It’s 4 o’clock in the morning nagising si Liam at bahagyang napasimangot sa sakit ng ulo na naramdaman. Tila may halong drugs ang ipinainom sa kanya nila Donie at Albert. Naramdaman niyang mabigat ang kanyang braso na parang may nakaunan dito. Nilingon niya ang katabi sa kama at isa itong babaeng kapwa hubad din katulad niya. Bahagya siyang nagulat pero hindi na niya ikinabigla dahil alam niyang may nangyari sa kanila ng nakaraang gabi. He admitted that it was an amazing night, sa tanang buhay niya mula nang tragic break up nila ng kanyang ex-fiancee. Tinitigan niya ito at kinunan ng litrato para naman kahit paano may souvenir siya sa Stacy na ‘to. “Stacy, yes, Stacy is her name,” naibulong niya sa hangin. Ayon kay Donie isa itong anak ng isang mayamang negosyante na patay na patay sa kanya. Kaya naman ito ang iniregalo nila sa kanyang 35th birthday at 5 years of setting his self free from pain. For him, it’s not bad at all. Kakaiba ang babaeng ito, kahit isang one night stand lang
Lumipas ang isang linggo, akala ni Liam makakalimutan na niya ang nangyari noong birthday niya pero mas lalong tumindi ang pag-aasam na makita at mahanap niya si Nightbird. Nagpatulong na siya kay Daniel pero hindi rin daw nakuha nito ang impormasyon. Ang nasabi ng ilang crew ng Empress Hotel hindi nila nakuha ang information about her name dahil naghihintay pa ito sa kasama niya at hindi pa man lang nakapag-reserve ng table kaya ayon zero ang kinahinatnan ng kanilang paghahanap. He’s in his office, nakasandal sa swivel chair at nakatitig sa kisame na iniisip si Nightbird. After a moment bumalik na siya sa trabaho. Maya- maya pa ay kumatok na si Suzy ang kanyang dakilang secretary. “Yes Suzy?” tanong niya rito.“Sir heto na po ang mga hard copy ng files na pinakukuha ninyo. Naka-book bind na po yan.” Ipinatong ni Suzy sa table. Again, kagaya ng palagiang reaksiyon niya sa mga gumagawa ng files na iyon, napapahanga talaga siya. Malinis ang pagkakagawa at napaka-artistic. “Thank yo
“SIR congrats po,” bati ng doktor kay Billy. “Hay! Hindi ako ang tatay noh, kadiri,” tanggi ni Billy. Hindi makagalaw si Lara sa pagkakaupo, inakay na lang siya ni Billy palabas ng clinic. “Girl buntis ka, kaya pala. Naku congrats kay Eric kahit di ko pa siya nakikita.”Nilingon lang niya si Billy habang tuliro na naglalakad. “Huy girl ano okay ka lang?”Biglang tumulo ang kanyang luha at buong pait na umiyak. Buntis siya pero hindi si Eric ang ama at ang ama ay walang iba kundi ang lalaki iyon na hindi niya man lang kilala. Iniwan niya si Billy at tinungo ang Empress hotel, hinanap niya si Wendell ang waiter na nakilala niya. Nagtanong siya sa guard pero hindi siya agad pinapasok. Paano masyadong agresibo ang kanyang kilos kaya napagkamalan siyang wala sa sarili at malapit na nga siyang mawala sa sarili. Naniniwala siyang matutulungan siya ni Wendell. Pero hindi siya pinapasok sa loob kaya naghintay siya sa labas at umupo sa gutter. Nalilito habang umiiyak. Natanaw niya sa malayo
“Sir, I’m sorry po hindi ko alam na kayo pala iyan.”Pakiramdam ni Liam parang tumitigil ang kanyang paghinga ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Para siyang napako sa pagkakatayo na nakatitig lang sa kanya at nakita ng lahat ang pagkabigla niya. Siya iyon si Nightbird. Samantalang si Miss Bernal ay nakatungo at hindi makuhang tumingin sa kanya.Maya-maya ay sumimangot ito at waring hindi nagustuhan ang naamoy at nagsimulang maduwal kaya hindi niya napigil tumakbo papuntang CR. “A-anong, a---anong nangyayari sa kanya?” halos mabulol siya sa pagsasalita. “Naku Sir pasensiya ka na po talaga ako na ang nakikiusap. Buntis po kasi siya kaya hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya,” paliwanag ni Billy. Hindi na siya nakakilos ni makapagsalita. Paano niya malilimutan ang mukha ng babaeng tinitigan niya ng umagang magising siya at ng mga gabing tinititigan ito sa cellphone bago matulog. Siya iyon, si Nightbird. LUMABAS si Lara sa CR at inaasahan na ang katapusan na ni
“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay. “Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.”“Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.”“No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!”“Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya.
DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya. “Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya. Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand. “Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya. “Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid. "Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya. "Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mg
NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel. “Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?”Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat. “Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.”“Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya. Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong. Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good. Napansin naman iyon ni Lara. “I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.”Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya. “Anyway, I don’t mind if you cover your nose.”“Thank you Sir,” naiilang niyang sagot. “By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka
WALA pa ring notification letter na dumarating mula kay Mr. Legaspi tungkol sa kanyang pagre-resign. Palaisipan sa kanya ang dahilan. Baka naman naaawa lang sa kanya dahil sa kanyang kalagayan lalo at nasaksihan nito ang pag-aaway nila ng boyfriend niya. Pero hindi siya umaasa baka bumubwelo ito o kaya busy sa work. Kaya itinuloy na lang niya ang trabaho kahit hindi niya ito magawa ng maayos. Kahit paano gusto niyang magpasalamat kay Mr. Legaspi sa pagpapakita nito ng kagandahang loob. Nagpadala din ito ng mga prutas na pwede niyang kainin anytime na magcrave siya. Nang uwian na nakita niya si Eric sa labas ng building at nilapitan siya nito. Matino na ang kalagayan ngunit nakaramdam siya ng matinding takot dito. “Lara pwede ba tayong mag-usap?”“Hindi ako pwede nagmamadali ako,” malamig na tugon niya. Pinigilan siya ni Eric at nakiusap ito na mag-usap muli sila. Kahit paano nakaramdam pa rin siya ng awa kay Eric kaya pinagbjgyan niya ito. “Sige mag-usap tayo pero binigyan kita
“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t
Pinilit ni Lara na magmukhang okay, ayaw niyang may ibang makaalam maliban sa pamilya ni Liam. “Maganda ka pa rin,”Papuri ni Jordan habang nagtitimpla siya ng kape. Bahagya siyang napangiti.“Salamat.”“Anyway, kumusta ka na? Kumusta si Liam?”Panandalian siyang tumigil sa ginagawa at nakaramdam ng kaunting hilo. Napakapit siya sa lamesa at tumungo. Ipinikit ang mga mata habang kinokondisyon ang pagkahilo. Napansin iyon ni Jordan. “Are you alright?” pag-aalala ni Jordan.“Yes, okay lang ako,” sagot niya.“Mabuti pa sigurong itigil mo muna ‘yan, maupo ka muna.”Sumang-ayon siya sa suggestion ni Jordan at tama nga ito, mukhang kailangan niya ng pahinga. Nang mga nakaraang araw, halos patayin niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang maging busy ang kanyang isip at malimutan ang pag-alis ni Liam. Siguro nga napagod siya ng husto.“Here, drink some water.”Buti na lang alerto si Jordan, naisipan agad nitong ikuha siya ng tubig, “Sige relax ka muna.”“Okay lang ako Jordan, salamat,” na
“Liam niloloko ka lang ni Yvone,” halos kapusin siya ng hininga sa pagsasalita.Biglang nanigas si Yvone at bumagsak sa sahig.“Yvone!” sigaw naman ni Liam.Kunwari ay nataranta si Dr. Kaye at nagpatawag ng emergency.“Liam, No! Listen to me, umaarte lang siya!” pagpupumilit naman niya. Hinawakan niya si Liam para pigilang lumapit kay Yvone.“Hey!”Kumawala ito sa pagkakahawak niya at talagang ikinagulat niya iyon.“What are you saying!? Hindi mo ba nakikita ang nangyayari ha!?”Hindi siya makapaniwala sa galing umarte ni Yvone at sa uto-uto’ng si Liam.“Liam ano ba makinig ka sa akin!” pagpupumilit pa rin niya.“No, Lara! Stop! Kung wala kang ibang sasabihin lumabas ka na lang!”Napaurong siya sa sigaw ni Liam, hindi siya makapaniwala sa nangyayari, at hindi niya rin inaasahang magiging ganon sa kanya si Liam. Sa sobrang pagkapahiya tumakbo siya palabas habang umiiyak. Kasalubong naman niya ang mga nurse na tinawagan ni Dr. Kaye.Sa sobrang sakit nagtago siya sa isang sulok at doon i
Puno ng pag-aalala ang gabing iyon na halos hindi makatulog si Lara. Hindi mabura sa kanyang isip ang senaryo na kanyang nakita. Knowing that Yvone was Liam’s first love. Kahit may tiwala siya kay Liam pero hindi niya maiwasang mag-alala. Hindi rin siya nito tinatawagan simula pa nang umaga na nagpunta siya sa bilihan ng gown.Lumipas ang gabi na puno siya ng pag-aalala nang biglang nag-ring ang kanyang phone.“Hey sweetie.”Sa wakas napawi rin ang kanyang pag-aalala nang marinig ang boses ni Liam sa kabilang linya.“Liam, honey, kumusta ka na,” yung tono tuloy ng boses niya akala mo isang taon silang hindi nagkita.“I’m okay, kakauwi ko lang, let me sleep for a while tapos bibili tayo ng wedding ring okay.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ni Liam. Sa wakas mapapanatag na siya.Lumipas ang tanghali at tumawag nga ito sa kanya at sinabing susunduin siya at tinotoo nito ang pangako. Medyo halatang napuyat ito sa pagbabantay kay Yvone.“Kumusta na si Yvone?” ayaw sana niyang m
HINDI pa man oras ng pagsasara ng shop napilitan si Lara na magsara ng maaga dahil maagap ding dumating si Liam para sunduin siya. This time may pupuntahan daw silang lugar.“Hey sweetie,” matamis na bati ni Liam.“Hey,” sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap.“Are you ready?” bakas sa mga mata ni Liam ang excitement. “Ha? Saan? Ano ba yung pupuntahan natin?”“Basta halika na sumakay ka na.”BUMABA sila sa isang Villa na isa sa mga property ng Legaspi. Malapit ito sa lake na hindi naman kalayuan sa town proper. May isang bahay doon na parang ancestral house, hindi naman kalumaan ang style kasi mukhang na-presserve pero nagkaroon ng kaunting renovation. “Gusto mo ba dito?” tanong ni Liam. “Oo naman, tahimik at presko ang hangin”“Tama pwede mo ring maipagpatuloy ang cultivation mo ng ibat-ibang variety ng halaman. Malawak ang lugar.”Pinigilan ni Lara si Liam sa paglalakad at mukhang nahulaan na niya ang ibig nitong sabihin. “Teka lang, you mean….”“Yes, advance gift ni Lol
HINDI NA tinapos ni Liam ang pagkanta, itinuloy na lang ito ng lead vocalist ng banda. Sa sobrang emosyon tumayo si Lara ng marahan para salubungin ito at yakapin pero lumuhod na ito sa harapan niya. Isa-isang bumukas ang mga lights and effects sa paligid. Ang mga puno na animoy pinutakti ng alitaptap saka niya lang napansin ang napakagandang design ng mga bulaklak sa paligid.“Lara, I know that we’ve been through a lot of trials. But now I want to share my life with you. To have and to hold, through thick and thin, for richer or for poorer, and even to the last breath of my life. Will you marry me?”Halos hindi na nakuhang magsalita ni Lara kundi sunud-sunod na pagtango na lang ang kanyang nagawa. Isinuot ni Liam ang engagement ring sa kanyang daliri. Doon niya naramdaman na wala nang anumang bagay ang makakapigil pa sa kanila. Tumayo si Liam at niyakap siya ng buong higpit.MAGDAMAG na nag-iinom si Yvone. Kahit wala siya sa surprise proposal party ni Liam hindi makakaligtas sa kanya