Makalipas ang ilang sandali, tumayo na ako at inayos ang sarili. Pumasok na muli ako sa loob at nagtama ang tingin namin ni tita ko. Mukhang lagot na naman ako nito mamaya katylad ng sinabi niya kanina. Well, sanay naman na ako sa ganito.. lagi ba naman sinasaktan na walang isang araw na hindi niya ako hinayaan sa gusto kong gawin. Minsan nga napapaisip na lang ako na what if, umalis na lamang ako dito?Dumiretso ako sa kusina at nilapitan ako kaagad ni Ate Susan. "Jes, sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag ka na pumunta doon at hayaan mo na lamang! Tingnan mo tuloy nangyari sayo, sinaktan ka na naman ni tita mo! Tigas din kasi ng ulo mo e, hindi ka na natuto," sabi niya sa nag-aalalang tono."Eh ate, hindi naman na po kasi maganda ang sinasabi nila masyado na po silang sinungaling. Tingnan niyo po iba na po tingin sa akin ng ibang tao," inis kong sagot."Kahit na pa. Mas gusto mo talagang nasasaktan ka ano kaysa hayaan na lamang ang sinasabi nila? Intindihin mo rin ang sarili mo, Jesse
Magbasa pa