Share

Chapter 4

Tumayo siya at naglakad ng dahan-dahan papalapit sa akin. Nang makaabot na siya sa akin nakita ko na ang paa niya na alam kong aapakan na niya ang kamay ko kaya naisip kong alisin iyon kaagad at umayos ng upo at tumayo pero hindi ko na gawa nang mabilis niyang apakan ang kamay ko at sobrang diin na akala ko ay madudurog na ang mga daliri ko at inikot ikot niya pa.

"A-aray ko po!" daing ko habang napapapikit sa sakit.

"Don't stop, mommy! She deserves that," rinig kong wika ni Clouie na may halong tawa.

Kinuha ni tita mila ang buhok ko mula sa batok ko kaya napatingala ako at ang isang kamay niya ay pinisil niya sa magkabilaang pisngi ko dahilan para mapanguso ako ng sobra habang nakatingin sa kan'ya.

"Alam mo ikaw, pinapatuloy ka na nga, pinapakain at binibihisan tapos ganito pa isusukli mo sa amin? Hindi ka ba nahihiya?" inis na sambit nito.

"Hindi naman po kasi lagi na gano'n na lang. Syempre ayaw ko naman na sirain ng iba ang imahe ko sa pagsisinungaling hindi po maganda iyon kaya sana naiintindihan niyo.. kung ayaw niyo pala ng gano'n edi sana first place palang hindi na kayo nagsinungaling," lakas loob kong sagot.

"Ano pa ang silbi ng pagpapabango mo sa ibang tao kung hindi ka naman makakalabas ng bahay? Remember Jes, dito ka lang ag kahit kailan ay hindi ka makakalabas. Tanggapin mo na lang na ganito na lang talaga ang gagawin mo hanggang sa tumanda ka," singit na saad ni Clouie at ilang sandali lang ay umupo siya sa harap ko. "Hmm! Exciting 'to!"

"Tumayo ka," utos sa akin ni tita ko.

Inalis niya ang paa niya sa kamay ko pero nakahawak pa rin ang kamay niya sa buhok ko kaya nananatili akong nakatingala at nahihirapan na rin dahil sobrang nakakangawit.

Sa pagtayo ko at hindi pa ako nakakaayos ng upo ay nabigla ako ng sampalin ako ng malakas at ang mas masakit pa doon ay nanatili lang ang ulo ko na parang pinipigilan ang ulo ko na gumalaw at talagang ma-solid ang sampal sa akin.

Muli niya akong sinampal ng paulit ulit at lahat ay malalakas kaya feeling ko ay magmamanhid na ang pisngi ko at mabibingi na. Nang sasampalin niya ako ulit ay sinalo ko iyon gamit ang kamay ko pero biglang tumayo si Clouie at hawakan ang kamay ko para matuloy ni mama niya ang plano niya sa akin.

Sinampal ako ng paulit ulit at ilang sandali lang ay sinuntok ako sa may labi at sa mata ko. Bigla akong nakaramdam ng hilo at hindi alam ang gagawin dahil inuulit pa rin ang gjnagawa nila.

"Nandito na ako," rinig kong wika ni tito ko na asawa ni tita ko.

Napatingin ako sa kan'ya at binibigyan siya ng tingin na tulungan niya ako. Ang paningin ko ay parang nanlalabo na. Huminto naman siya at parang tiningnan lang kami ng ilang segundo at umalis din naman kaagad na parang walang nangyari.

"Mommy, I think it's my turn," sabi naman ni Clouie.

Nagkibitbalikat ang mama niya at binitawan na ako. "Go ahead."

Agad na hinila ni Clouie ang buhok ko. "Halika dito," natatawa niyang sabi.

Naglalakad kami habang hawak niya ang buhok ko at napakalayo niya sa akin kaya ang sakit na lalo ng ulo ko sa pagkakahila nila ng buhok ko. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa buhok ko pero napakahigpit. Pilit kong ginagawa 'yon kahit nakayuko na ako. 

"Tama na! Ano ba?"

"Hindi pa ako tapos! Actually, si mommy hindi pa tapos pero kinuha na kita sa kan'ya. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kapag nanatili ka sa kan'ya mas lalong magdudugo 'yang labi mo," natatawa niyang sagot.

Doon ko hinawakan ang labi ko na humahapdi. Dinampi ko ang daliri ko doon at tiningnan at may nakita akong dugo napakalakas talaga ng suntok at sampal niya kaya hindi talaga imposible na hindi ito dumugo.

Lumabas na kami at nakita ko ang mga bato bato na maliliit na nasa baba kaya alam kong nasa may swimming pool kami. Hindi ko alam at wala ako ni isang ideya bakit nandito kami ngayon. Hindi ko alam ang plinaplano niya.

Mabilis niyang inangat ang ulo ko sa sobrang bigla ay parang sumakit ang batok at leeg ko. Sinipa niya ang likod ng paa ko dahilan para mapatuhod ako sa may gilid ng swimming pool na sobrang gaspang ng sahig.

"Aray!" sigaw ko dahil ramdam na ramdam ko ang sakit tapos bigla pang bagsak ko na hawak pa rin niya ang ulo ko.

Narinig ko ang lakas nitong tawa at kasabay naman no'n ay pag-upo rin niya sa aking tabi. Tiningnan niya ako at ngumiti ng matamis.

"Anong balak mo?" tanong ko sa kan'ya.

Kinakabahan ako pero hindi ko pinapakita sa kan'ya. Alam niyang hindi ako marunong magswimming kaya hindi ko alam kung anong plano niyang gawin.

"Natatakot ka na ba? Well, halata naman sa'yo e kahit anong pilit mo g maging matapang. Alam naman natin na ito ang kahinaan mo," nakangisi niyang sambit.

Tinulak niya ako dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko pero mabilis din niya akong hinila gamit ang buhok ko.

"Ano ba, Clouie?! Balak mo ba akong pat*yin?!" inis kong tanong sa kan'ya.

"Umm.. oo, pero hindi pa sa ngayon. Mas magandang pahirapan ka na muna," kalmado ngunit may pang-aasar.

Walang pagdadalawang isip na nilubog niya ang mukha ko sa swimming pool at pinapatagal niya ng isang minuto bago niya ako ulit iahon. Tinatapik ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko habang nakalubog ang ulo ko pero ayaw niya magpaawat at naririnig ko ang tawa niya. Nang maiahon na niya ako, hingal na hingal ako pero wala pang ilang segundo ay nilubog niya muli ako at inahon ulit at talagang hinihingal na ako.

"T-tama na," hinihingal at inuubo kong pakiusap sa kan'ya.

"Alam mo kasi, alam mo na ngang ganito ang mangyayari sa'yo naglakas loob ka pang manggulo kanina oh heto ang napala mo!" sigaw niya.

Ilulubog niya sana ulit ang ulo ko nang magsalita ang papa niya mula sa likod namin. "Tama na 'yan. Nagugutom na ako."

"Daddy..." wika niya.

"Stop. Kumain na tayo."

Umalis na si tito ko at saka naman napabuntong hininga si Clouie at binitawan na ako. Tumayo na siya habang ako ay nananatiling nakatuhod pa rin sa magaspang na sahig.

Narinig ko na rin ang pag-alis niya kaya napalingon ako at nakita ko siyang naglalakad na sa may loob ng bahay. Hindi ko namamalayan na tumulo ang luha ko. Grabe na ang paghihirap nila sa akin at hindi ko deserve ito! Gusto ko nang umalis sa kanilang puder. Gagawa akong ng paraan para makaalis na dito. Sobra sobra na.

Ang totoo niyan ay, sila tita ko ay mayaman may malaking bahay at may mga sariling negosyo habang kami naman noon ay simpleng pamumuhay at masaya kami. Mayaman ang pamilya ni papa pero dahil nagkaroon ng tampuhan sa pagitan sa kanila ni lolo ay nag-stop na ang allowance na binibigay sa amin noon, walang negosyo na binigay as in wala talaga.. walang tulong na natanggap sa kanila pero kahit gano'n ay nagsumikap ang magulang ko para sa amin at sobra akong thankful at proud sa kanila. May kaonting pagtatampo lang sa lolo ko pero hindi naman malala ang tampo ko sa kan'ya dahil naiintindihan ko naman. Minsan ko lang din siyang nakikita dati pero ngayon ay hindi ko na ulit siya makita at wala akong balita sa kan'ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status