20 Million Ashreen finally got out of prison. Limang araw din siyang nasa kulungan. Sinampahan ba naman siya ng kaso ni Lanie. Bumukal agad ang dugo niya nang maisip ang babaeng iyon. Nang matanaw niya ang ina niya sa malayo, napatakbo si Ashreen. "Mommy! Sobrang hirap doon!" Her mother welcomed her in a tight hug. Namiss nito ang kanyang anak. "Salbahe talaga 'yan si Lanie. Sariling kapatid pa talaga pinakulong.""It's so dirty and tight there!" Pagrereklamo ulit ni Ashreen. "Huwag kang mag-alala, hija. I'll make sure Lanie pays for what she did to us."Sabay na ngumiti ang mag-ina na para bang may plinano nang masama ito. Pumasok na sila sa sasakyan at doon na nag-usap. "I'm gonna make sure Lanie suffers," saad ni Ashreen. "Hija, don't worry about that bitch, okay? Ako na bahala doon. Ang alalahanin mo si Ivo. You need to get to his good side!"Tumango naman si Ashreen. "Mommy, sino ang kasama ni Ivo sa dinner with Mr. Tan? Importanteng dinner 'yon."Hindi makapagsalita ang
Magbasa pa