Home / Romance / The Other Woman of the CEO / Chapter 171 - Chapter 180

All Chapters of The Other Woman of the CEO: Chapter 171 - Chapter 180

187 Chapters

The Other Woman of the CEO Chapter 175

Ang mga mata ni Eduardo at Norma ay nakatitig sa mga mukha ng kambal na malaking kawangis kay Neil, lalo na si Aniego na parang pinagbiak na bunga. Ang pagkakahawig nilang dalawa ay tila nagbalik sa kanila ng mga alaala ng kanilang anak, at sa mga sandaling iyon, nakuha ng mga bata ang puso ng kanilang mga lolo’t lola.Si Emerald, na mas matapang sa kanilang dalawa, ang unang nagsalita, “Hello po,” mahina ngunit may halong kaba ang boses niya. Si Aniego naman ay mahigpit na humawak sa kamay ng kanyang ama, tumingin sa kanyang lolo’t lola, at mahinang bumulong ng, “Hi po.”Hindi napigilan ni Norma ang pagtulo ng kanyang mga luha. Agad niyang nilapitan ang kambal, yumuko, at tinitigan sila ng may pagmamahal sa kanyang mga mata. “Ang gaganda at ang gwapo ninyo,” wika niya, nanginginig ang boses. “Napakablessed namin na makilala kayo.”Lumapit din si Eduardo, bagamat tahimik at halata ang pagpipigil ng kanyang emosyon. Hinaplos niya ang ulo ng kambal, at sa kauna-unahang pagkakataon ay ng
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 176

Sa mga salitang iyon ni Eduardo, naramdaman ni Neil ang init ng pagmamahal na matagal na niyang inakala na nawala. Ang mga mata ni Norma ay napuno ng luha habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at lumingon kay Alona at sa mga kambal.“Simula ito ng bagong yugto sa ating buhay,” sabi ni Norma habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. “Alam ko na hindi naging madali ang lahat, pero ngayon, may pagkakataon tayong itama ang mga pagkakamali at magsimulang muli bilang isang buong pamilya.”Lumapit si Neil kay Alona, hinawakan ang kamay nito, at saka nagsalita. “Alona, salamat sa lahat. Hindi ko man nasabi noon, pero utang ko sa’yo ang maraming bagay—ang pagpapalaki sa mga anak natin, ang pagtanggap sa lahat ng hirap, at higit sa lahat, ang pagbibigay ng pagmamahal na hindi ko maibigay noon.”Hindi nakapagsalita si Alona. Tanging ang maluha-luhang pagtango at pagngiti ang kanyang naging tugon. Ang kambal naman, bagamat hindi pa lubos na nauunawaan ang bigat ng nangyayari, ay
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 177

Habang nagkakasiyahan ang mag-ina ni Neil, si Alona at ang kambal nilang anak sa sala, lumapit si Neil kay Aling Gina, ang ina ni Alona. “Tita, gusto ko pong hingin ang kamay ni Alona. Alam ko po na medyo delayed na at nagkaanak na kami ng kambal. Sana hindi pa po ako huli. Gusto ko pong pakasalan ang anak niyo pong si Alona. Mahal na mahal ko po siya, at para sa apo niyong si Aniego at Emerald na magkaroon ng complete family,” pagsusumamong pahayag ni Neil.Napaiyak si Aling Gina sa narinig. Ang mga salitang binitiwan ni Neil ay ang matagal na niyang inaasahan—ang makita ang kanyang anak na nakatakdang magbuo ng isang tunay na pamilya. Ang pagsasama ni Neil at Alona ay nagbigay sa kanya ng pag-asa at saya.“Neil, anak,” sabi ni Aling Gina, ang kanyang tinig ay nanginginig sa damdamin. “Naghihintay na akong marinig ito mula sa iyo. Nag-aalala ako para kay Alona at sa mga apo ko. Pero mula nang makilala kita, alam kong nasa mabuting kamay siya.”“Salamat po, Tita. Gusto ko pong ipakita
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 178

Habang pinagpaplanuhan ni Neil ang bawat detalye ng proposal, pinili niyang gawing lihim ang lahat upang masigurong magiging perpekto ang surpresa para kay Alona. Alam niyang karapat-dapat ang ina ng kanyang kambal sa isang espesyal at di-malilimutang sandali. Sa kanyang isipan, paulit-ulit niyang iniisip kung paano gagawing makabuluhan ang araw na iyon—mula sa lugar, sa mga bulaklak, hanggang sa engagement ring na bubuo sa kanilang pangako.Isang gabi, habang magkasama sila ni Alona sa isang dinner date, hindi mapigilan ni Neil ang kabahan. Hawak niya ang kamay ni Alona habang naghihintay ng kanilang order sa isang tahimik na rooftop restaurant. Ang mga ilaw ng lungsod ay parang mga bituin na kumikislap, nagbigay ng romantic na ambiance sa kanilang paligid.“Ang ganda ng lugar na ‘to, Neil,” sabi ni Alona habang nakatingin sa tanawin. “Napaka-relaxing.”“Hindi pa ito ang pinakamaganda, Alona,” sagot ni Neil, may ngiting hindi maitago ang excitement. “Marami pang mas espesyal na darat
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 179

Habang siya ay nagmamaneho pauwi, nakatingin siya sa kahon ng singsing na hawak niya sa kanyang kamay. Sa bawat segundo, mas lalapit siya kay Alona, at alam niyang magbubukas na ang isang bagong chapter sa buhay nila.Pagkarating ni Neil sa bahay, nagmamadali siyang pumasok at agad na tinawag si Tita Gina, ang ina ni Alona. Mabilis ang kanyang paglalakad patungo sa sala, kung saan nakita niya si Gina na nag-aayos ng mga gamit sa isang maliit na mesa. Agad siyang lumapit sa kanya, ang mga mata ay puno ng determinasyon at kaba."Tita Gina, kailangan ko ng tulong mo," wika ni Neil, ang boses ay naglalaman ng mga emosyon na hindi niya kayang itago. "Gusto ko sanang mag-propose kay Alona, pero gusto ko pong itanong, ano bang klaseng proposal ang pinaka-magugustuhan niya?"Napansin ni Gina ang seryosong hitsura ni Neil, at nagtakda ng mahinahong ngiti. "Neil, alam ko na hindi mo kami bibiguin," sabi ni Gina, ang mga mata ay nagliliwanag sa kagalakan. "Pero, tama ka. Mahalaga ang proposal na
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 180

Sinusubukan ng wedding coordinator na magpaliwanag ng mga detalye sa mga pagpipilian sa beach proposal. “Ang beach proposal po ay pwedeng maging mas espesyal kung may private setup kayo. May romantic dinner by the sea, candles, at isang intimate ambiance na tiyak magugustuhan ng bride. Ang red roses ay magbibigay ng added touch ng romance. Mayroon kaming iba't ibang options, mula sa small arrangements na may ilang dozen, hanggang sa isang buong flower aisle na maaari pong gamitin."Nag-isip si Neil sandali, pinagmumuni-muni ang bawat detalye. Gusto niyang makuha ang tamang timpla ng simplicity at elegance, kaya’t nagdesisyon siya. "Gusto ko ng maliit na floral arrangement lang, mga isang dosenang red roses, tapos ilalagay ko sila sa paligid ng area kung saan ako magpo-propose. Simple lang, pero tiyak magugustuhan ni Alona.""Perfect na idea po iyon," sagot ng wedding coordinator na nakangiti. "Ang beach setting na may mga red roses ay magiging romantic at intimate. Siguradong magiging
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 181

Habang pinaplano nila ang bawat detalye, hindi maalis ni Neil ang ngiti sa kanyang mukha. Sa bawat ideya at mungkahi ng wedding coordinator, tila lumiliwanag ang kanyang pananaw sa kung gaano kahalaga ang pagkakataong iyon. Sa bawat red rose na ipaplano niyang ipalibot, at sa bawat ilaw na magbibigay liwanag sa gabi ng kanilang proposal, nararamdaman niya ang lalim ng kanyang pagmamahal kay Alona.Sa gitna ng diskusyon, napapahinto si Neil at napapangiti nang mag-isa. "Excited na po akong makita ang reaksyon niya," sambit niya sa coordinator. "Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin at sa mga anak namin."Ngumiti ang coordinator at tumango, "Sir Neil, sigurado akong magugustuhan niya ito. Halatang pinag-iisipan ninyo ang bawat detalye. Iba ang kinang ng mga mata ninyo habang pinag-uusapan natin ito."Nag-isip si Neil sandali bago muling nagsalita, "Alam mo, noong una, hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay namin ni Alona. Pero sa bawat araw na kasama ko siya,
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 182

Habang nagaganap ang emosyonal na proposal nina Neil at Alona, dumarating naman sina Ethan at Penelope, sakto sa pagputok ng mga makukulay na fireworks sa kalangitan. Bumungad sa kanila ang tanawin ng mga pulang rosas na nakapalibot sa isang tent, ang buhanginan, at ang maliwanag na ngiti nina Neil at Alona.Napansin agad ni Alona ang kanilang pagdating. Kumaway siya at masayang ipinakita ang kanyang kamay, kung saan nagniningning ang diamond ring na bigay ni Neil. "Tingnan niyo ito!" sigaw niya, tila isang batang tuwang-tuwa sa bagong laruan.Tumayo si Neil mula sa pagkakaluhod at humarap sa kanila, sabay sigaw, "She said yes!" Malakas ang boses niya, puno ng pagmamalaki at saya, kaya't pati ang mga tao sa malayo ay napatingin at nagpalakpakan.Habang masaya ang lahat sa paligid, hindi maitatago nina Eduardo at Norma ang kanilang pagmamalaki sa anak. Magkahawak-kamay nilang pinagmamasdan sina Neil at Alona, kitang-kita ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa. Sa kabila ng kanilang mga
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 183

Naging panatag na si Alona dahil ikakasal na sila ni Neil. Ito ang kanyang pangarap—makasal sa taong mahal niya. Wala na siyang hihilingin pa. Pagkatapos ng isang linggo, muling pumunta si Neil sa wedding events kasama si Alona. Ngayon, mamimili na sila ng tema ng kasal nila.Habang kausap ng wedding planner, tuwang-tuwa si Neil habang tinitigan si Alona. Ang saya sa kanyang mga mata ay hindi maikukubli. “Alona, anong kulay ang gusto mo?” tanong ni Neil, ang kanyang boses ay puno ng sigla.“Siguro, gusto ko ng pastel colors! Parang mapayapa at masaya,” sagot ni Alona, ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis sa saya. Ang kanilang mga ngiti ay nagsasalita ng labis na pagmamahal at pag-asa para sa kanilang hinaharap.Habang masiglang nag-uusap si Alona at ang wedding planner tungkol sa iba’t ibang wedding themes, hindi maiwasan ni Neil na titigan ang kanyang magiging asawa. Sa kanyang mga mata, si Alona ang perpektong babae—ang kanyang inspirasyon, lakas, at mundo. Tila napakabilis ng
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

The Other Woman of the CEO Chapter 184

Bahagyang nag-isip si Alona. “Hmm… gusto ko sana ng maliit na lugar para sa intimate photoshoot kasama ang pamilya. Alam mo naman, gusto ko rin na espesyal ang moment na ‘yon para sa mga anak natin.”Napuno ng galak ang mga mata ni Neil. “Perfect. Gawin natin ‘yan.”Habang nakikinig ang wedding planner sa kanila, nakikita niya ang malalim na pagmamahalan ng dalawa. “Nakaka-inspire naman po kayong dalawa. Sir, Ma’am, kung may iba pa kayong requests, sabihin niyo lang po. Pero ngayon pa lang, sigurado akong magiging napakaespesyal ng araw na ito.”Napalingon si Neil sa kanyang magiging asawa. “Espesyal talaga, dahil ikaw ang pakakasalan ko.”Namula si Alona, pero hindi mapigilan ang ngiti. “Ikaw talaga, Neil. Hindi ka nauubusan ng paraan para mapangiti ako.”Nagtawanan sila, at ang wedding planner naman ay tahimik na iniwan sila pansamantala upang bigyan sila ng oras.Habang naghihintay, sinamantala ni Neil ang pagkakataon para magpasalamat kay Alona. “Alam mo ba, mahal, kung gaano ko k
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more
PREV
1
...
141516171819
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status