sumama pa ako sa iyo,” sabi ni Lance.“Oo, okay lang. Ako na lang ang bahalang humarap sa kanya. Mamaya, suntukin ka na naman niya kahit wala ka namang ginagawa,” sagot ni Lenie pagkatapos ay bumaba na sa kotse ni Lance.Bago pumasok sa RCG building ay inayos muna niya ang kanyang sarili pagkatapos ay humingang malalim. Ngumiti siya nang bahagya.‘Ito na ang huling araw na tatapak ka rito, Lenie. Pagkatapos nito, mamumuhay ka na nang masaya at hindi puro sakit.’Nang p

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • My Daddy Boss   CHAPTER 61

    THREE MONTHS AGO. . . Sa mansyon na nga nanirahan sina Alice at si Javi. Noong una pa nga ay ayaw ni Beverly na roon patirahin ang dalawa dahil hindi naman siya sigurado kung apo niya talaga ang bata. Masayang dumating si Alice sa mansyon ng mga Ramirez kasama si Javi at Yaya Sol. Ang takot at luha na naramdaman ay biglang nawala dahil sa wakas ay nakuha na rin niya ang dati pang kagustuhan. ‘Salamat na rin Lester at tinanggal mo sa akin ang lahat. Kung hindi mo ginawa iyon ay baka hindi kami patirahin ni Alexis sa mansyon na ito.’ Sa bungad pa lang ng mansyon ay naghihintay na si Beverly kay Alexis habang umiinom ng kanyang tsaa. Nakakunot ang noo nito nang maaninag kung sino man ang mga kasama ng anak niya. Nagtaka rin ito dahil sa dami ng maleta na dala nila. “Anak, sino naman ‘yang mga kasama mo? Hindi naman natin kailangan ng bagong kasambahay, ah? Isa pa, alam mo naman na bawal dalhin ng mga kasambahay natin ang mga anak nila, hindi ba?” sabi agad ni Beverly nang tumigil sa

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • My Daddy Boss   CHAPTER 62

    Sa kabilang banda ay nanirahan na si Lenie sa condominium ni Lance. Noong una ay hindi siya pumapayag sa offer nito pero pumayag na rin nang maramdaman ang lungkot sa kanyang tinitirhan na bahay.Si Lenie na rin ang naging secretary ng tatay ni Lance na si Mr. Alfredo Martinez nang tuluyan na siyang umalis sa Ramirez Group of Companies.Kung minsan ay sa mansion ng mga Martinez na rin siya kumakain dahil anak ang turin sa kanya ng mag-asawa. Lubos iyong pinagpapasalamat ni Lenie dahil kahit paano ay may pamilya ulit siya.Nasa hapagkainan sila nang kausapin ni Mr. Alfredo ang kanyang anak dahil kinukulit na niya itong magkaroon na ng asawa.“Aba, Lance. Kailan ka ba magkakaroon ng asawa? Natanda ka na anak, ah. Wala ka pa rin bang balak na lumagay na sa tahimik?” nang marinig iyon ni Lance ay halos mapaso na ang kanyang dila dahil umiinom siya ng tsaa noon.“Dad, I think, it's not the right time to discuss things like that. Nandito si Lenie, o. Nakakahiya sa kanya,” sagot ni Lance pa

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • My Daddy Boss   CHAPTER 63

    Nasa isang kilalang hotel and restaurant sina Alice at Alexis noon kasama si Beverly. Trineat niya ang tatlo roon para makasama ang kanyang apo. “Yaya Sol, ilayo mo nga muna si Javi rito. May kailangan lang akong sabihin sa mga anak ko,” sabi ni Beverly. “Masusunod po, Ma’am. Javi, doon muna tayo maglalaro ha? Tara,” yaya ni Sol sa bata. “Ingat, apo. Baka mapaano ka sa daan kapag tumakbo ka, ah,” paalala ni Beverly sa apo. “No, Lola. Don't worry, I’ll be careful,” sagot ni Javi pagkatapos ay nginitian ang kanyang Lola Beverly. “Huwag po kayong mag-alala, Ma’am. Ako na po ang bahala kay Javi,” paninigurado ni Yaya Sol kay Beverly. Nang makalayo na ang dalawa ay hinarap na ni Beverly sina Alice at Alexis. “Alexis, bakit hindi mo pa pakasalan si Alice? After all, she is the mother of your child,” deretsahang sabi ni Beverly, gulat na gulat noon si Alexis samantalang si Alice ay tuwang-tuwa sa narinig. “Mommy, ‘yon na nga eh. She is only the mother of my child. I respect her but I

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • My Daddy Boss   CHAPTER 64

    Lagi nang nagkikita sina Alexis at Lenie roon sa condo pero labis pa rin silang nag-iiwasan. Kung minsan ay sinusubukan naman ni Alexis na makipag-usap sa dating nobya pero hindi talaga siya binibigyan ng pagkakataon nito. Parehas silang papasok sa elevator noon kaya nag-offer ito ng tulong kay Lenie. “Ako na ang bahala sa mga dala mo, mukhang nahihirapan ka, e. Akin na iyan,” pilit na kinukuha ni Alexis ang bag at ilang papeles na hawak ni Lenie. “Mr. Ramirez, I don't need your help. Kaya ko na ito. Isa pa, alam ko na ang strategy na ginagawa mo kaya hindi na gagana sa akin iyan,” deretsahang sagot naman ni Lenie. Nang makapasok na sila sa loob ng elevator ay ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa. Amoy na amoy ni Lenie ang pabango ng dating nobyo. Aminado naman siya sa kanyang sarili na miss na niya ang pabangong iyon. “This is not a strategy, Miss Santos. I just want to help you. I'm being a gentleman here,” paliwanag ni Alexis. “As I've said, I don't need anythi

    Huling Na-update : 2024-12-09
  • My Daddy Boss   CHAPTER 65

    Papasok na noon si Alexis sa RCG nang makasabay niya sa paglabas ng kwarto si Lenie. Naka office skirt ito kaya alam niyang papasok na rin ang dating nobya sa trabaho.Si Alexis naman ay naka business casual naman si Alexis dahil may maaga itong meeting mamaya sa RCG. Nang magtama ang kanilang mga mata ay umiwas agad si Lenie nang tingin sa kanya. Dahil lagi nang nakikita ni Alexis na magkasama sina Lance at Lenie ay hindi na niya naiwasang hindi magtanong kung ano ba ang estado ng dalawa.“Lenie, wait. May itatanong lang sana ako,” pagpigil ni Alexis sa dating nobya.“Ano naman iyon? Mr. Ramirez, I don’t have much time. Kailangan ko nnag pumasok sa trabaho,” inis na sagot ni Lenie.“K-Kayo na ba ni Lance?” nauutal na tanong ni Alexis, ni hindi niya matingnan sa mata si Lenie.“Paano kung oo? May magagawa ka ba?” matapang namang sagot ni Lenie.“W-Wala, pero kayo na nga? Hindi mo man lang sinunod ang three-month rule? Ganoon lang ba kabilis para sa iyo-” hindi na natapos ni Alexis ku

    Huling Na-update : 2024-12-09
  • My Daddy Boss   CHAPTER 66.1

    Paubo-ubo noon si Alexis nang magkasalubong sila sa hallway ng condominium building. Dumeretso lang si Lenie noon sa kanyang kwarto at hindi na pinansin si Alexis.Pero dahil sa lakas nang pag-ubo nito ay hindi na nakatiis si Lenie. Kumuha siya ng gamot para sa ubo sa kanyang medicine cabinet.‘Tutulong ka lang naman sa kanya, eh. After mong ibigay ‘to, wala na. Babalik ka na ulit sa kwarto mo na para bang walang nangyari.’Lumabas na siya sa kanyang kwarto dala-dala ang gamot pagkatapos ay huminga munang malalim bago tuluyang kumatok sa pinto ni Alexis. Halos isang minuto pa siyang tumayo roon bago siya pagbuksan ng pinto ng dating nobyo.Gulat na gulat si Alexis nang makita si Lenie. Pansin na may sakit talaga ito dahil bukod sa kanyang pag-ubo ay mapupula rin ang kanyang mga mata.“Ah, pumunta lang ako rito para iabot sa iyo ito. Narinig ko kasi kanina na umuubo ka. Sana ay effective sa iyo ‘yan. ‘Yan lagi ang

    Huling Na-update : 2024-12-10
  • My Daddy Boss   CHAPTER 66.2

    Lumabas na nga noon si Lenie para kunin sa kwarto niya ang gamot para sa lagnat at sakit ng ulo.Pagbalik niya ay binigay niya iyon kay Alexis para inumin. Nagdala rin siya ng konting biscuits para may makain muna si Alexis bago uminom ng gamot.“O, ito. Kumain ka muna ng biscuits ha? Pagkatapos mong kumain, pwede ka nang uminom ng gamot. Napunasan naman na kita kaya bababa na rin ‘yang lagnat mo,” sabi ni Lenie.“Thank you,” iyon na lang ang nasabi ni Alexis.Hindi siya makapaniwala na ang ex-girlfriend pa talaga niya ang makakapag–alaga sa kanya.Agad chineck ni Lenie ang refrigerator sa condo ni Alexis para tingnan kung anong pwedeng iluto. Buti na lang at bagong bili ng grocery noon si Manang Edith kaya hindi kulang-kulang ang ingredients.Dahil nga may sakit si Alexis noon ay lulutuan din siya ni Lenie ng sopas kahit na gabi na noon. Humindi na siya pero pinilit pa rin siya ni Lenie dahil kailangan niyang uminom ng gamot.

    Huling Na-update : 2024-12-10

Pinakabagong kabanata

  • My Daddy Boss   CHAPTER 107 - SPECIAL CHAPTER (ENDING)

    AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh

  • My Daddy Boss   CHAPTER 106 [SPG ALERT!] - SPECIAL CHAPTER

    AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na

  • My Daddy Boss   CHAPTER 105 - LAST CHAPTER

    Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod

  • My Daddy Boss   CHAPTER 104

    Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan

  • My Daddy Boss   CHAPTER 103

    Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag

  • My Daddy Boss   CHAPTER 102

    AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni

  • My Daddy Boss   CHAPTER 101

    Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s

  • My Daddy Boss   CHAPTER 100

    Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,

  • My Daddy Boss   CHAPTER 99

    Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status