Kinabukasan, unang nagising si Neil, at nginitian ang mahimbing pang natutulog na si Alona. Napansin niya ang maamong mukha nito, na parang wala nang iniisip na problema. Hindi niya napigilan ang sarili, kaya marahan niyang hinalikan ang noo nito. "Good morning, mahal ko," bulong niya, na parang wala siyang intensyong magising ito.Ngunit biglang dumilat si Alona, bahagyang nagulat. "Neil, ano ba? Ang aga-aga, ganyan ka na agad," sabi niya, sabay ikot ng katawan at itinakip ang kumot sa kanyang mukha.Tumawa si Neil, ang tunog nito'y parang batang tuwang-tuwa. "Bakit? Hindi ba masarap gumising na may bumabati sa'yo ng good morning na may kasamang lambing?" tanong niya, habang tinutukso si Alona sa paghatak ng kumot."Neil, seryoso ba 'to? Parang hindi ka pa rin nauubusan ng lakas," sagot ni Alona, pilit na pinipigilan ang tawa habang mahigpit niyang hinawakan ang kumot."Bakit naman ako mauubusan? Eh, ikaw ang dahilan kung bakit lagi akong puno ng energy," sagot ni Neil, sabay hatak n
Last Updated : 2024-11-28 Read more