All Chapters of Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him: Chapter 11 - Chapter 16

16 Chapters

Kabanata 11| Utos

Nang makapunta sila sa party ay agad na dinisplay ni Hiraya ang cake sa gitna ng stage. Habang nag-aayos ay may napansin siyang magandang sandal na nakatayo sa harapan niya. Sa paglingon niya sa taong nasa harapan niya, kitang-kita niya ang nakangising si Rosamie habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lamang kasi siya ng isang simpleng dress, hindi akma sa birthday party-ng iyon. Si Rosamie ay nakasuot ng isang mamahaling dress na sa pagkakaalam niya ay isang limited edition ng Divine. Isa sa pinakasikat na brand ng clothing sa buong mundo. Siningkitan siya nito saka unti-unting napangisi. "Aba, narito ka. Hindi ko inaasahang dadalo ka rito, Hiraya. Ikaw ba ang nag-catering dito? Mukhang ikaw nga, here..." Inilahad ni Rosamie ang walang laman na wine glass sa kan'ya. "Pakuha nga ako ng isa pang glass of wine, uhaw na uhaw na ako eh. Pwede ba?" ngising sabi ng babae saka mas lalong ngumisi sa kan'ya. Kumunot ang noo ni Hiraya saka napailing dahil sa sinabi ng dalag
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more

Kabanata 12| Kadramahan ni Rosamie

"Gago ka ba?" tanong ni Hiraya, "Ay oo nga pala, gago ka! Tingnan mo itong mga larawan na kinuha ko kani-kanina lang." Napalingon si Hiraya kay Rosamie, "Akala mo ba, napakatanga ko para hindi kumuha ng ebedensya sa ginawa mo sa akin? Ha! Manigas ka." Inilahad at ipinakita ni Hiraya ang mga nakuha niyang larawan kay Rosamie, doon ay sobrang galit na galit si Rosamie sa kan'ya at akmang sasampalin siya. Muntik pa siyang matawa nang makita ang pangit na mukha ng babae sa larawan dahil sa sobrang galit sa kan'ya. "Oh, 'yan baka gusto mong pumili ng mai-lo-lockscreen sa kaawa-awa at inosente mong si Rosamie, huwag kang mag-alala, Jack bibigyan pa kita ng copy ng mga larawan niya. Gusto mo 'yon?" inis na tanong pa niya sa dating kasintahan. Natahimik naman ang lalaki at napatulala lamang sa camera-ng pinakita niya. Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ni Rosamie. "Hay, nakakaawa naman na ang inosente mong KABABATA kuno ay gan'to pala. Sayang naman ng talent niya ngayon, nag-drama pa
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more

Kabanata 13| Sorry, kasalanan ko

"Huwag na nga lang nating pag-usapan ang ex mo. Mabuti na nga lang at wala na rin kayong relasyon ni Dr. Reyko, huwag mo na ring lapitan ang lalaking iyon. May mas better pang lalaking para sa'yo, Hiraya. Huwag kang mag-alala..." Naalala ni Mayumi noong nag-seminar sila at kasama niya si Dr. Reyko. Talagang unang tingin ay mapapanganga ka sa kagwapuhan nito, pati siya ay napapahanga sa taglay ng alindog ng lalaki. Ang bawat galaw nito ay talagang sobrang expensive! Subalit nang makita niya ang uri ng tingin nito sa mga tao ay biglang nangilabot ang kan'yang katawan. Talagang nakakapatay ang tingin nito't sobrang nakakatakot para sa kan'ya. Wala ngang nangangahas na lumapit kay Reyko noon. Pero noong nagsimula na itong magsalita sa unahan dahil ang lalaki pala ang speaker nila sa seminar ay lahat ng upuan sa loob ng hall ay biglang napuno. Napapailing na lamang siya, kahit na gano'n tumitig ang isang Reyko Takahashi ay hindi pa rin tinitigilan ito ng humahanga sa binata. Kaya nga hi
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Kabanata 14| Flirting

Hinila ni Reyko si Hiraya sa isang madilim na lugar kung hindi nagkakamali si Hiraya ay naroon sila sa garden ng mansyon. Hindi niya alam kung bakit hinila na lamang siya basta-basta ng lalaki pero nagpatianod na lamang siya sa ginagawa nito. Kitang-kita niya ang malamig na mukha ni Reyko habang hawak-hawak siya nito sa kamay. Nang makitang suot-suot pa rin niya ang coat na iniligay ni Jack sa balikat niya ay mabilis na inalis iyon sa balikat niya at itinapon na lamang kung saan. Para bang nahihirapang huminga si Hiraya habang nakita ang ekspresyon ng lalaki. Para ba itong isang hayop na mabangis at gusto siyang lapain. Para siyang isang maliit na daga at isang tigre ang lalaki, siya ay bihag nito at mayamaya ay magiging hapunan na siya. Huminga siya ng malalim at kinalma niya ang sarili, hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa lalaking ito. "Reyko..." tawag niya sa binata. Ngumisi siya at nagpatuloy, "Pasensya na at inindyan kita noong nakaraan, may naging problema lamang ako
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Kabanata 15| Positive

Ilang araw ang nakalipas noong pagtatagpo nina Hiraya at Dr. Reyko, halos hindi niya makontak ang lalaki dahil sa sobrang ka-busy-han niya sa negosyo. Marami kasi siyang naging costumer dahil peak season ngayon. Halos magkanda-ugaga siya dahil sa punong-puno ng orders ang kan'yang shop. Ni hindi na nga niya maasikaso ang kan'yang sarili dahil sa sobrang ka-busy-han. Ni hindi na nga niya napansin na ilang araw na rin siyang delay ng regla, napansin lamang niya iyon nang magtanong ang kan'yang kaibigan na si Alena kung may extra-ng napkin siya dahil dinatnan na nga ang babae. Doon lang niya napagtanto na wala pang bawas ang isang balot na napkin niya. Nahihilo rin siya at nagsusuka sa umaga kung kaya't talagang kinabahan siya. Sa oras na ito ay hawak-hawak niya ang tatlong pregnancy test upang malaman kung may nabuo ba sa ginagawa nila ni Reyko. Walang kaalam-alam dito ang kan'yang ina pati na ang mga kaibigan, ayaw na muna niyang ipaalam sa mga ito na baka buntis siya dahil baka luma
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Kabanata 176| Walang choice

Huminga ng malalim si Hiraya habang nakatingin sa labas ng mansyon nina Reyko Takahashi, pinapanalangin niyang sana ay naroon ang lalaki upang sabihin dito na nagdadalang-tao siya at ito ang ama. Kinakabahan man ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa kan'yang ina, balak niyang sabihin sa lalaki na buntis siya at humingi na rin ng tulong upang makahingi ng gamot sa lalaki. Kailangan na kailangan niya iyon para sa pagpagamot ulit ng kan'yang ina. Naiiyak man siya ngunit pinigilan niya iyon. Kinusot-kusot pa niya ang kan'yang mga mata habang naglakad papalapit sa mansyon. May nakita siyang isang guard na nakatayo sa gilid kung kaya't nilapitan niya ito. "Manong Guard, nariyan po ba si Reyko Takahashi?" tanong niya sa guard, hindi na niya ito nagawang batiin dahil nagmamadali siya. Sandaling kumunot ang noo ng guard sa kan'ya at napailing. "Wala rito si Dr. Reyko, Miss. Sino ba kayo?" "A-Ako? Kaibigan niya ako! Baka naman alam mo kung nasaan si Reyko, sabihin mo sa akin, guard. Al
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more
PREV
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status