SIGURO DAHIL SA SOBRANG HINDI KOMPORTABLE ang pakiramdam ni Olivia ay bihira lang nitong ipakita sa kaniya ang maselang bahagi nito at nang mga oras na iyon ay tuluyan na nga itong umiyak. Nang makita ni Tristan ang luhang dumadaloy mual sa mga sulok ng mga mata nito ay halos mawalan na siya ng kontrol.Dahil dito ay agad siyang pumatong dito at walang pag-aatubili na hinalikan ang mga labi nito ng wala ng ibang iniisip pa. Marahil dahil sa epekto ng gamot sa katawan nito ay hindi siya nito itinulak at sa halip ay mas niyakap pa siya nito ng mahigpit.Ang katawan nito ay napakalambot na halos gusto nitong dumikit sa kaniya. Kung normal lang ito ay hindi nito iyon gagawin dahil wala naman itong alam gawin kundi ang maging malamig sa kaniya, ngunit ngayon ay masasabi niyang naakalambing nito sa kaniya.Sa isang iglap ay bigla ding nag-init ang katawan ni Tristan na para na ring sasabog. Ilang beses niyang pinigilan ang kanyang sarili at gustong sundin ang isinisigaw ng kanyang puso dah
HINDI MAIWASAN NI TRISTAN NA mahulog ang kanyang mga mata sa mga mapupulang labi ni Olivia dahil sa ginawa nito. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang nitong hinalikan na halos magpabaliw sa kaniya. “Olivia…” bulong niya rito at pagkatapos ay bahagya niya itong itinulak palayo sa kaniya.“Tristan… huwag mo akong itulak…” mahinang sabi ni Olivia sa kaniya. “Hindi ako komportable.” dagdag pa nito na halos paos na ang tinig.Nang mga oras na iyon ay hindi na rin komportable ang pakiramdam ni TRistan. Hinawakan niya ang mukha nito at tinitigan ang mga mata nito at mahinang bumulong. “Hindi rin ako komportable.” pag-amin niya. “Makinig ka sa akin, konti na lang. Tiisiin mo na. Hindi magtatagal ay darating na si Kent, okay?” sabi niya rito ngunit umiling lang si Olivia at mariing pumikit. Muling bumagsak ang mga luha mula sa mga mata nito. “Hindi ko na kaya…” hirap na hirap na sabi nito sa kaniya at bakas sa mukha nito ang paghihirap.Ang mga mata nito ay namumula at halos mamaga na da
PAGGISING NI OLIVIA AY RAMDAM na ramdam niya ang pananakit ng buo niyang katawan. Ano bang nangyari? Idadgag pa na maging ang kanyang ulo ay parang puputok na rin. Sa isang iglap ay bigla na lang bumalik sa kaniya ang mga nangyari kahapon.Kahapon ang birthday ni Missy at sinabi sa kaniya ni TRistan na hindi siya pupunta pero iniwan siya doon na naghihintay sa may restuarant mag-isa. Sobrang na-disappoint siya at bigla na lang niyang nakita si Vincent na hinila siya sa isang silid kung saan ay pinainom siya ng alak at pinagplanuhan siya ng masama ni Direk Morie.Pero mabuti na lang at nakatakbo siya palabas ng silid na iyon. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kasunod nun at hanggang sa luminaw na iyon ng tuluyan. Ang lalaking tumulong sa kaniya at nagligtas sa kaniya sa kamay ng manyak na direktor na iyon ay walang iba kundi si Aiden!Pero bakit ngayong nagising siya ay nandito sa kanyang silid? Paano nangyari iyon? Hindi niya guni-guni lang niya iyon? Napakaraming nangyari sa iis
NAPAHIKBI SI OLIVIA DAHIL SA SAMA NG LOOB NANG BIGLANG BUMUKAS ang pinto. Sa sumunod na sandali ay bigla na lang pumasok ang tuwid na pigura ni TRistan mula sa labas ng pinto. Lumapit ito sa kaniya at may ibinaba na isang bag mula sa kamay nito at umupo sa tabi niya.Nang makita nito ang mga luha sa kanyang mukha na hindi pa napunasan at nananatiling basa pa ay agad na lumambot ang puso ni TRistan. “Inumin mo muna itong gamot.” sabi nito sa kaniya. Hindi naman sumagot si Olivia at agad na dinampot ang maliit na gamot pagkatapos ay agad niyang ininom ito ng walang reklamo. Pagkatapos niyang inumin ang gamot at ibinaba ang baso ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya.Sa sumunod na sandali ay bigla na lang siyang niyakap ni Tristan at ang hininga nito ay tumatama sa kanyang tenga. “Alam mo ba kung gaano ako kasaya na marinig ang mga sinasabi mong iyon? Ito ang patunay na kahit na mukhang napakatigas at napakalamig ng pakikitungo mo sa akin ay patunay na kahit papano ay may paki
AGAD SIYANG PUMASOK SA LOOB NG BANYO at kaagad na naligo. Paglabas niya ay tulog na tulog pa rin si Olivia. Pero nagbago na ang posisyon nito dahil nakahiga na siya sa mismong sofa. Pinanuod niya ito habang natutulog at biglang pumasok sa isip niya na gusto niya ay palagi lang itong nasa tabi niya.Dahan-dahan siyang lumapit dito at pagkatapos ay bubuhatin na sana niy ito para ilagay sa kama ngunit bigla na lang itong gumalaw at nagmulat ng mga mata. Napakurap-kurap pa ito ng ilang beses at pagkatapos ay napatingin sa kaniya bago tuluyang nagsalita.“Nakauwi ka na?” tanong niya rito.“Katatapos ko lang maligo.” sagot nito sa kaniya.Bigla niyang sinulyapan ang orasan na nakasabit sa dingding at nakita niya na ala-una na ng umaga, muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa mukha nito. “Bakit napaka-late mo namang umuwi?” tanong niya habang nakakunot pa ang noo.“Hinihintay mo ba ako?” tanong nito sa kaniya na medyo nakataas ang sulok ng kanyang mga labi.“Hmm.” sabi nito at pagkatap
DAHIL SA NANGYARI NOON AY NAKA-EPEKTO IYON sa kaniya kung saan ay halos sa pagkuha ng pangalawang bida ay halos hirap pa siya kaya pinapahalagahan niya pa rin ito. “Okay.” sagot nito sa kaniya bigla. Wala itong sinabi na hindi siya nito pinayagan at agad niyang naunawaan na ang sagot nito ay parang isang pagsang-ayon.Ilang sandali pa ay dali-dali siyang ngumiti rito. “Salamat!” sabi niya kaagad. Hindi naman ito umiimik at pagkatapos ay nagpaalam na sa kaniya na aalis na. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago umalis at naiwan siya sa harap ng mesa na nakangiti dahill sa labis na kasiyahan. Akala pa naman niya ay mahihirapan siya na mapapayag ito ngunit hindi niya akalain na madali lang pala itong papayag.Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagkain at tuwang-tuwa na umakyat sa kanyang silid at inumpisahan na niya ang kanyang pag-iimpake ng kanyang mga damit at gamit. Ilang sandali pa ay agad niyang tinawagan ang kanyang manager na si ate Mia. “ate Mia, may maganda akong balita sayo.
AGAD NA TUMAWAG SI TRISTAN SA ISA NIYANG KAKILALA habang maputla ang kanyang mukha. Malamig ang tinig niyang nagsalita. “Sino ang nakialam sa pelikulang iyon?” malamig na tanong niya.“Mr. Fuentes, ito ay dahil kay Direk Morie at hindi namin inaasahan na nagpirmahan na pala sila ng kontrata kasama ang ibang artista.” kaagad na sabi nito.“Direk Morie?” tanong niya naman dito.“Opo Mr. Fuentes. Pero hindi naman mahalaga kung nagkapirmahan na sila dahil ang mahalaga ay magbabayad lang sila ng mga damages at maghahanap lang ulit ng butas. Ang role na iyon ay kay Miss Olivia pa rin o kaya ay ako na ang bahala para sa pagiging female lead niya.” sabi nito sa kabilang linya.Malamig naman na tumanggi si Tristan dito. “Hindi, hindi na.” mabilis na sagot niya.“Aayusin ko na po ang lahata at bukas na bukas o kaya mamaya ay ipapaalam ko na kaagad sa manager ni Miss Olivia.” nagmamadaling sabi nito sa kaniya.“Okay.” maikling sagot niya lang dito.Pagkababa niya ng tawag ay bigla na lang napahi
NANG MAKITA NI TRISTAN NA KAHIT PAPANO ay umaliwalas na ang mukha nito ay hinila niya ito paupo sa kama. “Huwag ka ng magalit okay?” sabi nito sa kaniya. “Kung may nawala, tiyak an may darating na bago at malay mo, mas maganda pa iyon kaysa sa nauna hindi ba?” tanong niya rito.Napatitig naman si Olivi dito kaagad na may pagkagulat ang kanyang mukha. “Anong ibig mong sabihin? Pinapayagan mo na ba akong bumalik sa pag-aartista?” tanong niya rito kung saan ay agad naman itong tumango sa kaniya.“Alam ko naman na iyon talaga ng gusto mong gawin at iyon ang pinaka-pangarap mo kaya wala na akong magagawa pa kundi ang payagan ka. Isa pa, kung magbabalik ka na lang din naman ay dapat yung pinakamagandang role na ang makuha mo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay dinampot ito ang ilang hibla ng buhok niya na nahulog sa kanyang mukha at iniipit sa tenga niya. “Hanggat nandito ka sa tabi ko, walang magiging problema sa akin.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Nang marinig niya ang mga salita n
DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka