Pinilit ni Lara na magmukhang okay, ayaw niyang may ibang makaalam maliban sa pamilya ni Liam. “Maganda ka pa rin,”Papuri ni Jordan habang nagtitimpla siya ng kape. Bahagya siyang napangiti.“Salamat.”“Anyway, kumusta ka na? Kumusta si Liam?”Panandalian siyang tumigil sa ginagawa at nakaramdam ng kaunting hilo. Napakapit siya sa lamesa at tumungo. Ipinikit ang mga mata habang kinokondisyon ang pagkahilo. Napansin iyon ni Jordan. “Are you alright?” pag-aalala ni Jordan.“Yes, okay lang ako,” sagot niya.“Mabuti pa sigurong itigil mo muna ‘yan, maupo ka muna.”Sumang-ayon siya sa suggestion ni Jordan at tama nga ito, mukhang kailangan niya ng pahinga. Nang mga nakaraang araw, halos patayin niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang maging busy ang kanyang isip at malimutan ang pag-alis ni Liam. Siguro nga napagod siya ng husto.“Here, drink some water.”Buti na lang alerto si Jordan, naisipan agad nitong ikuha siya ng tubig, “Sige relax ka muna.”“Okay lang ako Jordan, salamat,” na
Huling Na-update : 2024-12-16 Magbasa pa