Semua Bab A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO: Bab 181 - Bab 190

194 Bab

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 181

Habang nagaganap ito, tumulo rin ang luha ni Mrs. Ambrosio sa isang tabi, hawak ang kamay ng kanyang asawa. “Tignan mo sila,” sabi niya. “Ito ang matagal nating ipinagdarasal—ang pagbabalik ni Kean, hindi lamang sa alaala niya, kundi pati sa puso niya.”Samantala, tahimik na nakatayo si Mirasol sa gilid ng silid. Sa kabila ng saya ng lahat, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso. Alam niyang sa muling pagbabalik ng pagmamahal ni Kean kay Maria, tuluyan na siyang mawawala sa larawan. Hindi man niya maitanggi ang sakit, alam niyang ito ang tamang nangyari.Lumapit si Dr. Velasco at tinapik ang balikat ni Kean. “Malaking bagay ang paggaling mo, hindi lang sa katawan kundi pati sa puso mo. Napakalaking hakbang nito, Kean. Mabuhay ka para sa pamilya mo.” “Salamat, Dok,” sagot ni Kean, tumingin kay Harry na nakangiti sa kanya. Kinuha niya ang bata mula kay Maria at mahigpit na niyakap ang kanyang anak. “Harry, patawarin si Daddy kung nawala ako sa buhay mo. Pero ngayon, nangangako ako na hin
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-06
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 182

Habang naglalakad si Mirasol palayo sa silid, naramdaman niyang unti-unting nagiging magaan ang kanyang mga hakbang. Ang bigat na matagal nang bumabalot sa kanyang puso ay parang nagsimulang matunaw, at sa bawat hakbang na iniiwasan ang nakaraan, napagtanto niyang hindi niya kailangang magpatawad kay Kean, kundi kailangang magpatawad siya sa sarili.“Hindi ko kayang manatili sa isang relasyon na hindi ko nararamdaman ang pagmamahal na nararapat sa akin,” bulong ni Mirasol, ang mga mata’y tinatabunan ng mga luha, ngunit ang ngiti sa kanyang labi ay tila nagsisilbing ilaw sa madilim niyang daan.Habang patuloy ang kanyang paglakad, naramdaman niyang ang mga luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata ay hindi na luha ng sakit, kundi luha ng paglaya. Isa itong paglimos ng kalayaan mula sa mga tanikala ng nakaraan. Tinutulungan siya ng mga luha upang maghilom, upang matutong mag-move on at tanggapin na ang pagmamahal ay hindi palaging magiging ayon sa ating plano.Naglakad siya ng mas mabil
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-07
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 183

Pagkauwi sa bahay, bumagsak si Mirasol sa sofa, at agad bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang sakit na matagal niyang kinikimkim ay sumabog na parang alon na hindi niya kayang pigilan. Ang bawat hikbi niya ay parang sugat na paulit-ulit na binubuksan. Ramdam niya ang pagdurugo ng kanyang puso—isang pusong nagmahal ng lubos ngunit hindi kailanman nabigyan ng katumbas na pagmamahal."Anuman ang gawin ko," bulong niya sa sarili, "may amnesia man siya o wala, si Maria pa rin ang tinitibok ng puso niya. Ako... kailanman ay hindi magiging sapat."Pumikit si Mirasol at binalikan ang sandali nang nagmulat ng mga mata si Kean matapos ang matagal na pagkaputol ng kanyang alaala. Ang unang salitang binitiwan nito ay hindi ang pangalan niya kundi ang kay Maria. Nakita niya ang kislap sa mga mata ni Kean nang masilayan si Maria. Iba ang sigla nito, ang saya, ang damdaming hindi kailanman ipinakita sa kanya kahit kailan. Masakit iyon. Sobra.Naaalala niya rin ang mga sandaling magkasama si
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-08
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 184

Habang isinasara ang maleta, naramdaman niya ang kaunting gaan sa kanyang dibdib. Bagama’t alam niyang mahaba at masakit ang proseso ng paghilom, alam niyang ito na ang tamang desisyon. Sa bawat paglalakad palayo mula sa tahanang iyon, bitbit niya ang sakit ng nakaraan, ngunit dala rin niya ang pangako ng mas maliwanag na bukas.Sa bawat hakbang ni Mirasol palayo mula sa tahanang minsang naging saksi sa kanyang mga pangarap, ramdam niya ang bigat ng bawat alaala. Ngunit sa kabila ng lahat, bitbit niya ang pangakong magsisimula muli. Gayunpaman, bago niya tuluyang talikuran ang lahat, alam niyang kailangan niyang magpaalam kay Kean—isang huling sandali upang tapusin ang kabanata ng kanilang kwento.Habang hawak ang maleta, dumiretso siya sa ospital kung saan nagpapagaling si Kean. Huminto siya sa harap ng security desk at nag-iwan ng pakiusap. "Manong, pwede ko po bang iwan saglit itong maleta? Babalik din po ako pagkatapos kong makapagpaalam." Tumingin ang security guard sa kanya at t
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-08
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 185

Pinilit niyang ngumiti, ngunit hindi nito naitatago ang kirot sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa kanila at huminga nang malalim bago magsalita."Maria," simula ni Mirasol, ang boses niya'y nanginginig, "Humihingi ako ng paumanhin. Lalo na sa iyo... Alam kong nasaktan kita, at hindi ko kayang mabuhay na hindi humingi ng tawad."Tumango si Maria, ang mga mata ay puno ng pagkakaintindi at kaunting kalungkutan. Hindi ito nagsalita, ngunit ang mga mata ni Mirasol ay nagsasabi ng lahat ng kailangan niyang maramdaman.Lumapit si Donya Loida kay Mirasol at inilagay ang kamay sa balikat ng dalaga. "Walang dahilan upang mag-sorry, Mirasol. Ang buhay ay may mga pag-pili, at minsan, kailangan nating magpasya para sa ating sarili. Pinili mo ang tamang hakbang." "Salamat, La," sagot ni Mirasol habang pinipigilan ang mga luha. "Salamat sa lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin."Ang mga salita ni Mirasol ay puno ng taos-pusong pasasalamat, ngunit sa kabila ng kanyang pagpapakita
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-08
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 186

Sa isang silid ng ospital, ang mga mata ni Kean ay puno ng kaligayahan at pasasalamat. Matapos ang matagal na panahon ng paghihirap, ang kanyang mga magulang, si Donya Loida, at ang pinakamahalaga sa lahat—si Maria at Harry—ay nakatayo sa kanyang paligid. Tuwang-tuwa siya nang marinig ang balita mula kay Dr. Velasco.“Kean, magandang balita. Puwede ka nang umuwi. Ang mga resulta ng mga tests ay maayos na. Patuloy na ang iyong paggaling,” ani ni Dr. Velasco, ang doktor na nag-alaga sa kanya mula nang magkamali ang lahat.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kean. “Salamat, Doc. Salamat sa lahat ng inyong tulong,” sambit ni Kean habang tinatangkang magtaas ng katawan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga tao sa kanyang buhay na naging saksi sa kanyang laban.Si Donya Loida, na hindi nakapagpigil sa saya, ay agad niyakap si Kean. “Salamat sa Diyos, Kean, apo! Hindi ko na kayang maghintay na makauwi ka na.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 187

Habang naglalakad sila patungo sa pintuan ng kwarto dahil wala masyadong signal sa loob, ngumiti si Maria at tinawagan ang kapatid sa telepono. "Eric, nandiyan ka ba? Pumunta ka na rito sa hospital at ipakilala kita kay Kean. Kailangan niyang malaman na wala siyang karibal sa puso ko," sabi ni Maria, ang tinig ay puno ng pagmamahal at kasiyahan.Ang sagot mula sa kabilang linya ay mabilis at masigla. “Oo, Ate! Nandiyan na ako. Andito na ako sa hospital at aakyat na. Magkita tayo diyan.”Habang hinihintay ang pagdating ni Eric, si Kean ay patuloy na nag-iisip. Minsan, ang pagmamahal ay hindi agad-agad nakikita, pero si Maria… siya ang lahat para sa akin. Ang hirap man tanggapin, kailangan kong magtiwala.Ilang sandali pa, dumating na si Eric. May dalang ngiti sa labi at kasabay nito ang kagalakan na halata sa kanyang mga mata. Hindi alintana ang lahat ng mga hirap na naranasan ni Maria at Kean. Ang bawat hakbang ng buhay nila ay nagiging mas magaan nang magsama-sama ang mga piraso ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 188

Pagkauwi nina Maria sa bahay ng Esperanza sa Cebu, hindi niya inaasahan ang biglaang pagdating ng kanyang ina, si Rosemarie Esperanza, mula Manila. Halata ang pagod sa mukha ni Rosemarie, ngunit ang kagalakan sa kanyang mga mata nang makita ang anak ay hindi maikakaila. Tumakbong sumalubong si Harry, ang apo niya, at mahigpit na yumakap sa kanya.“Lola Rosemarie!” malakas na sigaw ni Harry habang yakap-yakap ang matanda. “Alam mo ba, gumaling na si Daddy Kean! Wala na siyang coma!”Napaluha si Rosemarie sa narinig. “Talaga ba, Harry? Ang saya-saya ko naman. Ibig sabihin, masaya na ulit ang pamilya ninyo,” ani Rosemarie habang pinupunasan ang kanyang mga luha at hinahalikan ang noo ng apo.Tahimik na nakatayo si Maria sa tabi, pinagmamasdan ang yakapan ng mag-lola. Nagpaumanhin siya sa ina. “Ma, pasensya na. Akala ko po magtatagal pa kayo sa Manila kaya hindi ko na kayo inantay. Napagdesisyunan ko rin po na pauwiin muna si Harry dito habang nasa ospital pa si Kean.”Ngumiti si Rosemari
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-10
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 189

Kinabukasan, nagising si Kean nang may isang malinaw na layunin sa isip—ang ituloy ang kanyang plano para kay Maria. Hindi na siya makapagpigil. Ang kasal na matagal na nilang pinangarap, ngunit hindi natuloy, ay magaganap na rin. Puno ng determinasyon, nagpunta siya sa isang wedding couture shop upang magpagawa ng bagong gown para kay Maria.Habang tinitingnan ang dating wedding gown ni Maria, nagulat si Kean na pareho pa rin ang sukat nito sa katawan ni Maria. Napansin niya ang bawat detalye—ang disenyo, ang tela, at ang mga alaalang nakatago sa bawat tahi. Ang mga sandaling iyon ay nagpabalik sa kanya sa araw ng kanilang unang kasal—isang kasal na puno ng pagmamahal, ngunit naputol dahil sa mga pagsubok."Si Maria, hindi mo na kayang ipagpaliban pa," bulong ni Kean sa sarili. Agad siyang pumunta sa wedding planner at ipinakita ang mga detalye ng plano. Lahat ay handa na. Tanging ang singsing na lang ang hinihintay. Kaya't nakipagkuntabahan siya kay Eric, kapatid ni Maria, upang ala
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-10
Baca selengkapnya

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 190

Pagkatapos ng ilang saglit, biglang lumuhod si Kean sa harapan niya, may hawak na maliit na kahon. Sa loob nito, isang kumikislap na singsing na tila simbolo ng lahat ng pagmamahal at pangako niya para kay Maria."My heart always belongs to you from the first day I saw you until today, mahal kong Maria," sabi ni Kean, puno ng emosyon ang boses. "Will you spend the rest of my life with me, until our hair turns white? Will you marry me, my love Maria?"Natulala si Maria, hawak-hawak pa rin ang mga rosas habang tumulo ang kanyang luha. Hindi niya inakala ang ganitong surpresa. Ang buong paligid, ang musika, at ang mga bulaklak—lahat ay perpektong naglalarawan ng pagmamahal ni Kean para sa kanya."Kean..." sagot ni Maria habang pinupunasan ang luha. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napakaganda ng lahat ng ito. Hindi ko inaasahan, pero... oo! Oo, Kean, papakasalan kita muli!"Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas ang kanilang mga pamilya mula sa taguan. Si Harry, ang kanilang anak, a
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-10
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
151617181920
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status