Share

Chapter 5

20 Million 

Ashreen finally got out of prison. Limang araw din siyang nasa kulungan. Sinampahan ba naman siya ng kaso ni Lanie. Bumukal agad ang dugo niya nang maisip ang babaeng iyon. Nang matanaw niya ang ina niya sa malayo, napatakbo si Ashreen. 

"Mommy! Sobrang hirap doon!" 

Her mother welcomed her in a tight hug. Namiss nito ang kanyang anak. 

"Salbahe talaga 'yan si Lanie. Sariling kapatid pa talaga pinakulong."

"It's so dirty and tight there!" Pagrereklamo ulit ni Ashreen. 

"Huwag kang mag-alala, hija. I'll make sure Lanie pays for what she did to us."

Sabay na ngumiti ang mag-ina na para bang may plinano nang masama ito. Pumasok na sila sa sasakyan at doon na nag-usap. 

"I'm gonna make sure Lanie suffers," saad ni Ashreen. 

"Hija, don't worry about that bitch, okay? Ako na bahala doon. Ang alalahanin mo si Ivo. You need to get to his good side!"

Tumango naman si Ashreen. 

"Mommy, sino ang kasama ni Ivo sa dinner with Mr. Tan? Importanteng dinner 'yon."

Hindi makapagsalita ang ina niya. At dahil wala itong masagot, alam na agad ni Ashreen kung sino ang kasama ni Ivo. 

"Plinano talaga 'to ni Lanie! Ayaw na nga sa kanya si Ivo, pinipilit talaga niya!" 

"Sisiguraduhin kong mapatumba natin ang babaeng 'yon. I promise you that."

"But how? Lahat ng property ay nasa kanya ngayon! Pati ang kompanya!" 

A sly smirk made its way to Alyana's lips.

"Their company is filing for bankruptcy and liquidation. Sa dami nilang utang, pati ang mansyon, ibebenta niya para mabayaran iyon."

"Then we wouldn't have a place to stay anymore."

"Kaya nga pagbutihan mo ang pag-akit kay Ivo. Siya ang tutulong sa atin para tuluyan nang mawala si Lanie sa buhay natin."

Patuloy ang usapan ng mag-ina. Puro si Lanie at Ivo lang naman ang nasa bibig ng mga iyon. 

...

Sa mansyon naman ng mga Verde, hindi na makapaniwala si Lanie sa halaga ng utang nila. Umabot na ito ng 9.9 million. At kahit ilang beses niyang i-compute, ganon parin ang resulta. 

"Paano na ito?" 

Akala niya gagaan na ang buhay niya pero ngayon, hinaharap niya ang problema ng kompanya. Napatingin siya sa mga financial statements. Simula noong namatay ang kanyang ina, bumaba na ang sales ng Verde Hills. Mas lalong nalunod sila sa utang nang si Alyana ang nag-asikaso ng kompanya. 

Lanie gritted her teeth. They could be doing it on purpose just to sabotage her. 

"Maraming lupain at ari-arian ang iyong pamilya, Lanie. Masolusyonan natin ito."

Lanie bit her lip frustratingly. "Maubos tayo! Other bankruptcy, Ivo filed for liquidation. Lahat nang pinamana ni mama sa akin ay mawala lang din na parang bula."

Ilang oras din silang naghahanap ng solusyon sa problema nila. 

"If you convince Ivo not to file for bankruptcy and liquidation, we can still save the company. We can ask for capital again—"

Hindi na hinintay ni Lanie na matapos si Garyo.

"Sa tingin mo, papayag si Ivo sa gusto ko? That man hates me!"

"Pero wala na tayong ibang solusyon, Lanie."

"Kung uubusin ko ang ang mga ari-arian ni Mama, hindi ako papayag, Garyo."

Nagkatitigan na lamang silang dalawa. Mukhang iyon na ata ang solusyon ni Lanie. Tumayo siya sa kanyang upuan. 

"Saan ka pupunta, Miss Verde?" 

She had to inhale deeply before speaking, "Ivo."

Nasa top floor na siya ng Gravidez Towers. Isang beses lamang siyang nakapunta dito at iyon ang araw kung saan pinakilala siya bilang asawa ni Ivo. 

Nasa secretary's desk na si Lanie nang makita niya kung sino ang papalapit. Wearing her red high heels and form fitting bodycon, Ashreen headed to her direction. 

Before she could ask the secretary, hinila na siya ni Ashreen. 

"What do you think are you doing here?" M*****a nitong tanong.

Taas-noo niyang hinarap ang kapatid. 

"I'm meeting with Ivo."

Napataas ang kilay nito. "May appointment ka ba?" 

Hindi makasagot si Lanie dahil unexpected visit lang naman siya dito. But since she's the ex-wife, hindi naman siguro kailangan ng appointment.

"Ilang minuto lang naman—"

"He doesn't wanna see you, Lanie. Please, tigilan mo na siya."

Umiling laman ito. 

"Kung gusto mo si Ivo, i*****k mo siya sa budhi mo, Ashreen. Wala akong pakealam kung maging kayo. Nandito ako para pag-usapan ang kompanya."

Narinig niya ang matalinis na tawa nito. Umiiling pa ito habang tinitignan si Lanie. 

"Sa Verde Hills ba? Hindi mo mapipigilan si Ivo d'yan, Lanie."

Aamba na sana siyang papunta sa opisina ni Ivo nang hinarangan ulit siya ni Ashreen. Napaigiting na lamang ang kanyang panga. Kahit saan, kontrabida talaga ang babaeng ito. 

"I'm talking to him, Ash. Whether you like it or not."

Hinawakan ni Ashreen ang magkabilang braso niya. She pinned her to a wall and gripped on her hand so tight, her nails dug deep into her skin. 

"Sa tingin mo matapos ka gumawa ng scene sa meeting niya with Mr. Tan, papayag pa siyang makausap ka?" 

"Bitawan mo ako, Ash." Napangiwi na siya sa hapdi. 

"When will it ever sink in to your mind that Ivo doesn't want to see you!"

"Kahit ako ayaw ko siyang makita! But I don't have a choice, Ash! Walang kwenta ang pamumuno ng mama mo sa Verde Hills at ngayon it's a mess. So, let me talk to Ivo!"

Binitawan ni Ashreen si Lanie para lamang sampalin ito. Nagsitinginan ang mga empleyado sa paligid dahil sa eksena ng dalawa. 

"He doesn't want to see you!" 

"Wala akong pake. I'm seeing him now."

Lanie successfully walked past Ashreen. Pero hinablot naman nito ang buhok niya pabalik. Napaungol si Lanie sa sakit ng hila. 

"Guards! Kunin niyo siya!" 

Agad nagsidatingan ang mga guards at kinuha si Lanie. Hindi na kaya ni Lanie gumawa pa ng eksena kaya sumunod na lamang ito. Habang si Ashreen bumbukal parin ang dugo. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa at may tinawagan. 

"Hello, this is Ashreen Mundo. The list of debts I requested were not final, right? Sort out the missingdebts. The total debts of Verde Hills is more than 20 million. Kung may mahanap ka para mahigitan ang 20 million, mas mabuti.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status