Home / Romance / The CEO's Love Resurrection / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng The CEO's Love Resurrection: Kabanata 111 - Kabanata 120

123 Kabanata

Chapter 110

Sa araw ng kanilang pag-alis, ramdam ang halo-halong emosyon sa loob ng bahay nina Marcuz at Lennah. Ang dating maingay at masiglang tahanan ay tila naging tahimik, puno ng kahon na naglalaman ng mga alaala ng kanilang nakaraan. Habang binabalot ni Lennah ang huling piraso ng mga gamit, sumulyap siya sa paligid at napabuntong-hininga. "Sigurado ka na ba talaga?" tanong ni Carla, na dumalaw para magpaalam. Tumango si Lennah. "Oo, Carla. Panahon na para magsimula ulit. Para kay Marcuz, para kay Spencer, at para na rin sa akin." Niyakap siya ng mahigpit ng kaibigan. "Hindi ko alam kung paano kami magpapatuloy dito nang wala ka, pero alam kong tama ang desisyon mo." Sa sala, si Marcuz ay abala sa pagbibilang ng mga kahon kasama si Ramon, ang matagal na niyang tauhan. Lumapit si Spencer, hawak ang kanyang paboritong laruan. "Daddy, pwede ba nating dalhin ito? Ayokong iwanan si Mr. Dino." Ngumiti si Marcuz at kinuha ang laruan mula sa anak. "Syempre naman, anak. Lahat ng mahalaga
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 111

Ang maaliwalas na tanawin ng New Zealand ay tila isang panibagong simula para kina Lennah, Marcuz, at Spencer. Pagdating nila sa kanilang bagong tahanan sa isang maliit at tahimik na bayan, agad nilang naramdaman ang kakaibang kapayapaan. Ang bahay na kanilang pinili ay simple ngunit puno ng potensyal. May malalaking bintana na nagpapapasok ng liwanag, at isang malawak na bakuran kung saan maaaring maglaro si Spencer. Habang binababa ni Marcuz ang kanilang mga gamit mula sa sasakyan, masayang tumatakbo si Spencer sa paligid. “Daddy, Mommy! Tingnan n’yo! Ang dami kong pwedeng paglaruan dito!” Ngumiti si Lennah habang pinapanood ang anak. “Masaya siya, Marcuz. Tama ang desisyon natin.” Tumango si Marcuz at tumingin sa kanyang asawa. “Oo, Lennah. Ito ang bagong simula na nararapat para sa ating pamilya.” --- Kinabukasan, sinimulan nilang ayusin ang bahay. Si Lennah ay abala sa pag-aayos ng mga kurtina habang si Marcuz naman ay nagbubuo ng mga muwebles sa sala. Habang nagtatrabaho,
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 112

Unti-unting natutunan nina Lennah at Marcuz ang kanilang bagong buhay. Ang araw ay nagsisimula sa halimuyak ng sariwang kape sa kusina at ang tawanan ni Spencer habang naghahanda siya para sa pagpasok. “Mommy, tingnan mo! Ako na ang nag-ayos ng bag ko,” masayang sabi ni Spencer habang ipinapakita ang kanyang backpack na punong-puno ng mga krayola at papel. Napangiti si Lennah habang hinaplos ang buhok ng anak. “Ang sipag naman ng baby ko. Sige, maghanda ka na at ihahatid ka namin ni Daddy.” Nasa sala si Marcuz, abala sa pagbabasa ng isang lokal na dyaryo. Nang marinig ang usapan ng mag-ina, tumayo siya at ngumiti. “Handa na ba ang munting explorer natin?” tanong niya habang inaayos ang kwelyo ng suot ni Spencer. “Handang-handa, Daddy!” sagot ng bata. Habang binabaybay nila ang makitid na kalsada patungo sa eskuwela, napuno ng mga kuwento si Spencer tungkol sa kanyang bagong kaibigan sa klase. “Si Liam, Daddy, ang galing mag-drawing! Tapos si Sophie, lagi akong binibigyan ng extr
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 113

Nakaupo si Lennah at Marcuz sa veranda ng kanilang bahay habang umiinom ng mainit na kape. Ang malamig na simoy ng hangin at ang tanawin ng mga bundok sa malayo ay tila nagsasabi ng bagong simula para sa kanilang dalawa. “Marcuz,” bungad ni Lennah, “Minsan iniisip ko, paano kaya kung hindi natin pinagdaanan lahat ng sakit at hirap? Ganito rin kaya tayo katatag ngayon?” Tinitigan siya ni Marcuz, ang mga mata nito’y puno ng sinseridad. “Lennah, siguro hindi natin malalaman ang sagot diyan. Pero isang bagay ang sigurado ako. Lahat ng pinagdaanan natin, ang sakit, ang pagkakamali, ang mga luha—iyon ang dahilan kung bakit alam kong kaya nating magsimula ulit, mas matatag, mas maingat.” Tumango si Lennah. “May punto ka. Pero minsan, may takot pa rin akong nararamdaman. Takot na baka hindi natin kayanin ulit kung sakaling may dumating na bagong hamon.” Hinawakan ni Marcuz ang kamay niya, mahigpit ngunit puno ng lambing. “Normal lang ang matakot, Lennah. Pero hindi kita bibitawan. Pang
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 114

Umaga. Habang nagkakape si Lennah sa veranda ng kanilang bahay sa New Zealand, napansin niya ang isang envelope na nakalagay sa mesa. Hindi niya alam kung paano ito nakarating doon, ngunit agad niyang napansin ang pamilyar na sulat-kamay sa harapan. Galing ito kay Benjamin. Pinagmasdan niya ang envelope habang unti-unting bumabalot sa kanya ang damdaming hindi maipaliwanag. Nang tuluyan na niyang buksan ang sulat, nagsimula siyang magbasa. ‘Lennah, Kumusta ka? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, kasama si Marcuz at Spencer. Nag-aalangan man akong sumulat, naramdaman kong kailangan kong gawin ito. Gusto ko lamang ipabatid ang saya ko para sa inyo. Napagdaanan natin ang napakaraming bagay, ngunit sa huli, masaya akong makita kang masaya at buo na ang pamilya mo. Dito sa lungsod, patuloy akong nag-aadjust. Nagbukas ako ng maliit na negosyo—isang coffee shop sa tabi ng gallery kung saan madalas akong magpinta. Naalala ko ang mga araw na magkasama tayong nag-uusap habang umiinom ng ka
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 115

Sa loob ng kanilang bagong bahay sa New Zealand, naupo sina Marcuz at Lennah sa kanilang dining table, may dalang tasa ng kape at isang makapal na notebook. Si Spencer naman ay nakaupo sa sahig, gumuguhit gamit ang kanyang mga krayola, abala sa sariling mundo ngunit tahimik na nakikinig sa usapan ng kanyang mga magulang. “Marcuz,” simula ni Lennah habang binubuklat ang notebook, “Matagal ko nang gustong gawin ito. Jsang bagay na hindi lang para sa atin, kundi para rin sa community. Isang maliit na café, marahil, na may kasamang gallery para sa mga local artists.” Ngumiti si Marcuz. “Gusto ko ‘yan, Lennah. Para sa akin, ito ang paraan natin upang magpasalamat sa pagkakataong binigay ng lugar na ito. Bukod pa doon, magiging maganda rin ito para sa mga tao rito na naghahanap ng inspirasyon o simpleng pahingahan.” “Daddy!” biglang sabi ni Spencer habang nilalapit ang kanyang guhit. “Pwede bang maglagay tayo ng corner para sa mga bata? May mga libro, laruan, at crayons din tulad nito?”
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 116

Tahimik na gabi iyon sa kanilang bahay. Habang nasa kusina si Lennah, abala sa pag-aayos ng hapunan, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Marcuz na may hawak na maliit na bouquet ng mga puting rosas. Napatingin si Lennah sa kanya, nagtataka. “Para saan ang mga bulaklak na ‘yan?” tanong niya, bagamat may ngiti sa kanyang labi. Lumapit si Marcuz at iniabot ang mga bulaklak. “Para sa’yo, siyempre,” sagot niya. “At para ipaalala kung gaano kita kamahal.” Napangiti si Lennah ngunit naramdaman niya ang kakaibang tensyon sa paligid. May kung anong naiiba kay Marcuz—parang may mas malalim pa siyang gustong sabihin. Pagkatapos nilang maghapunan, iniabot ni Marcuz kay Lennah ang isang envelope. “Buksan mo,” aniya, punong-puno ng pananabik. Nang buksan ito ni Lennah, nakita niya ang isang maliit na card na may nakasulat na, “Will you marry me again?” Natigilan siya, pinipigil ang luha sa kanyang mga mata. “Marcuz, ano ito?” mahina niyang tanong. Tumayo si Marcuz mula sa kanyang upuan,
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 117

Sa ilalim ng asul na langit ng New Zealand, kung saan ang mga bundok at malalawak na halaman ay nagsilbing likas na altar, nagtipon ang malalapit na kaibigan at pamilya nina Marcuz at Lennah para saksihan ang kanilang muling pag-iisang dibdib. Ang lugar ay punong-puno ng kulay. Ang mga bulaklak na in-arrange nang maingat, ang banayad na musika mula sa isang lokal na banda, at ang ngiti ng bawat bisitang naroon. Habang naglalakad si Lennah patungo sa altar, hawak ni Spencer ang laylayan ng kanyang puting damit. Halatang-halata sa mukha ng bata ang saya, proud na proud sa papel na ginagampanan niya. Tumayo si Marcuz sa dulo ng aisle, ang kanyang mata ay nag-aapoy sa pagmamahal habang pinapanood ang kanyang bride na papalapit. “Ikaw ang pinakagandang nakita ko, Lennah,” bulong ni Marcuz sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Nang makarating si Lennah sa harap ng altar, bahagya siyang tumigil at huminga nang malalim. “Handa na ako,” sabi niya kay Marcuz habang magk
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 118

Pagdating nina Marcuz, Lennah, at Spencer sa kanilang tahanan, agad nilang naramdaman ang kakaibang katahimikan at kasiyahan na hatid ng pagbabalik. Ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ay parang yakap ng bagong simula. Habang inilalabas nila ang kanilang mga bagahe, napuno ng masayang tawanan at kwentuhan ang bahay. “Ang saya na narito ulit tayo,” sabi ni Marcuz habang iniaabot ang maleta ni Lennah sa sala. “Iba talaga ang pakiramdam ng bahay.” “Oo nga,” sagot ni Lennah habang tinitingnan ang paligid. “Pero ngayon, parang mas may bago na akong nakikitang liwanag dito. Para tayong nagsimula ulit.” Tatakbo-takbo si Spencer, hawak ang isang laruan na binili nila mula sa honeymoon. “Mommy, Daddy, pwede ko bang ipakita ito kay Ella bukas? Sigurado akong magugustuhan niya ito!” Napangiti si Lennah habang pinagmamasdan ang anak. “Oo naman, anak. Siguraduhin mo lang na iingatan mo iyan, ha?” Kinabukasan, habang umiinom ng mainit na kape sina Lennah at Marcuz sa terrace, pinag-usa
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 119

Maalinsangan ang umagang iyon habang naghahanda si Lennah ng agahan. Nakabukas ang bintana ng kanilang kusina, at mula rito ay tanaw niya si Marcuz at Spencer na naglalaro ng bola sa hardin. Habang pinapanood niya ang mag-ama, naramdaman niya ang kakaibang pagod na bumalot sa kanya sa kabila ng maganda niyang gising. “Mommy, luto na ba ang pancakes?” tanong ni Spencer habang pumapasok sa kusina, pawisan ngunit nakangiti. “Sandali na lang, anak. Umupo ka muna diyan at magpahinga,” sagot ni Lennah, pinilit ang ngiti kahit ramdam niya ang panghihina ng katawan. “Okay, Mommy! Pero masarap na amoy nito!” sagot ni Spencer habang umupo sa tabi ng mesa. Napansin ni Marcuz ang bahagyang pamumutla ni Lennah nang sumunod siya kay Spencer papasok sa kusina. “Lennah, ayos ka lang ba? Parang matamlay ka ngayon.” Tumango si Lennah. “Siguro pagod lang. Medyo masakit din ang ulo ko kaninang umaga, pero mawawala rin ito.” Ngunit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ni Marcuz. “Siguraduhin mong m
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa
PREV
1
...
8910111213
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status