HINDI NA tinapos ni Liam ang pagkanta, itinuloy na lang ito ng lead vocalist ng banda. Sa sobrang emosyon tumayo si Lara ng marahan para salubungin ito at yakapin pero lumuhod na ito sa harapan niya. Isa-isang bumukas ang mga lights and effects sa paligid. Ang mga puno na animoy pinutakti ng alitaptap saka niya lang napansin ang napakagandang design ng mga bulaklak sa paligid.“Lara, I know that we’ve been through a lot of trials. But now I want to share my life with you. To have and to hold, through thick and thin, for richer or for poorer, and even to the last breath of my life. Will you marry me?”Halos hindi na nakuhang magsalita ni Lara kundi sunud-sunod na pagtango na lang ang kanyang nagawa. Isinuot ni Liam ang engagement ring sa kanyang daliri. Doon niya naramdaman na wala nang anumang bagay ang makakapigil pa sa kanila. Tumayo si Liam at niyakap siya ng buong higpit.MAGDAMAG na nag-iinom si Yvone. Kahit wala siya sa surprise proposal party ni Liam hindi makakaligtas sa kanya
HINDI pa man oras ng pagsasara ng shop napilitan si Lara na magsara ng maaga dahil maagap ding dumating si Liam para sunduin siya. This time may pupuntahan daw silang lugar.“Hey sweetie,” matamis na bati ni Liam.“Hey,” sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap.“Are you ready?” bakas sa mga mata ni Liam ang excitement. “Ha? Saan? Ano ba yung pupuntahan natin?”“Basta halika na sumakay ka na.”BUMABA sila sa isang Villa na isa sa mga property ng Legaspi. Malapit ito sa lake na hindi naman kalayuan sa town proper. May isang bahay doon na parang ancestral house, hindi naman kalumaan ang style kasi mukhang na-presserve pero nagkaroon ng kaunting renovation. “Gusto mo ba dito?” tanong ni Liam. “Oo naman, tahimik at presko ang hangin”“Tama pwede mo ring maipagpatuloy ang cultivation mo ng ibat-ibang variety ng halaman. Malawak ang lugar.”Pinigilan ni Lara si Liam sa paglalakad at mukhang nahulaan na niya ang ibig nitong sabihin. “Teka lang, you mean….”“Yes, advance gift ni Lol
Puno ng pag-aalala ang gabing iyon na halos hindi makatulog si Lara. Hindi mabura sa kanyang isip ang senaryo na kanyang nakita. Knowing that Yvone was Liam’s first love. Kahit may tiwala siya kay Liam pero hindi niya maiwasang mag-alala. Hindi rin siya nito tinatawagan simula pa nang umaga na nagpunta siya sa bilihan ng gown.Lumipas ang gabi na puno siya ng pag-aalala nang biglang nag-ring ang kanyang phone.“Hey sweetie.”Sa wakas napawi rin ang kanyang pag-aalala nang marinig ang boses ni Liam sa kabilang linya.“Liam, honey, kumusta ka na,” yung tono tuloy ng boses niya akala mo isang taon silang hindi nagkita.“I’m okay, kakauwi ko lang, let me sleep for a while tapos bibili tayo ng wedding ring okay.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ni Liam. Sa wakas mapapanatag na siya.Lumipas ang tanghali at tumawag nga ito sa kanya at sinabing susunduin siya at tinotoo nito ang pangako. Medyo halatang napuyat ito sa pagbabantay kay Yvone.“Kumusta na si Yvone?” ayaw sana niyang m
“Liam niloloko ka lang ni Yvone,” halos kapusin siya ng hininga sa pagsasalita.Biglang nanigas si Yvone at bumagsak sa sahig.“Yvone!” sigaw naman ni Liam.Kunwari ay nataranta si Dr. Kaye at nagpatawag ng emergency.“Liam, No! Listen to me, umaarte lang siya!” pagpupumilit naman niya. Hinawakan niya si Liam para pigilang lumapit kay Yvone.“Hey!”Kumawala ito sa pagkakahawak niya at talagang ikinagulat niya iyon.“What are you saying!? Hindi mo ba nakikita ang nangyayari ha!?”Hindi siya makapaniwala sa galing umarte ni Yvone at sa uto-uto’ng si Liam.“Liam ano ba makinig ka sa akin!” pagpupumilit pa rin niya.“No, Lara! Stop! Kung wala kang ibang sasabihin lumabas ka na lang!”Napaurong siya sa sigaw ni Liam, hindi siya makapaniwala sa nangyayari, at hindi niya rin inaasahang magiging ganon sa kanya si Liam. Sa sobrang pagkapahiya tumakbo siya palabas habang umiiyak. Kasalubong naman niya ang mga nurse na tinawagan ni Dr. Kaye.Sa sobrang sakit nagtago siya sa isang sulok at doon i
Pinilit ni Lara na magmukhang okay, ayaw niyang may ibang makaalam maliban sa pamilya ni Liam. “Maganda ka pa rin,”Papuri ni Jordan habang nagtitimpla siya ng kape. Bahagya siyang napangiti.“Salamat.”“Anyway, kumusta ka na? Kumusta si Liam?”Panandalian siyang tumigil sa ginagawa at nakaramdam ng kaunting hilo. Napakapit siya sa lamesa at tumungo. Ipinikit ang mga mata habang kinokondisyon ang pagkahilo. Napansin iyon ni Jordan. “Are you alright?” pag-aalala ni Jordan.“Yes, okay lang ako,” sagot niya.“Mabuti pa sigurong itigil mo muna ‘yan, maupo ka muna.”Sumang-ayon siya sa suggestion ni Jordan at tama nga ito, mukhang kailangan niya ng pahinga. Nang mga nakaraang araw, halos patayin niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang maging busy ang kanyang isip at malimutan ang pag-alis ni Liam. Siguro nga napagod siya ng husto.“Here, drink some water.”Buti na lang alerto si Jordan, naisipan agad nitong ikuha siya ng tubig, “Sige relax ka muna.”“Okay lang ako Jordan, salamat,” na
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Nagtataka si Lara kung bakit napakaaga e may kumakatok na agad sa pintuan niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Jordan naman iyon, imposible dahil pumunta ito kina Dalia para asikasuhin ang kasal nila.Si Nate na ang nagbukas ng pinto at nagtaka talaga siya nang makita sina Daniel at Jake kasama ang mga asawa’t mga anak. Hindi naman magkamayaw ang mga pinsan ni Nate na tumakbo para yakapin siya.“Hey, what brings you here,” nagtataka ngunit nakangiting bati niya.“We missed you Lara,” tanging nasambit ni Abby na asawa ni Jake. Ganon din ang sinabi ng asawa ni Daniel.Halos hindi magkamayaw ang mga anak nila sa paglalaro. Pati silang mga babae ay nagtulung-tulong na para magluto.“So, ready na ba kayo sa kasal ni Jake,” excited na panimula ni Jake.“Oo naman, I’m starting to pick a dress,” tugon ni Abby.“And you Lara?” baling ni Jake kay Lara.Natahimik si Lara dahil alam niyang hindi mawawala doon si Liam at Mara.“Don’t tell me na nagdadalawang-isip ka?” dugsong ni Dani
“Ano, susuko ka na ba agad? Sa dami ng pinagdaanan nyo susuko ka na?”Tama si Jordan sa kanyang sinasabi, pero ano ba ang magagawa ni Lara kung sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ni Liam.“Jordan, ang sakit na hindi ko na kaya.” Patuloy siyang humagulgol.“Alam ko, pero alam mo din na walang maalala si Liam. Paano kung bigla ka niyang maalala?”“What should I do?” nalilitong tanong ni Lara.“Lumaban ka,” maigting na utos ni Jordan.MULA SA pagkakapikit ng mga mata, agad na hinagilap ni Liam ang mga kamay na nakahawak sa kanyang braso habang nakahiga sa kanyang kama. Muli niyang naramdaman ang sakit ng ulo kasama ng takot na naiipon sa kanyang dibdib. Sa tuwing makakatulog na lamang siya ay iisang panaginip lang ang laman ng kanyang isip. Ang madilim na kweba kung saan nakapiring ang kanyang mga mata na sa tuwing magkakamalay siya ay may bigla na lang hahampas sa kanyang ulo. Matinding trauma ang inihatid ng panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung totoo
Kung kanina lang pinalugmok siya ng mga kapatid ni Dalia, ngayon naman nakaupo na siya sa sala. Mataman siyang tinititigan ng mga kapatid nito, habang ginagamot ni Lara ang labing pumutok dahil sa suntok.“Hindi na kayo nahiya, ang tanda n’yo na para sa kalokohang ito! Hanggang ngayon ganyan n’yo pa rin siyang itrato!” sermon ng nanay ni Dalia.Habang si Dalia naman ay nagpapatulog ng anak.“I’m sorry po, pumunta po ako dito para humingi ng tawad kay Dalia, nang sa gayon ay maging mapayapa na rin kami, kahit magkalayo kami ngayon,” paliwanag ni Jordan habang nakahawak sa sikmura. Sarkastikong tumawa ang mga kuya ni Dalia.“Gago ka pala talaga,” bulong ng isang kuya ni Dalia.“Tumigil ka na!” sawata naman ng tatay ni Dalia. “Ang mabuti pa ay maiwan namin kayong dalawa para mag-usap.”PAIMPIT na tumutulo ang luha ni Dalia. Ikinubli niya ang sarili at itinuon na lang sa anak ang atensiyon“Dalia, I’m sorry,” pasimula ni Jordan.“Sige, makakaalis ka na,” mapait na tugon niya kay Jordan.
She can’t hardly breathe matapos na iwan si Liam. Nahawakan niya ang dibdib at itinuon ang isang kamay sa pader. Kasunod ang pagtulo ng mga mumunting luha. Ang mga mata ng kanyang asawa, wala nang pagmamahal na maaaninag kundi galit.“Liam, asawa ko, ano na bang nangyari sayo?” She almost scream from the thought that she is an enemy to him. Nakita niya sa mga mata nito ang matinding galit.MALALIM na nag-iisip si Jake habang nakatingin kina Mara at Liam. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan mula ng mapakinggan niya ang sinabi ng doktor. Hindi niya iniwan ang kapatid na mag-isa. Muli siyang ipinatawag ng doktor para kausapin.“Jake, I need to tell you something pero kung maaari ay tayo muna ang makakaalam,” seryosong paalala ng doktor ni Liam.“Yes Doc,” tugon ni Jake.“Jake, your brother’s amnesia isn’t caused by being drowned.” Tumigil saglit ang doktor sa pagsasalita bago muling magpatuloy. “He was possibly tortured.”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jake, umahon ang g
Halos gusto nang sumuko ni Lara sa pagsubok na nararanasan. Talagang hindi na sila natatandaan ni Liam at maskit iyon para sa kanya. Habang tinititigan ang anak na mahimbing na natutulog, masagana namang umaagos ang luha mula sa kanyang mga mata. Kung maaari ay huwag na munang magkrus ang kanilang mga landas, pero paanong hindi magkukrus ang kanilang landas gayong isa siya sa mga shareholders ng Legaspi Construction Company. Nagpatawag ng meeting ang mga shareholders. Kailangan niyang magpakatatag at tanggapin na lang ang katotohanang baka hindi talaga sila para sa isat-isa ni Liam dahil sa tuwing magkakaayos sila ay lagi na lamang maraming gumugulo sa kanila. “GOOD MORNING everyone,” bati ni Jake sa ilang mga shareholders na naunang dumating. Naroon din si Liam at si Mara. “We’re going to start in five minutes. Bear with me.” Eksakto lang naman ang dating ni Lara. Hindi niya maiwasang mapatingin kina Liam at Mara. Hindi naman niya inaasahan ang kasunod na dumating. Si Jordan na
“Lara, alam namin na nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi mo deserve na masaktan, pero sana maintindihan mo din kami na kailangan namin si Kuya.”Maging sina Daniel ay bumitaw na rin sa kanya. Kaya kung talagang totoo ang pinagsakluban ng langit at lupa, ganon na nga ang nararamdaman niya. Humingi siya ng palugit na isang linggo para ayusin ang bahay na tutuluyan bago siya umalis. Bawat araw tinitiis niyang makita ang paglalambingan nina Liam at Mara. Maging ang malamig na pakikitungo ni Liam sa kanila ni Nate. Gayon na rin ang pamilya ni Liam. It is so unfair pero kailangan niyang magpakatatag.Suportado pa rin naman sila ng pamilya ni Liam pero nagpakahusay siya sa pag-aaral sa larangan ng business. Pinalad siya na maging isang interior designer. Nakaipon din siya ng malaking halaga at bumili siya ng stock sa Legaspi Construction Company, naging isa siya sa mga shareholders. Ipinakita niya ang unti-unti niyang pagbangon.“NAPAKAKISIG mo mahal ko.” Masuyong niyayakap at hinahalikan
Dalawang buwan na ang lumilipas, wala pa ring progress sa paghahanap kay Liam, kaya minabuti ng kanyang pamilya na tanggapin ang katotohanan na baka talagang namatay na ito. Kaya pinakiusapan na nila si Lara na lisanin ang Isla at magpatuloy na lang sa buhay.“Lara, let’s go home,” malumanay na pagyaya ng mommy ni Liam.“Mommy,” nangungusap ang kanyang mga mata habang lumuluha na huwag namang sumuko agad. “Wala pang nakikitang bangkay, kaya naniniwala ako, at nararamdaman kong buhay pa rin siya,” pagpupumilit niya.“Hija, umuwi na tayo, hindi naman kami titigil sa paghahanap e. Kaya lang anak, kailangan ka ni Nate.”Napakahirap na desisyon ang umalis sa Isla pero tama ang mommy ni Liam, kailangan siya ni Nate. Kaya napilitan na rin siyang umalis ng Isla.WALANG gabing hindi siya umiiyak sa loob ng limang buwan na paghihintay. Ang tanging nagpapalakas na lang ng kanyang kalooban ay si Nate at ang pamilya ni Liam na nakasuporta sa kanya. Ramdam din niya ang bigat na nararamdaman ng buon
Bakit parang kinakabahan si Lara habang kumakaway si Liam? May tiwala siya sa kanyang asawa na hindi ito mapapahamak, pero bakit ganon? Ang weird ng kanyang pakiramdam. Tinatanaw na lamang niya ang bangkang sinasakyan nito.Natanaw niya si Mara sa malayong dako mula sa kanyang kinatatayuan. Nakatanaw din ito kina Liam. Bahagya itong tumingin sa kanya. Hindi na lang niya pinansin at pinili niyang bumalik sa rest house.Nagulat siya nang biglang bumulwag si Mara sa kusina. “Oh my!” Napahawak siya sa dibdib.“Pasensiya na kung nagulat ka, heto nga pala, mga gulay na ipinabibigay ni Itay.”Nakakapagtaka na sa unang pagkakataon ay nagsalita ito ng mahaba.“Ganun ba, sige pakipatong na lang sa lamesa.”Ine-expect ni Lara na aalis na ito, pero hindi, tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa habang nakangiti sa kanya. Kinikilabutan siya sa kakaibang kilos nito.“Napakapalad mo sa iyong asawa, bukod sa mabait, maasikaso, at mapagmahal, isa siyang makisig at napakagandang lalaki. Napapaligay
At higit na kanilang pinakahihintay ay ang moment na silang dalawa lang sa isang isla na regalo naman ni Daniel para sa kanilang honeymoon. Sa wakas, wala munang Nate, masosolo na nila ang isat-isa. Maganda ang isla at may ilan ding mag taong nainirahan doon. Ngunit ang rest house na kanilang tutuluyan ay may kalayuan sa mga kabahayan.“Wow, this is beautiful,” manghang paghanga ni Liam.“Oo nga, pero hindi ba parang delikado kasi parang ang layo natin sa mga kabahayan?” pag-aalala ni Lara.“Ano ka ba, mas okay ng ‘yon e. Hindi nila maririnig ang ingay mo,” mapanuksong bulong ni Liam.Siniko naman ni Lara si Liam at napangiti ng makalokohan.Wala din silang kasama, tanging silang dalawa lang talaga at ang sabi ni Daniel sa umaga lang daw may pupunta sa kanila na bangkero na magdadala ng mga sariwang isda na pwede nilang lutuin, at mga gamit na kanilang kakailanganin.“Wow everything is perfect, kaya wala tayong ibang gagawin kundi…” Kumindat si Liam kay Lara.Wala na siyang inaksayang