Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Revenge Of The Hieress Ex-Wife : Chapter 41 - Chapter 50

89 Chapters

Chapter 41

Habang naglalakad sila ni Mayumi papasok sa makitid na daanan ay pinagtitinginan sila ng mga tao lalong-lalo na sa kanya. Kahit kinakabahan dahil sa sinabi ng lalaki kanina ay nagpatuloy pa rin si Sandy. Huminto sila sa isang maliit at tagpi-tagping Bahay umano nina Mayumi kaya muli ay nakadama na naman siya ng awa. "Ate, ito po ang bahay namin. Tara na, po!" Hila sa kanya ni Mayumi papasok. "'Tay, nandito na po ako," tawag nito sa Tatay niya. "Kumusta? Napaubos mo na ang mga dalawa mo?" dinig ni Sandy sa tinig ng lalak. Naiwan naman siya sa kanyang kinatatayuan dahil pinuntahan ng bata ang kanyang Tatay. "Opo 'tay! Inubos nga agad eh!" masayang ani pa ni Mayumi na hindi pa muna sinasabi na may kasama siya. "Mabuti naman, kunin mo na iyong pinangato ko sa iyo, bumili ka na ng gusto mong laruan anak. Tig magkano nga iyon ulit? Singkuwenta pesos?" Hindi man nanghihingi si Mayumi kay Tatay Mario ay alam niyang gusto ng anak ang laruan na ikinukuwento nito sa kanya. Mabagal na rin kas
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Chapter 42

"Handa ko po kayong tulungan, Mang Mario. Maari po ba?" alok naman agad ni Sandy, "may sinabi po ba iyong babaeng nag-iwan sa kan'ya noon? May balak pa raw po ba siyang balikan ang bata?" "Oo, kaya umaasa ako. Pero sana ay bumalik na siya, nararamdaman ko na ineng na hindi na ako magtatagal pa. Iyon na lamang ang tanging dalangin ko sa totoo lang. Gusto ko rin naman na mabuhay ng masaya si Mayumi at makapag-aral bagay na hindi ko maibigay sa kanya. Parang sinasakal naman ang puso ni Sandy sa sinabi ni Mang Mario. Ramdam niya ang pagmamahal sa bata, hindi niya mapigilan ang mapa-luha sa situwasyon ng mga ito. "Mang Mario, ako na pong bahala. Ipapa-ayos ko po itong bahay ninyo para mas maging kumportable kayo, ipapa-check up rin kita para malaman natin ang kung ano man ang karamdaman po ninyo." Ngunit umiling naman ito sa kanya. "Sigurado ka ba?" "Oo naman, po. Para kay Mayumi kaya kasa ay pumayag ka na po. Papapasukin Po natin siya sa paaralan, matalinong po si Mayumi. Mat
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 43

Pumintig ang puso ni Sandy, siguro ay bigla siyang nakaramdam ng pagkasabik na magka-anak kaya gano'n. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng babae at nagpaalam na talaga siyang umuwi. Bigla niyang naalala si Lola Lustina, ang matandang dahilan kung bakit siya naipakasal kay Dimitri. 'Kumusta na kaya si Lola? Hindi bale, dadalawin ko na lang siya sa susunod na araw.' Uuwi na muna siya para kunin ang kotse saka babalik upang magtungo sa shop. Sa kabilang dako naman ay nag-uusap ang dalawang matanda na sina Lola Lustina at Carmina. "Kumusta ka na, Lustina? Aba 'y kung hindi pa kita dalawawin ay hindi mo rin akong maisip na puntan ah?" "Ayos lang ako Carmina, ano naman ang gagawin ko sa inyo? Hindi na tayo gaya ng dati ano ka ba naman? Hindi pa ba nananakit iyang mga buto mo?" aning tugon naman ni Lola Lustina na kahit nariyan ang kaibigan ay patuloy pa rin ito sa ginagawang gantsilyo. "Siyempre may maintenance na rin, may sad'ya ako sa iyo kaya ako 'y dumalaw." "Ah, ano
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapters 44

"Finally! Mabuti at nagising ka na," sambit ni Darius. Bigla naman nagtaka si Sandy kung bakit nasa harapan niya ito. “Huh? Bakit nandito ka?” naguguluhan na tanong pa niya dahil mag-isa lamang siya kanina habang bumabyahe pauwi. Malalim na bumuntong-hininga si Darius ngunit naro’n pa rin ang pag-aalala para sa kan'ya. Nang magising si Sandy ay nasa ospital na ito. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid bago muling balingan si Darius na mataman pa rin na nakatitig sa kanya. Nang tuluyan na nagising ang kanyang diwa ay namilog ang kanyang mga mata dahil kasama niya talaga ngayon ang guwapong lalaking ito na President ng Dream Scape kaya naman mabilis niyang naipikit muli ang mga mata dahil baka nananaginip lamang siya. Ngunit nang muling magmulat. Ang guwapong mukha pa rin ni Darius ang bumungad sa kan'ya na ngayon ay nakalapit na nga sa kanya na may makalaglag panty na ngiti sa labi nito. Halos hawig ito kay Dimitri, ang pinagkaiba lang ay madalas itong ngumiti hindi
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 45

Halos kalahating oras nang makarating si Corrine sa ospital. Malalaki ang bawat hakbang nito nang pumasok sa kuwarto ni Sandy dala ang kontrata dala ang lahat ng kanyang designs. Kahit atat na si Corrine na tanungin ang kaibigan kung bakit ito narito ay pinagtuunan na muna niya ng pansin ang pag-uusap nilang tatlo, kita naman niyang maayos na si Sandy at wala naman ito kung anong galos sa katawan. Isip niya kasi ay baka na-aksidente ito. Pinag-usapan nila ang ilang mga detalye tungkol sa mga designs kung kaya ‘y wala nang inaksaya pang oras di Darius di at agad nang pişirmahan ang kontrata para ma-closed na ang deal nila. Nangyari na nga at tagumpay na nagkasundo sina Darius at Corrine na nagpakilala siya si Ariela. Si Darius ay mahilig tumingin ng iba ‘t ibang sulat kamay mula siya ‘y bata pa. Importante para sa kanya ang magandang hand writing lalo na sa tulad niyang madalas na pumirma ng iba ‘t ibang kuntrata at sa tuwing pipirma siya ng kontrata ay nakaugalian niyang tingnan a
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 46

Pinukol ng matalim na tingin ni Dimitri ang hindi apektadong pinsan. Hindi naman umano lubusang magkakilala sina Darius at Sandy atimsan lang sila no’n nagkita sa mayon ng Lolo nila, ngunit bakit tila ba bigla na lamang ito naging interesado sa asawa. Napasimangot si Dimitri at nakaramdam ng iritasyon sa sobrang inis. “Darius, kung hindi ba busy ay ‘wag mo akong pestihin rito! Bulag ka ba? Kita mong may ginawa ako!”"Whaoh, easy!" Itinaas ni Darius dalawang kamay na ani mo ‘y pagsuko sa isang krimen. "Don't mind me, dude! Just focus at your work, then.” Si Darius na lang ang maghahanap ng kailangan niya na sana nga ay mayro’n ni isa man lang na sulat kamay ni Sandy. Hindi na naman na umangal pa si Dimitri dahil may ibang bagay ang gumugulo sa kanyang isipan. Habang abala naman si Darius ay ramdam niya na kanina pa hindi maganda ang mood ng pinsan. Nang wala naman talaga siyang mahanap ay tumigil na na lamang si Darius sa pagkakalkal ng mga papeles na naro’n. "Wala naman eh!” Nguni
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 47

Chapter 47 Kinabukasan ay wala naman na gaanong gagawin sina Sandy and Corrine kaya naisipan niyang yayain kaibigan na dalawin sina Mang Mario ay Mayumi. Kahit isang pa lang naman ang makalipas ay nasasabik na siyang puntahan ang bata. “Woi! Baka mamaya sabihin mo sa akin na mag-ampon ka na lang bigla ah?” pabirong sambit naman ni Corrine na ikinatawa naman ni Sandy kaya bigla tuloy nagka-ideya siya. “Hmmn… Parang magandang ideya mga iyang nasabi mo.” Napasinghap naman si Corrine na nilingon si Sandy.“G*ga! Ang bata mo pa para magkaro’n ng anak. Kung kaya mo naman, bakit ka pa mag-aampon? Tumigil ka nga!” Bigla ay natahimik si Sandy nang maalala ang napag-usapan ni Mang Mario. “Mahina na si Mang Mario, Corrine. Ang totoo nga ay pinapanalangin niya na bumalik na umano ang nag-iwan kay Mayumi sa kanya noon. Kung mawawala siya, paano na lang si Mayumi? Kaya nga naisip ko, na, baka nagkakilala kami ng bata ay dahil para talaga siya sa akin.” Bumuntong-hininga na lamang si Corrine sa
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 48

Nakatawag naman agad ng ambulance si Corrine kaya ilang sandali lang ay nakarating naman agad. Nagsilabasan na rin ang mga kapit-bahay nila ro’n at isinasakany na nga si Mang Mario sa ambulansya. “Ate Ganda, saan po nila dadalhin si Tatay?” tanong ni Mayumi na pinipigilan ang kanyang luha. Malakas ang loob niya ngunit talaga todo ang kanyang pag-aalala. “‘Wag kang mag-alala, Yumi. Dadalhin lang natin siya sa ospital para mas matingnan any magamot siya ro’n. Susunod tayo sa kan’ya do’n sa ospital okay?” ani naman ni Sandy ay ina-alok ang bata. “Corrine, isabay mo sa iyo si Mayumi at ako ang sasama sa ambulansya. Sa ospital na lamang tayo magkita,” bilin niya. “Mayumi, sasama kay Tiita Corrine ha? Dalhin mo ang mga gusto mong dalhin dahil hangga ‘t nasa ospital pa si Tatay Mario ay sa akin ka na muna titira, ayos ba?”“Sige po, sandali lang po. Kukunin ko lang iyong mga binigay niyo sa akin kanina.” Pumasok ito sandali at ay paglabas ay dala-dala na nga nito ang mga laruan niya pati
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 49

“Anon naman ginagawa mo rito?” Salubong ang kilay nitong tanong kay Darius na nakangisi lamang sa kanya. “Ako ang nagpapunta sa kan'ya rito kaya wala ka na sigurong pakialam!” Si Sandy na ang sumagot sa tanong nito kay Darius. Hindi naman makapaniwala si Dimitri. Nagkakamabutihan na ba itong dalawa? Bigla ay naala niya ang sinabi nitong nagkita sila at sa ospital rin. “What about the last time you met? Anong nangyari no'ng sa ospital? Huh?” Mukhang magkasundo na nga umano ang dalawa dahil nag-uusap na ang mga ito cellphone gaya nito kung paano nakapunta rito ang pinsan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa na wala ni isa sa dalawa ang gusto siyang sagutin. “Ano? Wala kayong balak na sagutin ako?” inis na tanong pa ni Dimitri na nagtatagis ang bagang at masamang pinupukol ng tingin si Darius na kalmado lang sa isang tabi na tila pa naaliw sa pagmumukha ng pinsan. Biglang bumukas ang pinto ng ER. “Sino sa inyo Ang kasama ng pasyente?” “Ako po, kumusta po siya?” Bumuntong-hin
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 50

Ando'n na naman iyong kirot ng sa sa puso ni Sandy na pilit niya na sanang hinihilom.“Dimitri. Akala ko ba ay nag-usap na tayo? Paulit-ulit na lang ba? Hanggang kailan mo ba ako gustong saktan? Huh?” umiiyak na sabi ni Sandy. Sa katunayan ay nasasaktan siya nang malaman na nabuntis nito si Lindsay, kung siya na lang sana, handa niyang tanggapin ulit si Dimitri at kalilimutan na lang ang nagyari. Pero iba na ngayon, hindi niya kaya na may isang inosenteng bata ang mawawalan ng buong pamilya para lang sa ikaliligaya niya. Bago pa man sana niya ito iwan ay namilog ang mga mata ni Sandy nang bigla na lamang lumuhod sa kanyang harapan si Dimitri. Bakas ang lungkot sa mga mata nito ay at nagsusumamo. Kinuha nito ang isa niyang kamay na hindi na niya nagawang i-iwas pa. “Oo, sinabi kong hahayaan na kita. Pero hindi ko pala kaya, hindi ko kayang magkunwaring walang pakialam alam sa iyo kapag nakikita kita. Hindi ko kayang makita na totoong hindi mo na nga ako mahal, lalong-lalo na kapag ma
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status