Share

Chapter 2

Right to Claim

"No!" 

Napabangon si Lanie sa kanyang tulog. Hinahabol niya ang kanyang hininga habang napatingin sa kanyang paligid. Her hand touched the beads of sweat on her forehead as she realized the room she's in is unfamiliar. 

Nasa isang malaking silid na may maluwag at eleganteng disensyo. Napatingin din siya sa king-sized na kama kung saan siya nakahiga. The sheets are even silk! The curtains' hem fell to the floor perfectly. Lahat ng muwebles ay mamahalin pa. 

Unti-unting dumaloy ang kaba sa kanyang sistema nang maisip na baka nasa isang property siya ni Ivo. Dali-dali siyang umalis sa kama. She noticed a sunday dress on her which was unusual. She never had clothes like that while living under the roof of Ivo. 

Just when she was about to run to the door, it opened. Pumasok ang isang middle-aged man. Nasa late fifties na siguro ito habang pinagmasdan ang kaanyuan ng lalaki. Mas lalong lumaki ang kaba niya subalit nawala din ito nang ngumiti ang lalaki. 

"Hija, gising ka na pala," he smiled warmly to her. 

"Sino ka?" Kalmado namang tanong ni Lanie. 

Tinaas nito ang kamay na nagpapakita na wala siyang masamang gagawin. 

"Lawyer ako ng mama mo. Huwag kang matakot, Lanie. Tutulongan kitang bawiin ang para sayo."

Hindi parin natinag si Lanie at nagduda parin ang titig nito sa matandang lalaki. 

"Patay na ang mama ko. Anong kinalaman mo sa kanya?" 

Ngumiti muli ito. 

"Ako si Garyo Delmundo. May binilin ang mama mo sayo bago siya pumanaw. Itong bahay na ito, sayo 'to. Marami ka pang ari-arian, hija. Mapupunta din ang lahat na iyon sayo."

Hindi makapaniwala si Lanie sa kanyang mga nalaman. Napagdesisyonan niyang makinig kay Garyo. Nagpakita naman ito ng ebidensya at dokumento na totoo nga ang sinasabi nito. Lahat na ari-arian ng kanyang ina ay binilin sa kanya. Pati ang mansyon na tinitirhan ng kanyang ama at bagong asawa. 

Binabasa parin niya ang mga papeles. Hekta-hektaryang lupa, mga gusali sa capitol, iba't ibang properties, at ang kumpanya. Lahat iyon ay nakapangalan sa kanya. 

"Bakit ngayon lang 'to?"

"Your mother specifically stated that the properties will be transferred to your name once you're twenty four."

Bumukal ang dugo niya. Hindi niya alam kung saan galing ang emosyon na iyon. Basta-basta nalang iyon sumulpot. Pero kahit siya, nakaramdam din ng galit. Hindi man lang ito pinaalam ng kanyang ama. 

Lanie stood up from her seat. Garyo stared at her with anticipation. 

"Anong plano mo, Lanie?" 

Ang unang hakbang ni Lanie. Hustisya ito para sa totoong may-ari ng katawan na ito. 

"Home. I'm getting my home back."

Hindi na nag-alinlangan si Lanie. Agad siyang nagpahatid papunta kung saan siya nakatira noong kabataan niya. Simula noong namatay ang kanyang ina, pinapasok na agad ng kanyang ama ang kabit nito at anak sa labas. Sa naalala niya, wala siyang magandang memorya kay Ashreen. Puro ito inggit sa kanya. 

Nang makarating sa mansyon na dapat ay sa kanya, hindi na siya kumatok pa. Binuksan niya agad ang dalawang higanting pintuan. Lahat nang mga maids ay napabaling sa kanya nang makita siya. They all widened their eyes in shock. A group of gasp transpired around the mansion. 

Unang lumapit sa kanya ang mayordoma ng mansyon. Si Linda ay nakataas ang kilay habang papalit sa kanya. Pati ito, hindi maganda ang trato sa kanya. 

"At anong ginagawa mo dito?" Suplada itong lumapit. 

"Isn't this my home?" 

"May sarili na po kayong bahay, Mrs. Gravidez."

Napangiwi siya kung paano siya tinawag ni Linda. 

"I still have my rights here, Linda. Anyways, nasaan si Papa?" 

Linda hesitated to answer. Pero nakita niyang determinado si Lanie kaya napasalita din ito. Lumingon ito sa sala. 

"Sa sala, Mrs. Gravidez."

She nodded politely. 

"Salamat. Nga pala, Linda. It's back to Miss Verde from now on."

Lumaki ang mga nito at kunot-noong napatitig kay Lanie. 

"Po?" 

Hindi na siya nagsalita pa at dumiretso na sa sala. Unti-unting dumahan ang lakad niya nang marinig ang mga boses galing sa sala. Napatago siya sa isang saro. Dumaan ang kirot sa puso niya nang makita ang masayang pamilya. Hindi niya alam kung saan galing ang emosyon na iyon pero sigurado siya na sa orihinal na nag may-ari nang katawan iyon. 

"Dad! Look at this necklace! Ang ganda tingnan!" Pinakita ni Ashreen ang isang kuwintas at sinuot iyon. Humarap ito sa salamin. Her parents looked lovingly at her. 

"My beautiful daughter!" Saad nang ama nila.

"This necklace suits you, Ash! Bagay na bagay! Dapat mapakita mo ito kay Ivo!" 

"Mom! Ano ba!" 

"What? They're divorced, right? That means he's available! Alam kong ikaw ang gusto ni Ivo. Ikaw pa naman ang palaging gusto maka-usap."

"Mommy, stop! Aasa na naman ako," her lips pouted. 

"Hija, you must step up! You will be the new mistress of the Gravidez Corporation! Buti pumayag si Lanie sa divorce. I mean she doesn't have a choice. Ayaw naman ni Ivo sa kanya!" 

Hindi na napigilan ni Lanie at napapalakpak na lamang ito. Gusto niya itong bawian agad lahat nang mga ninakaw sa kanya. 

Hindi niya tinigilan ang pagpalakpal kahit na nakatingin na ang pamilya sa kanya. Pareho silang nagulat sa biglaang presensya ni Lanie. Si Ashreen ay mariing nakatitig sa kanya. Ang ina naman nito, si Alyana, puno nang galit ang mga mata. At ang kanyang walang hiyang ama, hindi man lang makatingin sa kanya. 

"Ilang taon na akong hindi bumabalik dito pero ako parin ang nasa mga bibig niyo?" 

Alyana took a few steps forward. Ang mga mata nito ay puno ng hagsik para kay Lanie. 

"At anong ginagawa mo dito? Babalik ka dito? Pwes! Wala kanang babalikan dito! Umalis ka, Lanie!"

Lanie's lips moved to a sinister smirk. Hindi niya mapigilang manggigil sa mga ito. 

"At anong karapatan mo para paalisin ako?" Lumapit siya sa kanyang kapatid at hinablot ang kuwentas na suot nito. Napasigaw naman si Ashreen sa biglaang kilos niya. 

"Anong ginawa mo? Akin 'yan!" Ashreen tried to reach for the necklace, but Lanie was taller and leaner than her. 

"These are my mother's jewelries!" Napatingin siya sa mga nakabalandra na alahas sa lamesa. 

"Patay na ang ina mo!" 

All the blood left her body as she heard that from her own father. She stared at her father in an icy way. Agad din nitong pinagsisihan ang sinabi. 

"Wala kayong karapatan para kunin ang mga gamit niya! Kayo na nga walang karapatan tumira dito, kayo pa ang mga kakapal ang mukha!" 

"Tanggapin mo na wala na siya dito. Kailangang may makinabang sa mga iniwan niya!" Alyana said boldly. 

Napatawa nang sarkasmo si Lanie. 

"At kayo ang makinabang? The homewrecker and illegitimate child?" 

Alyana's hand flew to her face in a sharp slap. Hindi agad siya nakarekober dahil sa lakas nang sampal nito. She repositioned her jaw as she stood straight in front of this woman. 

"How dare you, Lanie?!"

"You want to know something? My mother owns this mansion. And on her will, it's mine to own."

Their jaw dropped as she said her final words. Hindi agad nila naproseso ang sinabi ni Lanie. Mas lalong hindi nila inasahan nang may mga police na punaso

k sa kanilang sala. 

"A-anak!" Sigaw ng ama niya. 

"Walang lugar dito ang mga tulad niyo. I'm claiming back what's mine."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status