Share

Chapter 4

Ownership

Napatitig lamang si Cedric sa kanyang amo habang nakaupo ito sa lobby. Akala niya uuwi na ito matalos makuha ang kailangan nito. Pero mukhang wala ito sa sarili. Nakaupo ito sa isang sofa na nakatitig sa kawalan. 

Hindi mawala sa isip ni Ivo si Lanie. Unang beses niya itong nakita na ganon ang itsura. Pero ang mas lalong hindi mawala sa isip niya ay ang personalidad ni Lanie kanina. Sa pagkakaalam niya, ang babaeng 'yon ay agarang iiyak at magmamakaawa sa kanya pero iba ang nangyari kanina. Sumama talaga siya sa matandang lalaking 'yon.

Nadisturbo lamang ang isipan ni Ivo nang nagring ang cellphone ni Cedric. Napalingon agad siya dito at may naramdaman na parang tungkol iyon ni Lanie. 

Nang binaba na ni Cedric ang tawag, nakatitig na si Ivo sa kanya. 

"Nasa hospital si Mr. Tan, Sir."

Walang pagdadalawang isip, tumayo si Ivo. Nabigla naman si Cedric sa biglaang reaksyon ng amo. 

"Well? Let's go."

Hindi kailanman concern si Ivo sa ibang tao. Palagi nitong inuuna ang sarili. Kaya hindi maintindihan ni Cedric kung bakit pupunta pa si Ivo sa hospital. Mas lalong nabigla siya sa susunod na sinabi ni Ivo. 

"May sinend akong kontrata sa'yo. You handle that one. I'll go to the hospital now."

Cedric just stared in shock as his boss slowly disappeared into view. How did that even happen? Pupunta ba siya para kay Mr. Tan o para kay... Miss Verde?

...

Ivo surveyed the private dining room. Nakita niya ang basag na botilya at ang dugo. Kahit isipin man niya, hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Lanie. Ilang beses na siyang napatunayan ni Lanie na iba na siya ngayon. 

Malabong si Lanie ang nagpahospital kay Mr. Tan. Mahinang babae iyon. Hindi pwede. Pero nang napalingon si Ivo sa gilid ng silid, doon nakaupo si Lanie at duguan ito. 

Totoo nga. Puno nang dugo ang katawan at mukha nito na para bang galing ito sa slaughter house. Akala niya kapag iwanan niya si Lanie kasama si Mr. Tan, iiyak yon. Hindi niya inasahan na maging duguan ang matanda. 

Ilang minuto din siyang nakatitig lang kay Lanie. Once Lanie raised her head, their eyes locked. Ivo saw the indifference and loathe in those set of eyes. Unang beses niya iyong nakita galing kay Lanie. Tumayo ito at humakbang patungo sa kanya. 

"I will forever remember this day at hindi ko kakalimutan ang nangyari sa akin."

Ivo's brows shot up. He's surprised again with the strong surface Lanie is giving him. 

"Yes, you shall remember kneeling and begging for mercy. I will not tolerate a business partner getting hurt because of you."

Ivo commanded his bodyguards to take her with them. Akala niya lalaban na naman ito pero hinayaan lang ni Lanie ang mga ito. Ivo kept on wondering the different demeanor and aura of Lanie. He hasn't seen this side of her. 

Nang nasa hospital na, agad naman sumunod si Lanie sa instructions ni Ivo. She kneeled in front of Mr. Tan's bed. Kahit na self defense iyon ni Lanie, hindi parin niya maiwasang maguilty. May nasaktan siyang tao. 

Ilang beses din naman sinubukan ni Lanie na tumayo pero kapag nakita siyang hindi nakaluhod, they would forcefully make her kneel. Hanggang sa dumaan ang tatlong araw, ganon lang ang sitwasyon niya. Her knees are already numb from kneeling too much. She's hungry and thirsty dahil hindi naman siya pinapakain.

Dalawang bodyguard ang nakabantay sa kanya. Strikto ang bilin ni Ivo. Kahit hanggang dito, gusto niyang maghirap si Lanie. 

Nang makita ni Lanie na nakatulog ang isa sa mga bodyguard, she saw this as an opportunity. She reached to his pocket to get the electric zapper. Nang nasa kamay na niya iyon, nagpanggap naman siyang nawalan nang malay. 

Sinubukang tulungan ng isang bodyguard si Lanie pero nang mahawakan niya ito, agad namang ginamit ni Lanie ang zapper. Agad namang bumagsak ang katawan ng bodyguard. At kahit tulog pa ang isa pang bodyguard, hindi na nag-alinlangan si Lanie na i-zap din iyon. 

Habang ginagawa niya ito, nakatitig lang si Mr. Tan kay Lanie. Puno nang takot at pangamba ang mga mata nito. 

"Y-you! You... You! Umalis ka!" 

The corner of Lanie's lips rose to a sheepish grin. Mas lalong natakot si Mr. Tan. 

"I'm here to apologize, Mr. Tan. I'm sorry for what I did."

She tried to be sincere ang bowed to the man. Pero kahit ganon na ang ginawa niya, takot parin ito. 

"Get out!" 

"As you wish, Mr. Tan."

Ang importante para kay Lanie ay nakapaghingi siya ng tawad at makaalis na hindi makita ni Ivo.

...

Nasa bathtub si Lanie habang nagpapahinga. Napatingin siya sa nag-iisang maid na sinamahan siya. Her lips pouted knowing why the reason she was the only one left. 

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" 

Malungkot na napangiti ito. 

"Hindi raw po ako magaling na katulong kaya sinabihan na agad ako na huwag na sumama."

After the police took them out of the mansion, sumunod din sa kanila ang mga katulong. At isa lang ang natira sa kanila. 

"Anong pangalan mo?"

"Mary po."

"So you're not a competent maid, and you want to stay here and get paid?" 

Nakaramdam ng hiya si Mary. Gusto nalang nitong mawala ng bula. 

"Pasensya na po, Miss Verde. Kung ayaw niyo po ako dito, aalis po ako."

Napatawa na lang si Lanie. She knows how it feels to be neglected when your only trying your best. 

"Dito ka nalang, Mary. Mukhang wala naman akong mahanap agad na kapalit sa'yo."

Matapos maligo ay dumiretso na si Lanie sa library kung saan naghihintay si Garyo sa kanya. Pagpasok palang niya, nakita na agad ang lumbay sa mukha nito. Her heart thundered as she felt something wrong is happening. 

Umupo siya sa harap ni Garyo at hinanda ang sarili kung ano man ang sasabihin nito. 

"Anong meron, Garyo?"

Tumango ito at napabuntong-hininga. 

"Miss Verde, may nalaman ako."

She swallowed the lump on ber throat. "Ano 'yon?" 

"Gravidez Corporation acquired 55% of shares in Verde Hills."

"What?" Mas lalong kinabahan na si Lanie. 

"Two years ago, bumili si Ivo ng shares at ngayon nasa kanya na ang controlling interest, Miss Verde."

Umiling si Lanie sa mga nalaman. Binigay sa mama niya ang kompanya! Pero ibang tao ulit ang makikinabang! Agad niyang tiningnan ang mga papeles sa harapan niya. Ang Verde Hills ay tatlong henerasyon na kompanya hindi pwedeng mawala lang iyon dahil kay Ivo!

Habang binabasa ang mga dokumento, nawalan nang gana si Lanie. She stared at a specific document. It was the breakdown of shares. 

Indeed, nasa kay Ivo ang 55% sa shares. Pero ngayon...

"1% nalang na ownership ang natira sayo, Miss Verde.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status