SA SOBRANG TAKOT NI OLIVIA NANG mga sandaling iyon ay hindi na niya alam kung saan siya kumuha ng kanyang lakas ng loob. Bigla niyang ikinawit ang kanyang kamay sa kamay ni Aiden at biglang nagsalita sa malambot na tinig. “Please, tulungan mo ako. Nakikiusap ako sayo…” nagmamakaawang sabi niya rito at pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay sobrang kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ililigtas ba siya nito.Ngumiting muli si Direk Morie kay Aiden. “Katulad ng sinabi ko ay mas maganda na huwag kang makialam. Isa pa, may bago akong project at handa akong isali kita.” sabi nito.Samantala, hindi ito nagsalita at itinupi lang nito ang manggas ng mga suot nitong long sleeve at nakatayo pa rin doon at walang kagalaw-galaw. Ngunit nang magtaas siya ng kanyang ulo at tumingin dito ay halos hindi makayanan ni Direk Morie na tingnan ito. Matapos ang ilang sandali pa ay niluwagan din nito ang kanyang suot na neck tie.Ang kanyang mga labi ay biglang ngumiti at itinaas ang kanyang paa at s
Last Updated : 2024-11-21 Read more