“Kailan ba magbabago ang lalaking iyon? Sobrang nakakainis na ang pagkabarumbado niya!” inis na sabi ng Don nang umalis si Reyko sa sala. Nakatingin lamang ang Don kay Hiraya, malamig at mabangis ang mga mata nito, alam ng Don kung gaano kalayo ang mag-asawa sa isa’t-isa. Alam iyon ng Don noo pa man. Natawan ng mahina si Hiraya at napailing. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng matanda at nakinig lamang ng tahimik. “Ang nangyari noon ay matagal na rin naman. Anak niya ang dinadala mo kung kaya’t bakit ang hirap nitong tanggapin ka sa buhay niya? Isa pa, obligasyon niyang panagutan ka!” inis na sabi pa ng matanda. Nang marinig ang sinabi ng matanda ay agad na nagsalita ang ina ni Reyko. “Papa, hindi mo naman mapipilit ang isang tao sa hindi niya mahal. Kaya ganyan ang apo niyo dahil hindi naman niya mahal si Hiraya at naanakan lang niya ito. Ano bang mahirap intindihin doon?” “Huwag mong sabihin at mahiya ka naman sa harap talaga ni Hiraya? Kasalanan ba ni Hiraya ang lahat?”
Kitang-kita ni Hiraya ang pag-aalala at takot sa mukha ni Reyko nang makita ang kapatid niyang punong-puno ng dugo habang tinitingnan ng doktor. Parang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hirap itong magsalita. Napaawang ang mapupulang labi nito upang handa na sanang magtanong ngunit naunahan ito ng doktor. “Pasensya na Mister. Nakunan na ang misis mo’t hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan ng maraspa ang loob nito sa lalong madaling panahon baka ika-lason pa ng asawa mo ito. Pakipirmahan na lamang sa kin ng pasyente.” Agad na binigay ng nars ang form kay Reyko. Nanginginig namang kinuha ni Reyko ang papel at agad na pinirmahan ito. Si Mayari ay agad na pinasok sa emergency room upang maraspa na ngayon ay namimilipit sa sakit. Nang makita ang sitwasyong iyon ay hindi mapigilan na sumikip ang dibdib ni Hiraya. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng asawa niya sa kan’ya. Sa harap niya mismo at sinampal pa siya ng katotohanan—niloloko na pala siya ng asawa m
“Talagang okay lang, Hiraya? Sabi ng doktor ay maselan ang pagbubuntis mo ngayon kaya dapat ay huwag kang magpapagagod at magpapa-stress. Alam mo na ang dapat mong gawin, okay? Mag-te-text ulit ako sa’yo mamaya, mag-se-send din ako ng list ng mga masusustansyang pagkain na kakainin mo,” sabi ni Mayumi habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigang si Hiraya. Nasa harapan na sila ngayon ng bahay nila ni Reyko, hinatid kasi siya nito, ayaw na sana niyang makaisturbo pa sa babae ngunit ito naman ang nag-insist sa kan’ya. “Naiintindihan ko, Mayumi. Pasensya na, inisturbo at pinag-alala pa kita.” Hinawakan ni Mayumi ang kan’yang kamay saka pinisil iyon, sumilay ang mapait na ngiti ng kaibigan at seryosong nakatitig sa kan’ya. “Hiraya, kailan ka pa magttyaga riyan sa asawa mong nuknukan ng kasamaan? Iyong nangyari noon ay hindi mo naman kasalanan, hindi mo naman ginustong mabuntis niya, ‘di ba? Ginawa mo lang naman ang lahat upang magkaroon ng kompletong pamilya iyang anghel na nasa sinapup
Malamig na tinitigan ni Reyko ang divorce paper na hawak-hawak ni Hiraya, nilampasan lamang ng lalaki ang papel at umupo sa malambot na kama nila.Kinuha ang isang sigarilyo at humithit doon. Alam niyang alam na ng lalaki kung ano ang naglalaman ng papel na hawak-hawak niya. Kita niya ang paghithit ng sigarilyo ni Reyko at mabilis na ibinuga iyon kung kaya’t nagkaroon ng usok ang silid. Napaubo si Hiraya at napahawak sa kan’yang tiyan. Gan’to ang lalaki, walang pakialam sa kan’ya kahit na buntis siya. Siguro naman alam nitong masama sa usok ng sigarilyo ang buntis ngunit patuloy pa rin ang paninigarilyo nito sa harap niya. Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ang lalaki, “Napag-isipan mo na ba ‘yan ng mabuti? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Ang ekspresyon ni Reyko habang tinatanong iyon ay kalmado, ni walang nakikitang ibang ekspresyon si Hiraya rito. “Oo naman.” Hindi maiwasang manginig ni Hiraya habang nagsasalita. Pagod na pagod na rin kasi siya sa relasyong siya
Dahan-dahang minulat ni Hiraya ang kan’yang mga mata. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa loob pa rin siya ng kanilang kwarto. Salamat sa Diyos dahil hindi pa siya patay, akala niya’y malalagutan na siya ng hininga dahil sa pagkakasakal sa kan’ya ni Reyko. Tumulo ang luha ni Hiraya habang nakatingin sa kisame. Napahinga siya ng malalim saka napahawak sa kan’yang tiyan. Mabuti naman at ligtas sila ng anak niya. Subalit hindi na sila magiging ligtas pa kung mananatili pa siya sa tabi ni Reyko. Matapos na makapag-ayos ay agad na bumaba si Hiraya upang mag-almusal dahil sobrang nagugutom siya. Nang makaupo sa mesa ay agad na pinaghandaan siya ng mga katulong doon. “Madam, ang sir po ay maagang umalis kanina,” sabi ng katulong kung kaya’t tumango na lamang siya. Palagi niya kasing tinatanong sa mga katulong kung nasaan na ang sir nila upang paghandaan sana ng almusal. Nang matapos mag-almusal ay agad na bumalik si Hiraya sa kwarto, kinuha ang maleta at wallet nia at bumaba ul
Huminga ng malalim si Hiraya at napaupo sa upuan na nasa gilid ng kwarto ng kan’yang ina. Napahilot siya sa kan’yang ulo saka napahawak sa tiyan. Biglang nawalan siya ng lakas dahil sa pagkikita nila ng kan’yang kapatid na si Mayari. “Hiraya! Nakita ko ang kapatid mong kakalabas lamang kanina, anong nangyari? Okay ka lang ba? Tanginang kabit na iyon, talagang bumisita pa talaga rito sa ospital, para ano? Para guluhin ka na naman? Ha! Kung hindi ko lang ito workplace ay sinabunutan ko na talaga kanina!” galit na galit na sabi ni Alena, nanginginig ang mga kamay nito dahil sa sobrang inis sa kapatid niya. “Hayaan mo na, Alena. Hindi niya ako matatalo, kilala mo naman ako,” sagot ni Hiraya saka inayos ang sarili. “Hayaan?” inis na sabi ni Alena. “Hindi! W-Wait…” Napakunot ang noo ni Alena, “Balita ko makikipaghiwalay ka na kay kupal? Totoo ba iyon? Mabuti naman at natauhan ka na!” Napatango si Hiraya bilang sagot, “Subalit ayaw niyang pirmahan.” “What? Ayaw niyang pirmahan at ano n
Limang araw ng hindi nakakatanggap si Hiraya ng tawag mula kay Reyko. Hindi naman sa gusto niyang tumawag ito sa kan’yang telepono subalit kailangan niyang malaman kung napirmahan na ba nito ang divorce agreement na iniwan niya sa kanilang kwarto pati pinadala niya sa kompanya nito. Biglang sumakit ang kan’yang ulo dahil simula noong nakipaghiwalay siya kay Reyko ay tambak na problema ang dumating sa kan’ya. Ang pina-book ng major client niya sa gaganaping birthday ay biglang ikinancel nito. Kahit na nagkapirmahan na sila at nagbigay na ng downpayment ang client niya ay kinancel pa rin nito at hindi naman lamang siya pinaabisuhan agad. Napahinga ng malalim si Hiraya saka napahilot sa ulo. Hindi na rin nito kinuha ang downpayment na para bang bayad na ito ng client sa pag-cancel ng book nito. Alam niyang kagagawan iyon ni Reyko, hindi siya tanga para hindi malaman iyon. Subalit hindi niya lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito tinitigilan, dahil ba na
“Mayumi, pwede mo ba akong matulongan? May kilala ka bang Dr. Gab Wilson? Isang magaling surgeon dito sa Pilipinas, ni-recommend kasi Doc. Analyn ang doktor na iyan para operahan ang nanay.” Napakunot ang noo ni Mayumi saka nagtanong. “Si Doc. Wilson? Kilala ko nga siya, isa siyang genius doctor dito sa Pilipinas, bakit? Anong nangyari? May nangyari bang masama kay Tita?” Nahihimigan ng pag-aalala ang boses ni Mayumi. “Oo eh, kanina ay inatake na naman ito, ang doktor na mag-o-opera sa kan’ya ay hindi maganda ang kalagayan ngayon, nais ko sanang kausapin si Doc. Wilson kung maari, tulungan mo ako please, Mayumi…”“Hmm, saturday ngayon ‘di ba? Ang alam ko nasa club ngayon ang lalaki. To think na maggagabi na for sure naroon na ang doktor na iyon sa isang sikat na bar na pagmamay-ari ni Lance DeJucos. Ibibigay ko sa’yo ang lokasyon ng bar na iyon, gusto mo bang samahan pa kita?” tanong ni Mayumi ngunit umiling lamang si Hiraya. “Ako na ang bahala, salamat sa tulong mo, Mayumi,” sago
Niyakap ni Alena ng mahigpit si Hiraya habang malakas itong umiiyak. Kahit si Alena ay sobrang nahihirapan na sa sitwasyon ng kaibigan. Hindi nito alam ang gagawin upang makalayo si Hiraya sa lalaking iyon. "Tahan na Hiraya, narito lang kaming mga kaibigan mo, huwag kang mag-alala, hindi ka namin iiwan..."Huminga ng malalim si Hiraya at nagsalita. “Paano m-mo na lamang narito ako??” “Hinahanap ka kasi ni Tita kaya naman tinawagan kita pero si Reyko ko ang sumagot ng telepono mo. Magkasama kayong dalawa? Naiinis ako, hindi ka talaga niya tinitigilan!” galit na sabi ni Alena sa kanya. Ngayon ay kumalma na siya ng kunti kung kaya't nakausap na niya ng matino ang kaibigan. Natahimik na lamang siya at napangiwi. “Kumusta pala si Mayumi? May balita ka na ba sa kanya? Si Dr. Rhob??” tanong niya kaya tumango si Alena. “Si Mayumi ay nagpapahinga na sa bahay nila, sinundo raw siya ng kuya niya sa presinto. Iba talaga dumiskarte ang babaeng iyon. Hindi natatakot na kalabanin si Reyko! Bilib
Kinagat ng dalaga ang labi at napayuko ulit. Talagang walang lakas ang katawan niya, sobrang sakit din nito pati nanginginig pa ang binti niya. Nakakaramdam din siya ng uhaw pero paano? Gusto niyang bumangon pero hindi niya kaya. Hindi naman niya magawang utusan ang lalaki na nasa gilid dahil alam niyang magagalit lang ito. Kaya naman ang ginawa niya ay pinilit na lamang niya ang sarili upang bumangon mula sa pagkakahiga para uminom ng tubig. Ngunit nang sandaling tumayo siya ay muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at alerto ang asawa niya kung kaya’t mabilis siya nitong nasalo at inalalayan. "Anong gagawin mo?"Kumunot ang noo ni Hiraya at nag-isip sandali, "G-Gusto kong uminom ng tubig."Tiningnan siya ng matagal ni Reyko. Mayamaya ay dahan-dahan siyang inalalayan nito, binuhat siya gamit ang isang kamay at pinaupo sa kama. Nagsalin din ito ng baso at dahan-dahang iniabot ang tubig sa kanyang labi. "Salamat." Tinanggap ni Hiraya ang baso at umiwas siya ng matapos na kunin it
Nagising si Hiraya na nakahiga sa isang kama at puno ng kulay puti ang loob ng silid kung saan siya naroroon. Napakunot ang kanyang noo nang ma-realize kung nasaan siya. Nasa ospital ba siya?Kaka-discharge niya pa lang dito pero bakit narito na naman siya? Posible kayang panaginip lang ang nangyari sa kaniya kanina? Bakit bumalik na naman siya sa lugar na ito? Mukhang ginagawa na niyang tirahan ang ospital. Napailing siya at natawa ng mahina. Mayamaya ay nakarinig siya ng hikbi sa silid kung kaya’t napakunot ang kanyang noo. Kilala niya kung sino iyon, ang kaibigan niyang si Alena. "Reyko pwede bang tigilan mo na ang kaibigan ko? Kung patuloy mo lang pinapahirapan si Hiraya ay baka mawala siya sa amin mas worst pati na ang kanyang anak. Pwede ba iyon? Please lang, layuan mo na ang kaibigan ko… Hindi pa ba sapat ang ilang buwan niyang pagdurusa kasama ka? Pinagbayaran na rin naman niya ang kasalanan niya noon ah, kahit na wala naman itong kasalanan sa’yo, nagmahal lang siya! Minaha
Napalunok ng mariin si Hiraya, ayaw niyang pwersahin siya ni Reyko dahil buntis siya. At alam naman nitong ayaw na ayaw niyang hawakan siya nito. Huminga siya ng malalim at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Kapag nalaman ni Mayari ang ugali mo, kapag nakita niya ito magugustuhan ka pa ba niya? I doubt kung matatanggap ka pa niya,” patuloy pa niya saka nginisian ang asawa."Ano naman kung buntis ka? Hindi ba't hindi naman ito ang unang beses na ginawa natin ito? Hinahanap-hanap mo pa nga ang haplos ko’t ikaw ang palaging nag-fi-first move sa atin. So, bakit tumatanggi ka na ngayon? Nagpapakipot ka na naman ba? Alam kong gusto mo rin ang gagawin ko sa'yo. Isa pa, doktor ako alam kong kahit buntis ang isang babae pwede pa ring makipag-sex!” Diring-diri si Hiraya sa mga pinagsasabi ng asawa. Wala na talagang respeto si Reyko basta lang makuha nito ang gusto. Wala siyang nagawa at sa puntong iyon sumuko na siya sa pakikipagtalo sa lalaki. Siya na rin ang naghubad ng kanyang damit at walang
Halos hindi inaasahan ni Hiraya na nagawa niyang sampalin si Reyko ng sobrang lakas, lahat ng emosyon niyang nararamdaman simula noong niloloko siya ng paulit-ulit ng asawa ay bigla na lang sumabog. Hindi niya akalaing sasaktan niya ang asawa kaya nang makita niya ang namumulang pisngi at bakas na bakas ang palad niya sa mukha ni Reyko ay napatakip siya ng bibig dahil sa sobrang gulat. At dahil hindi pa rin nakakabawi ang lalaki sa ginawa niya, bago pa man ito matauhan ay agad na umalis siya at gumapang palayo sa lalaki. Ngayon ay nasa dulo na siya ng sofa, malayo sa lalaking kanina’y nasa harapan niya. Takot na takot siya at nanginginig pa, nilakasan din niya ang loob upang makapagsalita. "Parang awa mo na, huwag na huwag mo akong hahawakan!"Mariin niyang tinitigan si Reyko, nagsimulang mas dumilin pa ang mga mata ng lalaki, alam niyang galit na galit na ito kung kaya’t mahigpit siyang napahawak sa kanyang damit na kanina’y balak pigtasin ng lalaki. "Please lang, tigilan mo na ak
“Sa akin ka galit kung kaya't huwag mong idadamay ang mga taong gusto lang naman akong tulongan at makaahon sa buhay! Sa buhay kong pilit mong nilulugmok!” patuloy pa niya. Mas lalong kumunot si Reyko, napayuko ito sa babae upang tingnan. Kitang-kita nito ang pagtulo ng luha sa pisngi nito kung kaya’t mas lalong kumirot ang kanyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya masabi kung ano ito. At ayaw na ayaw niya itong maramdamn. Dumilim ang paningin niya sa babae, huminga ng malalim at nagsalita, "Bumalik ka sa bahay natin, gusto kong bago pa man balutin ng kadiliman ang paligid ay naroon ka na sa mansyon."Napaiwas siya ng tingin sa babae at pilit na nagpaliwanag kay Hiraya, "Ang anak ni Mayari..."Hindi niya natapos ang sasabihin nang umiling si Hiraya, “Wala akong paki.” Napataas ng kilay si Reyko at tinitigan ang mukha ng asawa.Mahinang tumawa si Hiraya, ngunit patuloy pa rin ang luha nito sa magkabilang pisngi. "Mula ngayon, hindi na ako
Tumitig lamang sa kanya si Reyko at hindi man lang siya sinagot sa tanong niya. Ang ginawa na lamang niya ay maipiling at nagsalita ulit. “A-Ano makikipag-deal ka ba sa akin o hindi? Kung hindi, I am just wasting my time here…” “Talaga bang mapilit ka?” matigas na sabi ni Reyko sa kanya. Nakita niyang dahan-dahang bumaba ang kamay ng lalaki, dahan-dhang hinaplos nito ang kanyang makinis na pisngi, "Hiraya, alam mong pwede kitang saktan sa mga oras na ito ngunit dahil asawa kita ay nagpipigil ako. Alam mo naman kung ano ang magiging kahihinatnan mo kung maghihiwalay tayo ‘di ba? Hindi pa rin kita tatantanan at mas sisirain ko pa ang buhay mo, tandaan mo ‘yan!” Nanlaki ang mga mata ni Hiraya, hindi siya makapaniwalang tumingin sa lalaking nasa harapan.Kinuyom niya ang kamao at kinagat ng mariin ang kanyang labi.“Pumunta ka sa mansyon at nagsumbong sa lolo ko na buntis ka, itinatak mo sa utak ng matanda na ako ang may kasalanan ng lahat, na binuntis kita at kinuha ang virginity mo.
Napahilamos si Hiraya dahil sa narinig, hindi niya alam kung ano nga ba ang pumasok sa isip ng kanyang kaibigan bakit nito nagawang bungguin ang sasakyan ng kanyang asawa. Gets niyang galit ito pero binalaan naman niya ang dalawa na huwag ng makisali sa away nila ng mag-asawa dahil alam niyang madadamay lang ang mga ito. Nang makita ni Mayumi ang pag-aalala sa mukha ni Hiraya ay napangiti ito ng matamis at hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, Hiraya may CCTV naman na magpapatunay na binangga ko lang ang kotse ng asawa mo, gusto ko lang talagang makabawi sa kanya, hindi naman siya nasaktan, aayusin ko lang ang magiging piyansa at makakalabas na rin ako."Tahimik lang si Hiraya habang nakikinig kay Mayumi. Alam niyang hindi ganoon kasimple iyon, kilala niya ang asawa hindi nito papalampasin ang nangyari sa ngayon. Lalo pa't hinamak at kinalaban ng kaibigan niya si Reyko. Kung talagang mapipiyansahan ang babae bakit tinawag pa siya ng kapulisan? Kung kaya naman pala niton
Subalit bago pa man lumabas ang resulta ng check-up ni Hiraya, nakatanggap ng tawag si Reyko kaya naman kinailangan niyang umalis ng ospital. Pero dahil sobrang nag-aalala siya sa asawa ay tinawagan niya si Alena at sinabi kung ano ang nangyari sa kaibigan. Sa loob ng itim na Sedan na kotse, nakaupo ang assistant ni Reyko sa driver's seat, tinitingnan ang lalaki sa rearview mirror, "Dr. Reyko, wala naman po sigurong sakit si Miss Hiraya, ‘no..."Napalingon si Reyko sa assistant niya, nagtama ang tingin nila ng binata, kaya natakot na itong magsalita pa at nag maneho na lang.Samantala si Hiraya ay nagising ng bandang alas tres na ng hapon. Lumingon siya sa nakakasilaw na liwanag, napapipikit-pikit pa siya ng kanyang mga mata na para bang nag-a-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag. Hindi niya masyadong maaninag ang paligid kung kaya't tinakpan niya ang kanyang mata."Hiraya, sa wakas gising ka na!" Nang makitang dumilat ang kaibigan, agad na tumayo si Alena sa pagkakaupo sa tabi ni