Hindi makagalaw si Jordan nang makita kung sino ang dumating sa lobby ng hotel na pag-aari niya. It’s Yvone. Kakatwang ngiti ang pinakawalan nito habang lumalapit sa kanya.“It’s been a while,” mapang-uyam na bati nito, bago ilapit ang bibig sa tenga ni Jordan, “Hello my dear lover boy.”Halos masindak ang kalooban ni Jordan. Alam niya ang halukay ng bituka ni Yvone, at alam niya ring may gagawin ito na hindi maganda. Yumakap ito sa kanya na halos hindi siya makagalaw.“Why so upset? Don’t you miss me ha?”Itinulak niya ito ng bahagya. “What are you doing here?” malamig na tanong niya.“Oooh, I drove a hundred miles just to get here, iyan lang ba ang isasalubong mo?”Umupo ito sa sofa na animoy pag-aari din niya ang lugar.“Where is Liam, I thought he is here?” pag-iiba nito ng topic.“JORDAN I need you to check—” Natigilan naman si Lara nang makita kung sino ang kausap ni Jordan. Lalong tumindi ang tensiyon nang dumating pa si Liam.“Oh, perfect! What a reunion,” mapang-uyam na tugon
“Fine, I didn’t know that Jordan is getting married. Anyway, baka pwedeng iwan mo muna kami dahil may importante pa kaming pinag-uusapan,” aroganteng utos ni Yvone.“Sorry pero ayoko,” pagmamatigas naman ni Dalia.“Huh! I like you, mukhang magkakasundo tayo,” mapaklang sagot ni Yvone.“Hindi siguro.”“Pwede ba tama na,” pigil naman ni Jordan. “Dalia, umuwi ka muna, pupuntahan na lang kita mamaya.”Hindi naging maganda sa pakiramdam ni Dalia ang utos na iyon ni Jordan. Pakiramdam niya may mahalagang bahagi ang babaeng iyon sa buhay nito. Kaya inis ang nararamdaman niya habang naglalakad pauwi.GAYA ng ipinangako ni Jordan, pinuntahan siya nito sa kanilang bahay. Sa bwisit niya kay rito, hindi niya ito hinarap. Nagkulong siya sa kwarto at nagmukmok.“Dalia ano ba, nandito si Jordan.” Pinasok siya ng kanyang ina sa kwarto.“Hay, hayaan n’yo siya Nay. Masama ang pakiramdam ko, pauwiin n’yo na lang siya,” walang kwentang pagdadahilan niya.“Anak, huwag mo namang bastusin si Jordan, nagpaka
Halos araw-araw na kinukulit ni Yvone si Liam, hindi siya tumitigil sa pagsunod dito. Wala namang ginawa si Liam kundi ang itaboy siya. Kaya si Liam lagi na lang nasa labas at nakikipaglaro kay Nate.“Nate,” tawag ni Lara sa anak, isang hapon matapos ang kanyang trabaho.“Mommy, nandito po ako,” sagot ni Nate habang nakikipaglaro kay Liam sa garden ng resort.“Hey baby, halika na kailangan na nating pumasok sa loob,” magiliw na yaya niya sa anak.“Ayoko pa mommy, naglalaro pa po kami ni Mr. Bunny e.”Kumunot ang noo niya sa pagka-amuse sa endearment ng mga ito. Si Nate ang little bunny at si Liam naman ang Mr. Bunny. Bahagya siyang napatawa at sinakyan na lang ang trip ng anak.“Okay, Mr. Bunny is tired so he needs rest. Kaya halika na we need to go inside okay.”“Hey little bunny, do as your mom says. I’ll see you tomorrow.”Halata sa expression ng mukha ni Nate ang dismaya. Ayaw man nitong gawin ay sumunod na lang. Napasinghap si Lara ng makita si Yvone na kanina pa pala sa likura
It’s 4 o’clock in the morning nagising si Liam at bahagyang napasimangot sa sakit ng ulo na naramdaman. Tila may halong drugs ang ipinainom sa kanya nila Donie at Albert. Naramdaman niyang mabigat ang kanyang braso na parang may nakaunan dito. Nilingon niya ang katabi sa kama at isa itong babaeng kapwa hubad din katulad niya. Bahagya siyang nagulat pero hindi na niya ikinabigla dahil alam niyang may nangyari sa kanila ng nakaraang gabi. He admitted that it was an amazing night, sa tanang buhay niya mula nang tragic break up nila ng kanyang ex-fiancee. Tinitigan niya ito at kinunan ng litrato para naman kahit paano may souvenir siya sa Stacy na ‘to. “Stacy, yes, Stacy is her name,” naibulong niya sa hangin. Ayon kay Donie isa itong anak ng isang mayamang negosyante na patay na patay sa kanya. Kaya naman ito ang iniregalo nila sa kanyang 35th birthday at 5 years of setting his self free from pain. For him, it’s not bad at all. Kakaiba ang babaeng ito, kahit isang one night stand lang
Lumipas ang isang linggo, akala ni Liam makakalimutan na niya ang nangyari noong birthday niya pero mas lalong tumindi ang pag-aasam na makita at mahanap niya si Nightbird. Nagpatulong na siya kay Daniel pero hindi rin daw nakuha nito ang impormasyon. Ang nasabi ng ilang crew ng Empress Hotel hindi nila nakuha ang information about her name dahil naghihintay pa ito sa kasama niya at hindi pa man lang nakapag-reserve ng table kaya ayon zero ang kinahinatnan ng kanilang paghahanap. He’s in his office, nakasandal sa swivel chair at nakatitig sa kisame na iniisip si Nightbird. After a moment bumalik na siya sa trabaho. Maya- maya pa ay kumatok na si Suzy ang kanyang dakilang secretary. “Yes Suzy?” tanong niya rito.“Sir heto na po ang mga hard copy ng files na pinakukuha ninyo. Naka-book bind na po yan.” Ipinatong ni Suzy sa table. Again, kagaya ng palagiang reaksiyon niya sa mga gumagawa ng files na iyon, napapahanga talaga siya. Malinis ang pagkakagawa at napaka-artistic. “Thank yo
“SIR congrats po,” bati ng doktor kay Billy. “Hay! Hindi ako ang tatay noh, kadiri,” tanggi ni Billy. Hindi makagalaw si Lara sa pagkakaupo, inakay na lang siya ni Billy palabas ng clinic. “Girl buntis ka, kaya pala. Naku congrats kay Eric kahit di ko pa siya nakikita.”Nilingon lang niya si Billy habang tuliro na naglalakad. “Huy girl ano okay ka lang?”Biglang tumulo ang kanyang luha at buong pait na umiyak. Buntis siya pero hindi si Eric ang ama at ang ama ay walang iba kundi ang lalaki iyon na hindi niya man lang kilala. Iniwan niya si Billy at tinungo ang Empress hotel, hinanap niya si Wendell ang waiter na nakilala niya. Nagtanong siya sa guard pero hindi siya agad pinapasok. Paano masyadong agresibo ang kanyang kilos kaya napagkamalan siyang wala sa sarili at malapit na nga siyang mawala sa sarili. Naniniwala siyang matutulungan siya ni Wendell. Pero hindi siya pinapasok sa loob kaya naghintay siya sa labas at umupo sa gutter. Nalilito habang umiiyak. Natanaw niya sa malayo
“Sir, I’m sorry po hindi ko alam na kayo pala iyan.”Pakiramdam ni Liam parang tumitigil ang kanyang paghinga ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Para siyang napako sa pagkakatayo na nakatitig lang sa kanya at nakita ng lahat ang pagkabigla niya. Siya iyon si Nightbird. Samantalang si Miss Bernal ay nakatungo at hindi makuhang tumingin sa kanya.Maya-maya ay sumimangot ito at waring hindi nagustuhan ang naamoy at nagsimulang maduwal kaya hindi niya napigil tumakbo papuntang CR. “A-anong, a---anong nangyayari sa kanya?” halos mabulol siya sa pagsasalita. “Naku Sir pasensiya ka na po talaga ako na ang nakikiusap. Buntis po kasi siya kaya hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya,” paliwanag ni Billy. Hindi na siya nakakilos ni makapagsalita. Paano niya malilimutan ang mukha ng babaeng tinitigan niya ng umagang magising siya at ng mga gabing tinititigan ito sa cellphone bago matulog. Siya iyon, si Nightbird. LUMABAS si Lara sa CR at inaasahan na ang katapusan na ni
“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay. “Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.”“Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.”“No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!”“Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya.
Halos araw-araw na kinukulit ni Yvone si Liam, hindi siya tumitigil sa pagsunod dito. Wala namang ginawa si Liam kundi ang itaboy siya. Kaya si Liam lagi na lang nasa labas at nakikipaglaro kay Nate.“Nate,” tawag ni Lara sa anak, isang hapon matapos ang kanyang trabaho.“Mommy, nandito po ako,” sagot ni Nate habang nakikipaglaro kay Liam sa garden ng resort.“Hey baby, halika na kailangan na nating pumasok sa loob,” magiliw na yaya niya sa anak.“Ayoko pa mommy, naglalaro pa po kami ni Mr. Bunny e.”Kumunot ang noo niya sa pagka-amuse sa endearment ng mga ito. Si Nate ang little bunny at si Liam naman ang Mr. Bunny. Bahagya siyang napatawa at sinakyan na lang ang trip ng anak.“Okay, Mr. Bunny is tired so he needs rest. Kaya halika na we need to go inside okay.”“Hey little bunny, do as your mom says. I’ll see you tomorrow.”Halata sa expression ng mukha ni Nate ang dismaya. Ayaw man nitong gawin ay sumunod na lang. Napasinghap si Lara ng makita si Yvone na kanina pa pala sa likura
“Fine, I didn’t know that Jordan is getting married. Anyway, baka pwedeng iwan mo muna kami dahil may importante pa kaming pinag-uusapan,” aroganteng utos ni Yvone.“Sorry pero ayoko,” pagmamatigas naman ni Dalia.“Huh! I like you, mukhang magkakasundo tayo,” mapaklang sagot ni Yvone.“Hindi siguro.”“Pwede ba tama na,” pigil naman ni Jordan. “Dalia, umuwi ka muna, pupuntahan na lang kita mamaya.”Hindi naging maganda sa pakiramdam ni Dalia ang utos na iyon ni Jordan. Pakiramdam niya may mahalagang bahagi ang babaeng iyon sa buhay nito. Kaya inis ang nararamdaman niya habang naglalakad pauwi.GAYA ng ipinangako ni Jordan, pinuntahan siya nito sa kanilang bahay. Sa bwisit niya kay rito, hindi niya ito hinarap. Nagkulong siya sa kwarto at nagmukmok.“Dalia ano ba, nandito si Jordan.” Pinasok siya ng kanyang ina sa kwarto.“Hay, hayaan n’yo siya Nay. Masama ang pakiramdam ko, pauwiin n’yo na lang siya,” walang kwentang pagdadahilan niya.“Anak, huwag mo namang bastusin si Jordan, nagpaka
Hindi makagalaw si Jordan nang makita kung sino ang dumating sa lobby ng hotel na pag-aari niya. It’s Yvone. Kakatwang ngiti ang pinakawalan nito habang lumalapit sa kanya.“It’s been a while,” mapang-uyam na bati nito, bago ilapit ang bibig sa tenga ni Jordan, “Hello my dear lover boy.”Halos masindak ang kalooban ni Jordan. Alam niya ang halukay ng bituka ni Yvone, at alam niya ring may gagawin ito na hindi maganda. Yumakap ito sa kanya na halos hindi siya makagalaw.“Why so upset? Don’t you miss me ha?”Itinulak niya ito ng bahagya. “What are you doing here?” malamig na tanong niya.“Oooh, I drove a hundred miles just to get here, iyan lang ba ang isasalubong mo?”Umupo ito sa sofa na animoy pag-aari din niya ang lugar.“Where is Liam, I thought he is here?” pag-iiba nito ng topic.“JORDAN I need you to check—” Natigilan naman si Lara nang makita kung sino ang kausap ni Jordan. Lalong tumindi ang tensiyon nang dumating pa si Liam.“Oh, perfect! What a reunion,” mapang-uyam na tugon
Kakaibang pakiramdam, simula nang malaman ni Liam ang tunay na pangalan ni Nate. Tinawagan niya si Daniel just to ask for some old pictures of their young age. Nakabuo siya ng plano na bago siya magtanong kay Lara, kailangan niya munang masigurado ang ilang bagay. Iba na ang pakiramdam niya kapag kasama si Nate lalo na nang alagaan niya ito ng buong magdamag. Iniwan na lang niya ang mag-ina sa hospital dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho. He was driving when suddenly his phone rang. Tiningnan niya ang caller ID at napapikit siya nang makita ang pangalan ni Yvone. May kutob siyang nakabalik na ito ng bansa at sigurado siyang ginagalugad na nito ang buong Pilipinas, matagpuan lang siya. “Damn!” Napahampas siya sa manibela. Naalala niya ang kalokohang ginawa sa kanya ni Yvone. Dalawang taon niya itong sinamahan sa abroad bago niya nalamang niloloko lang pala siya nito tungkol sa kanyang sakit. Lalo siyang nagsisi nang hindi niya pinaniwalaan si Lara, kaya ngayon, kahit nagtagpo si
Jordan I’m sorry hindi ako makakasama tonight, kailangan kong dalhin sa hospital si Nate.Sa gitna ng pag-uusap ng pamilya nina Jordan at Dalia, tahimik na nag-alala si Jordan. Inaasahan niyang susunod si Lara pero gaya ng chat nito, hindi siya makakasunod dahil kay Nate.Natapos ng may maayos na kasunduan ang dalwang pamilya. In three months ikakasal sila ni Dalia. Hindi na siya nakatanggi kahit pa nga sinesenyasan na siya ni Dalia.Habang busy ang lahat sa pagkain at kwentuhan, hinatak siya ni Dalia sa isang sulok.“Ano ba? Bakit naman pumayag ka kaagad?” angal ni Dalia.“Sorry, kasi nag-chat si Lara, isinugod niya si Nate sa hospital.”“Ano!? Sinugod si Nate sa hospital!?” Hindi napigil ni Dalia ang lakas ng boses.“What?” reaksiyon ni Liam.At halos lahat ng nasa loob ng kanilang bahay ay nagbigay ng kani-kaniyang reaksiyon na may pag-aalala.“Anong name ng hospital.” Wala nang patumpik-tumpik na gumayak si Liam.“Saint Ann.” Hindi pa natatapos si Jordan ay agad nang umalis si Lia
Almost midnight na nang dumating ang pamilya ni Liam. Hindi siya excited sa presensiya ng mga ito kundi sa water gun na pinabili niya kay Daniel.Si Daniel na agad ang sinalubong niya matapos na magmano kina Donya Leonora at sa Mommy at Daddy niya.“Where is the thing that I’ve asked you to buy?” Nahihiya pa siyang ibulgar sa pamilya niya kaya ibinulong na lang niya ito kay Daniel.Daniel rolled up his eyes at halos matawa siya sa inaakto ng kapatid.“Kuya, ano bang nangyayari sayo, ang weird mo ha?” natatawang tanong ni Daniel.“Basta, saka ko na sayo ipapaliwanag.”Agad nang hinugot ni Daniel sa suitcase na dala niya ang water gun. “O ayan, ang water gun na pinagmamaktol mo.”“Liam?” nakakunot noong puna ng kanyang mommy.“Oh, ahm, Mom it’s nothing, gusto ko lang i-try maglaro ng water gun, nakakainip kasi dito minsan,” pagsisinungaling niya.“LOLA, auntie, uncle, cousins, hey I’m glad you came.” Imbes na yakapin, tinapik ni Donya Leonora ang sikmura ni Jordan.“Ouch! Lola?” angal n
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H