Sa kabilang banda, nakaparada ang isang itim na limited edition na Sedan sa kabilang kalsada. Bahagyang nakababa ang bintana sa likurang upuan nito. Sa madilim na kalangitan at liwanag ng buwan ay kitang-kita sa loob ng kotse si Reyko kasama nito ang pinsan na si Marco. Nakatingin lamang si Marco kay Reyko habang humihithit pa rin ng sigarilyo ang lalaki. "Ang korni mo naman habang nakatingin kay Hiraya! Kanina pa tayo narito, ilang oras na ba? Bagot na bagot na ako, kung kinita mo na lang sana ang asawa mo, eh ‘di sana nasa bar na tayo kanina pa! Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa babaeng iyon?"Hindi sumagot si Reyko, talagang nakatitig lamang ito sa babaeng naghihintay ng taxi sa harap ng ospital na pagmamay-ari nila. "But seriously speaking…" Napaayos ng upo si Marco at ibinuga ang sigarilyo sa labas ng bintana matapos no'n ay tinapon nito ang upos ng sigarilyo sa labas, "Talaga bang sinadya mong papuntahin si Dr. Rhob sa ibang ospital? To think na walang ka-signal-signa
Lahat ng tao sa loob ay nagsilakihan ang mga mata dahil sa sobrang gulat. Kung tutuusin kilala ng mga kapinsanan ni Reyko ang mukha ni Hiraya dahil lahat ng pinsan ng lalaki ay um-attend sa kanilang kasal pati na ang mga kaibigan nito. Hindi nga lang siya close dahil alam ng mga ito ang ginawa niya kay Reyko. Ngunit kasalanan ba niyang mabuntis siya ng lalaki? Ni hindi naman niya ginawa ang anak nila ng siya lang ‘di ba? Iyon ang palagi niyang punto kapag nakikita niyang galit na galit ang mga ito sa kanya at kinukutya-kutya pa siya. "Si Hiraya ba 'yan??” bulong na sabi ng isang pinsan ni Reyko. “Hindi ba't ang asawa ng pinsan natin ‘yan?" bulong din ng isa. Alam ng mga ito na hindi tinuturing na asawa ni Reyko ang asawa dahil hindi na rin sa kanila bago ang masamang pakikitungo ng lalaki sa asawa noon. Naiintindihan naman nila kung bakit dahil napag-alaman ng lalaki na pinikot ni Hiraya si Reyko. Halos bukambibig din ng nanay ng lalaki na iyon nga ang ginawa ng babae at pinilit n
Halos mabulunan si Marco dahil sa sinabi ni Chloe kay Hiraya. Hindi rin ng lalaki inaasahan na sasabihin ni Chloe iyon lalo nasa loob lamang ang asawa ni Hiraya na si Reyko. Hindi ba nag-iisip si Chloe? Bakit nasabi ng babae ito sa harap na naroon lamang si Reyko, kahit na walang pakialam ang lalaki sa asawa nito ay alam niyang magagalit ito kapag may taong bumu-bully sa asawa. Napasulyap si Marco kay Reyko na kanina pa'y tahimik. Hindi niya talaga mabasa ang nasa isip ng lalaki. Hindi rin niya alam kung galit ba ito o ano. Wala talagang pakialam ang lalaki sa asawa nito. Pero kahit na gano'n mali pa rin ang ginawa ni Chloe sa isip-isip niya. Tiningnan lamang ni Hiraya si Chloe at sa wakas nagsalita na ang babae, "Hindi ba't isa ka lang sa mga babae ni Marco? Bakit naman kita papansin? Hindi ka naman kagalang-galang at isa pa, close ba tayong dalawa? Kung gusto niyong makasama si Mayari— so what?? Wala naman akong pakialam. At mayabang? Hindi ako mayabang, ayaw ko lang makipag-close
Takot na takot si Marco dahil sa nangyari, kapag nalaman kasi ng Lolo nila ang nangyari kay Hiraya ay talaga malilintikan siya. At kapag nalaman din ng matanda na mayroon siyang nilalanding iba ay katapusan na ng mana niya. Si Chloe naman pati na ang mga kababaihan kasama na roon si Reyko ay natulala lamang dahil sa nangyari. Si Maria na ang lumapit kay Reyko, isa sa kaibigan ni Chloe at Mayari. "Dr. Reyko, huwag kang mag-alala, hindi na ulit ito mauulit. Hindi na rin magpapakita sa'yo si Chloe, aalis na rin kami!” Pagkasabi ng dalag ay hinila na nito si Chloe at agad na umalis sa loob, sumunod na rin ang iba.Naiwan na lamang sa loob si Reyko at ang isa nitong pinsan na si Walter. "Hindi mo ba susundan ang asawa mo? Hindi ba't buntis ito? Hindi ka ba nag-aalala, Reyko?” mahinang sabi ni Walter sa kanya. Tumaas ang kilay ni Reyko at napakunot pa ng noo. “Ano?” "Anong ano? Wala ka na bang pakialam sa magiging anak mo? Bakit hindi mo sundan ang asawa mo, masama ang kalagayan nit
Naiwan si Reyko na nakaupo sa mahabang bench sa gilid ng hallway. Napayuko lamang siya habang nakatitig sa sahig at malalim ang isip. Talagang nandidilim ang mga mata nito at napapakunot pa ang mga mata. Kahit sino naman ang makakakita sa lalaki ay talagang matatakot sa madilim na aura nito. Makalipas ang ilang sandali, ay napahinga siya ng maluwag at napagpasyahang pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang kanyang asawa. Kakapasok pa lang ni Reyko nang tumunog ang kanyang telepono dahil doon ay dali-dali niya itong kinuha at sinagot, sa takot na magising ang kanyang asawa. Pumunta sa may bintana upang hindi maisturbo sa pagpapahinga ang babae. Nakatanaw siya sa labas ng bintana kung kaya't kitang-kita niya ang madilim na kalangitan sa labas. Mula sa kabilang linya, ay narinig niya ang iyak ng isang babae. Napakunot ang kanyang noo, tiningnan niya ulit kung sino ang tumatawag baka namamalikmata lamang siya subalit si Marco naman iyon. “Sino ‘to? Nasaan si Marco?” Mayamaya ay sumago
Subalit bago pa man lumabas ang resulta ng check-up ni Hiraya, nakatanggap ng tawag si Reyko kaya naman kinailangan niyang umalis ng ospital. Pero dahil sobrang nag-aalala siya sa asawa ay tinawagan niya si Alena at sinabi kung ano ang nangyari sa kaibigan. Sa loob ng itim na Sedan na kotse, nakaupo ang assistant ni Reyko sa driver's seat, tinitingnan ang lalaki sa rearview mirror, "Dr. Reyko, wala naman po sigurong sakit si Miss Hiraya, ‘no..."Napalingon si Reyko sa assistant niya, nagtama ang tingin nila ng binata, kaya natakot na itong magsalita pa at nag maneho na lang.Samantala si Hiraya ay nagising ng bandang alas tres na ng hapon. Lumingon siya sa nakakasilaw na liwanag, napapipikit-pikit pa siya ng kanyang mga mata na para bang nag-a-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag. Hindi niya masyadong maaninag ang paligid kung kaya't tinakpan niya ang kanyang mata."Hiraya, sa wakas gising ka na!" Nang makitang dumilat ang kaibigan, agad na tumayo si Alena sa pagkakaupo sa tabi ni
Napahilamos si Hiraya dahil sa narinig, hindi niya alam kung ano nga ba ang pumasok sa isip ng kanyang kaibigan bakit nito nagawang bungguin ang sasakyan ng kanyang asawa. Gets niyang galit ito pero binalaan naman niya ang dalawa na huwag ng makisali sa away nila ng mag-asawa dahil alam niyang madadamay lang ang mga ito. Nang makita ni Mayumi ang pag-aalala sa mukha ni Hiraya ay napangiti ito ng matamis at hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, Hiraya may CCTV naman na magpapatunay na binangga ko lang ang kotse ng asawa mo, gusto ko lang talagang makabawi sa kanya, hindi naman siya nasaktan, aayusin ko lang ang magiging piyansa at makakalabas na rin ako."Tahimik lang si Hiraya habang nakikinig kay Mayumi. Alam niyang hindi ganoon kasimple iyon, kilala niya ang asawa hindi nito papalampasin ang nangyari sa ngayon. Lalo pa't hinamak at kinalaban ng kaibigan niya si Reyko. Kung talagang mapipiyansahan ang babae bakit tinawag pa siya ng kapulisan? Kung kaya naman pala niton
Tumitig lamang sa kanya si Reyko at hindi man lang siya sinagot sa tanong niya. Ang ginawa na lamang niya ay maipiling at nagsalita ulit. “A-Ano makikipag-deal ka ba sa akin o hindi? Kung hindi, I am just wasting my time here…” “Talaga bang mapilit ka?” matigas na sabi ni Reyko sa kanya. Nakita niyang dahan-dahang bumaba ang kamay ng lalaki, dahan-dhang hinaplos nito ang kanyang makinis na pisngi, "Hiraya, alam mong pwede kitang saktan sa mga oras na ito ngunit dahil asawa kita ay nagpipigil ako. Alam mo naman kung ano ang magiging kahihinatnan mo kung maghihiwalay tayo ‘di ba? Hindi pa rin kita tatantanan at mas sisirain ko pa ang buhay mo, tandaan mo ‘yan!” Nanlaki ang mga mata ni Hiraya, hindi siya makapaniwalang tumingin sa lalaking nasa harapan.Kinuyom niya ang kamao at kinagat ng mariin ang kanyang labi.“Pumunta ka sa mansyon at nagsumbong sa lolo ko na buntis ka, itinatak mo sa utak ng matanda na ako ang may kasalanan ng lahat, na binuntis kita at kinuha ang virginity mo.
Niyakap ni Alena ng mahigpit si Hiraya habang malakas itong umiiyak. Kahit si Alena ay sobrang nahihirapan na sa sitwasyon ng kaibigan. Hindi nito alam ang gagawin upang makalayo si Hiraya sa lalaking iyon. "Tahan na Hiraya, narito lang kaming mga kaibigan mo, huwag kang mag-alala, hindi ka namin iiwan..."Huminga ng malalim si Hiraya at nagsalita. “Paano m-mo na lamang narito ako??” “Hinahanap ka kasi ni Tita kaya naman tinawagan kita pero si Reyko ko ang sumagot ng telepono mo. Magkasama kayong dalawa? Naiinis ako, hindi ka talaga niya tinitigilan!” galit na sabi ni Alena sa kanya. Ngayon ay kumalma na siya ng kunti kung kaya't nakausap na niya ng matino ang kaibigan. Natahimik na lamang siya at napangiwi. “Kumusta pala si Mayumi? May balita ka na ba sa kanya? Si Dr. Rhob??” tanong niya kaya tumango si Alena. “Si Mayumi ay nagpapahinga na sa bahay nila, sinundo raw siya ng kuya niya sa presinto. Iba talaga dumiskarte ang babaeng iyon. Hindi natatakot na kalabanin si Reyko! Bilib
Kinagat ng dalaga ang labi at napayuko ulit. Talagang walang lakas ang katawan niya, sobrang sakit din nito pati nanginginig pa ang binti niya. Nakakaramdam din siya ng uhaw pero paano? Gusto niyang bumangon pero hindi niya kaya. Hindi naman niya magawang utusan ang lalaki na nasa gilid dahil alam niyang magagalit lang ito. Kaya naman ang ginawa niya ay pinilit na lamang niya ang sarili upang bumangon mula sa pagkakahiga para uminom ng tubig. Ngunit nang sandaling tumayo siya ay muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at alerto ang asawa niya kung kaya’t mabilis siya nitong nasalo at inalalayan. "Anong gagawin mo?"Kumunot ang noo ni Hiraya at nag-isip sandali, "G-Gusto kong uminom ng tubig."Tiningnan siya ng matagal ni Reyko. Mayamaya ay dahan-dahan siyang inalalayan nito, binuhat siya gamit ang isang kamay at pinaupo sa kama. Nagsalin din ito ng baso at dahan-dahang iniabot ang tubig sa kanyang labi. "Salamat." Tinanggap ni Hiraya ang baso at umiwas siya ng matapos na kunin it
Nagising si Hiraya na nakahiga sa isang kama at puno ng kulay puti ang loob ng silid kung saan siya naroroon. Napakunot ang kanyang noo nang ma-realize kung nasaan siya. Nasa ospital ba siya?Kaka-discharge niya pa lang dito pero bakit narito na naman siya? Posible kayang panaginip lang ang nangyari sa kaniya kanina? Bakit bumalik na naman siya sa lugar na ito? Mukhang ginagawa na niyang tirahan ang ospital. Napailing siya at natawa ng mahina. Mayamaya ay nakarinig siya ng hikbi sa silid kung kaya’t napakunot ang kanyang noo. Kilala niya kung sino iyon, ang kaibigan niyang si Alena. "Reyko pwede bang tigilan mo na ang kaibigan ko? Kung patuloy mo lang pinapahirapan si Hiraya ay baka mawala siya sa amin mas worst pati na ang kanyang anak. Pwede ba iyon? Please lang, layuan mo na ang kaibigan ko… Hindi pa ba sapat ang ilang buwan niyang pagdurusa kasama ka? Pinagbayaran na rin naman niya ang kasalanan niya noon ah, kahit na wala naman itong kasalanan sa’yo, nagmahal lang siya! Minaha
Napalunok ng mariin si Hiraya, ayaw niyang pwersahin siya ni Reyko dahil buntis siya. At alam naman nitong ayaw na ayaw niyang hawakan siya nito. Huminga siya ng malalim at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Kapag nalaman ni Mayari ang ugali mo, kapag nakita niya ito magugustuhan ka pa ba niya? I doubt kung matatanggap ka pa niya,” patuloy pa niya saka nginisian ang asawa."Ano naman kung buntis ka? Hindi ba't hindi naman ito ang unang beses na ginawa natin ito? Hinahanap-hanap mo pa nga ang haplos ko’t ikaw ang palaging nag-fi-first move sa atin. So, bakit tumatanggi ka na ngayon? Nagpapakipot ka na naman ba? Alam kong gusto mo rin ang gagawin ko sa'yo. Isa pa, doktor ako alam kong kahit buntis ang isang babae pwede pa ring makipag-sex!” Diring-diri si Hiraya sa mga pinagsasabi ng asawa. Wala na talagang respeto si Reyko basta lang makuha nito ang gusto. Wala siyang nagawa at sa puntong iyon sumuko na siya sa pakikipagtalo sa lalaki. Siya na rin ang naghubad ng kanyang damit at walang
Halos hindi inaasahan ni Hiraya na nagawa niyang sampalin si Reyko ng sobrang lakas, lahat ng emosyon niyang nararamdaman simula noong niloloko siya ng paulit-ulit ng asawa ay bigla na lang sumabog. Hindi niya akalaing sasaktan niya ang asawa kaya nang makita niya ang namumulang pisngi at bakas na bakas ang palad niya sa mukha ni Reyko ay napatakip siya ng bibig dahil sa sobrang gulat. At dahil hindi pa rin nakakabawi ang lalaki sa ginawa niya, bago pa man ito matauhan ay agad na umalis siya at gumapang palayo sa lalaki. Ngayon ay nasa dulo na siya ng sofa, malayo sa lalaking kanina’y nasa harapan niya. Takot na takot siya at nanginginig pa, nilakasan din niya ang loob upang makapagsalita. "Parang awa mo na, huwag na huwag mo akong hahawakan!"Mariin niyang tinitigan si Reyko, nagsimulang mas dumilin pa ang mga mata ng lalaki, alam niyang galit na galit na ito kung kaya’t mahigpit siyang napahawak sa kanyang damit na kanina’y balak pigtasin ng lalaki. "Please lang, tigilan mo na ak
“Sa akin ka galit kung kaya't huwag mong idadamay ang mga taong gusto lang naman akong tulongan at makaahon sa buhay! Sa buhay kong pilit mong nilulugmok!” patuloy pa niya. Mas lalong kumunot si Reyko, napayuko ito sa babae upang tingnan. Kitang-kita nito ang pagtulo ng luha sa pisngi nito kung kaya’t mas lalong kumirot ang kanyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya masabi kung ano ito. At ayaw na ayaw niya itong maramdamn. Dumilim ang paningin niya sa babae, huminga ng malalim at nagsalita, "Bumalik ka sa bahay natin, gusto kong bago pa man balutin ng kadiliman ang paligid ay naroon ka na sa mansyon."Napaiwas siya ng tingin sa babae at pilit na nagpaliwanag kay Hiraya, "Ang anak ni Mayari..."Hindi niya natapos ang sasabihin nang umiling si Hiraya, “Wala akong paki.” Napataas ng kilay si Reyko at tinitigan ang mukha ng asawa.Mahinang tumawa si Hiraya, ngunit patuloy pa rin ang luha nito sa magkabilang pisngi. "Mula ngayon, hindi na ako