Bahagyang naguguluhan si Elisia at hindi niya maintindihan kung paanong bigla na lang siyang naupo sa kama ni Nathan.Ang mukha ni Nathan ay puno ng kasiyahan. Dahil nang oras na iyon, nakapatong ang ulo niya sa hita ni Elisia at ang buong katawan niya at isip ay payapa.Noong una ay walang masabi si Elisia, at mukhang hindi siya gaanong nasiyahan sa naging akto ni Nathan. Ngunit nang maisip ang ginawa nito ngayon at kung paano niya itong babayaran, naisip niya iyon at napagdesisyunang kalimutan na lang.Hindi niya alam kung dahil ba pagod lang siya nitong mga nakaraang araw, ngunit bago pa malaman ni Elisia ay nilamon na siya antok. Nang magising siya kinabukasan ay pakiramdam ni Elisia ay may nakapatong sa bewang niya. Walang pasensya na inalis niya ang bagay na iyon, ngunit hindi niya inaasahan na ang bagay na iyon ay papatong ulit maya-maya.“Huwag kang magulo.” Hindi maganda ang pakiramdam ni nang magising siya at hindi maganda ang ugali niya sa mga taong iniistobo siya pag bang
Huling Na-update : 2024-12-29 Magbasa pa