Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Revenge Of The Hieress Ex-Wife : Chapter 71 - Chapter 80

89 Chapters

Chapter 71 - Trouble

“What!?” pabiglang bulalas ni Corrine matapos marinig ang mga ipinagtapat ni Sandy sa kaniya. “Hoy! Ang tinig mo ang lakas,” pananaway naman ni Sandy sa kaniya. “Sinabi ko na nga ba, eh. Hindi ka dapat uminom kagabi. Alak talaga ang nagpapahamak sa iyo. Iyong gabing naganap kung saan nakunan kayo ng video na naging isang malaking eskandalo sa inyo, lasing ka rin noon!” pagtatalak ni Corrine sa Kaibigan. “Kaya nga, ang tanga ko!” paninisi ni Sandy sa sarili. Kulang na lamang ay sampalin niya o sabunutan ang sarili sa mga pinagagawa kagabi. “Paano kung may video na naman ang lahat? Paano kung may mga lenteng nakamasid sa panghaharot mo sa kaniya mula sa parking lot, sa kotse at sa silid niya?” Hindi malaman ni Sandy kung paano sasagutin ang mga tanong na iyon ng pinsan. “Okay ka na, eh. Nagsisimula na ulit ang career mo. May mga offer ka na ulit ng guesting at commercial. Tapos heto na naman si Dimitri hinayaan mo na naman na pumasok sa mundo mo,” seryoso si Corrine habang si
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 72 - Best actress

Walang sinayang na sandali si Sandy. Agad siyang lumabas sa silid ng pinsan matapos marinig ang mga sinabi ng kanilang kasambahay. Halos liparin na niya ang pasilyo at pagbaba sa hagdan makarating lamang agad sa living room. Maging si Corrine ay humahangos na sumunod na rin sa kaniya. “Daddy!” Halos tili nila nang makita ang pagtama ng kamao sa panga ni Dimitri, kasalukuyan siya noong nasa kalagitnaan ng hagdanan. Kitang-kita niya ang matinding galit sa mukha ng kaniyang ama. Ang kaniya namang Lola ay mangiyakngiyak na sa pag-awat. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin nang mapasadlak sa sofa na naroon ang lalaki dahil sa impact ng suntok ni Don Sebastino. Mabilis ang kaniyang mga naging hakbang at pumagitna sa dalawang lalaki nang akmang susugurin ulit ng daddy niya si Dimitri "Daddy, tama na po,” saway niya. "Anak, tumigil ka na. Hindi nararapat na manakit ka ng kapuwa tao,” saway rin ni Senyora Lustina. “Hindi tao ang lalaking iyan. Hindi ko pa nalilimutan ang napakalakin
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 73 - Start

Nag-cross finger pa si Sandy ng lihim at nag-close open pa ang mga palad saka nagbuga ng hangin nang makailang beses nang ihinto na ni Corrine sa parking lot ng Brilliante Tower ang kotse na kinalululanan nila. It is her way of releasing bad energy and welcoming a new positive one. “Are you ready?” tanong ni Corrine sa kaniya. “Yes, and I am so excited.” Halata sa mga mata ng dalaga ang tunay na saya. Ngayon lang ulit nakita ni Corrine ang ganoong klaseng saya sa mukha ng kaibigan mula noon, isang taon na ang nakakalipas. Nabuhay na ngang tuluyan sa kaibigan ang alab ng apoy sa puso nito dahil sa pagbabalik nito sa mundo kung saan siya nararapat. Halos sabay at marahang bumaba sa kotse sina Corrine at Sandy at naglakad na patungo sa lobby ng building na iyon. Kap’wa sila patigil sa paghakbang nang makita ang umpukan ng mga reporter at cameraman na naroon. At bago pa nga sila nakaiwas ay tila hangin na nakalapit na agad ang mga ito sa kanila at napalibutan na sila. Hindi nila in
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 74 - Roller Coaster

Hindi mapakali si Sandy nang oras na iyon habang lulan ng kotse niya at minamaneho ng kaibigan niyang si Corrine. Kanina pa tapos ang meeting at contract signing niya with Brilliant Entertainment ngunit tila naiwan pa rin sa Brilliante Tower ang utak niya. “Stop!” halos biglang bulalas ng dalaga na naging sanhi upang magprenong bigla si Corrine at muntik na silang mabangga ng nakasunod sa kanila. Nagalit pa nga ang sakay ng kotseng nasa hulihan ng kotse nila at nakita pa niyang nagbaba ito ng bintana upang talakan sila. Isang magandang babae ang lulan noon at kita sa mukha nitong nakasimangot at pagkairita sa pangyayari. Saglit lamang naman at para bang nakakita ito ng multo na mabilis na isinara na rin ang bintana ng kotse nito at nag-overtake sa kanila. Hindi na pinansin pa ni Corrine ang nakita niyang reaksyon nito kahit pa nga may bahagya siyang pagtataka. Bahagya na lamang niyang itinabi ang kotse at bagaman hindi iyon tuluyang inihihinto ay napakabagal naman ng takbo nila. “Wh
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 75 - Girl, named Daniella.

Naitakda ang kasal nina Sandy at Dimitri kahit pa nga tutol doon ang kalooban ng dalaga. Mukhang nagkamali yata siya nang umarte siya sa harap ng daddy niya at sabihing nobyo pa rin niya ang lalaki. Ang layunin lamang naman niya ay mailigtas ito sa pananakit na pisikal ng ama pero heto at humantong sa nakatakda niyang pagpapakasal dito. “This is insane!” Hindi mapakali si Sandy kanina pa siya palakad-lakad sa harap ni Corrine na mataman lamang nakamasid sa kaniya at tila nahihilo na sa kasusunod ng tingin sa kaniya. Kasalukuyan sila noong nasa silid ng huli. “Yeah, you’re right. Bakit naman kasi iyon pa ang ginawa mong dahilan para lang mapigilan si Uncle para saktan ang lalaking iyon?” "Corrine, akala ko kasi titigil si Daddy kapag iyon ang sinabi ko.” “I am sure titigil na iyon ngayon. Kasi nasiguro na niya na hindi na maiiwan pang muli ang nag-iisa niyang dalaga. Ikakasal na kasi ito,” tila nambubuska pang sabi ng kaibigan niya na pangiti-ngiti pa. “Hindi ako darating sa kasal,
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 76 - Stolen kiss

Naiiling na natatawa si Dimitri nang ihinto niya sa isang parking lot ang kotse niya. Nakita niya na agad ang kotse ni Sandy. Kita rin niya ang pagbaba nito roon mula sa driver’s seat at tinungo ang kotse na kinalululanan niya. Agad siyang bumaba ng kotse niya para salubungin ito ngunit mabilis na itong nakalapit sa kinaroroonan niya. “I love the way you look, mukhang nagmamadali ka na makita ako,” pilyo na namang ngumiti ang binata sa dalaga. “Ah! Dimitri, hindi ito ang oras para biruin mo ako,” seryoso namang tugon nito. “Ano ang ibang dahilan at kailangan ko pa ulit makipagkita sa iyo. Hindi pa ba sapat iyong sandaling magkasama tayo kanina lang?” “Importante ang sasabihin ko.” “Kung ganoon let’s go somewehere else. Huwag dito,” suhestiyon ng binata. Nag-aalala siya na baka may makakita na naman sa kanilang media. Ayos lamang sa kaniya ang bagay na iyon pero batid niyang hindi iyon magugustuhan ng dalaga. “No! Simple lang ang sasabihin ko.” Napatingin nang may kuryusidad si
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 77 - More than that

Inakala ni Sandy na natulungan na siya ni Clay Brilliante dahil sa ginawa nito kanina lamang subalit mukha yatang lumala pa ang naging sitwasyon. Mukhang nagkaroon na ng ibang istorya at twist ang eskandalo niya dahil sa lumabas na larawan nila ni Clay Brilliante na naghahalikan sa isang parking lot sa harap mismo ni Dimitri Vinocencio. Agad na ini-off ni Corrine ang television at humarap sa kaibigan. Ugali na niya kapag ganoon ay makipanood ng midnight news sa TV na nasa silid nito. "Ano na naman iyon? Kanina lamang ba iyon noong mawala ka?” Nakapamaywang na tanong nito habang pataas pa nitong iniarko ang kanang kilay nito. Hindi malaman ni Sandy kung paano magpapaliwanag o magkukuwento sa kaibigan. Hindi nga nagtagal at ilang magkakasunod na katok sa nakasarang pinto ng silid ni Corrine ang narinig nila. Kapuwa sila nagkatinginang magkaibigan. Biglang napahawak sa noo si Sandy nang maisip na ang daddy na niya ang nasa labas ng pinto at paniguradong napanood din ng mga ito ang bali
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 78 - Jealous

SA mismong silid ni Dimitri inakay at dinala ng binata si Sandy na hindi naman nito tinanggihan. Masyado siyang napapantastikuhan minsan sa mga desisyon at kilos ng dalaga. Paulit-ulit nitong sinasabi na ayaw siya nitong makita at makasama ngunit balik naman nang balik sa kaniya para lamang makipag-usap. Tulad na nga lamang ngayong umaga. Wala pang alas otso ngunit naroon na ito. Ilang tikhim ang pumukaw sa pananahimik ni Sandy. Hindi kasi niya maalis sa isip kung bakit pamilyar sa kaniya ang tattoo na iyon sa baiwang ng babaeng nakita niya kanina. Sigurado siyang may nakitaan na siya noon. Hindi naman mahalaga ngunit para bang nakita na niya. “Akala ko ba gusto mo akong makausap kaya kahit napaka-aga narito ka,” tanong ni Dimitri. Sukat sa sinabi ng lalaki ay muling nagbalik sa isipan ng dalaga ang tunay na pakay niya. “Iyong news about sa ’min ni Clay—” “Lumabas na,” pangungumpirma ng lalaki. "Wala iyong katotohanan.” “Nag-enjoy ka? Nagustuhan mo?” seryoso ang pagkakatanong na
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 79 - Liar

Wala namang naging problema sa pamilya Vinocencio ang kinasangkutan na namang issue ni Sandy. Natuwa naman siya na kahit pa nga sinabi ni Dimitri na gusto nitong mismong si Clay Brilliante ang umayos ng eksenang ginawa nito ay hindi naman siya nito pinabayaan na magpaliwanag sa mga magulang at sa lolo nito. Naging matiwasay at maayos ang breakfast na pinagsaluhan nila roon. Maging ang kaibigan niyang si Corrine na kasalukuyang nasa kotse lamang at naghihintay sa kanila ay inanyayahan na rin ng mga ito. Nais pa sanang itanong ni Sandy sa mga magulang ng lalaki ang tungkol sa babaeng nakita niyang nagswi-swimming ngunit pinigilan na niya ang sarili. Baka lamang isipin ni Dimitri na nagseselos siya. Mabuti na lamang at hindi na nila ito nakasalo. "Oh, napakatahimik mo yata,” puna ni Clay. Mula sa Laguna ay dito siya nagpadiretso sa Brilliant Tower upang makausap ito. Kasalukyan siya noong nasa unit ng isa sa mga heredero ng Brilliante Clan. "Iniisip ko lang na baka hindi na naman ako
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 80 - Tattoo

Isang napakasayang tagpo sa pagitan nina Dimitri at ng babaeng nadat’nan ni Sandy kaninang umaga ang nabungaran ng niya sa hardin sa harap ng napakagarang tirahan ng mga Vinocencio. Kapuwa naghahalakhaan pa ang mga ito habang hinahabol ng babae si Dimitri. Nang maabutan ng babae ang lalaki ay mahigpit pa nitong niyakap ang lalaki. Pumiglas ito ngunit piglas na kababakasan ng mapaglarong panunukso. Ang halakhakan ng dalawa ang tila bumibingi sa paligid. Napatigil lamang sa pagkukulitan ang mga ito nang mahagip siya ng paningin ng babae. Agad itong kumalas sa pagkakayakap sa baiwang ni Dimitri mula sa likuran at nagpaka-pormal. Naging sanhi iyon upang mapatingin naman ang lalaki sa direksyon niya. Bakas sa muka ni Sandy ang galit at pagiging seryoso habang nakatingin sa dalawa. “Babe, narito ka ulit?” nagtataka si Dimitri sapagkat nagbalik muli ang dalaga. Batid naman niyang kagagaling rin nito at ng kaibigan nitong si Corrine kaninang umaga rito. Hindi niya ito tinugon. Gusto na niwa
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status