Dirty Games With The Billionaire의 모든 챕터: 챕터 111 - 챕터 120

133 챕터

Chapter 111

Hiyang-hiya talaga ako. Nung tinanong kasi ako ni Leonairz kung pwede niya akong halikan ay syempre sinabi ko na hindi kailangan niyang mag-behave muna dahil nandito siya sa amin. And because he was also near me, and I was holding his hand kasi nga ginagamot ko ang sugat sa kamay niya ay inaasar niya ako non. Nakakuha na nga siya non ng mabilis na halik!"Your face! Sobrang pula!" natatawang sambit naman sa akin ni Reiz habang napapailing siya. Tutop rin niya ang bibig at ako ay mas napanguso."Reiz naman, eh."Umiling siya sa akin at saka niya itinaas ang kamay niya. "But I do undertstand you, Ara. Siguro nga na-miss mo lang talaga si Leo? Kaso huwag mo lang kalimutan na dapat may liwanagan kayo sa mga nangyari, ha? Kahit hindi siya magtanong, you should tell him what really happeneed between you and Lander."Tumango ako sa kaniya. Wala rin naman akong balak na ilihim 'yon o patagalin dahil gusto ko na bago rin siya magsimula na manligaw ay alam niya ang mga nangyari pagkatapos niyang
last update최신 업데이트 : 2025-01-13
더 보기

Chapter 112

Leonariz: Good morning, Arazella Fhatima.Napangiti ako nang mabasa ko ang bagong pasok na mensahe na 'yon.Hindi naman natuloy na sa amin matulog si Leonariz kagabi, at kung ako rin naman ang tatanungin niya ay hindi rin ako papayag—oo, hindi talaga! Naalala ko ang mga nangyari. Inasar pa nga ako ni Leonariz na sa kwarto na daw niya ako tutuloy pero alam kong hindi 'yon totoo. He even said that he's drunk but he wasn't! Saka halatang hindi siya lasing, eh, diretso pa yung pagsasalita niya at feeling ko ang kuya lang ang uminom ng uminom sa kanilang dalawa kagabi. Bagsak ang Kuya Ariston at habang inaalalayan ito ni Reiz kagabi paakyat ay minumura niya pa si Leonariz na ikinangi ko. But the latter was just smiiling while shaking his head. Sa isip ko non, mukhang naging maayos naman ang pag-uusap nila. Napatanong pa nga ako pero sinagot lang sa akin ni Leonariz ay kung ano man daw ang napag-usapan nila ng kuya, sa kanila na daw 'yon.Then after that, he left. Inihatid ko naman siya sa
last update최신 업데이트 : 2025-01-14
더 보기

Chapter 113

Muntik na akong matawa. Wala naman kasi sa personalidad ni Leonariz ang mag-pick up lines, eh. Tapos yung pagkakasabi niya pa talaga seryosong-seryoso. Napailing na lang ako at bumangon na sa kama. Nasa tainga ko pa ang cellphone ko nang lumabas rin ako ng silid ko. "Mukhang kailangan mo na lalo na matulog," sagot ko naman sa kaniya. Narinig ko rin kasi ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Feeling ko parang napilitan rin siyang sabihin 'yon? Who taught him this? "Mukhang hindi ka naman natuwa. I was expecting that you would be happy since you are the reason why I couldn't fall asleep."Paano naman kasi ay halatang bumabanat siya! Saka, hello? Gasgas na kaya 'yon! Kahit nang pababa ako ng hagdan ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Napapatingin rin ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. Ang kuya o si Reiz, pero masyado pa rin maaga, ang kuya ay paniguradong mamaya pa ang gising at kung si Reizzan naman baka nasa kitchen."Hindi ko ikatutuwa kung nagpupuyat ka.
last update최신 업데이트 : 2025-01-15
더 보기

Chapter 114

Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non
last update최신 업데이트 : 2025-01-16
더 보기

AUTHOR’S NOTE

Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-
last update최신 업데이트 : 2025-01-16
더 보기

Chapter 115

Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Lander, hindi magiging madali pero tatanggapin ko lahat ng kung ano man ang maririnig ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, habang narito ako at nakaupo Atrium, naghihintay sa kaniya ay tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Naalala ko ang galit na galit na si Lander na nakaharap ko sa bahay noon, na pumipilit rin sa akin sabihin kung sino ang lalaking nagustuhan ko.I don't want to see that side of him anymore, pero sino ako para pigilan rin siya sa magiging galit niya pag nalaman niya ang totoo?Napalalim ang paghinga ko at kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ko na nag-vibrate 'yon. Nakita ko ang mensahe sa akin ng kuya.Kuya Ariston: Nasaan ka? Bawal muna kayong lumabas ni Leo. Sinasabi ko sa 'yo, Ara. Ipaliwanag mo muna kay dad ang lahat.Ang kuya talaga, sinabihan ko na nga siya na hindi talaga muna, aayusin ko muna ang lahat hindi ko rin naman kaya na habang magkasama kami ni Leonariz, nasa isipan ko na maaari kaming mahu
last update최신 업데이트 : 2025-02-02
더 보기

Chapter 116

"Hindi naman sa ganoon, Lander. I'm sorry, ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo."Naibaba ko sandali ang tingin ko."Ara...""I'm sorry, I'm really sorry. I don't know if I made you feel enough how much I regret everything."Ganoon naman kasi dapat—ako yung nanakit, at hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ng matagal. It's just that, every time I saw him, I was reminded of all the mistakes I made. It made me face how I hurt a good person.But even with all that, I was selfish. Dahil gusto mo na makausap rin si Lander para tuluyan ka nang maging masaya kasama si Leonariz.Ang makasarili mo pa rin, Arazella. "Maybe I was too confident that you love me, Ara. Siguro nga... baka nagkulang ako sa ibang bagay dahil rin sa pagiging busy ko--"Nag-isang linya ang mga kilay ko doon at umiling ako sa kaniya."No. You were not always busy before, Lander. Inihahatid at sundo mo nga ako sa bahay kahit galing kang university at pagod sa maghapon na pagtuturo. Hindi... wala sa 'yo ang problema
last update최신 업데이트 : 2025-02-02
더 보기

Chapter 117

Kasalanan ko naman ‘to. Hindi talaga magiging madali para kay Lander na tanggapin ang nangyari sa relasyon namin. Pero isa sa mga inisip ko talaga dati, magagalit siya ng sobra which is nangyari naman… pero hindi ko akalain na sandaling galit lang tapos ito at pipilitin niya pa ring ayusin at ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya.Wala naman akong magagawa talaga, hindi madaling mag-move on o makalimot dahil kahit ako sa sarili ko ay bigo ako nagawa ‘yon, nauunawaan ko pa rin siya. He is also acting this way because I made him feel that I’m deeply in love with him.Pero ito nga… umalis na siya. Sana hinintay niya muna akong magsabi ng lahat. Hindi, eh. Parang sa tuwing magkikita kami, ang gusto lang niyang sabihin ay saloobin niya, hindi niya ako pinagsasalita ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa kaniya.At hindi mo nga siya masisisi doon, Ara.“Ma’am, binayaran na po ni sir yung order ninyo.”Napaangat ang tingin ko sa waiter nang marinig ang sinabi nito. I was asking for t
last update최신 업데이트 : 2025-02-17
더 보기

Chapter 118

Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
last update최신 업데이트 : 2025-02-17
더 보기

Chapter 119

“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
last update최신 업데이트 : 2025-02-17
더 보기
이전
1
...
91011121314
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status