Dalawa kaming nakatayo ni Ate Susan sa gilid ng dining area na parang nagiging ganap na kasambahay nila ako sa bahay. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng ingay kaya alam kong papasok na sila. Narinig ko ang sunod-sunod nilamg tawanan.
"Iyon nga ang sinasabi ko kay Anika! Sunggaban na niya habang gusto pa siya ng lalaki," natatawang wika ng isang babae.
"Ewan ko ba sa anak mo at ang tagal kumilos," sabi naman ng isa.
Saktong pumasok na rin sila sa loob ng bahay kaya ngumiti na ako. Oo, kasama ito kaya ginagawa ko na ang mga sinabi sa akin ni tita ko kaysa naman pahirapan niya pa muli ako.
"Hello po!" sabay naming pagbati ni Ate Susan sa masayang tono.
"Hello!" nakangiti nilang bati rin nila.
Dumiretso sila sa dinning are at naupo na. Puro kaibigan pala ni tita ko ang bisita niya ngayon dalawang babae at itong si Clouie naman ay nakiupo na rin sa kanila. Halata sa kanila na lahat sila ay close na close sa isa't isa.
"Ito ngang si Clouie ay, hindi na kailangan pang magpakita sa mga pogi at bilyonaryong mga lalaki diyan para magustuhan siya kasi sila na mismo ang lumalapit sa kanila!" masiglang sabi ni tita mila.
"Ay! Oo naman syempre! Eh talaga namang napakaganda ni Clouie kahit kahit sinong lalaki ay mapapaibig niyan," nakangiting wika ng isa niyang kaibigan.
Tiningnan ko si Clouie at nakita ko ang kilig sa mukha niya namumula at parang bulate na hinawakan na tumitiklop! May pahawi pa ng buhok. Ang arte akala mo naman sobrang ganda tapos ang pangit pa ng ugali! Naiinis na naman ako sa babaitang ito.
"Alam niyo, kung may anak lang talaga akong lalaki.. hay naku! Baka ngayon palang ay ipinakasal ko na siya kay Clouie! Ang gandang bata, ang bait pa at maalam pa sa gawaing bahay!" Ngumiti siya ng napakatamis.
"Ay! Maraming salamat po sa mga compliments niyo, deserve ko ba iyon?" nakangiti at nagkukunwaring nahihiyang sambit niya.
"Malamang hindi mo deserve, hinding-hindi ka naman gano'n," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kan'ya ng matalim.
"Ano iyon?"
Gulat akong napatingin kay Ate Susan. Hala! Sana hindi niya narinig ang sinabi ko pero hindi naman siya magsusumbong kung sakaling narinig niya kasi mabait naman siya sa akin.
"Ha? Ano po 'yon?" maangmaangan kong tanong sa kan'ya at pinakita ko talaga sa kan'ya ang pagkainosente kong mukha.
"Wala ka bang sinasabi? Narinig ko kasi may sinasabi ka pero hindi ko masyadong maintindihan," natatawa niyang wika na medyo mahina ang boses.
Tumawa naman ako ng mahina. "Ah, wala po 'yon! Kumakanta lang po ako."
"Huh?" Nagtataka niya akong tiningnan. "Kumakanta ka sa gitna ng sitwasyon natin?" natatawa niyang tanong.
"Sorry po," nakangiti kong sambit.
Nang kumakain na sila ay saka kami nakakuha ng chance ni Ate Susan na pumunta sa kusina dahil alam namin na wala na silang kailangan pa at kung sakali namang meron ay magtatawag naman sila.
Nandito lang kami sa kusina at nagkukuwentuhan habang hinihintay silang matapos. Wala naman akong ideya kung ano ang next nilang gagawin.
"Bakit hindi pa sumabay ang anak ni Jamie? Ano na kasing pangalan no'n?" rinig kong tanong ng isang kaibigan ni tita mila.
"Ah, si Jesse? Mamaya na kakain iyon. Hindi namin siya sinasabay sa pagkain namin ni Clouie," proud pa nitong sagot.
"Ay talaga? Bakit naman?" nagtatakang tanong ng isa.
"Ayaw niyang sumasabay sa amin kaya hinahayaan na lamang," pagsisinungaling niya.
"Opo, tama po si mommy. Hindi nga po namin alam kung bakit ayaw niya po sumasabay namin kumain, lagi naman po namin siyang tinatawag pero ayaw talaga niya," pagsisinungaling pa rin ni Clouie.
Napakunot ako ng noo at napansin ko ang pagtingin sa akin ni Ate Susan kaya napatingin na rin ako sa kan'ya. Pansin ko rin sa mukha niya na hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng mag-ina.
"Napakasinungaling," sambit ko.
"Hayaan mo na," sagot nito.
"Ako po kasi ang nagiging masama kapag gan'yan," inis kong saad.
"Gano'n pala ang ugali niya ano? Akala ko mabait siya kasi mukhang mabait naman at masipag kapag pumupunta ako rito minsan naabutan ko siyang naglilinis dito."
"Ay, tita! Pakitang tao lang po 'yon. Gano'n po talaga siya kapag may ibang tao nagmumukhang mabait po at nagsisipag kahit hindi naman kaya huwag po kayong ma-impress sa kan'ya, fake po iyong pinapakita niya."
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagtimpi at nagmadali akong lumabas ng kusina.
"Jes!" tawag sa akin ni Ate Susan.
Hindi ko siya pinansin at tumuloy ako sa paglalakad at pinunta sa dining area. Nakita ko silang nagtatawanan at nang mapansin nila ako ay napatingin sila sa akin napatigil. Tinaasan ako ng kilay ni Tita Mila at si Clouie naman ay nag-cross arm pa habang nakatingin sa akin ng masama.
"Bakit nandito ka?" tanong ni tita ko sa akin.
"Ija, tanong ko lang.. Bakit ayaw mong sumasabay sa kanila kumain? Anong problema mo? Feeling mo ba prinsesa ka pa rin at ayaw na may kasabay kumain?" Biglang tumawa ang isang kaibigan niya.
Napatingin ako sa kan'ya. "Excuse me lang po ah? Hindi po 'yan totoo. Paano po ako sasabay sa kanila kumain kung never naman nila akong tinatawag kahit isang beses lang hindi nila maaga tapos ngayon babaliktarin nila ako." Napa-smirk ako.
Tumawa ng malakas si tita ko. "Maniniwala ba kayo diyan? Eh sinungaling 'yan e."
"Of course not! Hindi naman kapani-paniwala e mas maniniwala pa rin kami sa inyo," sambit ng isa.
"Tama!"
Sabay-sabay silang nagtawanan kaya mas lalo akong na insulto.
"Opo, huwag po kayong maniwala sa kan'ya. Gusto lang po siguro niyang ibahin ang imahe namin ni mommy sa inyo para pumabor lahat ng tao sa kan'ya." Tiningnan naman ako ng masama ni Clouie.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumayo si Tita Mila at hinawakan ako sa. "Sandali ah, kakausapin ko lang siya sandali."
"Sure!" masigla nilang sambit.
Hinila niya ako palabas papunta sa may garden. Mahigpit ang hawak niya sa braso na feeling ko nga ay magkakapasa pa ito. Iniinda ko ang sakit.
"A-aray ko po tita! Masakit po," daing ko nang makalabas na kami.
Mabilis niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinulak dahilan para matumba ako sa halaman niya. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
"Anong rason mo ah? Bakit bigla bigla kang sumusugod at sasabihin mo pa iyon sa harap ng mga kaibigan ko? Ano ang gusto mo mangyari, Jesse?!" galit niyang tanong sa akin.
"Ang gusto ko lang naman po ay tratuhin niyo ako ng tama kahit hindi na biglang kamag-anak niyo, kahit isang tao na lamang! Hindi ko deserve ang ganitong treatment, tita."
"What?" Bigla itong natawa. "Hindi mo deserve ang ganitong treatment? Nagpapatawa ka ba? Deserve mo 'yan!" Inapakan niya ang kamay ko at mas diniin pa.
"A-aray!" sigaw ko sa sakit dahil naka-heels pa ito at ang bigat ng paa niya.
"At ito ang tatandaan mo, kahit kailan hindi ka namin itatrato ng tama! Wala kang lugar dito sa pamamahay ko pero dahil papakinabangan ka namin, pinilit kong manatili ka dito kahit ayaw ko kaya dapat nagpapasalamat ka pa nga sa akin e."
"Magpapasalamat po ako sa ganitong sitwasyon ko sa inyo? Kayo po yata ang nagpapatawa," lakas loob kong sagot sa kan'ya.
Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pagkatapos nito pero iyon ang gustong lumabas sa bibig ko na hindi ko mapigilan. Napansin ko ang pagbago ng awra niya at parang gusto na niya talaga akong saktan.
Pinisil niya ang pagkabilaang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at pisil na pisil niya ang sakit. "Ang galing mo nang sumagot ah! Hintayin mo ako mamaya. Kapag umalis itong mga bisita ko, magtago ka na kung gusto mo!"
Sinampal niya ako ng malakas na akala ko ay mabibinvi na ako. Napahawak ako sa pisngi ko at napatulala. Napansin kong naglakad na siya at umalis sa aking harap. Bigla akong napatulala sa lakas grabe! Feeling ko nga ay pulang-pula na ang pisngi ko mula sa pagkasampal niya sa akin.
Makalipas ang ilang sandali, tumayo na ako at inayos ang sarili. Pumasok na muli ako sa loob at nagtama ang tingin namin ni tita ko. Mukhang lagot na naman ako nito mamaya katylad ng sinabi niya kanina. Well, sanay naman na ako sa ganito.. lagi ba naman sinasaktan na walang isang araw na hindi niya ako hinayaan sa gusto kong gawin. Minsan nga napapaisip na lang ako na what if, umalis na lamang ako dito?Dumiretso ako sa kusina at nilapitan ako kaagad ni Ate Susan. "Jes, sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag ka na pumunta doon at hayaan mo na lamang! Tingnan mo tuloy nangyari sayo, sinaktan ka na naman ni tita mo! Tigas din kasi ng ulo mo e, hindi ka na natuto," sabi niya sa nag-aalalang tono."Eh ate, hindi naman na po kasi maganda ang sinasabi nila masyado na po silang sinungaling. Tingnan niyo po iba na po tingin sa akin ng ibang tao," inis kong sagot."Kahit na pa. Mas gusto mo talagang nasasaktan ka ano kaysa hayaan na lamang ang sinasabi nila? Intindihin mo rin ang sarili mo, Jesse
Tumayo siya at naglakad ng dahan-dahan papalapit sa akin. Nang makaabot na siya sa akin nakita ko na ang paa niya na alam kong aapakan na niya ang kamay ko kaya naisip kong alisin iyon kaagad at umayos ng upo at tumayo pero hindi ko na gawa nang mabilis niyang apakan ang kamay ko at sobrang diin na akala ko ay madudurog na ang mga daliri ko at inikot ikot niya pa."A-aray ko po!" daing ko habang napapapikit sa sakit."Don't stop, mommy! She deserves that," rinig kong wika ni Clouie na may halong tawa.Kinuha ni tita mila ang buhok ko mula sa batok ko kaya napatingala ako at ang isang kamay niya ay pinisil niya sa magkabilaang pisngi ko dahilan para mapanguso ako ng sobra habang nakatingin sa kan'ya."Alam mo ikaw, pinapatuloy ka na nga, pinapakain at binibihisan tapos ganito pa isusukli mo sa amin? Hindi ka ba nahihiya?" inis na sambit nito."Hindi naman po kasi lagi na gano'n na lang. Syempre ayaw ko naman na sirain ng iba ang imahe ko sa pagsisinungaling hindi po maganda iyon kaya s
"Ano ba 'yan Jesse! Ang kupad kupad mo talagang gumalaw! Parang ngayon ka lang nagwalis ah?!" bulalas ni Tita Mila sa akin habang nakapamewang siya sa harap ko habang nagwawalis ako sa sala."Pasensya na po, masakit po kasi iyong katawan ko ngayon hindi po ako makakilos ng maayos e," sagot ko habang nakatingin sa kan'ya at nagwawalis pa rin."Huwag mo nga akong tingnan ng gan'yan! Lalo lang ako naiinis sa'yo!" Inikot niya ang mata niya. "Bilisan mo diyan ah! May darating akong bisita!""Opo," mahina kong sagot sa kan'ya at pinapanood itong umalis.Tinuloy ko ang paglilinis dito sa bahay. By the way, ako nga pala si jesse tapos na ako sa college pero hindi pa rin ako binibigyan ng permission ni tita ko na magtrabaho at gusto lamang niya ay mag-stay dito. Hindi niya ako binibigyan ng karapatan para lumabas kaya tanging sa cellphone na lamang din kami nag-uusap ng aking kaibigan na si Ivy.Habang nagmo-mop ako sa may sala, biglang dumating naman si Clouie na pinsan ko na anak ni tita ko.