Sa mansyon ng mga Takahashi. Ang Don ay tahimik na nanunuod ng telebisyon habang umiinom ng isang tasang kape. Ang mukha ng matanda ay mabangis at sobrang napakalamig. Talagang kitang-kita mo ang galit na galit na ekspresyon sa mga mata kung kaya't walang tao roon na nangahas na kausapin ang Don. Si Butler Naiko na sanay na sanay na sa galit na ekspresyon ng Don ang nangahas na lumapit at kinausap ito. "Don Raymundo, ang young master po at si Madam Hiraya ay papunta na po rito. Huwag po kayong mag-alala, malapit na raw po sila." "Tanginang Reyko na 'yan. Malapit na ang kaarawan ko, ni hindi man lang ako binigyan ng katahimikan! Gumawa pa talaga ng isang scandal sa medya!" galit na galit na sabi ng Don. At dahil narinig iyon ni Olivia ay agad nitong pinagtanggol ang anak nitong si Reyko. "Kilala mo naman ang apo mo, Dad. Kung tutuusin, kasalanan ito ni Hiraya, alam naman niyang may ibang mahal ang anak ko ay kinanti pa nito. Nagpabuntis pa talaga ang punyeta. Kung hindi sana niya
“Kailan ba magbabago ang lalaking iyon? Sobrang nakakainis na ang pagkabarumbado niya!” inis na sabi ng Don nang umalis si Reyko sa sala. Nakatingin lamang ang Don kay Hiraya, malamig at mabangis ang mga mata nito, alam ng Don kung gaano kalayo ang mag-asawa sa isa’t-isa. Alam iyon ng Don noo pa man. Natawan ng mahina si Hiraya at napailing. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng matanda at nakinig lamang ng tahimik. “Ang nangyari noon ay matagal na rin naman. Anak niya ang dinadala mo kung kaya’t bakit ang hirap nitong tanggapin ka sa buhay niya? Isa pa, obligasyon niyang panagutan ka!” inis na sabi pa ng matanda. Nang marinig ang sinabi ng matanda ay agad na nagsalita ang ina ni Reyko. “Papa, hindi mo naman mapipilit ang isang tao sa hindi niya mahal. Kaya ganyan ang apo niyo dahil hindi naman niya mahal si Hiraya at naanakan lang niya ito. Ano bang mahirap intindihin doon?” “Huwag mong sabihin at mahiya ka naman sa harap talaga ni Hiraya? Kasalanan ba ni Hiraya ang lahat?”
Kitang-kita ni Hiraya ang pag-aalala at takot sa mukha ni Reyko nang makita ang kapatid niyang punong-puno ng dugo habang tinitingnan ng doktor. Parang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hirap itong magsalita. Napaawang ang mapupulang labi nito upang handa na sanang magtanong ngunit naunahan ito ng doktor. “Pasensya na Mister. Nakunan na ang misis mo’t hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan ng maraspa ang loob nito sa lalong madaling panahon baka ika-lason pa ng asawa mo ito. Pakipirmahan na lamang sa kin ng pasyente.” Agad na binigay ng nars ang form kay Reyko. Nanginginig namang kinuha ni Reyko ang papel at agad na pinirmahan ito. Si Mayari ay agad na pinasok sa emergency room upang maraspa na ngayon ay namimilipit sa sakit. Nang makita ang sitwasyong iyon ay hindi mapigilan na sumikip ang dibdib ni Hiraya. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng asawa niya sa kan’ya. Sa harap niya mismo at sinampal pa siya ng katotohanan—niloloko na pala siya ng asawa m
“Talagang okay lang, Hiraya? Sabi ng doktor ay maselan ang pagbubuntis mo ngayon kaya dapat ay huwag kang magpapagagod at magpapa-stress. Alam mo na ang dapat mong gawin, okay? Mag-te-text ulit ako sa’yo mamaya, mag-se-send din ako ng list ng mga masusustansyang pagkain na kakainin mo,” sabi ni Mayumi habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigang si Hiraya. Nasa harapan na sila ngayon ng bahay nila ni Reyko, hinatid kasi siya nito, ayaw na sana niyang makaisturbo pa sa babae ngunit ito naman ang nag-insist sa kan’ya. “Naiintindihan ko, Mayumi. Pasensya na, inisturbo at pinag-alala pa kita.” Hinawakan ni Mayumi ang kan’yang kamay saka pinisil iyon, sumilay ang mapait na ngiti ng kaibigan at seryosong nakatitig sa kan’ya. “Hiraya, kailan ka pa magttyaga riyan sa asawa mong nuknukan ng kasamaan? Iyong nangyari noon ay hindi mo naman kasalanan, hindi mo naman ginustong mabuntis niya, ‘di ba? Ginawa mo lang naman ang lahat upang magkaroon ng kompletong pamilya iyang anghel na nasa sinapup
Malamig na tinitigan ni Reyko ang divorce paper na hawak-hawak ni Hiraya, nilampasan lamang ng lalaki ang papel at umupo sa malambot na kama nila.Kinuha ang isang sigarilyo at humithit doon. Alam niyang alam na ng lalaki kung ano ang naglalaman ng papel na hawak-hawak niya. Kita niya ang paghithit ng sigarilyo ni Reyko at mabilis na ibinuga iyon kung kaya’t nagkaroon ng usok ang silid. Napaubo si Hiraya at napahawak sa kan’yang tiyan. Gan’to ang lalaki, walang pakialam sa kan’ya kahit na buntis siya. Siguro naman alam nitong masama sa usok ng sigarilyo ang buntis ngunit patuloy pa rin ang paninigarilyo nito sa harap niya. Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ang lalaki, “Napag-isipan mo na ba ‘yan ng mabuti? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Ang ekspresyon ni Reyko habang tinatanong iyon ay kalmado, ni walang nakikitang ibang ekspresyon si Hiraya rito. “Oo naman.” Hindi maiwasang manginig ni Hiraya habang nagsasalita. Pagod na pagod na rin kasi siya sa relasyong siya
Dahan-dahang minulat ni Hiraya ang kan’yang mga mata. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa loob pa rin siya ng kanilang kwarto. Salamat sa Diyos dahil hindi pa siya patay, akala niya’y malalagutan na siya ng hininga dahil sa pagkakasakal sa kan’ya ni Reyko. Tumulo ang luha ni Hiraya habang nakatingin sa kisame. Napahinga siya ng malalim saka napahawak sa kan’yang tiyan. Mabuti naman at ligtas sila ng anak niya. Subalit hindi na sila magiging ligtas pa kung mananatili pa siya sa tabi ni Reyko. Matapos na makapag-ayos ay agad na bumaba si Hiraya upang mag-almusal dahil sobrang nagugutom siya. Nang makaupo sa mesa ay agad na pinaghandaan siya ng mga katulong doon. “Madam, ang sir po ay maagang umalis kanina,” sabi ng katulong kung kaya’t tumango na lamang siya. Palagi niya kasing tinatanong sa mga katulong kung nasaan na ang sir nila upang paghandaan sana ng almusal. Nang matapos mag-almusal ay agad na bumalik si Hiraya sa kwarto, kinuha ang maleta at wallet nia at bumaba ul
Huminga ng malalim si Hiraya at napaupo sa upuan na nasa gilid ng kwarto ng kan’yang ina. Napahilot siya sa kan’yang ulo saka napahawak sa tiyan. Biglang nawalan siya ng lakas dahil sa pagkikita nila ng kan’yang kapatid na si Mayari. “Hiraya! Nakita ko ang kapatid mong kakalabas lamang kanina, anong nangyari? Okay ka lang ba? Tanginang kabit na iyon, talagang bumisita pa talaga rito sa ospital, para ano? Para guluhin ka na naman? Ha! Kung hindi ko lang ito workplace ay sinabunutan ko na talaga kanina!” galit na galit na sabi ni Alena, nanginginig ang mga kamay nito dahil sa sobrang inis sa kapatid niya. “Hayaan mo na, Alena. Hindi niya ako matatalo, kilala mo naman ako,” sagot ni Hiraya saka inayos ang sarili. “Hayaan?” inis na sabi ni Alena. “Hindi! W-Wait…” Napakunot ang noo ni Alena, “Balita ko makikipaghiwalay ka na kay kupal? Totoo ba iyon? Mabuti naman at natauhan ka na!” Napatango si Hiraya bilang sagot, “Subalit ayaw niyang pirmahan.” “What? Ayaw niyang pirmahan at ano n
Limang araw ng hindi nakakatanggap si Hiraya ng tawag mula kay Reyko. Hindi naman sa gusto niyang tumawag ito sa kan’yang telepono subalit kailangan niyang malaman kung napirmahan na ba nito ang divorce agreement na iniwan niya sa kanilang kwarto pati pinadala niya sa kompanya nito. Biglang sumakit ang kan’yang ulo dahil simula noong nakipaghiwalay siya kay Reyko ay tambak na problema ang dumating sa kan’ya. Ang pina-book ng major client niya sa gaganaping birthday ay biglang ikinancel nito. Kahit na nagkapirmahan na sila at nagbigay na ng downpayment ang client niya ay kinancel pa rin nito at hindi naman lamang siya pinaabisuhan agad. Napahinga ng malalim si Hiraya saka napahilot sa ulo. Hindi na rin nito kinuha ang downpayment na para bang bayad na ito ng client sa pag-cancel ng book nito. Alam niyang kagagawan iyon ni Reyko, hindi siya tanga para hindi malaman iyon. Subalit hindi niya lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito tinitigilan, dahil ba na
Hindi makapaniwala si Hiraya nang makita si Reyko na ngayon ay nasa harapan niya. Nakaramdam ng takot si Hiraya nang makita ang madilim na mukha ni Reyko habang nakatitig sa nakahigang si Dr. Wilson. Bakit kaya narito ang lalaking ito? “Halika rito, Hiraya,” utos nito sa kan’ya subalit nanatili lamang siyang nakatayo at walang balak na sundin ang lalaki. Tinikom lamang niya ang baibig at hindi gumalaw. “Tangina! Sino ka para sipain ako ha? Bulag ka ba? Ako ang nauna riyan sa babaeng iyan kaya huwag na huwag mo siyang aagawin sa akin. Gago ka ba?” Tumayo si Dr. Wilson mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig at akmang susuntukin na sana si Reyko subalit hindi nito nasuntok ang lalaki at sinipa na naman ang kawawang doktor. Tumilapon na naman ito sa sahig. Bago pa man makatayo ulit si Dr. Wilson ay mabilis na hinawakan ng mga guard ni Reyko ang lalaki. Ang lahat ng mga tao roon ay nakatutok lamang sa susunod na gagawin ni Reyko, ang ibang kaibigan ni Dr. Wilson ay ngayon nagtatago na
Sa kabilang direksyon nina Reyko ay naroon si Dr. Wilson kasama nito ang barkada habang nagtatawanan at nagiinuman. Si Dr. Wilson na hawak-hawak ang isang bote ng alak at isang kamay nito ay nakapulupot sa bewang ng dalaga. Sabi kasi ni Mayumi kay Hiraya, every weekend talaga ay pumupunta ang doktor sa club na ito upang maghanap ng matitirang babae. Tama, napakababaero ng doktor kahit pa sabihing genius doctor ito. Hindi naman nahirapan si Hiraya sa paghahanap sa lalaki nang makapasok siya sa loob ng club. Mabilis niyang nilapitan ito, “Dr. Wilson, may sasabihin sana akong importante sa’yo, pwede ba kitang makausap kahit ilang minuto lamang. This is really important.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, straight to the point niyang sinabi na nais niyang makausap ang doktor. Nang marinig ang pangalan ay napalingon si Dr. Wilson sa kan’ya. Nagningning ang mga mata ng doktor ng sandaling makita siya. Si Hiraya, kahit hindi na mag-ayos ay talagang likas na maganda, mahaba at medyo
“Mayumi, pwede mo ba akong matulongan? May kilala ka bang Dr. Gab Wilson? Isang magaling surgeon dito sa Pilipinas, ni-recommend kasi Doc. Analyn ang doktor na iyan para operahan ang nanay.” Napakunot ang noo ni Mayumi saka nagtanong. “Si Doc. Wilson? Kilala ko nga siya, isa siyang genius doctor dito sa Pilipinas, bakit? Anong nangyari? May nangyari bang masama kay Tita?” Nahihimigan ng pag-aalala ang boses ni Mayumi. “Oo eh, kanina ay inatake na naman ito, ang doktor na mag-o-opera sa kan’ya ay hindi maganda ang kalagayan ngayon, nais ko sanang kausapin si Doc. Wilson kung maari, tulungan mo ako please, Mayumi…”“Hmm, saturday ngayon ‘di ba? Ang alam ko nasa club ngayon ang lalaki. To think na maggagabi na for sure naroon na ang doktor na iyon sa isang sikat na bar na pagmamay-ari ni Lance DeJucos. Ibibigay ko sa’yo ang lokasyon ng bar na iyon, gusto mo bang samahan pa kita?” tanong ni Mayumi ngunit umiling lamang si Hiraya. “Ako na ang bahala, salamat sa tulong mo, Mayumi,” sago