Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng Revenge Of The Hieress Ex-Wife : Kabanata 61 - Kabanata 70

89 Kabanata

Chapter 61

Hindi na muna siya nagsalita at pinagmasdan lang ang dalawa na nagkukukilitan. Napaka-sarap pakinggan sa pandinig ang bawat tawa ni Mayumi kaya hindi niya namalayan na nakangiti na rin pala siya. “Gusto mo, ako na lang maging daddy mo? Tapos si Ate Ganda, siya na lang ang mommy mo?” dinig niyang tanong ni Dimitri kay Mayumi. Tumagilid naman ang ulo ni Mayumi na pawang iniisip ang sinabi ni Dimitri. “Ngek! Paano po iyon? Mommy at Ate ko po siya?” nalilitong tanong naman nito. “Siyempre, mommy na itatawag mo sa kan’ya. Sa ‘kin naman, ay, daddy. Mas masaya iyon ‘di ba?” Napailing na lamang si Sandy sa kung anong sinasabi at tinuturo nito sa bata. Ano ba kasing ginagawa nito rito? “Nandito na ‘ko…” Kuha niya ng atensyon sa dalawa ngunit hindi siya tumingin kay Dimitri, tanging kay Mayumi lang. “Ate Ganda…” Masayang sinalubong siya nito habang tumatakbo. “Dahan-dahan, madapa ka naman!” saway niya rito at sinalubong niya rin naman ito ng yakap. “Oh, ayan! Pasalubong ko sa iy
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 62

Nahihintakutan na tumayo si Sandy at hindi niya alam ang gagawin sa pagkakataranta. “Hoy Dimitri! Gago ka ba? Bumalik ka nga rito!” sigaw niya ngunit dahil madlim ay hindi na talaga niya ito makita sa tubig kahit ang kamay mga nito. “Diyos ko naman!” kabadong sambit niya, “lakas ng sapak mong gag* ka! Bumalik ka na, bumalik ka na, please!” Ang lakas ng kalabog ng dibdib ni Sandy sa mga sandaling iyon. Tumayo na siya ‘t nagsasalita nang mag-isa habang ang mga paa ay nagpa-padiyak. Sa isip niya ay pinagti-tripan lamang siya nito, pero iyong lintik niyang puso ay takot na takot sa kung anong nangyayari kay Dimitri. Nang lumipas na ang 15 minutes at hindi pa rin umaahon si Dimitri ay kahit giniginaw dahil sa lakas ng hangin na napilitan na siyang lumusong na rin sa tubig at sinundan ang dereksiyon na pinuntahan nito kanina. Napadali siya ‘t lumangoy pagitna. “Dimitri…” sigaw siya, “Dimitri nasaan ka na? Hindi ako natutuwa! Lumabas ka na!” sambit niya at inilibot ang kanyang pan
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 63

Mabilis na pinaharurot ni Corrine ang kotse, mabuti na lamang ay malapit lamang ang ospital at ilang minuto lang ay nakarating na sila. "Bumaba naman sila at humingi ng tulong at dinala na rin sa ER si Mayumi. Ngunit nagkagulatan sila ni Dimitri nang naro'n din ito. "Dimitri!" "Corrine!" halos magkapanabay nilang sambit. "Anong ginawa mo rito? Nasaan si Sandy? Huh?" tanong niya kay Dimitri. "May nangyari at nasa loob ng ER si Sandy," tugon niya naman. "Ano?! Anong nangyari sa kaibigan ko? Anong ginawa mo?! hindi niya mapigilan ang napasigaw. "Mamaya ko na iyan sasagutin, okay? Kayo? Anong nangyari kay Mayumi?" "Hindi namin alam eh, basta! Bigla na lang namin siyang narinig na dumaing ng sakit sa bandang dibdib niya kaya agad na dinala namin siya rito. Kanina pa namin kayo hinihintay, kung hindi tayo nagkita rito ay hindi ko pa malalaman ang nangyari sa kaibigan ko! Humanda ka talaga kapag may masamang nangyari sa kanya, baka mailibing talaga kita ng buhay, Dimitr
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 64 - Invitation

Kapuwa humihingal ang dalawa nang bumitaw mula sa mariin at mapusok na pag-angkin ni Dimitri sa malambot at malamang labi ni Sandy Hindi iyon ang pagkakataon na ipinadama nila ang masidhing damdamin para sa isa't isa ngunit ang sandaling iyon ay puno ng kakaibang sensasyon at pagnanais ng pag-uugnay. Wala silang sinayang na sandali. Ang bawat kilos ay may lakip ng pagmamadali. Idagdag pa ang dulot na epekto ng pagkasabik nilang dalawa ang lalong gumagatong sa pagliliyab ng kanilang katawan. "Ahhh.. " Dama ni Sandy ang bigat ni Dimitri sa ibabaw niya. Wala siyang pakialam kung halos pahiklas nitong ginawa na alisin ang lahat ng kaniyang saplot pati na ang kahuli-hulihang tabing sa kaniyang pagkababae. Iisa ang kumikiliti sa kaniyang pakiramdam - iyon ay ang mga haplos ni Dimitri na tila ba kinakabisad niya ang lahat ng kurba ng kaniyang katawan. Mga haplos na humantong sa lambak na nagkukubli ng isang lagusang dinadaluyan ng nectar na unti-unting bumabasa sa mas’werteng mga daliri n
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 65 - He 's Back

Nakailang beses na napabuga ng hangin si Sandy nang tumigil na sa parking lot ng La Hacienda Hotel ang kotseng kinalululanan. Napatingin sa kaniya ang kaibigan na kasalukuyang nasa driver's seat. "Oh, ano? Tutuloy pa ba tayo?" untag na tanong ni Corrine sa kaibigan, "Puwede tayong bumalik kung hindi mo talaga kayang um-attend sa auction na iyan." "Nakabihis na tayo, so, walang dahilan para umurong tayo at bumalik pa," tugon naman ni Sandy. "Okay." Patango-tango na sagot ni Corrine sa Kaibigan. "Sabagay, imposible namang narito ang taong kinamumuhian natin at may matinding kasalanan sa iyo. Hindi naman natin siguro makikita iyon dahil balita ko ay nasa sa England ito." Ang tinutukoy ni Corrine ay walang iba kung hindi si Dimitri na pilit na kinalimutan si Sandy. Humugot muna ng isang malalim na paghinga si Sandy bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas doon. Sumunod na rin naman si Corrine sa kaniya nang makitang tuluyan na siyang nakalabas mula sa kotse. Hindi nga b
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 66 - Hate the most

"Hey, are you okay?" tanong agad ni Calvin na tila inihanda ang sarili na alalayan siya nang makita nitong tila matutumba siya nang tumayo mula sa pagkakaupo niya. Nang nang tingnan niya ito ay ang malapad na pagkakangiti nito sa kanya. "Uy, Sands! Buti naman dumating kayo ni Corrine," masayang yumakap naman si Nadine sa kanya kaya hindi na niya nasagot pa si Calvin sa tanong nito kung okay lamang siya. "Siyempre naman darating kami, alangan naman na palampasin namin ito, eh, ngayon na lang ulit tayo magkakasama-sama, after 1 year," excited ang tinig na tugon ni Corrine sa sinabi ni Nadine. Ang balak ni Sandy na pumunta muna sa ladies room ay hindi nagkaroon ng katuparan dahil sa naging kumustahan nila. "Kung hindi kay Calvin, wala sanang ganito kaya pasalamat tayo at tungkulin niya na mag-organisa ng ganito," ani naman ni Anya. "Si Margaux ang naging abala sa lahat, siya ang dapat nating pasalamatan," tugon naman ni Calvin na sumulyap pa sa binanggit na dalaga. Isang mabining
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 67 - Act like nothing

Naramdaman ni Sandy ang kakaibang lamig na nanunuot sa kaniyang kalamnan. Pahapit niyang niyakap ng mahigpit ang unan na nasa kaniyang mga bisig at hinila ang kumot pabalot sa sariling katawan. Napangiwi siya nang biglang maramdaman ang bigat at bahagyang pagkirot ng kaniyang ulo. Nasapo niya ang kaniyang noo. Pilit na inaalala ang sanhi ng pagkirot na iyon. Biglang nawala ang kaniyang nadaramang antok nang sandaling iyon at pabalikwas na bumangon. Natutop niya ang kaniyang bibig nang ilinga ang kaniyang paningin sa lugar na kinaroroonan. Hindi sa kaniya pamilyar ang silid na iyon. Para siyang biglang pinagpawisan nang suriin niya ang sarili at makitang naka-nighties lang siya. Malamig ang paligid sanhi ng nakabukas na aircon ngunit ang bumukal na pawis sa kaniya ay tila ba pawis ng nakabilad sa ilalim ng sikat ng araw. Pilit niyang binalikan sa kaniyang alaala ang nagdaang gabi. Ang tanging naaalala niya ay ang pag-attend niya sa Auction nila ng mga kakilala kasama si Corrine. No
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 68 - Playful Kiss

Napatigil sa paghakbang si Sandy nang makalabas na siya sa silid kung saan niya iniwan si Dimitri. Napabuga siya ng hangin nang tumambad sa kaniyang paningin ang dalawang pasilyo. Hindi siya sanay sa bahay ng lalaki sapagka’t noong naging sila ay hindi man lamang siya dinala nito roon. Ngayon nga ang unang pagkakataon na narating niya ang ancestral house ng mga Vinocencio. Nang maramdaman niyang bumukas ang pinto ng silid na pinanggalingan ay nagmamadali siyang agad, nagpasya na ihakbang ang mga paa at batid niyang si Dimitri ang lumabas roon sapagkat wala namang ibang tao. Ayaw niyang maabutan pa siya nito kaya tinahak niya ang pasilyo sa gawing kaliwa kahit wala siyang ideya kung saan ito patungo. Ni hindi na man lamang niya tinangkang lumingon sa mga yabag na ramdam niyang kasunod niya. Sa bandang dulo ng pasilyo ay nakakita siya ng hagdan. Buong pagmamadali na bumaba siya roon. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang tumambad sa kaniyang paningin ang dining room kung saan naroon
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 69 - Frustrated

“Ngayon mo sa akin sabihin na wala na akong epekto sa sistema mo!” Malayo-layo na rin ang nalalakad ni Sandy mula sa tarangkahan ng ancestral house ng mga Vinocencio ngunit tila paulit-ulit pa rin na umaalingawngaw sa kaniyang isip ang sinabing iyon ni Dimitri sa kaniya. “Ang yabang!” sambit niya sa sarili. Bakit nga ba naman kasi sa dinami-rami ng magiging reaksiyon niya ay tila in-enjoy pa niya ang halik na iyon? Ang dapat niyang ginawa ay itinulak ito at sinampal ng paulit-ulit ngunit sa halip na ganoon ang maging tugon niya ay ninamnam pa niya. Bahagya niyang tinapik-tapik ang sariling ulo. Nais niyang mahimasmasan at magising sa kung anumang pakiramdam na saglit na lumukob sa kaniya kanina. Dahil wala sa dinaraanan ang isip ay muntik na siyang matapilok. Para pa siyang batang nagpapadyak sa lupa sa tindi ng inis sa lalaki. Noon niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng mga masel sa kaniyang binti. Marahil ay sanhi ng napakataas na heels ng kaniyang sapatos. Minabuti niyang
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 70 - Drunk gone wrong

Kanina pa palakad-lakad sa loob ng silid ni Corrine si Sandy. Paroon at parito siya kaya naman nakuha na niya ang atensiyon ng kaibigan na kasalukuyang nagche-check ng mga emails nito. “Hoy! Ano na? Tila ka pusang hindi mapaanak diyan,” ani nito at nakataas ang isang kilay na tanong ni Corrine sa Kaibigan. Hapon na noon at kanina pa sila nakabalik dito sa Manila mula Laguna. Huminto si Sandy sa pagpapabalik-balik at hinarap ang kaibigan at napabumuntong-hininga pa siya bago ito sinagot. Humakbang siya palapit kay Corrine at naupo sa gilid ng kama sa tabi nito. “Sampalin mo ako, Corrine” mariin at seryosong utos niya sa kaibigan “Ano?” Tila hindi ito makapaniwala sa gusto niyang mangyari. “Basta, sampalin mo ako.” Kinuha pa ni Sandy ang palad ng kaibigan at idinikit sa kanang pisngi niya. Agad naman iyong binawi ng dalaga. “Ano ba ang nangyayari sa iyo?” “Corrine,” iyon lang ang tanging kayang sambitin ni Sandy. Hindi niya alam kung paano ikukuwento sa kaibigan ang lahat
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status