"Sir, remind ko lang po iyong pasalubong ni Daphne. Baka po kasi makalimutan mo na naman, paniguradong one week mo naman susuyuin iyon depende pa sa topak niya," natatawang ani pa ni Dino, ang driver ni Darius. "Damn! Buti pinaalala mo. Wait, nasaan na ba tayo?" tanong niya. Talagang nakalimutan nga nito ang pasalubong para sa kapatid, kung hindi pa pinaalala sa kanya ay talagang mahihirapan nga siyang makipagbati na naman sana. "Narito tayo sa Bicutan exit, Sir. Malapit lang ito sa SM. Dadaan ba tayo?" "Sige, Dino. Pero puwede ba na ikaw na lang ang bumili? Medyo masakit kasi ang ulo ko," pakiusap niya. Marahil sa rami niyang tambak na trabaho kanina kaya ininda na naman ang migraine. "Sige, Sir. Bilhan na lang din kita ng gamot?" "No, thanks, sa mansyon na lang at kaya ko pa naman. Heto ang pera." Nang maibigay na niya iyon kay Dino ay agad na rin itong umalis. Naiwan na nga si Darius sa kotse habang hinihilot ang kaniyang sintido. Nakasandal siya sa headboard habang na
Last Updated : 2024-11-28 Read more