Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
Akala ko rin talaga iilan lang yung sasang-ayon dito sa outreach, kasi syempre mas gusto ng iba na mag-party, kaya nakakatuwa kasi halos lahat sa department naman ay supportive at excited.“That’s nice,” sagot ko pa sa kanila."True! Akalain mo rin ang laki ng budget, 'no? Saka for sure, may mga magbibigay pa niyan sa last minute," sabi ni Via."Kaya nga, asahan mo na talaga. Generous ang mga nasa department, lalo na ang mga parents. Yung mom ko nga, nung malaman, sinabi niya na ipaalala ko daw bukas para makapag-prepare siya ng food," sabi ni Trina, may catering services kasi ang mommy niya."Yay! Nakakatuwa naman!"At habang pinag-uusapan pa rin namin ang schedule, tinanong nila kung ayos lang ba sa akin ang mga proposed dates. Mamaya raw, pagkatapos mabigyan ng approval ng mga ‘yon ni Dean at ni Prof. Nolaso—ang CE prof namin na isa sa mga kausap dito—ay ipo-post na ito sa FB group ng department para sa official announcement at ise-send rin sa group chat para malaman ng lahat. Haha
I took a deep breath while smiling, typing a reply. Nang mapansin ko naman ang tingin ng mga kasama ko ay inikutan ko sila ng mga mata.“I’m talking to my brother, guys.”“Wala pa nga kaming sinasabi, eh!”“Oh, siya, guys! Lunch muna tayo. Sa food court ba? O sa Avliez Restaurant?” tanong ni Crissa.“Libre mo daw ba?”Nagsipagtayuan na sila at ako naman ay naiwan at nagta-type ng mensahe.Me: Just talk about cars, kuya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin mo sa kaniya.Mukhang kadarating lang rin kasi ng kuya doon. At hindi niya talaga binanggit sa akin na pupunta siya kay Leonariz. Nagkausap naman kami kanina. Ang sinabi niya lang ay yung tungkol kay dad.Kaya naman pala.“Ikaw, Ara? Huwag ka nang tumanggi, ha!”Napatingin naman ako kay Crissa. Naglalakad na kami palabas ng library.“Libre ko na! Minsan lang ako manlibre,” she said.Nakatanggap na rin ako ng message kay Leonariz and he said that my brother was in his house right now oo at siya nga daw ang nag-invite. Ayaw daw talagang ip
Cancer… s-stage… 4.I felt cold as my lips parted, but no comforting words came out even if I wanted to. Pagkarinig ko ng mga sinabi ni Reizzan ay para akong nablangko. Naisip ko si Kuya Ariston, at humigpit lalo ang hawak ko sa kaniya. Napahikbi ako nang maalala ko kung gaano kasaya ang kapatid ko simula nang dumating siya sa buhay nito—not just in my brother’s life, but also in mine. Nagkaroon ako bigla ng kasangga, ng masasabihan ng mga problema ko. Parang nag-slow motion ang lahat, at bumalik sa akin ang mga alaala mula noong ipinakilala siya sa amin ni Kuya.“I-I still wanted to live, A-Ara… ang dami-dami pa naming pangarap ng kuya mo… n-nagsisimula pa lang kaming dalawa. H-How… bakit naman ganito…”Napapikit ako nang mariin habang yakap ko si Reizzan pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya. Pareho kaming umiiyak, my hands stiffening as I held her tightly in my arms. Pakiramdam ko’y namanhid na agad ang katawan ko kahit kararating ko pa lang dito.Just seeing her earlier–deva
“A-At first, I thought it was just because I was always overworked here in the shop. For almost eight years, I’ve been molding clay, making vases and I never stopped because t-this is what I love to do. Pero, dati nang namamanhid ang mga braso ko, kumikirot, minsan masakit pero natitiis ko pa. But then… when the pain became unbearable, that’s when I finally decided to see a doctor.”When? Binalikan ko ang mga panahon na nakakasama ko si Reiz, she’s always with me, I visit her in this shop most of the time pero ni hindi ko napansin na minsan may idinaing siyang masakit ang mga braso niya, or was she just good at hiding?“Just a few weeks ago lang ito, Ara, wala akong ibang pinagsabihan. Sinarili ko lang dahil may kaba na rin ako sa nararamdaman sa mga braso ko, I acted like everything is fine when I’m with your brother… pero natatakot na ako noon lalo pa at umabot na ang sakit at pamamanhid sa mga daliri ko na minsan kapag umaatake, halos hindi ko na maigalaw at kapag sumakit kahit ano
Ngayon ay naglilinis kami dito sa shop. A few minutes after we both cried because of her condition.Ngumiti naman ako ng tipid at umiling. “Mababaw lang rin ang luha ko, saka sino ang hindi maiiyak sa balita na ‘yon, Reiz? Sa kotse pa lang nung nagmamaneho ako grabe na ang kaba ko.”“Sorry, Ara…” hingi niya naman ng paumanhin.“Siguro nablangko lang rin ako at hindi nakapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng resulta. Ang talagang pumasok sa isipan ko ay iwan na ang kuya mo dahil ayokong patagalin ang relasyon namin tapos makikita niya akong nanghihina, that would really break me, ang huling gusto kong makita ay masaktan ko si Ariston, Ara.”“Pero masasaktan mo rin siya kung aalis ka ng walang paalam at hindi na babalik pa,” sagot ko.“Babalik ‘yon sa dating buhay niya, magiging babaero ulit,” dagdag ko pa na ikinabuntong hininga ni Reiz.“I prefer this… kaysa ‘yong magdusa siya sa pag-aalaga sa akin, tapos iiwan ko rin siya sa huli… aalis ako na wala nang balikan pa.”“Reiz naman…” sambit
Pero obvious na si Kade ang tinutukoy niya kay Leonariz! Hindi ko naman manliligaw ‘yon!Me: Wala akong ibang manliligaw at pakisabi kay kuya, umuwi na siya!Napapikit ako ng mariin at napasandal sa kinauupuan ko pagkasend ko non. Nahilot ko rin ang sintido ko. Bakit ba naniwala ako kay Kuya Ariston na wala siyang sasabihin na iba?Syempre! May init pa siya ng ulo kay Leonariz!Nagpadala na rin ako ng mensahe kay kuya at sinabi kong tigilan na niya ang pagsasabi ng kung ano-ano. I also told him to go home early, alam kong susunod siya agad lalo kung malalaman niyang kasama ko si Reiz pag umuwi.Leonariz: Can we see each other now?Pero imbis na reply ni kuya ang matanggap ko ay itong si Leonariz ulit. Napailing na lang ako dahil talagang aaraw-arawin niya ata akong tanungin kung pwede ba kaming magkita.Kaso may kasunduan kami ni kuya. May punto rin naman siya na dapat ayusin ko muna lahat. Kausapin ang dad, si Lander–Si Lander… ramdam kong ayaw niyang marinig sa akin kung sino ang l
Teka nga! Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin!“Basta, hindi ka pwedeng sumama bukas sa outreach. Balik tayo sa sinasabi ko,” pagtukoy ko sa birthday ni Lander, bago ako magsalita ulit ay napigilan ko pa na mapangiti ako dahil inilayo sandali ni Leonariz ang tingin, kumibot ang mga labi niya dahil sa pag-ayaw ko sa kagustuhan niya na sumama.“Let’s talk to your brother after his celebration. Please? Ayokong masira ang magiging masayang araw niya.”And he was fast to look back at me, parang hindi pa makapaniwala sa narinig, ‘yon ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya.“You… are still thinking about his happiness…” he said, and it was obvious he sounded so jealous! His reaction said it all!“Leonariz.”Huminga ako ng malalim at napahimas pa ako sa noo ko.“When Lander and I talked earlier, all he asked for was for me to attend his birthday. At nagdesisyon ako na pumunta. I wanted to give him that for the last time, and yes, I’m still thinking about his happiness. Kapatid mo pa r
Leonariz and I both apologize for what happened. Hindi na rin naman namin maibabalik pa ang dati. Sa ngayon, ang kailangan talaga namin ay harapin ang mga taong nasaktan namin.Thinking about Lander, I know this will hurt him even more, so I’m preparing myself for the moment when we face him together.And as for his birthday celebration a few days ago…I plan to attend–for the last time, I will give him what he wants. Hindi ko rin kasi siya nabati sa mismong kaarawan niya, which he didn’t mention when we talked.My mind was messed up pero ‘yon rin kasi ang mga araw na iniiwasan ko na siyang kausapin pa.Pero sasandali lang ako sa birthday niya, pagkatapos ay uuwi na rin agad. Saka palilipasin ko muna ang selebrasyon bago namin siya kausapin ni Leonariz.“What are you thinking?”I stepped away from Leonariz a little. Then, I tapped his shoulder and looked down. I guess he understood what I wanted, because he placed his hands on my waist and carefully put me down.When my feet touched t
“You two broke up already… that time?”Tumango ako, pinalis rin niya ang luha na nahulog sa magkabilang pisngi ko. Nang hindi siya nakuntento ay hinalikan niya pa ang mga ‘yon.“Hindi niya agad-agad tinanggap ang pakikipaghiwalay ko. Sumunod rin siya non sa La Union kahit na may usapan na kaming mag-uusap ulit pagbalik ko. And, when he arrived, I didn’t have the courage to correct him in front of you that we’re no longer together because in my mind, I caused him pain. I should let him take his time, or d-do what he wants. Sinisisi ko palagi ang sarili ko na nasaktan ko siya. Ayoko rin noon na mapahiya pa si Lander and if ever we could keep the broke up a secret, ‘yon ang mas ginusto ko non.”“I-I was so mad at myself back then, I rushed things too much, and ended up hurting someone. So even though I wanted to tell you at that time that Lander and I were done, I didn’t. B-Because I also wanted to forget about you, sabi ko sa sarili ko na tama na, na lalayuan ko kayong dalawa kahit m-ma
Leonariz was just staring at me, as if he couldn’t process what I had just told him. I knew he understood, especially with how many times I caught him swallowing hard, his eyes unblinking as he stared at me. Nababasa ko ngayon sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko, ganoon ang nakikita ko lalo pa at imbis na lumuwag ay mas humigpit ang kapit niya sa akin, mas dumiin.“You… are… saying yes to m-me?”Ikinangiti ko ang bagal ng pagsasalita niya tapos talagang nautal pa siya sa dulo!Nang tumango ako ay nailayo niya ang tingin at napapikit siya ng mariin, pero hindi lang ‘yon, mariin na mariin ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi.“Fck. Really? B-But, I haven’t even started yet courting you.”“Ayaw mo?” mabilis kong sagot, pero ganoon rin ang bilis ng pag-iling niya, as if he was afraid, I might change my mind.Katulad ng sinabi ko kanina, wala na rin namang saysay ang gusto ko sanang panliligaw niya dahil pareho na rin naman kami ng nararamdaman. It's funny ho
Nang mailagay na namin sa dining area ang mga pagkain na dinala niya ay bumalik kaming pareho sa kusina dahil naisipan ko na magtimpla ng juice. Sabi ko nga ay ako na lang pero para siyang buntot ko talaga. Cute pa rin! Pagkahalo ko ng juice sa isang baso ay inilagay ko na ‘yon sa pitcher. Nagsalin rin ako ng kaunti sa isa pang baso para malaman ko kung okay na ba ang lasa. When I tasted it, I nodded because of the right blend. Okay na ‘yong tamis at asim. “Okay na ‘to,” sabi ko sabay balin kay Leonariz, pero nang maisipan ko rin na ipatikim ay iniumang ko sa kaniya ang baso. Kinuha naman niya ‘yon at ininom rin. “How was it?” I asked after he placed the glass beside him. He even licked his lips. “A bit bland,” he looked at the glass, his eyes even narrowed to it. Huh? Napakunot tuloy ang noo ko at nagsalin ulit ako sa baso para tikman. “Sa akin, okay naman?” sagot ko, medyo nagtataka. I took another sip. “Hmm... Oh, it’s good.” Nang inilapat ni Leonariz ang kamay sa lamesa ay
Napapailing na lang ako habang nasa loob ako ng kwarto ko. Sinabihan ko muna si Leonariz na aakyat ako para kumuha ng damit na maisusuot niya, dahil nga itinapon niya sa basurahan ‘yong suot niya.Naisip ko sanang manghiram kay Kuya Ariston, pero baka nag-uusap sila ni Reiz ngayon, kaya nagdesisyon na lang ako na damit ko na mismo ang ipahiram.“Ang lakas rin talaga ng tama niya, eh.”Just because I told him I liked his natural scent more, he went and removed his shirt. Kinabahan talaga ako—what if mahuli kami nila Kuya o ni Reizzan tapos nakahubad siya? Syempre, ano na lang ang iisipin nila? Gosh! At dito pa sa bahay namin nila kami makikita, tapos nasa ganong sitwasyon kami ni Leonariz.Baka rin kung ano ang gawin ng kuya kay Leonariz at isipin na nagte-take advantage ito sa binigyan kong chance.“Buti na lang rin at may mga oversized shirt ako dito. Siguradong kasyang-kasya lang sa kaniya.”Pagkakuha ko sa kulay maroon na shirt ay dali-dali rin akong lumabas ng silid ko. I even sme
Napapikit ako ng mariin. I pressed my lips together and then turned my gaze to Leonariz, who was now with his arms crossed, leaning against the wall while his eyes pierced through me.Ilang hakbang ang layo ko sa kaniya pero sa tingin ay para niya akong hinahatak mismo palapit."W-Why are you staring at me like that?" tanong ko.Gosh! Hindi ko pa naiwasan na hindi mautal! Ganoon ako kakabado? It's not like I'm doing something bad behind his back!"Like what, Arazella Fhatima?" and he answered my question with a question!"Na parang may... ginawa akong mali!" I hissed. At mula sa seryosong tingin niya at nanunuring mga mata ay bigla naman siyang napayuko at unti-unting napangiti."Of course, I wasn't thinking like that, baby."Napasinghap ako sa naging sagot niya, and how his voice softly let out those words, as if he was trying to make me believe him without saying anything more. Otomatiko na nag-init ang buong mukha ko at napahinga ako ng malalim."Don't... call me b-baby, Leonariz.
"H-Ha? No, hindi sa akin 'to."Ngayon, habang nakatingin ako kay Leonariz ay nakita ko na unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya pagkasagot non ni Reiz sa kuya. Lalo na at sa gilid ng mga mata ko ay bumaling ang huli sa akin."Kay..."Doon ko naramdaman ang pagdaan ng malamig na pawis ko sa gilid ng ulo ko na kanina ay wala naman. Naikuyom ko rin ang isang kamay ko na parang nanlalamig na rin."Ara..."My heart was beating wildly! Iba yung kaba ko ngayon lalo na nang naningkit ang mga mata ni Leonariz sa bulaklak!"What? Kanino galing?" tanong ng kuya, kinuha niya ang bulaklak kay Reizzan, pero ganon na lang rin ang gulat ko nang hablutin 'yon ni Leonariz mula sa kaniya."L-Leo–" I was about to call him, pero bigla naman natabunan ang boses ko ng Kuya Ariston."Hoy! Tinitingnan ko pa!""Sino ang nagpadala?" tanong ni Leonariz, his jaw clenching while looking inside the bouquet, and when I noticed that he was probably looking for something to figure out who sent it, I immediatel
I sighed and leaned back in my chair. I also wiped my hands with a tissue after washing them, since I had just put the cupcakes back in the oven."Parang balak na naman niya akong kulitin. Ewan ko, ang hirap i-explain, eh. Mas lalo lang nagiging usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa amin dahil ayaw niyang tumigil. All this time, I thought he hated being talked to, but he continues following me and telling other people that he plans to court me.""Baka kasi talagang tinamaan sa 'yo..."That's really hard to believe."Kung gusto niya talaga ako, Reiz, bakit niya ako sinubukan pahiyain sa harap ng mga tao noon sa job fair? Ghad, ang daming malalaking tao doon, not to mention na pina-hiya pa ako sa mga choir members at ibang estudyante ng university namin.""Hmm. May point ka naman. Pero infairness, hindi siya takot sa kuya mo, ha? Nakatanggap na ng suntok kay Ariston ay hindi pa rin tumitigil. Malay mo sa suntok ni Leonariz, magising 'yong si Kade?"Namilog naman ang mga mata ko sa s