Makalipas ang ilang sandali, tumayo na ako at inayos ang sarili. Pumasok na muli ako sa loob at nagtama ang tingin namin ni tita ko. Mukhang lagot na naman ako nito mamaya katylad ng sinabi niya kanina. Well, sanay naman na ako sa ganito.. lagi ba naman sinasaktan na walang isang araw na hindi niya ako hinayaan sa gusto kong gawin. Minsan nga napapaisip na lang ako na what if, umalis na lamang ako dito?
Dumiretso ako sa kusina at nilapitan ako kaagad ni Ate Susan. "Jes, sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag ka na pumunta doon at hayaan mo na lamang! Tingnan mo tuloy nangyari sayo, sinaktan ka na naman ni tita mo! Tigas din kasi ng ulo mo e, hindi ka na natuto," sabi niya sa nag-aalalang tono.
"Eh ate, hindi naman na po kasi maganda ang sinasabi nila masyado na po silang sinungaling. Tingnan niyo po iba na po tingin sa akin ng ibang tao," inis kong sagot.
"Kahit na pa. Mas gusto mo talagang nasasaktan ka ano kaysa hayaan na lamang ang sinasabi nila? Intindihin mo rin ang sarili mo, Jesse." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Sundin mo na lamang din ang sinasabi sa'yo ni tita mo para hindi ka na nasasaktan pa."
Napatingin ako sa kan'ya. "O-opo."
NANDITO ako ngayon sa aking kuwarto. Pumasok na ako dito nang matapos na ang gawain sa labas at ang mga bisita naman ni tita ko ay nasa movie room at naririnig ko ngang balak nilang mag-bonding doon pero hindi na sumama si Clouie sa kanila dahil magpapahinga na raw siya tas may mahalaga raw siyang bisita bukas. Parang hindi yata nauubusan ng bisita. Hmmp!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ivy. Mabilis naman niya itong sinagot.
"Hello! Kamusta ka diyan?" bungad na tanong nito sa akin.
"Okay lang naman, na sampal na naman at napagalitan." Bigla akong natawa. "Ano pa bang bago, diba?"
"Hay naku! Araw-araw na lang 'yan ah. Bakit kasi ayaw mo na lang umalis diyan?"
"Paano naman kasi ako makakaalis dito eh bantay sarado nga ako dito e, hindi naman ako pinapayagan na umalis ng bahay gusto nga nila ay nandito lang ako lagi at nagtatrabaho para sa kanila," sagot ko sa kalmadong tono.
"Ano? Hanggang gan'yan ka na lang ba? Hindi mo man lang iniisip sarili mo at future mo. Hindi pwedeng habambuhay kang nasa puder nila at gan'yan ang ginagawa nila sa'yo. Kung ako sa'yo, gagawa na ako ng paraan para makaalis diyan," inis niyang sambit.
"Hindi ko nga alam kung paano pero sige, titingnan ko pero sana hindi nila ako mahuli dahil kapag nagkataon ay mas lalo nila akong papahirapan at hindi talaga papalabasin mas nakakatakot 'yon."
"Kaya nga pag-aralan mo. Hindi pwedeng gan'yan ka na lang." Halata sa tono ng boses ang pag-aalala.
"Opo, ma'am," natatawa kong sagot.
"Very good at dahil diyan ibibigay ko na ang sahod mo," natatawa niyang wika.
"Buti ka pa sumasahod na," nakangiti kong saad.
"Hay naku! Huwag kang mag-alala kapag nakalabas ka na diyan sa bahay na 'yan mararanasan mo na rin makapag-work at makakatanggap ka na ng sahod mo kaya better na umalis ka na diyan habang maaga pa. Huwag mo na patagalin ng ilang araw hindi mo alam ang kaya nilang gawin sa'yo."
"Gagawa talaga ako ng paraan. Ayaw ko rin naman mag-stay dito ng habambuhay no! Syempre may plano rin naman ako para sa future ko hindi naman ako nag-aral para lang manatili dito sa loob ng bahay nila." Huminga ako ng malalim.
"Well, mabuti naman at alam ko rin naman na ayaw mo sa gan'yan na sitwasyon! Sino ba ang may gusto diba? Wala naman e."
Tumango-tango kahit niya nakikita. "Tama."
"Oh, alam mo na gagawin mo ah! Ayaw kong malaman na hindi mo pa alam ang gagawin mo baka masipa kita diyan."
Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon niya ay alam kong iniikot na naman niya ang mata niya sa akin sabay tingin ng masama sa akin. Kilalang-kilala ko na siya kaya alam ko na talaga ang galawan niya.
Tumawa ako. "Oo nga!"
"Nga pala, buti hindi ka hinahanap ni tita mo ngayon? Wala ba siya diyan?"
"May mga bisita siya at nasa movie room sila ngayon kaya hindi niya pa ako kailangan busy pa e. Tapos bukas naman may bisita ulit.. bisita naman 'yon ng epal na pinsan ko. Malamang maglilinis na naman ng sobra sobra," inis kong saad.
"Bakit hindi siya ang paglinisin ng bahay eh siya ang may bisita? Ang sarap ng bahay ng babaeng 'yan ah."
"Ay, sinabi mo pa! Napakasarap talaga ng buhay niya at kuhang-kuha niya ang inis ko dahil sa ugali niya. Muntik ko na ngang paluin ng mop dahil dinudumihan niya 'yong sahig. Gigil talaga ako sa babaeng iyon!" bulalas ko sa inis.
"Ay, subukan niyang gawin sa akin iyon baka ipakain ko pa sa kan'ya 'yong sapatos niya!"
"Hindi ko lang talaga magawang magalaw 'yon dahil sa mama niya e."
"Eh si tita mo naman kasi akala mo ay dragon kung magalit tapos parang binabalatan ka pa niya ng buhay kapag tintingnan ka niya. Eh! Buti natitiis mo 'yon."
"No choice eh, sanayan lang," natatawa kong sagot.
"Sabagay."
"Jesse! Halika nga dito!" rinig kong tawag sa akin ni Clouie.
"Sandali, tinatawag na ako ni kamahalan," paalam ko kay Ivy.
"Hmm. Si epal! Oh sige puntahan mo na at baka mapagalitan ka na naman ni tita mo," wika niya.
"Bye!" sabay naming wika.
Binaba ko na kaagad ang cellphone ko at binuksan ang pinto ng kuwarto ko dahil kanina pa katok ng katok ito na sobrang lakas.
"Halika nga dito!" Bigla niyang hinila ang buhok ko habang naglalakad kaming dalawa.
"Ano ba! Ano na naman ba?!" nagtataka kong tanong habang hawak-hawak ko ang buhok kong hawak niya na pilit kong tinatanggal sa kan'yang kamay.
"Ano? Maangmangan lang? Nakalimutan mo na va ginawa mo sa harap ng bisita ni mommy? Hindi ka man lang mahiya!" bulalas niya.
"Bakit naman ako mahihiya? Totoo naman mga sinasabi ko ah! Pinapakita niyo lang na talagang sinungaling kayo," inis kong sagot.
"Aba!" Mas hinila at hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa buhok ko. "May kalalagyan ka! May punishment iyang sinasabi mo at humanda ka sa amin ni mommy."
Inis na inis na talaga ako kaya okay lang kahit ano na ang sabihin ko. Mapapagalitan din naman ako, so bakit hindi ko ba lubusin 'di ba? Hinahanda ko na rin ang sarili oo dahil alam kong papahirapan na naman nila ako ulit. Ano pa bang bago? Lagi namang ganito. Minsan nga ay kahit wala naman akong ginagawa ay bigla bigla na lang akong pinapagalitan at humahanap ng pagkakamali ko para maging excuse nila. Ang galing 'di ba?
Tinulak niya ako nang makarating kami sa sala dahilan para masubsob ako sa sahig na pati ang buhok ko ay nasa mukha ko na kaya mabilis kong inayos 'yon at inangat ang aking ulo. Sa pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang isang black na heels na kanina lang ay hindi ko nakita nakita dito sa sala.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nakita kong naka-cross legs si tita mila sa akin habang humihigop na alam kong kape dahil sa amoy. Dahan-dahan niya akong tiningnan nang matapos na itong humigop at dahan-dahan din niyang inilapag ang maliit na tasa lamesa na kaharap niya.
"Alam mo naman na siguro ang mangyayari sa'yo," sambit nito.
Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kan'ya. Alam na alam ko na ang mangyayari at sanay na ako rito pero mukhang kakaiba ngayon dahil sa harap harapan pa ng mga bisita nila ko ginawa ang ayaw nilang gawin ko.. pero anong magagawa ko? Sinungaling kasi e, deserve rin namab nilang mapahiya.
Tumayo siya at naglakad ng dahan-dahan papalapit sa akin. Nang makaabot na siya sa akin nakita ko na ang paa niya na alam kong aapakan na niya ang kamay ko kaya naisip kong alisin iyon kaagad at umayos ng upo at tumayo pero hindi ko na gawa nang mabilis niyang apakan ang kamay ko at sobrang diin na akala ko ay madudurog na ang mga daliri ko at inikot ikot niya pa."A-aray ko po!" daing ko habang napapapikit sa sakit."Don't stop, mommy! She deserves that," rinig kong wika ni Clouie na may halong tawa.Kinuha ni tita mila ang buhok ko mula sa batok ko kaya napatingala ako at ang isang kamay niya ay pinisil niya sa magkabilaang pisngi ko dahilan para mapanguso ako ng sobra habang nakatingin sa kan'ya."Alam mo ikaw, pinapatuloy ka na nga, pinapakain at binibihisan tapos ganito pa isusukli mo sa amin? Hindi ka ba nahihiya?" inis na sambit nito."Hindi naman po kasi lagi na gano'n na lang. Syempre ayaw ko naman na sirain ng iba ang imahe ko sa pagsisinungaling hindi po maganda iyon kaya s
"Ano ba 'yan Jesse! Ang kupad kupad mo talagang gumalaw! Parang ngayon ka lang nagwalis ah?!" bulalas ni Tita Mila sa akin habang nakapamewang siya sa harap ko habang nagwawalis ako sa sala."Pasensya na po, masakit po kasi iyong katawan ko ngayon hindi po ako makakilos ng maayos e," sagot ko habang nakatingin sa kan'ya at nagwawalis pa rin."Huwag mo nga akong tingnan ng gan'yan! Lalo lang ako naiinis sa'yo!" Inikot niya ang mata niya. "Bilisan mo diyan ah! May darating akong bisita!""Opo," mahina kong sagot sa kan'ya at pinapanood itong umalis.Tinuloy ko ang paglilinis dito sa bahay. By the way, ako nga pala si jesse tapos na ako sa college pero hindi pa rin ako binibigyan ng permission ni tita ko na magtrabaho at gusto lamang niya ay mag-stay dito. Hindi niya ako binibigyan ng karapatan para lumabas kaya tanging sa cellphone na lamang din kami nag-uusap ng aking kaibigan na si Ivy.Habang nagmo-mop ako sa may sala, biglang dumating naman si Clouie na pinsan ko na anak ni tita ko.
Dalawa kaming nakatayo ni Ate Susan sa gilid ng dining area na parang nagiging ganap na kasambahay nila ako sa bahay. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng ingay kaya alam kong papasok na sila. Narinig ko ang sunod-sunod nilamg tawanan."Iyon nga ang sinasabi ko kay Anika! Sunggaban na niya habang gusto pa siya ng lalaki," natatawang wika ng isang babae."Ewan ko ba sa anak mo at ang tagal kumilos," sabi naman ng isa.Saktong pumasok na rin sila sa loob ng bahay kaya ngumiti na ako. Oo, kasama ito kaya ginagawa ko na ang mga sinabi sa akin ni tita ko kaysa naman pahirapan niya pa muli ako."Hello po!" sabay naming pagbati ni Ate Susan sa masayang tono."Hello!" nakangiti nilang bati rin nila.Dumiretso sila sa dinning are at naupo na. Puro kaibigan pala ni tita ko ang bisita niya ngayon dalawang babae at itong si Clouie naman ay nakiupo na rin sa kanila. Halata sa kanila na lahat sila ay close na close sa isa't isa."Ito ngang si Clouie ay, hindi na kailangan pang magpakita sa mga