Share

The Heir's Revenge
The Heir's Revenge
Author: Skycosine

Chapter 1

"Ano ba 'yan Jesse! Ang kupad kupad mo talagang gumalaw! Parang ngayon ka lang nagwalis ah?!" bulalas ni Tita Mila sa akin habang nakapamewang siya sa harap ko habang nagwawalis ako sa sala.

"Pasensya na po, masakit po kasi iyong katawan ko ngayon hindi po ako makakilos ng maayos e," sagot ko habang nakatingin sa kan'ya at nagwawalis pa rin.

"Huwag mo nga akong tingnan ng gan'yan! Lalo lang ako naiinis sa'yo!" Inikot niya ang mata niya. "Bilisan mo diyan ah! May darating akong bisita!"

"Opo," mahina kong sagot sa kan'ya at pinapanood itong umalis.

Tinuloy ko ang paglilinis dito sa bahay. By the way, ako nga pala si jesse tapos na ako sa college pero hindi pa rin ako binibigyan ng permission ni tita ko na magtrabaho at gusto lamang niya ay mag-stay dito. Hindi niya ako binibigyan ng karapatan para lumabas kaya tanging sa cellphone na lamang din kami nag-uusap ng aking kaibigan na si Ivy.

Habang nagmo-mop ako sa may sala, biglang dumating naman si Clouie na pinsan ko na anak ni tita ko. Nakasapatos siyang pumasok at walang pakialam sa ginagawa ko.

"Umm.. Clouie puwede bang pakitanggal naman muna ng sapatos mo nagmo-mop kasi ako eh patapos na rin ako," nakangiti kong utos sa kan'ya.

Tinaasana niya ako ng isang kilay. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Bakit hindi? Nagmo-mop ako eh at saka maulan kaya malamang maputik 'yang sapatos mo," wika ko sa kalmadong tono.

Tinaas niya ang sapatos niya at sinilip iyon. Nakita ko na sobrang putik nga. Nagkibitbalikat naman siya at walang pakialam na nagsimula muling naglakad. Inikot pa nga niya ang sapatos niya at talangang hindi niya hinayaan na hindi madumihan ang sahig.

Sa inis ko ay binaba ko ng padabog ang mop sa sahig dahilan para mapatingin siya sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.

"Bakit ka nagdadabog diyan ah?!" tanong niya sa akin habang mabilis na naglalakad papalapit sa akin.

"Tingnan mo nga 'yang ginagawa mo, sino ang hindi maiinis diyan at magdadabog? Ikaw kaya dito! Ikaw mag-mop at gawin ko 'yang gjnagawa mo? Anong mararamdaman mo?" inis kong sagot sa kan'ya.

"Aba!" Ngumiti siya ng kaonti. "Tumatapang ka na ah!"

"Sinasabi ko lang sa'yo iyong nararamdaman ko. Bakit ba ang hirap mong pakiusapan? Hindi ka ba marunong umintindi?" Masama ko siyang tiningnan.

Mas tumalim ang tingin niya sa akin at mas lumapit ito sa akin. Mabilis niyang nilagay ang kamay niya sa may likod ng ulo ko at hinawakan ang buhok ko ng mahigpit dahilan para mapatingala ako. Tiningnan ko siya.

"Ang yabang mo ah! Baka nakakalimutan mong inampon ka lang nila mommy at pinag-aral ka nila kasi wala naman ibang tutulong sa'yo kundi kami! Kaya huwag kang magmamataas diyan!"

"Hindi ako nagmamataas! Sinasabi ko lang," wika ko.

"Sumasagot ka pa ah!" Mas diniin niya ang pagkahawak niya sa buhok ko.

"A-argh!" daing ko.

"Anong meron?" mahinahon na tanong ni mama niya na akala mo ay nagtatanong lang sa normal na nangyayari.

Napaikot ako ng mata.

"This girl again! Inis na inis na talaga ako dito e tapos sinasagot pa ako akala mo kung sino!" sagot niya sa mama niya sa masungit na tono.

"Sinasabi ko lang naman po sa kan'ya na hubarin niya ang sapatos niya dahil naglilinis ako," madiin kong saad.

Huminga siya ng malalim at napansin ko ang paglalakad niya. Lumapit siya sa amin at mahinang tinabig ang kamay ni Clouie. "Alisin mo nga 'yan."

"Huh? Why?" Binigyan niya ang mama niya ng nagtatakang tingin.

"Just do it, Clouie."

Inis niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Akala ko ay makakapangpahinga na ang ulo ko pero mali ang inaakala ko. Mabilis na kinuha ni tita mila ang buhok ko katulad ng ginawa ng anak niya sa akin at ngayon ay sobrang higpit feeling ko nga ay matatanggal na ang buhok ko.

"A-aray ko po!" muli kong daing.

"Alam mo, Jesse.. ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang sumasagot. Wala kang karapatan para sagot-sagutin kami ha?! Tandaan mo malaki ang utang na loob mo sa amin kaya makisama ka! Huwag kang nagmamayabang diyan!" bulalas nito at halata ang panggigigil niya sa akin.

"Narinig mo ba sinabi ni mommy ko? Bakit hindi ka sumagot ah?" mataray na saad ni Clouie.

Tumatango-tango ako habang nakatingin ng kay Tita Mila. Sa pagkatataon na 'yon ay agad niyang binatawan ang pagkakahawak niya sa buhok at sobrang dabog kay hindi na rin na control ang ulo ko na hindi mapagalaw dahil sobrang lakas ba naman parang nahilo pa nga ako kaya nahawak ako sa noo ko.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo dahil kapag nalaman kong sumasagot ka pa at hindi mo inaayos ang trabaho mo, baka ikulong kita sa kuwarto mo!"

Tiningnan ako muna nito ng masungit na tingin na akala mo ay binabalatan ako ng buhay at pagkatapos no'n ay inikot niya ang mata niya sa akin kasabay ng pagtalikod niya sa akin at agad na umakyat kaya dalawa na lamang kami ulit ni Clouie ang nandito.

"Hmm! Mabuti nga sa'yo! Ang yabang yabang mo pa kanina tapos wala ka naman palang ibubuga!" Bigla siyang tumawa at muling diniin ang sapatos niya sa sahig para mas madumihan iyon.

Hindi na lamang ako sumagot at pinunasan na lamang ang maduming sahig na kanina lang ay malinis na.

"Oh, diyan ka na ah! Ikaw na bahala dito maglinis ka galingan mo ayaw namin na may makita kaming dumi kahit konti lang."

Tumimgin ako sa kan'ya na walang emosyon at binigyan naman niya ako ng nakakaasar na tingin bago siya tuluyan na umakyat at pumunta sa kuwarto niya. Napailing na lamang ako at tinuloy ang aking magagawa. Wala rin naman akong magagawa dahil wala rin naman makakagawa nito kundi ako lang naman.

Gusto kong magreklamo pero hindi ko magawa dahil tulad nga ng sinabi ni tita ko, malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya hindi ko talaga alam kung hanggang ganito na lamang ba ako kasi nakakaramdam ako na baka nga dito na lamang talaga ako at kinukulog sa malaking bahay na ito at walang karapatan na lumabas at limitado lang ang galaw ko dito.

Wala na kasi ang magulang ko bago ako mag-college, nam*tay sila sa car accident iyon ang kwento sa akin ni tita ko dahil no'ng mga panahon na iyon ay nasa Cebu ako, dahil may pinakuha siya sa akin doon na importanteng bagay na para rin sa college ko.

Hindi ko nga nakita ang magulang kahit sandali lang dahil hindi ako pinayagan muli ni tita ko dahil wala raw siyang pera pamasahe na ibibigay sa akin at magkakaroon palang siya ng pera sa susunod na linggo kaya wala akong nagawa kahit gustong-gusto ko nang umuwi nang malaman iyon. Nakapunta na lamang ako sa kanila sa sementeryo makalipas ang isang linggo. Sobrang sakit ng loob ko kila tita ko dahil hindi man lang sila gumawa ng paraan para makauwi ako pero wala rin akong magawa dahil bumawi naman sila sa pagpapa-aral sa akin pero heto naman ako ngayon.

Mabilis akong umiling at iniba ang nasa isip ko dahil kapag naiisip ko 'yon ay naiinis lang ako at nalulungkot ng sobra. Tinapos ko na ang lahat ng gagawin ko at sinugurado ko talaga wala ng kalat o dumi dahil ilang sandali na lamang ay darating na ang bisita ni tita ko.

Makalipas ang 30 minutes, nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan kaya agad akong naging alerto dahil lalabas na rin ang mga bruha ay I mean, sila tita ko. Nakita ko rin si Ate Susan na naging alerto pagkatapos niya ilagay lahat ng pagkain sa lamesa. May kasama naman sila dito sa bahay pero sinasabi ni tita ko na si Ate Susan ay sa pagluluto lang at ako sa lahat ng gawaing bahay. Hays, ewan ko ba.

Narinig ko ang dalawang busina at kasabay naman no'n ay paglabas ng mag-ina na todo damit pa ng maganda na akala mo ay pupunta sa birthday eh wala naman okasyon ngayon.

"Oh my gosh! Nandito na ang mga bisita ko!" masiglang sabi ni tita mila habang naglalakad papunta sa main door.

Tiningnan naman ako ni Clouie sabay smirk niya kaya tiningnan ko lang din siya na walang emosyon. Wala akong ideya kung sino ang bisita na tinutukoy niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status