Nasa baba na si Mrs. Alonzo, paalis na sana nang marinig ang anak niyang magsalita na ikinasiya niya.“Oh, nagbago ang isip mo?” Si Jenny ay singkwenta anyos na, ngunit napapanatili pa rin nito ng maayos ang sarili at mukhang nasa trenta pa lang ito. Dadalo siya sa isang okasyon ngayon at espesyal niyang isinuot ang ipinasadya niyang pulang mahabang dress. Ang itim na kulot niyang buhok ay nakatali pataas at ang buong pagkatao niya ay pinagmumukha siyang elegante at kaakit-akit.Matapos ang lahat, maraming taon na siyang sikat sa industriya ng entertainment at isa rin siya sa mga hindi mamatay-matay sa industriya. Natural na ang paglabas niya ay walang katumbas.At ang mga taong maingat ay malalaman na si Jenny at Jake ay may limang puntos na pagkakapareho ng ilang bahagi ng mukha. “Anak, e'di suotin mo ang suit na hinanda ko para sa'yo. Maganda iyon at bagay na bagay sa’yo.” Sobrang saya ang nararamdaman ni Jenny. “Mabuti at nagbago ang isip mo na dumalo kasama ang nanay mo. Hindi mo
“Oh, Mr. Andrei, ikaw at si Miss Alonzo ay mukhang perpektong magkapareha.”“Oh, matandang Wilson, nahihiya akong sabihin na napupuri pa rin ako ng ganyan sa edad ko.” Mapagkumbabang ikinaway ni Andrei kamay. “Edi, hindi na kita pupurihin. Si Miss Alonzo talaga ang tinutukoy ko. Kapag tumayo si Miss Alonzo dito, kailangan kong sisihin ang Diyos sa pagiging hindi patas. Paanong hindi man lang nag-iwan ng marka ang panahon kay Miss Alonzo?”Ang lalaking nagsalita ay kilala sa pagiging madulas ang dila. Ang iba ay gusto ito at ang iba naman ay hindi. Halata naman na isa si Andrei sa may gusto dito.“Oh, Wilson. Napakagaling mo talagang magsalita.” “Okay, dahil si Mr. Andrei ay may oras ng araw na iyon. Imbitahan mo naman akong maupo sa bagong bahay ninyo ni Miss Alonzo. Maghahanda talaga ako ng malaking regalo.”“Bakit hindi sinabi ni Tito Wilson na maghahanda muna siya ng malaking regalo para sa'kin? Hindi ba't sinabi ni Tito Wilson na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa seremonya
Matapos ang ilang minuto, humingi ng paumanhin si Duke kay Jenny sa ilalim ng pagbabantay ni Mikey.“I’m sorry, Professor Alonzo, hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon at nagbitiw ako ng hindi magandang komento sa’yo. Huwag mo sanang masamain.”“Okay lang, hindi mo rin naman alam.” Sinabi ni Jenny na ayos lang ‘yon at tinapik ang balikat ni Duke. “Narinig ko lang sa tatay mo ang tungkol doon noon, pero ito ang unang beses na nakita ko.” Mukhang sobrang bait ni Professor Alonzo, mas maganda ito kesa sa nakalagay sa dyaryo. “Okay lang, ang lahat ay dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.”“Professor Alonzo, pwede ba akong magpa-picture sa’yo?”Matapos mag-usap ni Duke at Jenny, sumulpot si Mikey sa tabi nilang dalawa at nagtanong kung pwede itong magpa-picture.Masaya namang nag-obliga si Jenny.Si Lexis at Dylan ay naiwang nakatingin sa isa't isa.“Sa unang pagkakataon, sinong mag-aakala na ang ganyan kagandang babae ay isang professor na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.”
Pero hindi lang ‘yon lahat.Matapos no'n, nakapasok si Sandra sa directing department ng Film Academy ng may mataas na puntos. Ang unang serye niya sa telebisyon kung saan siya unang lumabas sa edad na labing walo ay diretsong naging kampeon ng taong iyon sa ranggo.Nang ang kasikatan nito ay tumaas, hindi na gumawa pa ng palabas si Sandra sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos, sa taong nagtapos ito sa kolehiyo, gumawa ito ng napakagandang pelikula na nagwagi ng box champion of the year at nakasama sa tatlong nangungunang aktres sa box office performance of the film and television. Nang oras na iyon, dalawampu't tatlong taon pa lang si Sandra.Nang sumunod na limang taon, gumanap pa si Sandra sa dalawa pang palabas. Parehong naging high box office. Matapos non, ito ang unang nakaabot sa kita na kalahating porsyento.Sa mga nagdaang taon sa Pilipinas, si Sandra ay tinatawag na mahusay. Sa mga taong iyon, kakaiba ang buhay ni Sandra sa industriya ng domestic entertainment.Maraming tao an
“Tara na.” Wala ng oras pa si Elisia para pag-isipan ang tungkol doon. Pagkatapos magsalita ni Nathan ay sinulyapan nito si Elisia. Tumango si Elisia at pagkatapos ay bumaba sila ng kotse ng magkasama. Unang bumaba ng kotse si Nathan, at naglakad sa kabilang bahagi para pagbuksan ng pinto si Elisia. Nang lumabas si Nathan, ang nagkikislapang mga ilaw sa lugar ay hindi na natigil. Pagkatapos ay unang bumaba sa lupa ang sandals ni Elisia, at ipinatong nito ang kamay sa palad ni Nathan. Nagpakita siya sa harap ng lahat sa pamamagitan ng suporta na nagmumula kay Nathan. Walang pagdududa na napakaganda ni Elisia.Ang tsismis patungkol sa namumuno sa Lucero's Group ay palaging paksa ng lahat ng balita sa media, ngunit sa maraming taong nagdaan, wala pang balita ang nagagawa. Ang tanging bagay na alam lang nila ay si Nathan Lucero ay mukhang may relasyon sa reyna ng mga pelikula noon na si Sandra Song. Ang relasyong iyon ay hindi kinumpirma ng dalawa, ngunit ang mga media reporters a
Plano ni Nathan na pumunta at tawagin si Elisia, ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kausap na lalaki sa gilid.Masyado siyang malayo para marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kung titignan ang paligid ng mga ito, nakaramdam siya ng pagkakaisa at pagkakaibigan.Sa sandaling iyon, nakatayo sa sahig habang nakapaa si Elisia. Sa tabi nito ay ang sampung sentimetrong takong. Naaalala ni Nathan ang lalaking iyon. Siya iyong tumatawa habang nakikipaglaro kay Elisia sa harap ng TV station no'ng nakaraan.Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay dadalo rin sa pagdiriwang ng ika-isang daang taon ngayon.Unti-unti ay may hindi mapangalanang galit ang umuusbong sa isipan ni Nathan.Palaging kinakabahan at hindi kumportable si Elisia sa harap niya. May mga ilang pagkakataon lang na kumportable ito katulad ng ginagawa nito sa harap ng lalaking iyon.Nakikipagtalo si Elisia kay Jake. Matapos ang matagal na pagtatanong, hindi niya pa rin nalalaman kung paano ito
“Oh, ang baby ko.” Nakasuot ng light green na roba ang matandang babae ngayon na isa sa mga bagong estilo ng mga Chinese. At ang maikling puting buhok nito ay metikulosong nakaayos. Napaka-elegante at ganda nito. Gustong-gusto ni Lola ang katahimikan. Habang tumatanda ito, mas lalo nitong hindi nagugustuhan ang media. Kaya pumunta ito sa venue pagkatapos umalis ng media. Matapos makarating sa lugar, lumapit si Elisia at sinuportahan ang matanda.Si Zach at Jewel ay nasa iisang sasakyan kasama si Lola. Nakasuot ng suit si Jewel at mukha itong matanda na sa edad nito. “Kuya Nathan, hello, Ate Elisia.” Tama, base sa kung sino ang mas matanda, kinailangan silang tawagin ni Jewel na ate at kuya. Napakalambot ng boses ni Jewel, at mas masarap pakinggan ang boses nito nang tawagin siya nitong ate. Umuklo si Elisia at hinawakan ang buhok nito ng may kasiyahan.Sa bahaging iyon, nagsalubong ang tingin ni Zach at Nathan at bahagyang tinanguan ang isa't isa, maituturing na iyong pagbati.Pa
“Oo, kapag may gusto kaming gawin ni Sandra na interesado kami, ibinibigay namin ang isang daang porsyento ng sarili namin.” Mukhang hindi naintindihan ng nanay ni Sandra kung ano ang sinabi ng matanda at inulit lang nito kung ano ang sinabi ni Mrs. Lucero. Nang sabihin nito iyon, bahagyang nagkaroon ng pagkailang sa paligid. Wala ng sinabi pa ang matandang babae, kaya naman natural na wala kahit isa sa mga naroon ang patuloy na sumagot kay Mrs. Song.Ayaw na ng matandang babaeng magsayang pa ng oras sa kanila. May iba pang tao ang lumapit para bumati. Kinuha ng matandang babae ang kamay ni Elisia at nagsimulang bumati sa kanila.Matapos ang isang gabi, halos lahat ng nasa siyudad ay alam na ang pamilya Lucero ay nagpakasal sa maganda at mabait na manugang sa apo.Nang sumapit ang gabi, Ilan sa mga nagagandahang mayamang babae ang nakatayo sa gilid ng pool habang may hawak na champagne sa kanilang kamay. Nag-uusap ang mga ito.“Kita mo? Sabi ng lahat napakaganda ni Sandra, pero ngayo
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon

“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind

Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
“Elisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?”Habang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. “Bakit ba pinipilit mo akong sumagot?”Sa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.“Elisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.” Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
“So, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?” Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.“Yes.” Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.“Ano ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?”“Tapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.”“Teka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin sa’yo?” Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. “Sino ‘yan? ‘Yong kasamahan mo ba sa trabaho?”“Paano mo nalaman?” Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.“Kahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. “Kahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrata…” Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.“Umaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.” “Katrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.” Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.“Edi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.”Gustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.“Okay.”Pagkatapos