All Chapters of MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK: Chapter 81 - Chapter 90

101 Chapters

Chapter 21.3

AGAD NA TUMAWAG SI TRISTAN SA ISA NIYANG KAKILALA habang maputla ang kanyang mukha. Malamig ang tinig niyang nagsalita. “Sino ang nakialam sa pelikulang iyon?” malamig na tanong niya.“Mr. Fuentes, ito ay dahil kay Direk Morie at hindi namin inaasahan na nagpirmahan na pala sila ng kontrata kasama ang ibang artista.” kaagad na sabi nito.“Direk Morie?” tanong niya naman dito.“Opo Mr. Fuentes. Pero hindi naman mahalaga kung nagkapirmahan na sila dahil ang mahalaga ay magbabayad lang sila ng mga damages at maghahanap lang ulit ng butas. Ang role na iyon ay kay Miss Olivia pa rin o kaya ay ako na ang bahala para sa pagiging female lead niya.” sabi nito sa kabilang linya.Malamig naman na tumanggi si Tristan dito. “Hindi, hindi na.” mabilis na sagot niya.“Aayusin ko na po ang lahata at bukas na bukas o kaya mamaya ay ipapaalam ko na kaagad sa manager ni Miss Olivia.” nagmamadaling sabi nito sa kaniya.“Okay.” maikling sagot niya lang dito.Pagkababa niya ng tawag ay bigla na lang napahi
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 21.4

NANG MAKITA NI TRISTAN NA KAHIT PAPANO ay umaliwalas na ang mukha nito ay hinila niya ito paupo sa kama. “Huwag ka ng magalit okay?” sabi nito sa kaniya. “Kung may nawala, tiyak an may darating na bago at malay mo, mas maganda pa iyon kaysa sa nauna hindi ba?” tanong niya rito.Napatitig naman si Olivi dito kaagad na may pagkagulat ang kanyang mukha. “Anong ibig mong sabihin? Pinapayagan mo na ba akong bumalik sa pag-aartista?” tanong niya rito kung saan ay agad naman itong tumango sa kaniya.“Alam ko naman na iyon talaga ng gusto mong gawin at iyon ang pinaka-pangarap mo kaya wala na akong magagawa pa kundi ang payagan ka. Isa pa, kung magbabalik ka na lang din naman ay dapat yung pinakamagandang role na ang makuha mo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay dinampot ito ang ilang hibla ng buhok niya na nahulog sa kanyang mukha at iniipit sa tenga niya. “Hanggat nandito ka sa tabi ko, walang magiging problema sa akin.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Nang marinig niya ang mga salita n
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 21.5

SA KATUNAYAN AY GUSTONG ITAGO NI TRISTAN ang bagay na ito sa kaniya dahil baka tanggihan lang niya ang mga ito kapag nalaman niya ngunit dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Kent ay naisip niya na kailangan niya ngang sabihin dito ang totoo kaysa sa iba pa nito iyon malaman.Napakuyom na lang si Olivia ng kanyang kamay. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita. “Kung hihingi ka lang din naman ng tulong sa iba ay mas mabuti nang ako ang tumulong sayo.” sabi nito sa kaniya kung saan ay halos magpanting ang tenga niya. Hindi siya nagsalita at tumalikod na lang dito basta pagkatapos ay padabog na isinara ang pinto.Agad siyang nagbihis at pinuntahan niya si ate Mia. pagdating niya doon ay kaagad nitong ipinakita sa kaniya ang mga script na ipinadala ng ibat-ibang mga tao sa kaniya. May mga pang female lead at may pang second female lead.Ilang sandali pa ay nagbigay na nga rin sa wakas ang suhestiyon sa kaniya ito. “Maliban sa pangalawang female lead ay mas maganda na iyon na lang ang piliin
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 22.1

MAKALIPAS LANG ANG KINSE-MINUTOS ay biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. Ilang sandali pa ay narinig niya ang boses ng waiter na nagmula doon. “Welcome po sir.” sab nito kung saan ay agad siyang napalingon dito. Pagtingin niya dito ay agad siyang natigilan.Nakita niya si TRistan na nakasuot ng kulay itim na amerikana at naka-leather boots. Parang ang bawat paghakbang nito ay tila nag-slow motion ng sa paningin niya. Sa malamlam na ilaw ay mas lalo pang naging gwapo ito sa paningin niya.Habang hawak niya ang libro sa kamay niya ay tla ba narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya. Sa mga sandaling iyon ay halos akala ay isa itong prinsipe mula sa mga fairytales na pinapanuod niya noong bata pa siya at bagamat hindi ito nakasakay ng kabayo ay bumilis pa rin ang tibok ng puso niya.Ang eksenang iyon ay hindi na niya mabilang na lumitaw sa kanyang panaginip. Lahat ng nasa harap niya ay parang biglang napunta sa pag-alala niya sa nakaraan. Isang gabi ay may mahinang ambon na bum
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 22.2

MABUTI NA LANG AT KAPAG TINANGGIHAN niya ito ng minsan ay hindi na siya nito kukulitin pa. Kung hindi ay baka paulit-ulit siya nitong tawagan para lang pilitin. Matapos niyang patayin ang tawag ay agad siyang nagpadala ng isang mensahe kay Kent at tinanong niya rito kung saan kaya ang pinaka-malapit na lugar kung saan ay may amusement park. Agad din naman itong nagreply sa kaniya.“Ah sir, kayo po ba ang sasakay? Hindi ba at hindi naman kayo mahilig doon?” tanong nito sa kaniya.Agad niya din naman itong nireplayan. “Maghanap ka na lang hindi yung ang dami mo pang tanong.” sabi niya rito. Makalipas lang ang dalawang minuto ay muli siyang nakatanggap ng isa pang text message nito at ang sabi nito ay mga nasa isandaang metro lang mula sa kinatatayuan nila ay may isang amusement park. Nagtype pa siya ng reply dito at pagkatapos ay agad na niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at hinawakan ang kamay ni Olivia at patuloy na naglakad. Agad naman na nagtaka si Olivia dahil halos ilang minu
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 22.3

BIGLANG NAPALINGON SI OLIVIA kay Tristan. “Ikaw ba ang may pakana nun?” tanong niya rito.“Hindi ah.” sabi nito sa kaniya. “Tadhana ang gumawa nun kasi para hindi tayo maghiwalay habang buhay.” sabi nito sa kaniya. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo at hindi na nagsalita hanggang sa tuluyan na itong mag-ayang umuwi.Pagdating nila sa bahay nito ay pinaghanda niya ang mga kasambahay na mag-setup ng dinner sa balkonahe. Ilang sandali pa nga ay nakahanda na ang lahat at umupo na lang sila. Napaka-perfect ng paligid dahil napakatahimik para sa dinner nila.Ang red wine na nasa mesa ay personal na pinili ni TRistan kung saan ay hindi iyon masyadong nakakalasing kaagad at saktong-sakto iyon para kay Olivia. Agad na nagsalin ng alak si Olivia sa dalawang baso at ibinigay niya ito rito. Ilang sandali pa ay kusang bumukas ang kanyang mga labi. “Gusto kong magpasalamat sayo.” sabi niya rito.Agad naman na nagulat si Tristan dahil sa sinabi niya. “Hindi mo tinanggihan?” tanong nito.Ngumiti n
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 22.4

HINDI PA MAN SILA NAKAKALAYO AY BIGLA NANG TUMUNOG ANG CELLPHONE NIYA. nang kuhanin niya ito at tingnan ay nakita niyang si TRistan ang tumatawag na agad niya rin namang sinagot. “Bakit?” tanong niya rito sa mahina at malambot na tinig.“Parang nagsisisi ako na hinayaan kitang pumasok siya. Parang na-realize ko na ayaw ko pa lang umalis ka.” sabi nito sa kaniya.Hindi siya nakapagsalita kaagad dahil hindi niya alam kung paano siya sasagot dito. Sa puntong iyon ay muli na naman niyang narinig ang tinig nito. “Bakit ayaw mong sumagot?” tanong nito sa kaniya.Naipilig ni Olivia ang kanyang ulo. “Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi mo.”“Napaka-simple lang naman dapat ang isagot mo, sabihin mo ay namimiss mo na rin ako kaagad.” sabi nito sa kaniya na halata namang nanunukso lang.“Ano ka ba, napakaraming tao dito at isa pa ay wala pa tayong limang minuto na hindi nagkita.” mahinang sabi ni Olivia dito.“Wala akong pakialam. Gusto ko lang marinig na sabihin mo iyon sa akin nga
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 22.5

NGUMITI ITO SA KANYA AT NAGPATULOY PA SA PAGSASALITA. “Sana talaga balang araw ay makita itang magpakasal. Paniguradong napakaganda mo sa magiging wedding gown mo.” sabi nito.Agad na natigilan si Olivia sa kanyang narinig. Ang pagpapakasal ay wala pa sa isip niya at napakalabong mangyari nun. Ilang sandali pa ay nagbihis na siya at sabay silang lumabas sa pinto. “Pumunta na tayo sa set.” sabi niya rito na ikinatango lang naman nito.Nang dumating sila sa set ay napakasigla ng buong crew. Nakita nila na nakatayo sa tabi ng direktor si Kyra na nakasuot ng mataas na takong. Ang pulang miniskirt nito ay kitang-kita mula sa malayo ganun din ang mapulang labi nito. Ang tuwid na mga binti nito ay walang sawang ipinapakita nito sa lahat. Ang katawan nito ay halos dumikit na rin sa katawan ng direktor na tila ba sinasadya nito talaga at kulang na lang ay halos ikuskos na nito ang dibdib sa katawan nito.Napasimangot si Mia at hindi mapigilang magreklamo. “Kahit na mukhang malaki ay wala nama
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 23.1

NANG MAG-ANGAT SIYA ng kanyang ulo ay nakita niyang nakatitig din ito sa kaniya. Pareho silang nagulat nang makita nila ang isat-isa. “Olivia! Ikaw nga, bagamat kumalat na sa internet na magbabalik ka ay hindi pa rin ako makapaniwala.” bulalas nito. “Kasasabi lang ni direk na ikaw nga daw ang gagaganap bilang second female lead at hindi ako naniwala hanggang sa nakita din kita ngayon.” dagdag nito.Halata sa mukha nito na parang excited ito at hinawakan pa ni Humphrey ang kanyang kamay. Ilang sandali pa nga ay nagawa niya na ring ibuka ang kanyang bibig sa wakas. “Ah Humphrey, pwede bang bitawan m muna ako? Baka kasi kung ano-anong tsismis ang kumalat at tiyak na hindi iyon makakabuti sayo at sa akin kung sakali.” sabi niya riti.“Ah…” sabi nito at agad naman na binitawan ang kamay niya. “Pasensya ka na. Nagulat lang kasi at the same time ay masaya. Libre ka ba ngayon? Mag-usap muna tayo.” sabi nito. Nilingon niya naman si ate Mia na nasa tabi niya kung saan ay tinanguan lang naman si
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 23.2

SA DAAN NILA PABALIK, basta kapag nakikita siya ng staff at crew member, lahat sila ay binabati siya at nginingitian. “Salamat Miss Olivia!”“Ang ganda mo pa rin talaga Miss Olivia at napakabait pa.”Dahil dito ay hindi maiwasang mapatingin ni Olivia kay Mia na puno ng pagkalito ang kanyang mukha. Agad naman nitong inilahad ang dalawang kamay at iwinagayway sa harap nito pagkatapos ay napailing. “Huwag mo akong tingnan ng ganyan, wala akong alam diyan.” sabi nito sa kaniya.Agad niyang naisip kung bakit ganun na lang ang mga tao. “May kinalaman ba rito si Tristan? May ginawa ba siya?” tanong niya rito at pagkatapos ay napailing. “Hindi ko gusto ang ganito.” dagdag pa niyang sabi.Sa sandaling iyon ay isang dalaga ang tumakbo papunta sa kanilang dalawa ni ate Mia. “miss Olivia at ate Mia!” masayang sigaw nito habang tumatakbo patungo sa harapan nila.Nang tuluyan na nga itong makarating sa harapan nila ay pareho silang natulala ni Ate Mia. “anong ginagawa mo dito Brenda?” hindi makapa
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status