“Alena…kunin mo ‘yung bag ko sa loob ng silid ng Inay!” nahihirapang utos ni Hiraya at napahawak sa kanyang dibdib. Biglang kumirot ang dibdib niya dahil sa nangyari kanina, dali dali namang pumunta si Alena sa silid ng kanyang ina upang kunin ang maliit na bag niya. Habang nakaupo sa sahig ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang gamot upang inumin iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Alena nang makita ang gamot na hawak-hawak ng kaibigan. “Anong ibig sabihin nito, Hiraya? May sakit ka?!” gulat na tanong ng babae sa kanya. Umiling si Hiraya sa kaibigan at napaiwas ng tingin. Mabilis niyang isinilid ang gamot saka huminga ng maluwag nang kumalma na ang pakiramdam niya. Walang lumabas na salita sa kanyang bibig, hindi rin kasi niya alam kung ano ang sasabihin kay Alena. “Kailangan ko pa bang kuyugin ka upang magpa-check up lang sa doktor o sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa'yo, Hiraya?” patuloy pa ni Alena. Seryoso ang tingin nito sa kanya, nars ang kaibigan niya kung kaya't
Kinabukasan ay umalis si Hiraya upang asikasuhin ang mga binibenta niyang photography arts. Mabuti na lamang at naibenta naman nila ang mga iilang artwork niya kung kaya’t mayroon na naman siyang income kahit papaano. Nakahanap din siya ng maliit na studio malapit sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang ina. Maliit lang iyon at simple pero okay na rin. Sa loob ay may kitchen area kung kaya’t doon na rin siya nag-bi-bake ng mga orders niyang cake. Itinigil niya muna ang pagkukuha ng kliyente sa catering dahil wala siyang sapat na puhunan para roon. Isa pa, buntis siya at bawal na rin sa kanya ang mabibigat na trabaho ayon sa kanyang OBGYN doctor. Samantala si Alena naman ay naiwan upang alagaan ang ina ni Hiraya. Matapos ang ilang eksaminasyon ay sabi ng doktor, naka-recover na rin ang ina nito. Ilang araw ay babalik na rin ang lakas nito. Masaya si Alena at Hiraya sa narinig kung kaya’t naiiwan-iwan na ni Hiraya ang nanay nito. Nang makaalis si Hiraya sa silid ay agad na umupo s
“Hi, ikaw ba si Hiraya?” Nang marinig niya ang isang boses ay napalingon siya sa kanyang gilid. Nakita niya ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang nahiya dahil sa ganda ng tindig nito pati na ang marangyang kasuotan ng babae. “A-Ako nga, ikaw ba si Ms. DelaCroix?” tanong niya kung kaya’t napatango ang babae. “Ako nga, pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal.” Sumingkit ang kanyang mga mata, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang babae. At dahil pareho sila ng kinahihiligan, bigla niyang nakilala ang babae. Si Ms. Sunshine, isa sa pinakamagaling na photography sa Pilipinas. Ang gallery niya ang isa sa pinakamalaking gallery sa Pilipinas. Pero hindi siya pamilyar sa DelaCroix gallery kung kaya’t hindi niya nakilala ang babae Nakaramdam siya ng kaba, ang makita ang sikat na babaeng nasa harapan niya ay sobrang nakaka-intimidate para sa kanya. “Hindi naman po ako naghintay ng matagal, kakarat
“Aside from these, mayroon ka pa bang ibang obra? Iyong pininta mo noon?” tanong ni Sunshine kay Hiraya. Sumilay ang ngiti niya nang maalala ang isang paborito niyang obra noon. Tumango siya bilang sagot kung kaya’t napapalakpak sa tuwa ang babaeng nasa harapan. “Mabuti! If you have a time send me a picture of it at doon ako magbibigay ng desisyon. Okay lang ba?” “Oo naman. I will send it to you as soon as possible.” Ilang minuto pa silang nag-usap ni Sunshine at hindi namalayan na ilang oras na rin pala silang naroon sa Art Gallery. Hindi rin nila napansin na naroon na pala si Rhob sa loob at nilapitan sila. “Ilang oras na kayong nag-uusap ah. Maggagabi na kaya…” Nanlalaki ang mga mata ng dalawang babae at napalingon sa labas. Tama nga ang sinabi ni Rhob, maggagabi na rin pala. “Maggagabi na pala, hindi natin napansin,” nakangiting sabi ni Sunshine kung kaya’t ginantihan naman niya ng matamis na ngiti ang babae. “Mukhang seryoso nga ang pinag-usapan niyo kaya inabot kayo ng il
Nang makarating sina Hiraya at Rhob sa ospital ay agad na nakasalubong nila si Alena. Si Hiraya ay nagpaalam at nagpasalamat sa lalaki sa paghahatid nito sa kanya sa ospital. Pumasok na siya sa loob ng silid upang kamustahin ang lagay ng kanyang ina. Samantalang sina Rhob at Alena ay nanatiling nasa labas, sinusuri ng maigi ng dalaga ang binata na ngayon ay nakatingin na lang sa siradong pinto kung saan pumasok si ang kaibigan niyang si Hiraya. “Ahem… Dr. Rhob, hindi ba’t off mo ngayon? Hindi pa ba kayo uuwi?” Doon lang siya napansin ng binata at lumingon sa kanya. Napakamot ito ng ulo at sumulyap ulit sa pintuan ng silid ng ina ng kaibigan niya. Doon na nahalata ni Alena na may gusto ang doktor sa kaibigan niya, wala siyang inaksayang oras at nagsalita. “Hmm. Dr. Rhob, alam kong interesado ka sa kaibigan ko. Hindi ka naman mag-aaksaya ng oras para ihatid ang kaibigan ko sa gantong oras kung hindi. Alam ko rin ang mga tingininang iyan pero palagi mo sanang tatandaan na kahit na na
Simula nong nagkausap sila ng ina ni Reyko ay sobrang naging busy si Hiraya. Tinanggap na rin siya ni Ms. Sunshine para makipag-collab sa kanya. Ngayon ay inaasikaso na niya ang kanyang painting dahil sa isang araw na gaganapin ang kanilang gagawing auction. Lahat ay preprado na at talagang sobrang excited siya sa magaganap na event. Ngunit hindi pa nga nagsisimula ay nagkaroon na naman ng aberya ang DelaCroix Galley. Ang mga paintings at mga kliyente ni Ms. Sunshine ay biglang nagsi-backout sa pagbili ng artworks ng dalaga. Kahit na si Dr. Rhob ay biglang nawala ng parang bula, ni hindi nga makontak ng ama ang binata. Alam niya kung sino ang may kagagawan nito. Walang-iba kung ‘di ang asawa niyang si Reyko. Dalawang araw na lang kasi ay magaganap na ang trial nila at talagang binibigyan na siya nito ng babala. Mukhang tinatakot na siya ng lalaki. Kaya naman nagpasya siyang pumunta sa ospital ng lalaki. Sana nga lang ay naroon ito. Alam niyang kailangan niyang komprontahin na an
Sa kabilang banda, nakaparada ang isang itim na limited edition na Sedan sa kabilang kalsada. Bahagyang nakababa ang bintana sa likurang upuan nito. Sa madilim na kalangitan at liwanag ng buwan ay kitang-kita sa loob ng kotse si Reyko kasama nito ang pinsan na si Marco. Nakatingin lamang si Marco kay Reyko habang humihithit pa rin ng sigarilyo ang lalaki. "Ang korni mo naman habang nakatingin kay Hiraya! Kanina pa tayo narito, ilang oras na ba? Bagot na bagot na ako, kung kinita mo na lang sana ang asawa mo, eh ‘di sana nasa bar na tayo kanina pa! Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa babaeng iyon?"Hindi sumagot si Reyko, talagang nakatitig lamang ito sa babaeng naghihintay ng taxi sa harap ng ospital na pagmamay-ari nila. "But seriously speaking…" Napaayos ng upo si Marco at ibinuga ang sigarilyo sa labas ng bintana matapos no'n ay tinapon nito ang upos ng sigarilyo sa labas, "Talaga bang sinadya mong papuntahin si Dr. Rhob sa ibang ospital? To think na walang ka-signal-signa
Lahat ng tao sa loob ay nagsilakihan ang mga mata dahil sa sobrang gulat. Kung tutuusin kilala ng mga kapinsanan ni Reyko ang mukha ni Hiraya dahil lahat ng pinsan ng lalaki ay um-attend sa kanilang kasal pati na ang mga kaibigan nito. Hindi nga lang siya close dahil alam ng mga ito ang ginawa niya kay Reyko. Ngunit kasalanan ba niyang mabuntis siya ng lalaki? Ni hindi naman niya ginawa ang anak nila ng siya lang ‘di ba? Iyon ang palagi niyang punto kapag nakikita niyang galit na galit ang mga ito sa kanya at kinukutya-kutya pa siya. "Si Hiraya ba 'yan??” bulong na sabi ng isang pinsan ni Reyko. “Hindi ba't ang asawa ng pinsan natin ‘yan?" bulong din ng isa. Alam ng mga ito na hindi tinuturing na asawa ni Reyko ang asawa dahil hindi na rin sa kanila bago ang masamang pakikitungo ng lalaki sa asawa noon. Naiintindihan naman nila kung bakit dahil napag-alaman ng lalaki na pinikot ni Hiraya si Reyko. Halos bukambibig din ng nanay ng lalaki na iyon nga ang ginawa ng babae at pinilit n
Napataas ng kilay si Hiraya at mapaglarong ngumiti kay Kris, tila hindi maintindihanni Hiraya kung bakit labis na nagagalit ang lalaki. Hindi kaya iniisip nito na dahil itinago ng lolo nito ang nangyari, walang ibang makakaalam?Noong mga panahong iyon, nagtatalo ang ama ni Kris at ang ama ni Reyko para sa posisyon bilang Director sa ospital ng pamilyang Takahashi. Inakala ng ama ni Kris na sa pamamagitan ng pag-alis sa ama ni Reyko ay ang lalaki na ang magtataguyod ng ospital at siguradong ito na ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng pamilyang Takahashi. Kaya binayaran ng ama ni Kris ang drayber ng ama ni Reyko para gumawa ng aksidente, na nagresulta sa pagkahulog ng ama ni Reyko kasama ang sasakyan sa isang bangin, na wala man lang iniwang trace. Pagkatapos noon ay umamin ang drayber na ginawa niya iyon dahil sobrang galit siya sa lalaki dahil tinrato siya nito na para bang basura. Ngunit hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos pumanaw ng ama ni Reyko, muling pinamahalaan ng m
"Oo naman po, Lolo," tumango si Kris. "Kung hindi kayo naniniwala, tanungin niyo mismo si Reyko. Kilala mo iyon, kung ginawa niya ang lahat, hindi niya itatanggi iyon."May gusto pa sanang itanong ang matanda nang marinig ni Kris ang isang malamig na boses mula sa likuran—"Kris, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makialam sa mga buhay ko?" Napaingos si Reyko at bumuntong hininga, puno ng pagkasuklam ang boses ng lalaki. "Nakakalimutan mo na ba ang sinabi mo noong pinalayas ka mula rito sa Pilipinas ilang na taon na ang nakakaraan?"Napatingala si Kris, nagtama ang madilim na mga mata nila sa isa’t-isa. Hindi akalain ni Kris na naroon pala ang lalaki sa mansyon. Ilang sandali pa lang siyang nasa bahay ay dumating na agad ito kasama si Hiraya! Ang kanilang pagtitinginan ay puno ng tensyon, walang gustong magpatalo sa mga oras na iyon.Nang makita ni Hiraya na medyo awkward ang paligid, dali-daling umupo ang babae sa tabi ng matanda, "Lolo, hindi ba't tumawag ka sa akin kahapon, s
Alas onse na nang tanghali nang matapos si Hiraya na maghilamos at bumaba. Nanlaki ang mga mata ni Hiraya nang makita si Alena na nakaupo sa sofa. Wenyu. Nang makita nitong kasama niya si Reyko palabas ng silid ay dali-daling lumapit ito sa kanya, “Hiraya, ano na naman ang ginawa sa’yo ng lalaking iyan? Bakit nasa silid mo siya??”Napailing si Hiraya at nginitian ng pilit si Alena, “Okay lang ako, Alena huwag kang mag-alala…” Magsasalita na sana si Alena nang may kumatok sa pintuan, bumukas ang pinto at iniluwa noon si Assistant Green. May dala itong buong set ng suit at iniabot iyon kay Reyko. “Boss, may video conference kang aattend-an mamayang alas dos ng hapon. Narito ang suit na pinakuha mo sa akin kanina.”Tinanggap naman iyon ni Reyko at sinulyapan ang assistant nitong si Green,“Cancel it.”Nanlaki ang mga mata ng binata at nagsalita, “Pero mahalaga po ito.”“Anong bang sinabi ko sa’yo, hindi mo ba naiintindihan?” Sumimangot si Reyko at muli itong nagsalita, “Maghintay ka na
Sobrang namanhid ang palad ni Hiraya sa mga oras na iyon. Paano nito nagawang hamakin siya? Anong karapatan nitong bastusin siya sa labas pa talaga ng apartment niya?Marami ang mga kapitbahay niya rito pero wala itong pakialam kung may makakita man sa kanila.Malamig na tumawa si Reyko, inabot lang nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Ang madilim na matang lalaki ay puno ng pagnanasa, na ikinataranta ni Hiraya, ang kanyang mga mata ay puno ng takot. Lalo na nang maglapat ang init ng labi nito sa kanyang balat!“Huwag, lumayo ka nga sa akin!” Biglang tumaas ang boses ni Hiraya, “Tulungan niyo ako…”‘Oh God, tulungan mo ako!’ piping sabi ni Hiraya. Hindi man lang natinag ang lalaki. Nalunod na talaga ito sa pagnanasa sa kanya. Kita niyang namumula ang mga mata nang lalaki habang inabot nito ang kanyang leeg at hinawakan. “Sino ang gusto mong tumulong sa iyo? Si ba o si Rhob?”Natakot si Hiraya, nanigas ang buong katawan niya at napaurong. Noong una silang magkakilala, ni hindi siy
Habang nakahiga si Reyko sa kanilang kama ay naalimpungatan ang lalaki dahil sa sobrang lamig. Ilang sandali ay napamulat ito, noon una walang reaksyon ang lalaki ngunit bigla nitong nasapo ang ulo dahil bigla itong kumirot.Tuyo at makati na rin lalamunan ng lalaki kung kaya’t, bahagya itong dumilat, “Hiraya, tubig.” Ngunit ang tumugon sa lalaki ay isang katahimikan sa loob ng silid. Muli itong nagsalita, “Hiraya, Bingi ka ba? Sabi ko tubig!” Inabot niya ang katabi ngunit biglang nawala ang kalasingan nito nang mapagtantong wala babae sa tabi.Natakot si Reyko para bang biglang nawala ang lahat ng kalasingan nito. Wala siya. Ang babaeng mahigit isang taon nang kinukulit siya ay umalis na nga pala. Kitang-kita ang liwanag ng buwan sa labas ng bintana, tumatagos ang liwanag nito sa sahig hanggang kisame. Bigla niyang naalala ang babae sa tuwing umuuwi siyang lasing sa kanilang mansyon. “Reyko naman, sino na naman ba ang nag-imbita sa’yong uminom? Si Marco na naman ba? Ang gago talag
Nang pumasok si Reyko sa loob ng club bumungad sa kanya ang nagsasayawang tao sa loob. Nakaupo si Marco sa harap ng counter bar, nang makita siya nito ay kumaway sa kanya ang binata..”Reyko, hindi ko ginustong tawagan ka, okay? Pero wala na talaga akong makontak pang iba. Nagdala ng mga kaibigan si Lucy rito sa bar, magpapainom daw ito ngayon at hindi ko namalayan na nagkakagulo na pala ang mga ito. Hindi ko naman pwedeng basta na lang silang patigilan kung kaya’t ikaw na lang ang naisip kong tawagan.""Tsaka isa pa, nakita ko na sobrang hayagan mong dinala ang babaeng ito sa auction ngayon. Akala ko talaga nagising ka na—" Habang sinasabi ng lalaki iyon ay binulongan nito si Reyko. Tiningnan ni Reyko nang masama ang pinsan, hindi man lang nagsalita att napalingon sa kinaroroonan ni Lucy na tahimik na nakaupo sa tabi. Lumapit siya sa babae at malamig na naagsalita. “Hindi ko maalalang binigyan kita ng pirmiso na hayagang sabihin na babae kita?” Napakunot ang noo ni Lucy habang nag
Pagkalabas ni Hiraya sa restaurant ay humangmin ng malamig kung kaya’t napayakap siya sa kanyang katawan. Nakaparada sa gilid ng kalsada ang itim na Sedan kaya naman natigilan siya ng ilang segundo. Huminga siya ng malalim at naglakad papunta roon. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay nakita niya ang nakayukong lalaki, nakatago ang gwapong mukha nito sa dilim. Nakapatong ang kamay ng lalaki na may hawak-hawak na sigarilyo sa bintana.Sa isang iglap, bigla niyang naalala ang lalaki noon. Sandaling tumigil si Hiraya sa tabi, saka niya binuksan ang pinto at umupo, "Sinusundan mo ba ako?" Lumingon si Reyko at basta na lang pinatay ang sigarilyo at itinapon iyon sa labas ng bintana.Pagkaraan ng ilang sandali, sumagot ang lalaki, "Nakausap mo ba ang pinsan ko? Ang pinsan kong minsan ka ng nilandi? Alam ba ito ni Rhob na nakikipaglandian ka sa iba?"Nakikipaglandianl? Hindi niya talaga alam kung ano ang tingin nito sa kanya. Pero wala na siyang pakialam doon. Mahinang tumawa si Hiraya,
Hindi maganda ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Lalo na't hindi man lang sila nagkaroon ng magandang pag-uusap ng babae at hindi man lang nagkamustahan. Talagang dinirekta na ni Hiraya si Kris kung kaya nakaramdam ng hindi pagka-komportable ang lalaki. Napansin din 'yun ni Hiraya, pero sobrang pagod na ang katawan niya at kailangan na niyang magpahinga, isa pa wala na siyang lakas makipagburian pa sa lalaking nasa harapan niya. "Ginamit mo lang ba si Andrea para makipagkita sa akin? Sabihin mo na ang totoo, Kris? Tama ako ‘di ba? Ano ba talaga ang gusto mo?"Napangiti na lamang si Kris saka napailing. "Talagang matalino ka, Ate Hiraya. Malapit na ang kaarawan ni Lolo. Matagal na niyang gustong-gusto ang mga obra ni Mr. Park, pero tumigil na si sa pagpipinta. Kaya gusto sanang tulungan mo ako..."Napataas si Hiraya ng kilay. Kakaunti lang ang nakakaalam na siya ang follower o alagad ni Mr. Park, mas kakaunti pa nga lang ang nakakaalam na siya si Hope. Paano nalaman ni Kris na m
Agad na lumapit si Alena sa kaibigan at nagtanong. “Hiraya, anong pinag-usapan niyo ng pinsan ni Reyko?" Si Alena ay inakbayan ang kaibigan at mahinang bumulong sa kanyang tainga, "Narinig ko kanina na gusto ka niyang makausap at nag-aayaya ito ng dinner? Huwag kang pumunta, natatakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo."Napaikot ng mata si Hiraya dahil sa sinabi ng kaibigan. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko namang protektahan ang sarili ko, Alena.” "Hindi ko talaga alam kung bakit interesado sa’yo ang lahat ng miyembro ng Takahashi. Kapag nakikita mo naman ang mga ito, tila ba walang magandang nangyayari.”Mahinang tumawa si Hiraya, pero hindi na siya nagsalita pa.Nang matapos ang auction ay agad na nag-ayos sina Hiraya at Hiraya. Nang matapos sa paglilinis ay handa na sana siyang aalis nang makatanggap siya ng isang mensahe. Agad niyang tiningnan kung sino ang nag-text ngunit numero lamang ito. [7:30 PM, Starry Restaurant.]Nandilim ang kanyang