“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“Pssst, Jordan,” impit na boses ni Dalia habang tinatawag ang pansin ni Jordan matapos umalis ng kanyang ama.Napalingon si Jordan sa isang mataas na kumpol ng halaman sa labas ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang tinig na nagmumula roon at nakita niya si Dalia na nakatago sa mga halaman.“Anong ginagawa mo d’yan?” nagtatakang tanong niya.“Jordan halika dito.” Hinila ni Dalia si Jordan.“Ano ba? Bakit kung makatago ka d’yan parang ang laki ng kasalanan natin?” angil niya.“Jordan, umalis ka muna dito, magtago ka, sa Manila o sa America o saang lupalop ng daigdig na hindi ka matutunton ng tatay ko at mga pasaway na kuya,” halos nauutal na utos ni Dalia.“Ha? Bakit ako magtatago, hoy wala akong kasalanan para magtago ha,” bulalas naman ni Jordan.Sinenyasan naman ito ni Dalia na manahimik at ibaba ang tono ng pagsasalita.“Oo na, alam ko naman ‘yon e, pwera na lang kung nagsasabi ka ng totoo.”“Woah!” sabay buga ng hangin sa kawalan. “Hoy Dalia, anong palagay mo sa ‘kin manyakis, manan
Kalmado lang ang pakiramdam ni Jordan habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili. Inaayos niyang mabuti ang necktie at polo na suot maging ang itinerno niyang trouser. Semi formal attire makes him look like dashing and elegant. Maiba-iba naman sa lagi niyang porma na tight jeans, boots, and leather jacket.Kasabay niyon ay ang pagpapapraktis niya ng sasabihin at ipapaliwanag kay Mang Joe na nakasanayan na nilang tawaging Tatay Joe. Pati hand gesture, facial expressions, and voice tone ay sinisigurado niyang magiging convincing na talagang walang nangyari sa kanila ni Dalia.“Ayos, kaya ko ‘to,” kumbinsi niya sa sarili. Sumisipol pa siya at gwapung gwapo sa ayos niya when he suddenly realized that he looks like a fool.“Hey man, you look like a fool, bakit ba pinaghahandaan mong mabuti ang kalokohang ito?” kausap niya sa sarili.Muli ay inayos na lang niya ang sarili pero idinidikta ng kanyang isip na kailangan niyang paghandaan ang pagharap kina Tatay Joe, dahil kung hindi
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Almost midnight na nang dumating ang pamilya ni Liam. Hindi siya excited sa presensiya ng mga ito kundi sa water gun na pinabili niya kay Daniel.Si Daniel na agad ang sinalubong niya matapos na magmano kina Donya Leonora at sa Mommy at Daddy niya.“Where is the thing that I’ve asked you to buy?” Nahihiya pa siyang ibulgar sa pamilya niya kaya ibinulong na lang niya ito kay Daniel.Daniel rolled up his eyes at halos matawa siya sa inaakto ng kapatid.“Kuya, ano bang nangyayari sayo, ang weird mo ha?” natatawang tanong ni Daniel.“Basta, saka ko na sayo ipapaliwanag.”Agad nang hinugot ni Daniel sa suitcase na dala niya ang water gun. “O ayan, ang water gun na pinagmamaktol mo.”“Liam?” nakakunot noong puna ng kanyang mommy.“Oh, ahm, Mom it’s nothing, gusto ko lang i-try maglaro ng water gun, nakakainip kasi dito minsan,” pagsisinungaling niya.“LOLA, auntie, uncle, cousins, hey I’m glad you came.” Imbes na yakapin, tinapik ni Donya Leonora ang sikmura ni Jordan.“Ouch! Lola?” angal n
Jordan I’m sorry hindi ako makakasama tonight, kailangan kong dalhin sa hospital si Nate.Sa gitna ng pag-uusap ng pamilya nina Jordan at Dalia, tahimik na nag-alala si Jordan. Inaasahan niyang susunod si Lara pero gaya ng chat nito, hindi siya makakasunod dahil kay Nate.Natapos ng may maayos na kasunduan ang dalwang pamilya. In three months ikakasal sila ni Dalia. Hindi na siya nakatanggi kahit pa nga sinesenyasan na siya ni Dalia.Habang busy ang lahat sa pagkain at kwentuhan, hinatak siya ni Dalia sa isang sulok.“Ano ba? Bakit naman pumayag ka kaagad?” angal ni Dalia.“Sorry, kasi nag-chat si Lara, isinugod niya si Nate sa hospital.”“Ano!? Sinugod si Nate sa hospital!?” Hindi napigil ni Dalia ang lakas ng boses.“What?” reaksiyon ni Liam.At halos lahat ng nasa loob ng kanilang bahay ay nagbigay ng kani-kaniyang reaksiyon na may pag-aalala.“Anong name ng hospital.” Wala nang patumpik-tumpik na gumayak si Liam.“Saint Ann.” Hindi pa natatapos si Jordan ay agad nang umalis si Lia
“Late ka na ngang dumating may lakas ka pa ng loob na magkape?”Napapitlag si Lara ng marinig ang boses ni Liam na para bang nangongonsiyensiya na nakakainis ang tono. Bigla na lang itong sumusulpot. Nakikiramdam lang naman si Jordan sa nangyayari habang humihigop din ng kape.“Speaking of the devil,” bulong ni Lara.“Excuse me? Are saying something?” puna naman ni Liam.“Limang minuto lang Liam, uubusin ko lang ang kape ko okay,” pakiusap niya na medyo sarcastic na rin ang tono.“Hey, how do you address me again?” kunot noong tanong ni Liam.“Liam, why?”“Call me Sir, Mr. Legaspi, or Boss,” antipatikong sagot nito.Hayyyy bwisit talaga, tugon ng isip ni Lara.“Yes Sir, my apology,” mapang-uyam na tugon niya.Napatikhim naman si Jordan na kanina pa naiilang sa kanilang dalawa.“So, cousin, should I address you the same as Lara did?” napangiti si Jordan na parang nakakaloko.“Of course,” maikling sagot ni Liam.“Hay kung maibabalik ko lang ang panahon sana inagaw ko na talaga sayo si
As Donya Leonora’s wished, naroon na sila ni Nate para mag-stay ng ilang panahon. Ang pakiusap sa kanya ng pamilya ni Liam ay tumira muna sa mansion, baka sakaling makatulong na bumalik ang alaala nito.Pumayag siya kahit mahirap dahil talagang napakalamig ni Liam sa kanya. Kung may perfect stranger, ganon na siya ituring ni Liam ngayon.“Lara, we are so happy to see you here,” paunang bati ni Donya Leonora. Siya namang pagbaba ni Liam na inaayos ang manggas ng long sleeve ng kanyang office suit.Napatitig si Lara at talagang namangha sa kagwapuhan ng kanyang asawa, este ex na nga pala.“Apo ko good morning,” magiliw namang bati ni Donya Leonora.Nagbigay galang si Liam, pero hindi man lang siya tinapunan ng pansin kahit pa nga nag-effort siya para magpaganda.“Apo ko batiin mo naman si Lara, dito na muna sila titira ni Nate okay lang ba sayo?”“This is your house Lola you can do as you please, and I don’t mind,” malamig na tugon nito.“Salamat naman apo, teka papasok ka na ba?” tanon
Gigil na sumusuntok sa pader si Jake habang nakasuot ng tuxedo. Si Daniel naman ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano mapipigilan ang kasal nina Mara at Liam. But it seems like it is hopeless, everything is ready, seremonya na lang ang kulang.PINUNTAHAN naman ni Liam si Mara sa dressing room na nakasuot ng wedding gown. Hindi niya maitatanggi na umaangat din ang exotic beauty nito. Kahit paano, sa kabila ng mga alinlangan at balisa ay nakuha pa rin niyang humanga sa taglay nitong ganda.“Napakaganda mo Mara.” Bahagya siyang ngumiti at lumapit kay Mara.“Salamat mahal ko, hindi na ako makapaghintay,” matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Mara.“Sige na maiwan na kita, magkita na lang tayo mamaya.”Handa na ang lahat, hinihintay na lang ang pagpasok ni Mara. Wala na nga sigurong magagawa ang magkapatid na Jake at Daniel para pigilan ang kasal. Ngunit eksakto naman ang pag-send ng video ng isa sa mga imbestigador. Agad na tinawagan ito ni Jake. Habang pumapasok sa altar si Mara,
Hindi na niya masagot si Mara dahil nakapagpabagabag sa kanya ang ikinuwento ni Jake. Paano kung totoo nga. Kapag nagkataon, napakalaking tanga niya at napakagagong lalaki. Kung makapagbintang siya kay Lara pero ang totoo siya pala ang nagdala ng kamalasan sa buhay nito. At ang batang si Nate na sinasabing anak nila, kawawa naman kapag nagkataon. Kaya napu-frustrate siyang hindi agad bumabalik ang kanyang alaala. Umiinom siya ng alak habang nagpapahangin sa terrace ng kanilang kwarto nang biglang may yumakap sa likod niya.“Mahal ko, gabi na bakit nandito ka pa rin?” masuyong tanong ni Mara.“Wala, gusto ko lang magpahangin.” Sa isang banda, nakokonsiyensiya siya sa pagtrato kay Mara. Ito ang pinagkatiwalaan at minahal niya pero hindi niya magawang maibigay ang kanyang sarili rito.“Halika na, matulog na tayo,” yaya ni Mara.Napangiti siya at hinalikan ito sa noo. Hinawakan ang mukha at hinalikan sa labi. Hanggang sa mag-alab ang mga halik na iyon. Kakaibang init ang naramdaman ng kan
Maagang dumating si Liam sa office. Ipinahatid na rin niya si Mara na sumama naman sa kanya. Maganda ang umaga para sa kanya, maganda ang sikat ng araw, katamtamang lamig ng hangin, at banayad na sikat ng araw. Naisip niyang pumunta sa pantry para sana magtimpla ng kape. Ayaw na niyang magpatimpla sa mga personnel doon dahil hindi niya gusto ang timpla nila.Namataan niya si Lara na papasok ng building, ni hindi na niya ito binati dahil wala naman na siyang pakialam dito matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng nakaraang araw. He hate the fact that she is like pushing herself unto him. Bahagya siyang napatawa sa isiping napakababa siguro nitong babae. Siguro patay na patay ito noon sa kanya. Napapangiwi lang siya habang minamasdan ito sa paglakad. Pero nasamid siya ng iniinom na kape nang makitang may lalaking nakasunod dito at inabutan ito ng kape na inorder pa sa coffee shop.Biglang nagsikip ang kanyang paghinga habang tinitingnan ang mga ito sa dingding na salamin. Masaya si
“Who’s that woman?” interesadong tanong ni Clark. Napapikit naman si Jordan dahil kilala niya ang kaibigan. Matino naman itong lalaki at matindi din makagusto sa isang babae. Wala naman sanang problema kaya lang komplikado ang kalagayan ni Lara. Knowing that she is the ex-wife of Liam na kakilala din naman nila ni Clark. “Hay… huwag mong pakialaman ang babaeng iyon, dahil sasakit lang ito at ito.” Itinuro niya ang sentido nito at puso. “What do you mean?” “Kilala kita Clark Manson, isang tingin mo pa lang sa babae nababasa ko na agad ang laman ng isip mo.” Nagsalin muna si Jordan ng kaunting alak sa baso at saka ibinigay kay Clark. Ikinuwento niya ang buong pangyayari patungkol kina Lara at Liam. “Hmmm… interesting,” tugon ni Clark. Kinakabahan si Jordan sa maikling sagot ni Clark. Pakiramdam niya tinamaan ito ng matindi kay Lara. “Sayang, kukumustahin ko pa naman sana si Liam pero ganon na pala ang kalagayan niya ngayon. I feel bad for her ex-wife kung bakit kahit kon
Nakakatawa, halos matawa si Lara sa sobrang pagkadismaya. Sinisi niya tuloy ang sarili kung bakit hindi pa siya tuluyang naghain noon ng divorce. Siraulo kasing Jordan na iyon na binigyan pa siya ng lakas ng loob na ipaglaban si Liam kaya heto at siya ang naunahan sa divorce. Hawak na niya sa kanyang mga kamay ang divorce paper na patunay na hiwalay na sila ni Liam. Narinig din niya na biglang naging abala sa mansion dahil sa madaliang pag-aasikaso ng kasal nila Liam at Mara.Kasabay niyon ang mga kaabalahan sa kumpanya na lagi na lang may patawag ng meeting sa mga shareholders at board member para sa isang project proposal na kanilang itatayo. Kaya hindi maiwasang magkita pa rin sila ni Liam kahit anong iwas ang gawin niya. Halos sunud-sunod na meeting na halos hindi na niya maiwan si Nate. Wala siyang choice kundi isama ito sa office.“Nate I want you to behave okay, stay inside papa Jordan’s office and wait for me. Is that clear.” Napansin niya ang pagsimangot ni Nate. Malungkot it
Nagtataka si Lara kung bakit napakaaga e may kumakatok na agad sa pintuan niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Jordan naman iyon, imposible dahil pumunta ito kina Dalia para asikasuhin ang kasal nila.Si Nate na ang nagbukas ng pinto at nagtaka talaga siya nang makita sina Daniel at Jake kasama ang mga asawa’t mga anak. Hindi naman magkamayaw ang mga pinsan ni Nate na tumakbo para yakapin siya.“Hey, what brings you here,” nagtataka ngunit nakangiting bati niya.“We missed you Lara,” tanging nasambit ni Abby na asawa ni Jake. Ganon din ang sinabi ng asawa ni Daniel.Halos hindi magkamayaw ang mga anak nila sa paglalaro. Pati silang mga babae ay nagtulung-tulong na para magluto.“So, ready na ba kayo sa kasal ni Jake,” excited na panimula ni Jake.“Oo naman, I’m starting to pick a dress,” tugon ni Abby.“And you Lara?” baling ni Jake kay Lara.Natahimik si Lara dahil alam niyang hindi mawawala doon si Liam at Mara.“Don’t tell me na nagdadalawang-isip ka?” dugsong ni Dani
“Ano, susuko ka na ba agad? Sa dami ng pinagdaanan nyo susuko ka na?”Tama si Jordan sa kanyang sinasabi, pero ano ba ang magagawa ni Lara kung sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ni Liam.“Jordan, ang sakit na hindi ko na kaya.” Patuloy siyang humagulgol.“Alam ko, pero alam mo din na walang maalala si Liam. Paano kung bigla ka niyang maalala?”“What should I do?” nalilitong tanong ni Lara.“Lumaban ka,” maigting na utos ni Jordan.MULA SA pagkakapikit ng mga mata, agad na hinagilap ni Liam ang mga kamay na nakahawak sa kanyang braso habang nakahiga sa kanyang kama. Muli niyang naramdaman ang sakit ng ulo kasama ng takot na naiipon sa kanyang dibdib. Sa tuwing makakatulog na lamang siya ay iisang panaginip lang ang laman ng kanyang isip. Ang madilim na kweba kung saan nakapiring ang kanyang mga mata na sa tuwing magkakamalay siya ay may bigla na lang hahampas sa kanyang ulo. Matinding trauma ang inihatid ng panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung totoo