HABANG tinititigan ni Jordan si Lara lalong lumalabas ang ganda nito maging ang ugali ay kasing ganda ng kanyang panlabas na katangian.“Pahinga muna tayo Jordan, kayo diyan magpahinga muna kayo. Nakakapagod,” kumuha siya ng bottled water sa cooler na dala nila at inabutan si Jordan, “Here you go inom ka muna.”Napangiti si Jordan sa inasal ni Lara, “Thanks.”“Alam mo medyo matagal na rin sigurong napabayaan itong museleyo ng mommy mo, medyo masukal na kasi e.”“Yah, you’re right, matagal na rin akong hindi nakadalaw dito e.”“Good thing na kami ang tinawagan ng care taker mo. So anong plano mo sa garden?”“Hmmm… I want it like lavender garden diyan sa labas sa palibot ng shrine.”“Mmm we need a sandy soil. Yun kasi ang gusto ng lavender mas mabubuhay siya sa ganong klase ng lupa.”“Okay, magpapahakot tayo.”“Okay, pero baka abutin tayo ng matagal bago matapos ang naiisip mong garden.”“I don’t care, let’s do it,” tila malaki ang nalikhang motivation ni Lara sa kanya.“Okay pero bago
I CAN’T do it anymore, I can’t hurt Lara, patuloy na hindi pinatatahimik si Jordan ng kanyang konsiyensiya. Hindi niya ito kayang saktan pero kakayanin niyang agawin kay Liam. Kung noon hindi niya naipaglaban si Yvone this time kikilos na siya.Nag-ring ang kanyang phone at si Yvone ang tumatawag sa kanya. Hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatayan na lang niya ng phone.BE READY AT SEVEN, I’LL CATCH YOU. Napangiti si Lara sa message ni Liam. Pinaghahanda siya nito para daw sa isang dinner with his family. Kaya pinili niya ang isa sa mga bagay na dress sa kanya.Six o’clock pa lang naghahanda na siya para pagdating nito e sasakay na lang siya ng kotse. Hindi siya nagkamali, on time talaga si Liam. Napakagwapo nito sa suot na semi-formal attire.“Hey, beautiful nainip ka ba?”Hinalikan siya nito sa pisngi.“Hindi naman,” nakangiting sagot niya. “So, shall we? Naghihintay na sina Lola excited na silang makita tayong dalawa.”“Talaga ba,” na-excite din siya, medyo matagal na rin ka
HINDI NA tinapos ni Liam ang pagkanta, itinuloy na lang ito ng lead vocalist ng banda. Sa sobrang emosyon tumayo si Lara ng marahan para salubungin ito at yakapin pero lumuhod na ito sa harapan niya. Isa-isang bumukas ang mga lights and effects sa paligid. Ang mga puno na animoy pinutakti ng alitaptap saka niya lang napansin ang napakagandang design ng mga bulaklak sa paligid.“Lara, I know that we’ve been through a lot of trials. But now I want to share my life with you. To have and to hold, through thick and thin, for richer or for poorer, and even to the last breath of my life. Will you marry me?”Halos hindi na nakuhang magsalita ni Lara kundi sunud-sunod na pagtango na lang ang kanyang nagawa. Isinuot ni Liam ang engagement ring sa kanyang daliri. Doon niya naramdaman na wala nang anumang bagay ang makakapigil pa sa kanila. Tumayo si Liam at niyakap siya ng buong higpit.MAGDAMAG na nag-iinom si Yvone. Kahit wala siya sa surprise proposal party ni Liam hindi makakaligtas sa kanya
HINDI pa man oras ng pagsasara ng shop napilitan si Lara na magsara ng maaga dahil maagap ding dumating si Liam para sunduin siya. This time may pupuntahan daw silang lugar.“Hey sweetie,” matamis na bati ni Liam.“Hey,” sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap.“Are you ready?” bakas sa mga mata ni Liam ang excitement. “Ha? Saan? Ano ba yung pupuntahan natin?”“Basta halika na sumakay ka na.”BUMABA sila sa isang Villa na isa sa mga property ng Legaspi. Malapit ito sa lake na hindi naman kalayuan sa town proper. May isang bahay doon na parang ancestral house, hindi naman kalumaan ang style kasi mukhang na-presserve pero nagkaroon ng kaunting renovation. “Gusto mo ba dito?” tanong ni Liam. “Oo naman, tahimik at presko ang hangin”“Tama pwede mo ring maipagpatuloy ang cultivation mo ng ibat-ibang variety ng halaman. Malawak ang lugar.”Pinigilan ni Lara si Liam sa paglalakad at mukhang nahulaan na niya ang ibig nitong sabihin. “Teka lang, you mean….”“Yes, advance gift ni Lol
Puno ng pag-aalala ang gabing iyon na halos hindi makatulog si Lara. Hindi mabura sa kanyang isip ang senaryo na kanyang nakita. Knowing that Yvone was Liam’s first love. Kahit may tiwala siya kay Liam pero hindi niya maiwasang mag-alala. Hindi rin siya nito tinatawagan simula pa nang umaga na nagpunta siya sa bilihan ng gown.Lumipas ang gabi na puno siya ng pag-aalala nang biglang nag-ring ang kanyang phone.“Hey sweetie.”Sa wakas napawi rin ang kanyang pag-aalala nang marinig ang boses ni Liam sa kabilang linya.“Liam, honey, kumusta ka na,” yung tono tuloy ng boses niya akala mo isang taon silang hindi nagkita.“I’m okay, kakauwi ko lang, let me sleep for a while tapos bibili tayo ng wedding ring okay.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ni Liam. Sa wakas mapapanatag na siya.Lumipas ang tanghali at tumawag nga ito sa kanya at sinabing susunduin siya at tinotoo nito ang pangako. Medyo halatang napuyat ito sa pagbabantay kay Yvone.“Kumusta na si Yvone?” ayaw sana niyang m
“Liam niloloko ka lang ni Yvone,” halos kapusin siya ng hininga sa pagsasalita.Biglang nanigas si Yvone at bumagsak sa sahig.“Yvone!” sigaw naman ni Liam.Kunwari ay nataranta si Dr. Kaye at nagpatawag ng emergency.“Liam, No! Listen to me, umaarte lang siya!” pagpupumilit naman niya. Hinawakan niya si Liam para pigilang lumapit kay Yvone.“Hey!”Kumawala ito sa pagkakahawak niya at talagang ikinagulat niya iyon.“What are you saying!? Hindi mo ba nakikita ang nangyayari ha!?”Hindi siya makapaniwala sa galing umarte ni Yvone at sa uto-uto’ng si Liam.“Liam ano ba makinig ka sa akin!” pagpupumilit pa rin niya.“No, Lara! Stop! Kung wala kang ibang sasabihin lumabas ka na lang!”Napaurong siya sa sigaw ni Liam, hindi siya makapaniwala sa nangyayari, at hindi niya rin inaasahang magiging ganon sa kanya si Liam. Sa sobrang pagkapahiya tumakbo siya palabas habang umiiyak. Kasalubong naman niya ang mga nurse na tinawagan ni Dr. Kaye.Sa sobrang sakit nagtago siya sa isang sulok at doon i
Pinilit ni Lara na magmukhang okay, ayaw niyang may ibang makaalam maliban sa pamilya ni Liam. “Maganda ka pa rin,”Papuri ni Jordan habang nagtitimpla siya ng kape. Bahagya siyang napangiti.“Salamat.”“Anyway, kumusta ka na? Kumusta si Liam?”Panandalian siyang tumigil sa ginagawa at nakaramdam ng kaunting hilo. Napakapit siya sa lamesa at tumungo. Ipinikit ang mga mata habang kinokondisyon ang pagkahilo. Napansin iyon ni Jordan. “Are you alright?” pag-aalala ni Jordan.“Yes, okay lang ako,” sagot niya.“Mabuti pa sigurong itigil mo muna ‘yan, maupo ka muna.”Sumang-ayon siya sa suggestion ni Jordan at tama nga ito, mukhang kailangan niya ng pahinga. Nang mga nakaraang araw, halos patayin niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang maging busy ang kanyang isip at malimutan ang pag-alis ni Liam. Siguro nga napagod siya ng husto.“Here, drink some water.”Buti na lang alerto si Jordan, naisipan agad nitong ikuha siya ng tubig, “Sige relax ka muna.”“Okay lang ako Jordan, salamat,” na
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t
“Late ka na ngang dumating may lakas ka pa ng loob na magkape?”Napapitlag si Lara ng marinig ang boses ni Liam na para bang nangongonsiyensiya na nakakainis ang tono. Bigla na lang itong sumusulpot. Nakikiramdam lang naman si Jordan sa nangyayari habang humihigop din ng kape.“Speaking of the devil,” bulong ni Lara.“Excuse me? Are saying something?” puna naman ni Liam.“Limang minuto lang Liam, uubusin ko lang ang kape ko okay,” pakiusap niya na medyo sarcastic na rin ang tono.“Hey, how do you address me again?” kunot noong tanong ni Liam.“Liam, why?”“Call me Sir, Mr. Legaspi, or Boss,” antipatikong sagot nito.Hayyyy bwisit talaga, tugon ng isip ni Lara.“Yes Sir, my apology,” mapang-uyam na tugon niya.Napatikhim naman si Jordan na kanina pa naiilang sa kanilang dalawa.“So, cousin, should I address you the same as Lara did?” napangiti si Jordan na parang nakakaloko.“Of course,” maikling sagot ni Liam.“Hay kung maibabalik ko lang ang panahon sana inagaw ko na talaga sayo si
As Donya Leonora’s wished, naroon na sila ni Nate para mag-stay ng ilang panahon. Ang pakiusap sa kanya ng pamilya ni Liam ay tumira muna sa mansion, baka sakaling makatulong na bumalik ang alaala nito.Pumayag siya kahit mahirap dahil talagang napakalamig ni Liam sa kanya. Kung may perfect stranger, ganon na siya ituring ni Liam ngayon.“Lara, we are so happy to see you here,” paunang bati ni Donya Leonora. Siya namang pagbaba ni Liam na inaayos ang manggas ng long sleeve ng kanyang office suit.Napatitig si Lara at talagang namangha sa kagwapuhan ng kanyang asawa, este ex na nga pala.“Apo ko good morning,” magiliw namang bati ni Donya Leonora.Nagbigay galang si Liam, pero hindi man lang siya tinapunan ng pansin kahit pa nga nag-effort siya para magpaganda.“Apo ko batiin mo naman si Lara, dito na muna sila titira ni Nate okay lang ba sayo?”“This is your house Lola you can do as you please, and I don’t mind,” malamig na tugon nito.“Salamat naman apo, teka papasok ka na ba?” tanon
Gigil na sumusuntok sa pader si Jake habang nakasuot ng tuxedo. Si Daniel naman ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano mapipigilan ang kasal nina Mara at Liam. But it seems like it is hopeless, everything is ready, seremonya na lang ang kulang.PINUNTAHAN naman ni Liam si Mara sa dressing room na nakasuot ng wedding gown. Hindi niya maitatanggi na umaangat din ang exotic beauty nito. Kahit paano, sa kabila ng mga alinlangan at balisa ay nakuha pa rin niyang humanga sa taglay nitong ganda.“Napakaganda mo Mara.” Bahagya siyang ngumiti at lumapit kay Mara.“Salamat mahal ko, hindi na ako makapaghintay,” matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Mara.“Sige na maiwan na kita, magkita na lang tayo mamaya.”Handa na ang lahat, hinihintay na lang ang pagpasok ni Mara. Wala na nga sigurong magagawa ang magkapatid na Jake at Daniel para pigilan ang kasal. Ngunit eksakto naman ang pag-send ng video ng isa sa mga imbestigador. Agad na tinawagan ito ni Jake. Habang pumapasok sa altar si Mara,
Hindi na niya masagot si Mara dahil nakapagpabagabag sa kanya ang ikinuwento ni Jake. Paano kung totoo nga. Kapag nagkataon, napakalaking tanga niya at napakagagong lalaki. Kung makapagbintang siya kay Lara pero ang totoo siya pala ang nagdala ng kamalasan sa buhay nito. At ang batang si Nate na sinasabing anak nila, kawawa naman kapag nagkataon. Kaya napu-frustrate siyang hindi agad bumabalik ang kanyang alaala. Umiinom siya ng alak habang nagpapahangin sa terrace ng kanilang kwarto nang biglang may yumakap sa likod niya.“Mahal ko, gabi na bakit nandito ka pa rin?” masuyong tanong ni Mara.“Wala, gusto ko lang magpahangin.” Sa isang banda, nakokonsiyensiya siya sa pagtrato kay Mara. Ito ang pinagkatiwalaan at minahal niya pero hindi niya magawang maibigay ang kanyang sarili rito.“Halika na, matulog na tayo,” yaya ni Mara.Napangiti siya at hinalikan ito sa noo. Hinawakan ang mukha at hinalikan sa labi. Hanggang sa mag-alab ang mga halik na iyon. Kakaibang init ang naramdaman ng kan
Maagang dumating si Liam sa office. Ipinahatid na rin niya si Mara na sumama naman sa kanya. Maganda ang umaga para sa kanya, maganda ang sikat ng araw, katamtamang lamig ng hangin, at banayad na sikat ng araw. Naisip niyang pumunta sa pantry para sana magtimpla ng kape. Ayaw na niyang magpatimpla sa mga personnel doon dahil hindi niya gusto ang timpla nila.Namataan niya si Lara na papasok ng building, ni hindi na niya ito binati dahil wala naman na siyang pakialam dito matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng nakaraang araw. He hate the fact that she is like pushing herself unto him. Bahagya siyang napatawa sa isiping napakababa siguro nitong babae. Siguro patay na patay ito noon sa kanya. Napapangiwi lang siya habang minamasdan ito sa paglakad. Pero nasamid siya ng iniinom na kape nang makitang may lalaking nakasunod dito at inabutan ito ng kape na inorder pa sa coffee shop.Biglang nagsikip ang kanyang paghinga habang tinitingnan ang mga ito sa dingding na salamin. Masaya si
“Who’s that woman?” interesadong tanong ni Clark. Napapikit naman si Jordan dahil kilala niya ang kaibigan. Matino naman itong lalaki at matindi din makagusto sa isang babae. Wala naman sanang problema kaya lang komplikado ang kalagayan ni Lara. Knowing that she is the ex-wife of Liam na kakilala din naman nila ni Clark. “Hay… huwag mong pakialaman ang babaeng iyon, dahil sasakit lang ito at ito.” Itinuro niya ang sentido nito at puso. “What do you mean?” “Kilala kita Clark Manson, isang tingin mo pa lang sa babae nababasa ko na agad ang laman ng isip mo.” Nagsalin muna si Jordan ng kaunting alak sa baso at saka ibinigay kay Clark. Ikinuwento niya ang buong pangyayari patungkol kina Lara at Liam. “Hmmm… interesting,” tugon ni Clark. Kinakabahan si Jordan sa maikling sagot ni Clark. Pakiramdam niya tinamaan ito ng matindi kay Lara. “Sayang, kukumustahin ko pa naman sana si Liam pero ganon na pala ang kalagayan niya ngayon. I feel bad for her ex-wife kung bakit kahit kon
Nakakatawa, halos matawa si Lara sa sobrang pagkadismaya. Sinisi niya tuloy ang sarili kung bakit hindi pa siya tuluyang naghain noon ng divorce. Siraulo kasing Jordan na iyon na binigyan pa siya ng lakas ng loob na ipaglaban si Liam kaya heto at siya ang naunahan sa divorce. Hawak na niya sa kanyang mga kamay ang divorce paper na patunay na hiwalay na sila ni Liam. Narinig din niya na biglang naging abala sa mansion dahil sa madaliang pag-aasikaso ng kasal nila Liam at Mara.Kasabay niyon ang mga kaabalahan sa kumpanya na lagi na lang may patawag ng meeting sa mga shareholders at board member para sa isang project proposal na kanilang itatayo. Kaya hindi maiwasang magkita pa rin sila ni Liam kahit anong iwas ang gawin niya. Halos sunud-sunod na meeting na halos hindi na niya maiwan si Nate. Wala siyang choice kundi isama ito sa office.“Nate I want you to behave okay, stay inside papa Jordan’s office and wait for me. Is that clear.” Napansin niya ang pagsimangot ni Nate. Malungkot it
Nagtataka si Lara kung bakit napakaaga e may kumakatok na agad sa pintuan niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Jordan naman iyon, imposible dahil pumunta ito kina Dalia para asikasuhin ang kasal nila.Si Nate na ang nagbukas ng pinto at nagtaka talaga siya nang makita sina Daniel at Jake kasama ang mga asawa’t mga anak. Hindi naman magkamayaw ang mga pinsan ni Nate na tumakbo para yakapin siya.“Hey, what brings you here,” nagtataka ngunit nakangiting bati niya.“We missed you Lara,” tanging nasambit ni Abby na asawa ni Jake. Ganon din ang sinabi ng asawa ni Daniel.Halos hindi magkamayaw ang mga anak nila sa paglalaro. Pati silang mga babae ay nagtulung-tulong na para magluto.“So, ready na ba kayo sa kasal ni Jake,” excited na panimula ni Jake.“Oo naman, I’m starting to pick a dress,” tugon ni Abby.“And you Lara?” baling ni Jake kay Lara.Natahimik si Lara dahil alam niyang hindi mawawala doon si Liam at Mara.“Don’t tell me na nagdadalawang-isip ka?” dugsong ni Dani
“Ano, susuko ka na ba agad? Sa dami ng pinagdaanan nyo susuko ka na?”Tama si Jordan sa kanyang sinasabi, pero ano ba ang magagawa ni Lara kung sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ni Liam.“Jordan, ang sakit na hindi ko na kaya.” Patuloy siyang humagulgol.“Alam ko, pero alam mo din na walang maalala si Liam. Paano kung bigla ka niyang maalala?”“What should I do?” nalilitong tanong ni Lara.“Lumaban ka,” maigting na utos ni Jordan.MULA SA pagkakapikit ng mga mata, agad na hinagilap ni Liam ang mga kamay na nakahawak sa kanyang braso habang nakahiga sa kanyang kama. Muli niyang naramdaman ang sakit ng ulo kasama ng takot na naiipon sa kanyang dibdib. Sa tuwing makakatulog na lamang siya ay iisang panaginip lang ang laman ng kanyang isip. Ang madilim na kweba kung saan nakapiring ang kanyang mga mata na sa tuwing magkakamalay siya ay may bigla na lang hahampas sa kanyang ulo. Matinding trauma ang inihatid ng panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung totoo