Lahat ng Kabanata ng Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him: Kabanata 31 - Kabanata 40

57 Kabanata

Kabanata 31| Treat her well

“Saan tayo pupunta Reyko?” malamig na tanong ni Hiraya kay Reyko nang makita niyang pinapaandar na nito ang kotse nila. “Pupunta tayo sa mansyon ni Lolo, kailangan daw tayo roon…” Biglang binundol ng kaba si Hiraya nang marinig ang sinabi ng lalaki. “Anong nangyari kay Lolo? Okay lang ba siya?” tanong ni Hiraya sa asawa. Tumango lamang si Reyko bilang sagot at hindi na nagsalita. Nang makita iyon ay nakahinga ng maluwag ang babae saka napailing na lamang. Hindi niya na lamang pinansin ang lalaki at nanatiling nakatitig sa daan. Nang makapasok sila sa loob ng mansyon ay nakita nila ang ina ni Reyko na nakaupo sa sofa kasama nito ang manager at nag-ha-handle sa kanyang ateng si Mayari. Ang pagkakaalala niya ang pangalan ng babae ay Jonah. Nang makita ni Reyko ang dalawang matanda ay agad itong lumapit. “Why are you here Jonah?” tanong nito. “Niyaya ako ni Madam na mag-shopping sa mall. Kailangan niya kasi ng professional designer upang pumili ng mga damit niya. Hindi ko naman in-e
last updateHuling Na-update : 2025-03-02
Magbasa pa

Kabanata 32| Walang pakialam

Nang makalabas si Hiraya sa silid ng matanda ay nakasalubong niya ang manager ng kanyang kapatid. “Uy, Hiraya, napaamo mo na ba ang matanda?” tanong nito na para bang close na close sila. Napaawang ang labi ni Hiraya dahil sa sobrang gulat, hindi niya kasi inaasahan na kakausapin siya ng babaeng ito. I mean aware siya at kilala niya kung sino ang manager ng kanyang kapatid dahil napapanuod niya ito kasama sa mga interviews pero hindi naman sila nagkakausap ng personal. Hindi na lamang niya pinansin ang babae saka dire-diretsong naglakad ngunit agad siya nitong hinawakan sa braso kung kaya’t napalingon siya sa babae habang nakakunot ang noo. “Problema mo?” tanong niya. Ngumiti lamang ng pilit si Jonah at sumagot. “Ikaw naman gusto ko lang kamustahin ang nanay mo. Okay na ba siya? Sobrang nag-alala ang kapatid mo sa nanay niya, hindi mo ba alam na bumisita si Mayari sa nanay mo noong nakaraang araw?” “Alam ko bakit mo natanong? At ano naman ang pakialam mo? Pwede ba, alam kong naki
last updateHuling Na-update : 2025-03-04
Magbasa pa

Kabanata 33| Maraming salamat, Dr. Rhob

Nasa loob na ng kotse sina Hiraya at Reyko, tahimik lamang sila habang bumayahe patungo sa kanilang mansyon. Ilang minuto rin ang nakalipas nang magsalita ang lalaki. “You really need to give up your studio, Hiraya. Kailangan mo ng pera para sa gamot at gastusin ng nanay mo, nag-offer lang naman si Joan sa’yo tanggapin mo na. Ayaw mo namang tanggapin ang tulong ko sa’yo, isa pa buntis ka—hindi mo naman na-ma-manage ang studio na iyon ilang buwan na…” Marahas na napalingon si Hiraya sa sinabi ng kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Reyko. “Seryoso ka ba? Iyan na nga lang ang pinagkukunan ko ng income kukunin niyo pa sa akin? Napaka selfish niyo naman!” Hindi man lang pinansin ni Reyko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Bukas na bukas ay ooperahan ko na ang iyong ina, huwag kang mag alala.” “Hindi ako papayag doon, mayroon na akong nahanap na doktor kung kaya’t pwede bang tigilan mo na ako?” inis na sabi ni Hiraya sa lalaki. Matapos sabihin nitong ibenta
last updateHuling Na-update : 2025-03-11
Magbasa pa

Kabanata 34| File a divorce

Sina Rhob at Hiraya ay nasa Ikigai Cafe, isang sikat na coffee shop malapit sa ospital na pinagttrabahuan ni Dr. Rhob. Habang nag-di-discuss si Hiraya ng plano ay taimtim na nakikinig ang doktor sa babae. Manghang-mangha si Rhob dahil sa taglay na talento ni Hiraya bilang isang coordinator. Grabe rin ang suggestions ng babae at nabanggit din ni Hiraya na isa siyang photographer kung kaya’t pwede siyang kunin ng binata. Lahat gagawin ni Hiraya upang magkaroon lang siya ng kita, katunayan nga ay ibinenta na niya ang kanyang studio sa walang-hiyang Joan na iyon. Wala siyang choice kung ‘di ang ibenta ito sa babae dahil gipit na gipit na talaga siya. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang ina sa ospital, baka kapag hindi niya ibinenta ito ay mawawalan ito ng gamot pang-maintenance. Hindi rin kasi sapat ang naipon niyang savings dahil hindi niya inaasahan na magkakaroon ng surgery ulit ang nanay niya. Baon na baon na rin siya sa utang kung kaya’t wala siyang ibang pagpipilian kung ‘di ang
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Kabanata 35| Let's go home

Kinabukasan ay nagkita nga sina Attorney Reyes at Hiraya sa isang cafe malapit sa apartment niya. Alas dos ng hapon ang usapan nila ngunit bago pa man mag-alas dos ay naroon na si Hiraya. Matiyaga siyang naghintay sa abogado habang kumakain ng paborito niyang cheesecake. Mayamaya lamang ay nakita na niya ang abogadong si Atty. Reyes na naglalakad papunta sa table niya. Umupo ng maayos si Hiraya saka binati ang abogado. Nang makaupo ang lalaki ay agad siyang nagsalita. “Attorney, hindi pinirmahan ni Reyko ang divorce paper na ibinigay ko sa kanya. Ilang linggo na rin ang nakalipas ngunit wala akong balita tungkol sa desisyon niya. Mukhang ayaw ng kumag na ‘yon na hiwalaya ako. Kaya naman napagpasyahan kong mag-file na lamang ng divorce sa korte kung maari,” sabi ni Hiraya sa abogado. Napasandal sa malambot na upuan ang abogado saka seryosong tinitigan si Hiraya. Napailing pa ang lalaki at pagkatapos doon na nagsalita. “Mrs. Takahashi, alam kong pinagkakatiwalaan mo ako tungkol sa b
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Kabanata 36| Pag-ibig pa more

“Boss, sundan pa ba natin ang asawa niyo? Malakas ang buhos ng ulan sa labas, mukhang nagpaulan pa ito—”Napailing si Reyko at matalim na titigan ang assistant niya. “Don’t mind her, let’s go.” Sa isip ni Reyko, kung susundan pa niya ang babae ang babae ay malamang mag-aaway pa rin sila. Mas minabuti niya ring hindi na pasundan ang asawa dahil alam niya kung saan ito pupunta, malamang sa nanay nito. Samantala, si Hiraya naman ay sumilong sa isang waiting shed kung saan doon ang hintayan ng mga pasahero. Nang makakuha siya ng taxi ay agad siyang pumunta sa ospital.Nang makita siya ni Alena na basang-basa ay agad itong lumapit sa kanya. Nag-aalala siyang tinitigan ng matalik na kaibigan. “A-Anong nangyari sa’yo? Bakit ka naman nagpaulan baka lagnatin ka niya. May extra ka pa bang damit sa room ni Tita?” Nanginginig siyang tumango kay Alena. “Dito ka lang muna sa labas, ako na ang kukuha ng damit mo sa loob. Huwag na huwag ka talagang magpapakita sa nanay mo baka sermon ang abutin mo
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Kabanata 37| Na-bo-bored lang pala si Reyko

Hindi makapaniwala si Hiraya na makikita niya si Reyko sa ospital ngayon. Hindi niya akalain na bibisita si Reyko matapos na malaman nito na nagpatulong siya kay Attorney Reyes para sa dibursyo nila. Nakaramdam siya ng kaba dahil kitang-kita niya ang madilim na mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Sa katunayan, ni minsan ay hindi maintindihan ni Hiraya ang ugali ni Reyko. Ang alam niya lang ay ayaw ng lalaki sa kanya at kinasusuklaman siya nito. “Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong niya sa lalaki. “Bakit? Bawal na ba ako sa ospital na ito? Pagmamay-ari mo? Isa pa, ang lakas mo naman akong kalabanin, nagpadala ka pa talaga ng subpoena pero ni minsan hindi ka man lang nagpakita sa akin o umuwi sa bahay natin?” Ang malamig na boses ng lalaki ay umalingawngaw sa kahabaan ng hallway. Bumilis ang tibok ng puso ni Hiraya kung kaya’t napaiwas siya ng tingin. “Pumayag ka na lang kasing pirmahan ang divorce paper natin, Reyko. Ano pa bang problema mo? Ayaw mo bang mawala na ako
last updateHuling Na-update : 2025-04-02
Magbasa pa

Kabanata 38| Nag-aalala si Alena kay Hiraya

“Alena…kunin mo ‘yung bag ko sa loob ng silid ng Inay!” nahihirapang utos ni Hiraya at napahawak sa kanyang dibdib. Biglang kumirot ang dibdib niya dahil sa nangyari kanina, dali dali namang pumunta si Alena sa silid ng kanyang ina upang kunin ang maliit na bag niya. Habang nakaupo sa sahig ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang gamot upang inumin iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Alena nang makita ang gamot na hawak-hawak ng kaibigan. “Anong ibig sabihin nito, Hiraya? May sakit ka?!” gulat na tanong ng babae sa kanya. Umiling si Hiraya sa kaibigan at napaiwas ng tingin. Mabilis niyang isinilid ang gamot saka huminga ng maluwag nang kumalma na ang pakiramdam niya. Walang lumabas na salita sa kanyang bibig, hindi rin kasi niya alam kung ano ang sasabihin kay Alena. “Kailangan ko pa bang kuyugin ka upang magpa-check up lang sa doktor o sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa'yo, Hiraya?” patuloy pa ni Alena. Seryoso ang tingin nito sa kanya, nars ang kaibigan niya kung kaya't
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa

Kabanata 39| She's tired begging for his love

Kinabukasan ay umalis si Hiraya upang asikasuhin ang mga binibenta niyang photography arts. Mabuti na lamang at naibenta naman nila ang mga iilang artwork niya kung kaya’t mayroon na naman siyang income kahit papaano. Nakahanap din siya ng maliit na studio malapit sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang ina. Maliit lang iyon at simple pero okay na rin. Sa loob ay may kitchen area kung kaya’t doon na rin siya nag-bi-bake ng mga orders niyang cake. Itinigil niya muna ang pagkukuha ng kliyente sa catering dahil wala siyang sapat na puhunan para roon. Isa pa, buntis siya at bawal na rin sa kanya ang mabibigat na trabaho ayon sa kanyang OBGYN doctor. Samantala si Alena naman ay naiwan upang alagaan ang ina ni Hiraya. Matapos ang ilang eksaminasyon ay sabi ng doktor, naka-recover na rin ang ina nito. Ilang araw ay babalik na rin ang lakas nito. Masaya si Alena at Hiraya sa narinig kung kaya’t naiiwan-iwan na ni Hiraya ang nanay nito. Nang makaalis si Hiraya sa silid ay agad na umupo s
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa

Kabanata 40| Kailangan mo pa ring mapangarap

“Hi, ikaw ba si Hiraya?” Nang marinig niya ang isang boses ay napalingon siya sa kanyang gilid. Nakita niya ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang nahiya dahil sa ganda ng tindig nito pati na ang marangyang kasuotan ng babae. “A-Ako nga, ikaw ba si Ms. DelaCroix?” tanong niya kung kaya’t napatango ang babae. “Ako nga, pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal.” Sumingkit ang kanyang mga mata, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang babae. At dahil pareho sila ng kinahihiligan, bigla niyang nakilala ang babae. Si Ms. Sunshine, isa sa pinakamagaling na photography sa Pilipinas. Ang gallery niya ang isa sa pinakamalaking gallery sa Pilipinas. Pero hindi siya pamilyar sa DelaCroix gallery kung kaya’t hindi niya nakilala ang babae Nakaramdam siya ng kaba, ang makita ang sikat na babaeng nasa harapan niya ay sobrang nakaka-intimidate para sa kanya. “Hindi naman po ako naghintay ng matagal, kakarat
last updateHuling Na-update : 2025-04-04
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status